Chapter 43

2.6K 89 14
                                    

Heaven

Bumangon ako sa higaan na wala si Hell sa tabi ko.As usual tinanghali na naman akong nagising. Ginawa ko muna ang morning rituals bago ako lumabas ng kwarto. Nang maka-kalahati pa lang ako sa hagdan nakarinig na agad ako nang ingay galing sa living room.

Lumapit ako roon para tingnan kung sinu-sino sila. Ano namang meron at napaka-ingay nila? “Heaven, gising kana pala.”

Bahagya akong napairap,“Ay hindi. tulog pa 'ko.” minsan hindi ko alam kung tanga sila o nagtatanga-tangahan lang. “Ano nga pa lang ginagawa niyo rito sa bahay namin?” tanong ko sa kanilang apat.

“Pinatawag kami ni Hell. May sasabihin daw siya.” may sasabihin? Gaano naman ka-importante para tawagin pa 'tong mga madadaldal na ito.

“Gising kana pala.” tumingin ako kay Hell na papalapit sa'kin. “Kumain kana at alam kong nagugutom kayong mag-ina.” hinawakan niya ang tiyan ko tiyaka hinalikan ako sa noo. Buti pa siya alam na gutom kaming mag-ina. Samantalang ako hindi.

Umupo ako sa sofa sabay kuha ng cupcake sa lamesita. Madalas na cupcake ang pinagagawa ko kay Hell pero hindi pa rin ako nagsasawa. “May sasabihin ka raw sa kanila? Bakit sakin hindi mo sinabi. Eh magkatabi lang naman tayo buong magdamag.” tugon ko habang lumalamon. “A-aray...” daing ko.

“Shit! Anong nangyari sa'yo? May masakit ba?” alalang tanong ni Kuya na nasa tabi ko.

Umiling ako, “Nabigla lang ako sa pagsipa ni Baby hehe...” sambit ko tiyaka muling kumagat sa cupcake na hawak ko.

“Hinay-hinay lang kasi Mahal.” saad ni Hell, bakit ganiyan siya? Alam niya kasi na gustong-gusto ko na tinatawag niya akong mahal.

“Ano bang gusto mong sabihin Hell?” tanong ni Demo.

“Gusto ko lang sabihin na...” napa-poker-face nalang ako nang biglang nagring ang cellphone niya. “Wait lang guys, sagutin ko lang 'to.” lumayo siya nang onti samin. Sino ba 'yon at ang galing mang-istorbo.

“Ano kayang sasabihin ni Hell?” tanong ni Kuya. Bakit kami yung tinatanong niya? Bakit hindi si Hell mismo.

“Ang bilis mo naman yata?” tanong ko kay Hell. “Parang nag-bye lang kayo sa isa't-isa ah.” dagdag ko pa at muling kumagat sa cupcake.

“Gusto ko lang sabihin na aalis na kami ni Heaven.” aniya. Huh? Saan naman kami pupunta? Tulog pa yata siya eh.

“Saan naman ang punta niyo?” tanong ni Janelle.

“Kailan ang alis niyo?” tanong naman ni Mae.

“Pupunta kaming Hongkong.” woah! Bakit naman? Tiyaka hindi ba namin hihintayin na manganak muna ko rito?

Nakikinig lang ako sa kanila habang kumakain. Mamaya ko nalang kakausapin si Hell tungkol dito.

“Tungkol pala sa pag-alis namin. Siguro kapag nanganak na si Heaven dito sa pilipinas.” Kung ako kasi ang tatanungin, mas gusto ko na rito na lang ako manganak dahil dito na ako sa pilipinas lumaki.

“Sige Bro, mauna na kami kailangan pa kasi naming pumasok sa trabaho.” lumapit sa akin si Kuya sabay kurot sa pisngi ko. “Sige, lamon ka lang nang lamon.” aniya pa, napanguso naman ako.

“Heaven and Hell, una na kami ha? Balitaan niyo na rin kami kung girl or boy ang magiging anak niyo.” ngumiti kami sa kanila at tumango. May ultra sound nga pala ako mamaya. Excited na akong malaman kung ano ang gender ng anak namin ni Hell.

***

“Congratulations! Babae ang magiging anak ninyo.” masayang sambit samin nang Doctor. Tama nga si Hell, babae nga ang anak namin.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. Ang saya-saya ko sobra. “My Angel Heavell.” ngumiti ako kay Hell tiyaka siya niyakap.

Niyakap niya ako pabalik.“Dalawang buwan nalang.Makikita at mahahawakan na natin siya.” tama siya. Hindi na ako makapaghintay. Handa kong tiisin ang sakit basta mailabas ko siya nang maayos.

Imbis na sa bahay namin kami umuwi. Dumiretso kami sa bahay nina Mommy para sabihin ang resulta. Parehas naman silang natuwa nang malaman nilang babae ang magiging anak namin ni Hell.

Hindi pa nga lumalabas ang anak ko pero marami na silang plano. Excited na rin silang lumabas ang magiging apo nila.

“Tired?” bulong sakin ni Hell. Tumango naman ako dahil medyo nakakaramdam na ako ng hilo. “Ah, Mom and Tita, mauna na kami ni Heaven sa bahay dahil medyo nahihilo na siya. Sa pagod din siguro.” Sambit ni Hell.

“Sige Hell, mag-ingat sa pagdadrive ha? Ikaw naman Heaven, ingatan mo ang sarili mo dahil maselan ka sa pagbubuntis.” grabe naman si Mommy, kung makapagsalita parang wala akong plano mag-ingat.

“Opo” sabay na sagot namin ni Hell tiyaka kami nagpaalam sa kanila.

Nang makarating kami sa bahay, pumunta agad akong kusina para kumain ng Cupcake at uminom ng gatas. Ilang saglit lang naramdaman kong may yumakap sakin patalikod. “Tabihan mo 'ko sa kama. Gusto kong matulog.” bulong niya. Ramdam ko naman na gusto niyang magpalambing kaya humarap ako sa kaniya para haplusin ang magkabilaang pisngi niya.

Umakyat kami at tumungong kwarto matapos kong kainin at inumin ang gatas at cupcake. Humiga naman siya sa lap ko habang ako naman, hinahaplos ko ang buhok niya. “Excited kana?” tanong niya.

“Saan?”

“Sa paglabas ni Angel.”

“Oo naman, gusto ko nang mayakap at mahalikan ang anak natin.” hindi ko naiwasang mapangiti dahil sa tanong niya. “Ikaw ba?” tanong ko pabalik.

“Higit pa sa sobrang excited.” aniya. Masaya ako dahil parehas kaming naeexcite. Masaya ako dahil hindi kami natulad sa iba na hindi pa nga lumalabas yung bata eh broken family na agad.

Umupo siya at pumantay sakin. Binigyan niya ako nang isang mabilis na kiss. “Matulog na tayo. I love you!” hinalikan ko rin siya nang mabilis pabalik.

“I love you too.” ngumiti akong muli at umayos na nang pwesto. Nang nakaayos na ako. Bigla ko namang naramdaman ang paghilab ng tiyan ko. “H-hell... Yung tiyan ko-- ang sakit. A-aray!” napahawak ako sa tiyan ko nang maramdaman ko pa ang pagsipa ng baby.

“Anak, 7 months ka pa lang. Maghintay ka ng 9 months please. Konting tiis pa.” bulong ni Hell sa tiyan ko. Nakahinga naman ako ng maluwag nang biglang tumigil ang pagsakit. Thank you baby dahil nakinig ka sa Daddy mo.

A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Where stories live. Discover now