Gwynel's POV
Nang maglabasan na kami ay di ko alam kung dapat ba kong maniwala sa mga sinasabi nila. Dahil ako ay wala pa namang naranasan na kakaiba tulad ng mga pinagkekwento nila
"Naniniwala ba kayo sa mga sinasabi nila?" Tanong ko kay Marc at Daniel na kasabay kong papalabas
"Oo?" sagot ni Daniel na medyo nagaalangan
Pati sya siguro ay nagdadalawang isip
"Pero parang siguradong sigurado sila sa mga sinasabi nila eh, tsaka pare parehas sila ng sinasabi tungkol sa mga doppelganger" sagot ni Marc
"Oo nga eh" pagsangayon ni Daniel
"Kaya nga parang gusto kong maniwala nalang din eh. Kaya lang wala tayong kasiguraduhan kung tama nga ang lahat ng sinasabi nila" sabi ko
"Basta pag nakita nyo doppelganger ko, sabihan nyo ko agad ha. Para naman handa akong mamatay" birong sabi ni Marc
"Wag kang magalala, tatawagan ka kaagad namin" sagot ni Paulo
Pagkatapos ay nakita kong andito pa sina May, Alonds at Claire, kaya lumapit agad kami sa kanila
"May" pagtawag ko
At napalingon agad sya sabay tanong ng "oh?"
"Sigurado ba talaga kayo sa nakita nyo nun nung namatay si Gela?" Tanong ko sa kanya
"Oo siguradong sigurado kami" agad nyang sagot
"Bakit? Mukha ba kaming hindi nagsasabi ng totoo?" Tanong ni Alonds
"Hindi naman sa ganun" sagot ko
"Eh bakit kailangan mo pang itanong kung sigurado kami?" Tanong ni Claire
"Pshhh! Tumigil nga kayo" pagsita ni May
"Sorry di ko lang kasi talaga alam paniniwalaan ko" sagot ko
"Kaya ikaw magiingat ka ha. Maging alerto ka lagi" sabi ni May sa akin
"Nagiiba talaga si May pag si Gwynel ang kausap" hirit ni Marc
"Oo nga, nawawala yung pagkamataray" dagdag ni Daniel
"Tse" sabi ni May at nangirap pa
"Halika na, umuwi na tayo" sabi nya at umalis na sila
"Ingat" sigaw ko sa kanila
Pagkatapos ay nakita ko silang dalawa na nakatingin sa akin ng tahimik at kaunting nakangiti
"Bakit?" Pagtataka ko
"Ikaw ha, si May na ba yung gusto mo at hindi na si Juds?" Pagloloko ni Daniel
"Siraulo!" Sambit ko sabay batok sa kanya kaya napahawak sya sa ulo nya na tila nasaktan
"Eto naman di na mabiro" sabi nya
"Halika na! Magsiuwian na rin tayo" pagaya ko sa kanila
"Bye! mag ingat ka ha. Maging alerto ka lagi" sabi ni Marc at tila ginagaya pa ang boses ni May
"Alam mo isa ka pa eh!" Sabi ko sabay batok din sa kanya. Tapos ay nagalisan na kami
Juds' POV
Dahil sa takot ay napagpasyahan namin magovernight nalang sa bahay nila Col. Pero kumuha muna kami ng mga gamit para bukas sa kanya kanya naming lugar. Kasama ko sina Ciel, Justin at Adriane. Tutal ay wala namang kasama sa bahay si Col. At ako naman ay nagdodorm lang. Sinabi ko nalang sa roommate ko na di ako matutulog dun ngayon. Nang na kaila Col na kami ay inakyat na namin ang gamit sa kwarto nya.
"Bakit hindi sumama si John?" Tanong ni Justin
"Oo nga noh. Bakit wala sya?" Tanong din ni Adriane
"Matapang naman yun. Kaya nya sarili nya" sagot ni Col.
"Ano, gusto nyo na bang kumain?" Tanong nya
"Sige tara. Nagugutom na rin ako" sagot ko at sumangayon din sina Ciel.
Pero nabalot ng takot ang buong kwarto nang biglang mamatay ang ilaw. Napasigaw kami at naglapit sa isa't isa. Nakapatay rin ang ilaw sa labas ng kwarto ni Col kaya wala kaming makita.
"Bakit namatay yung ilaw?" Natatakot na tanong ni Ciel
At maya maya pa ay biglang bumukas na ulit yung ilaw
"Hay salamat" natutuwang sabi ni Justin
Pero nagulat kami ng makita si John na nakatayo sa labas ng pinto.
"John andito ka pala" sabi ni Justin
Pero nakatingin lang sya sa amin
"Ok ka lang ba?" Pagtataka ni Adriane
Pero wala parin kaming nakuhang sagot sa kanya. Tapos ay bigla nalang syang naglakad papalayo.
Hanggang sa pumasok sa isip ko na paano kung doppelganger pala ni John yun dahil hindi sya umiimik.
"Paano kung hindi talaga si John yun?" Natatakot kong tanong
At nakita ko silang nabahala din. Lalo na si Col.
"Ganyang ganyan yung nangyari nun kay Nique, hindi rin sya umiimik" biglang sabi ni Justin
"Kailangan ko syang tawagan" sabi ni Col sabay takbo papalabas ng kwarto.
Habang kami ay naiwan sa loob ng kwarto at di alam ang gagawin.
Carlos' POV
Habang papauwi sa bahay ay gumugulo sa isip ko ang pinagusapan namin sa school. Totoo ba ang mga sinasabi nila? Bakit sila nagpapaniwala sa mga ganung bagay. Masyado silang mga duwag kung yun ang iniisip nila. Nang nakarating na ko sa bahay ay nakita kong nandun si papa at nakapangalis na suot.
"Aalis ka Pa?" Tanong ko sabay mano sa kanya
"Oo. May aasikasuhin lang ako" sagot nya
"Yan naman lagi mong sinasabi tuwing aalis ka eh" bulong ko
"Ano yun?" Tanong nya dahil di nya narinig ang sinabi ko
"Ah wala po. Sabi ko ingat po"
At maya maya pa ay umalis na sya. Habang ako naman ay umakyat na sa kwarto para makapagpalit na ng damit. Tapos ay kumain na ako sa baba.
Habang kumakain ay may naririnig akong tunog sa taas. Na para bang may naglalakad. Pero ako lang naman ang magisa dito sa bahay ngayon. Pero kahit na may naririnig akong tunog sa taas ay nanatili parin akong matapang at di ko nalang ito pinansin. Pagkatapos kumain ay di parin nawala ang ingay sa taas, kaya napagdesisyunan ko nang umakyat para makita kung ano yun.
Pero pagakyat ko ay tila nawala yung tunog. Ano kaya yun? At pagpasok ko sa kwarto ko ay laking gulat ko sa nakita ko. Dun na ko nagsimulang matakot ng makita ko ang.......
Ciel's POV
Natatakot na ko ng sobra. Nasa kwarto kaming apat at di ko alam kung totoo ba talaga tong nangyayari. Sadyang may mga bagay talaga na mahirap paniwalaan agad agad. Lalo na kung dati ka naring naloko sa buhay mo.
Hay nako! May nangyayari na ngang ganito sa amin, humuhugot pa ko. Ano bang meron sa kin at ganto ako.
"Kailangan natin syang sundan" sabi ni Justin
Nang sumunod papalabas ng kwarto si Justin ay naglabasan na rin kami.
"Col!" Sigaw namin
Sabay sabay kaming naglalakad at kita parin sa mga mukha namin ang kaba.
"Col asan ka?" Sigaw ni Juds
Tapos ay bumaba kami para tignan kung nandun ba si Col.
"Guys walang hihiwalay" sabi ni Adriane
Hanggang sa nagulat kami sa aming nakita. Si Col ay nakahandusay sa sahig at parang walang malay. Kaya agad kaming lumapit sa kanya para tulungan sya.
"Col! Col!" Sabi namin habang sinusubukan syang gisingin.
Hanggang sa napasigaw kami ng biglang may bumulaga sa likuran namin. Pagtalikod namin ay nakita naming si John lang pala ito. At pagkatapos ay biglang sumigaw si Col kaya lalo kaming nagulat. At maya maya pa ay bumangon na si Col at nagtatawanan silang dalawa ni John.
"Aatakehin ako sa puso sa inyo eh!" Sabi ni Juds
"Kala ko naman kung ano na nangyayari!" Sabi ni Adriane
"Nakakatawa mga itsura nyo" natatawang sabi ni John
"Kaya di ako agad agad naniniwala eh. Kasi mahirap nang maloko!" Sabi ko sa kanila
"Ayan na naman si hugot girl" biro ni Col
"Totoo naman eh. Buti nalang hindi nyo ko naloko" sabi ko
"Hindi nga ba talaga?" Sabi ni John at nagpipigil pa ng tawa
Tapos ay di nalang ako sumagot
"Ang lakas din ng trip nyo eh noh" sabi ni Justin
"Kami pa" sabi ni Col
"Halika na nga, kumain na tayo" dagdag nya
Kaya naman kumain na kami para maya maya pa ay makapagpahinga na kami. At magaaral pa kami dahil dalawang araw nalang kami papasok pagkatapos ay tapos na. Kailangan naming magaral dahil exam na namin sa dalawang araw na yun. Pero hindi lang namin sigurado kung makapapagaral kami ng maayos dahil sa mga nangyari.
Carlos' POV
Nagsimula na kong matakot nang makita ko ang sarili ko na nakahiga sa kama. Kamukhang kamukha ko ito at nakatingin ito sa akin. Nakadilat ito ng sobrang laki na para bang patay na ito. Namumutla ang mukha nito at sinimulan na kong kilabutan.
Dahil sa takot ko ay bigla ko nalang sinara ang pinto. Naisip kong tawagan ang mga kaklase ko. Pero naalala ko na nasa kwarto ko nga pala yung cellphone ko. Di ko na magawang makabalik pa sa kwarto ko kaya di ko na sila matatawagan.
Kaya tatakbo nalang dapat ako pababa ng hagdanan. Pero biglang may humablot sa akin. At paglingon ko ay isa itong babaeng nakakatakot ng mukha. Kakaiba ang itsura nya. Napapikit nalang ako dahil ayokong makita ang nanlalaki nyang mata na sadyang mas nakapananakot sa itsura nya.
Hanggang sa bigla nya kong tinulak at nagpagulong gulong ako sa pababa sa hagdan. At pagbagsak ko ay ulo ko ang tumama. Nandilim ang paningin ko at nanghina ang katawan ko dahil sa lakas ng pagkakatama ng ulo ko sa sahig. Di ako makatayo.
Natatakot na ko. Lalo nung makita ko syang pababa ng hagdan at nakatingin lang sa akin. Gusto kong sumigaw pero wala rin namang makakarinig sa akin.
Pagkalapit na pagkalapit nya sa akin ay hinawakan nya ang ulo ko. Tapos ay pilit nyang inaangat ang ulo ko. At nagulat nalang ako ng bigla nyang ihampas ng malakas ang ulo ko sa sahig. Lalo akong nanghina at sobrang sakit ang nararamdaman ko sa ulo ko. Tapos ay wala na kong nagawa ng ilang beses nya pa itong inulit. Di ako makalaban at naiiyak nalang ako. Hanggang sa biglang nalang nandilim ang paningin ko at nawalan ng malay.
-----------------------------------
Dead - 4
Raistlin, Gela, Nique, Carlos
Alive - 24
Jane, Colai, Janine, Alfonso, Kenneth, Bob, Aud, Gwynel, Marc, Daniel, Raven, John, Col, Charlene, Carl, Justin, Adriane, Ciel, Juds, Angelo, Nica, May, Alonds, Claire