Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPL...

By AngManunulatMissDee

109K 4.1K 325

Love me even it's complicated... More

S1 - #DKBMMulingPagkikita
S2 - #DKBMTheForgottenPromises
S3 - #DKBMPregyJade
S4 - #DKBMPagluluksa
S5 - #DKBMPagbabago
S6 - #DKBMLuksoNgPuso
S7 - #DKBMParamdam
S8 - #DKBMSimula
S9 - #DKBMPaglihim
S10 - #DKBMGalit
S11 - #DKBMKomplikado
S12 - #DKBMPagkakapareho
S13 - #DKBMGustoKita
S14 - #DKBMMagkaribal
S15 - DKBMPagpaparaya
S16 - #DKBMPaghaharap
S17 - #DKBMSakripisyo
S18 - DKBMHindiNaPwede
S19 - #DKBMPagtatapat
S20 - #DKBMPaghihiwalay
S21 - #DKBMLigaw
S23 - #DKBMAlalahanin
S24 - #DKBMPangako
S25 - #DKBMLihim
S26 - #DKBMDesisyon
S27 - #DKBMPaalam
S28 - #DKBMSimulaNgBagongBuhay
S29 - #DKBMTuloyPaRin
S30 - #DKBMPagtataposNgUnangHenerasyon
Epilogue

S22 - #DKBMPaglilinaw

2.9K 137 14
By AngManunulatMissDee


      Its already 1 pm in the afternoon, nakakaramdam na ng rebolusyon ang tiyan ko dahil sa gutom. Hanggang ngayon hindi pa rin tumitila ang ulan, bilang din yung mga sasakyang dumadaan. Ito namang kasama ko na tulog nalang, dyos ko hindi man lang ba siya nag aalala sa sitwasyon namin? Napapakagat nalang ako ng labi ko dahil sa gutom, kung pwede lang kainin si Althea ginagawa ko na pero hindi nakakabusog ang appetizer baka lalo lang akong takawin sa kanya.

       "Hay ang sarap matulog." she said at humikab pa, nakakaramdam tuloy ako ng pagkainis dahil sa kinikilos niya. Bigla namang nagpapansin ang tiyan ko, hay naku di ko na talaga kayang itake 'to. "Mukhang hindi ka okay ah?" naman nagtanong pa talaga, di pa ba obvious. She grabbed her back pack, at nakita kong may inilabas siyang lunch box, yes pagkain! Nagliwanag ang mukha ko dahil may makakain na ako. "Buti pinagbaon ako ni Nanay. Ito kumain ka na." binuksan niya ang lunch box at may kainin ito at ulam. Hindi pamilyar ang ulam sa akin pero lamang tiyan na rin yan.

      "Yes! Thank you lord!" i said at tila para akong nanalo sa lotto sa saya.

      "Ayan kumain ka na." inabot niya naman sa akin, at agad akong sumubo.

      "Ang sarap! Anong gulay 'to?" i asked while chewing the food.

      "Ginataang santol na may laing, galing yan sa probinsya namin." napakunot ang noo ko sa sinabi niya, galing siya ng probinsya nila?

      "Don ka galing?" tanong ko sa kanya habang busy sa pagkain.

      "Oo, nag eruplano lang ako kaya mabilis akong nakarating dito buti nalang hindi nasira yan." grabi naman kakagaling lang sa probinsya nila trabaho na agad? Di ba uso ang pahinga sa kanya?

      "Kumain ka din." alok ko sa kanya at sinubuan ko siya, hindi naman siya nagreklamo at tinanggap niya naman. Nakakakilig lang. Sinubuan ko siya hanggang sa maubos namin yung pagkain na dala niya. And finally busog na rin ako, pero may kinuha pa siya sa bag niya nakabalot sa dahon ng saging.

      "Gusto mo? Sumang kamoteng kahoy." alok niya.

      "Galing naman ng bag mo parang bag lang ni Dora ang peg, patikim nga." napangiti siya at agad niyang binalatan ang suman at binigay sa akin, wow it taste good kagaya nung ginataang santol na may laing. Ngayon lang ako nakatikim ng ganitong pagkain, kaya sinulit ko na.

      Matapos namin kumain, tumila naman ang ulan ...

      "Saan ka pupunta?" i asked nang binuksan niya ang pinto ng sasakyan at akmang bababa.

      "Papalitan ko yung gulong para makaalis na tayo." she replied at agad namang bumaba, kaya lumabas din ako ng sasakyan.

      "Marunong ka bang magpalit niyan?" i asked habang kasalukuyan niyang kinukuha ang mga gamit pati ang gulong.

      "Hindi ba na kwento ng Ate Sarah mo na kapag nasisiraan siya ako ang tinatawag niyang magpalit ng gulong ng sasakyan niya?" kwento niya at bahagyang natawa. Linagay niya ang jack sa may ilalim ng kotse at tinanggal niya ang sandals niya saka tinapakan ang jack para umangat. Bilid din ako sa babaeng 'to ang daming alam sa buhay, ang swerte ko naman pala sa kanya.

      "Hindi e, tulungan na lang kita." i offered.

      "No need, busog ka baka sumakit pa yang tiyan mo mapasama pa, kaya ko na 'to." she said and smile at me. Kanina parang mapapanis na mga laway namin dahil di namin iniimik ang isa't isa pero ngayon nag uusap na kami. Nakakatuwa talaga kasi may magandang epekto ang pagkaka stuck namin sa lugar na 'to.

     After niyang mapalitan ang gulong bigla namang buhos ang malakas na ulan.

      "Oh my god Althea it's raining!" agad akong pumasok sa sasakyan pero siya naiwan sa labas para alisin ang jack. "Althea pumasok ka na mababasa ka!" i said to her.

      "Wag mo kong alalahanin kailangan kong tapusin 'to para makaalis na tayo." sagot niya at tuluyan na siyang nabasa ng ulan. Linipit niya ang mga gamit bago siya sumakay, nagalala naman ako dahil baka magkasakita siya. Pagpasok niya ng kotse kinuha ko ang tissue at siyang pinanpunas sa kanya.

      "Ayan basang basa ka tuloy." i said habang pinupunasan siya sa mukha. Napahinto ako sa pagpunas sa mukha niya ng hawakan niya ang kamay ko.

      "Ako na po, hindi na po ako baby." she said napatitig ako sa mukha niya, at napalunok ng makita ko ang pulang pula niyang labi. "Do I look attractive? So that, your craving to kiss my lips?" ganun ba ako ka transparent para malaman niya ang nasa isip ko?

      "Ayan punasan mo sarili mo!" naitapon ko sa kanya ang tissue dahil nakuha niya pa akong biruin. Napansin ko namang tumawa siya pero hindi ko na liningon baka kung saan pa mapunta ang usapan namin.

     She start the engine and immediately drive, salamat kasi makakauwi na rin kami.

---

      Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko, mag aalas sais na. Kanina pa kami bumabiahe pero puro puno ang nakikita namin. This place was already very unfamiliar to me, ni hindi ko na alam kong nasaang lugar na kami.

      "Nasaan na tayo?" i asked her and being worried.

      "Hindi ko rin alam e." she replied and her hands steady on the wheel.

      "Are we safe?" i asked.

      Tumingin siya sa akin at ngumiti, agad niya ring ibinaling ang tingin sa daan.

      "Are you scared?" she asked.

      "Yes ..." sagot ko sa kanya dahil nag aalala na rin ako, sinisipon na rin kasi siya at hanggang ngayon wala pa rin kaming pwedeng tuluyan.

     "Don't be scared, nandito lang ako. I won't let anyone harm you." she said, then my heart felt at peace.

      Tahimik kong pinagmasdan ang dinadaanan namin. Pero ngayon hindi na ako kinakabahan sabi kasi ni Althea hindi niya raw ako pababayaan. I trust her words kaya naman naging kampanti ako.

      Matapos ang matagal na biahe sa daan. Nakakita kami ng isang Inn, she parked the car at agad kaming lumabas. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa receptionist.

      "Miss may bakanting kwarto pa ba kayo?" Althea asked.

      "Yes Ma'am dalawang room po para sa inyo?" Althea nodded and then gave the payment to the lady. Bakit dalawang room pa? Pwede namang isa nalang para share kami? I looked the surrounding mukhang nasa probinsya yata kami, dahil ang creepy ng lugar at kuliglig na ang naririnig ko. So I ask the receptionist.

      "Miss anong lugar ba 'to?"

      "Sariyaya Quezon po Ma'am." sagot nito. Tama nga ako probinsya na 'to.

      "Kaya pala ang layo ng biniahe natin, papunta na palang Quezon Province yung pinasok nating daan kanina." Althea said.

      "I'm sorry it's all my fault." malungkot kong sabi, nakaramdam na ako ng lunglot coz I know Mom and Dad is being worried.

      "Don't be its okay." she said and smile at me. "Ito nga pala susi ng kwarto mo." binigay niya sa aking yung susi.

      "Hmm Althea tawagan ko lang sila Mommy they expect me to go home for dinner." paalam ko.

      "Okay hintayin nalang kita dito." she said.

      Tinawagan ko sila Mommy gamit ang landline ng tinuluyan namin. Ikweninto ko sa kanila ang nangyari at naintindihan naman nila, nangako nalang ako na babawi pag uwi ko.

     Then after that naglakad na kami ni Althea papasok, resort pala ang tinuluyan namin dahil may mga pool at may ilang tao na nagsiswimming. Okay naman yung resort but it was a bit creepy. It seemed haunted and felt haunted too, pakiramdam ko tuloy ito yung mga tipo na pinashoshootingan ng mga horror movie yay! Naninindig na ang mga balahibo ko, iba talaga ang aura ng lugar na 'to!

       "Here's your room. " Althea said nung makarating kami sa 3rd floor. Inabot niya sa akin yung susi at binuksan ko yung kwarto ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang makita ko ang kwarto na tutulugan ko. May malaking bintana at puting kurtina malapig pa yung hangin nang buksan ko yung pinto tapos puro puno pa ang nakikita ko sa labas. Kung wala mang multo dito sigurado ako na aatakihin ako sa puso dahil sa nerbyos at kaba. "Oh bakit ayaw mo pang pumasok? May problema ba?" tanong ni Althea nang buksan niya ang kwarto niya.

      "Ah ---- eh wala naman. Dyan ka lang naman sa katabing room di ba? " I asked tumango lang siya at napakunot noo. Siguro naman pupuntahan niya ako pagnagsisisigaw ako at makakita ng multo.

      "Pasok na ako, katukin nalang kita pagkakain na." she said at agad nang pumasok sa room niya. Kailangan niya na rin kasi maligo.

      Pagpasok ko sa kwarto nakita ko na kompleto ang mga gamit. May sabon, shampoo, towel at bathrobe kaya agad akong pumasok sa Cr para makapagshower na dahil kating kati na rin ang katawan ko sa mahabang biahe. Tiniis ko yong takot na nararamdaman ko dahil kailangan ko na talagang maligo. Habang bumubuhos ang tubig sa shower nanalangin ako.

      "Our father, who art in heaven. Hallowed be thy name thy kingdom come thy will be done, on earth as it is in heaven." pakiramdam ko kasi ang daming nakatinging mata sa akin habang naliligo, at ramdam ko ang lamig sa loob ng bathroom.

       Hindi pa ako natapos maligo pero mabilis akong tumakbo sa labas, dala dala ko yung robe at isinuot ito naiwan naman ang mga damit ko sa loob. I never liked being alone in strange place, natatakot ako. Kasi naman Althea, bakit ba kasi dalawang kwarto pa kinuha mo e pwede namang magshare tayo dito sa mukhang haunted room na 'to. Reklamo ko sa isip ko. Umupo ako sa taas ng kama at nagtalukbong ng kumot dahil ayokong makita ang kabuoan ng kwarto natatakot talaga ako. Pumikit ako at nanalangin ulit.

       I was already reciting my last Hail Mary for the first Mystery when I heard a voice. Mas lalo kong nilakasan ang pagdadasal ko. "Hail Mary  full of grace our lord is with you. Blessed art thou among women and blessed is the fruit of thy womb Jesus."

       "Rhian?" the voice said. Dyos ko naman lord sinusubukan niyo po ba talaga ako? Bakit ko alam ng multo na 'to ang pangalan ko? I was about to start praying again nang may kumalabit sa akin.

      "Lord I'm really really scared!" sigaw ko. "Tama na po please!" napasigaw na talaga ako sa sobrang takot. Nang maramdaman kong wala na yung ingay tinanggal ko ang kumot na naka talukbong sa akin. At nagulat ako na makitang nakatayo si Althea sa harap ko at pinagtatawanan ako. "Ikaw?" I shouted. Takot na takot ako tapos siya lang pala ang tumawag sa pangalan ko?

       Hindi siya tumigil sa kakatawa. "Kumatok ako and I called your name." sabi niya at humahagikhik pa rin.

       "Hindi ko alam na ikaw yon, yung boses mo kasi iba!" i hissed. Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa kanya. My heart was still racing widely inside my chest, pakiramdam ko hihiwalay na ang puso ko sa katawan ko.

      "Well,  that's why I called your name ... Until you assumed that I was a ghost." she said the smile was already very visible. Binato ko siya ng unan sa inis ko.

      "Hindi na kakatuwa!" at tinalikuran ko siya. Naramdaman ko ang paggalaw ng kama kaya alam kong umupo siya.

      "I'm sorry, natatakot ka bang mag isa dito sa kwarto mo?" tanong niya.

      "Hindi pa ba obvious?" naiirita kong sagot sa kanya.

      "Bakit hindi mo sinabi, I'd stay with you if you're scared."

      "Baka kasi sabihin mo duwag ako." I sighed.

      "Sinabi ko ba yon? I said naman earlier na hindi kita pababayaan di ba? Sana sinabi mo na kanina para isang room nalang tayo." she said at naramdaman ko siyang tumayo, yun pala lumipat sa harap ko. "Hey little hamster wag ka ng matakot okay? Nandito lang ako." biglang bumilis ang tibok ng puso ko she's staring me intently into my eyes.
     
      But even before I could say anything, I sneezed. Napangiti naman si Althea. "Asan ba yung damit mo?" tinuro ko yung cr. "Let me guess. You ran here because you're scared?"

      "It's scary here!" I defended myself. Tawang tawa siya na pumunta sa cr para kunin yung damit ko. But upon realizing that she also see my underwear, mabilis akong tumakbo papunta sa Cr. Hindi niya dapat makita yon! Nakakahiya! Amoy melon na yon! Gosh! Dahil sa pagmamadaling pumunta ng Cr nadulas ako sa sahig. "Uhg! Aray!" I said as I felt the stinging sensation on my ankle.

      "Rhian!" sabi ni Althea nung marinig niya yung pagbagsak ko sa sahig. She crouched down in front of me at tiningnan ang ankle ko. "Bakit ba kasi tumatakbo ka nanaman?" mas pinili kong manahimik. Nakakahiya kasi kung malalaman niya na dahil yun sa underwear ko. "It's gonna swell."

      Nagulat ako nang buhatin niya ako. "Kumapit ka isasama kita sa baba, hindi kita pwedeng iwan dito kung natatakot ka." she said I encircle my arms around her neck, amoy na amoy ko siya dahil malapit lang ang mukha ko sa leeg niya. Ramdam na ramdam ko ang bawat tibok ng puso niya.

      "Althea?" I called.

      "Uhmm?"

      "Thank you."

      "For what?"

      "For taking care of me. I really appreciate it." masisinan kong sabi sa kanya.

      "Wala yon, wag ka munang magsalita okay? Just hold on tighter." utos niya sa akin at mas lalo ko namang hinigpitan ang pagkakakapit sa kanya. Nakakahiya kasi dalawang hagdan ang dinaanan namin bago kami bumaba, alam kong pinatitinginan kami ng mga tao pero parang walang pakialam si Althea sa kanila.

      Mas lalong kumabog ang dibdib ko nung mas ilapit niya pa ako sa kanya. I was almost kissing her neck! Gosh!

      "There." she said at hindi ko na namalayan na nakababa na kami dahil nakatuon ang atensyon ko sa katotohanan na masyado kaming magkalapit. Binaba niya ako sa upuan at humingi ng ice sa receptionist, agad din naman siyang bumalik nang makuha niya ang ice. Kakargahin niya sana ulit ako pero pinigilan ko na siya.

      "Althea I think I can walk." sabi ko, baka kasi pagod na siya mabigat pa naman ako.

      "No I won't let you walk." hindi siya nagpapigil at kinarga niya ulit ako. Nakakahiya na talaga, ramdam ko na ang init ng mukha ko sa ginagawa niya. "You weight like a paper Rhian, kumakain ka pa ba?" wow ah ang yabang mo Althea!

      "Baliw ka! Natural kumakain pa!" kinagat ko siya sa leeg at naramdaman ko ang pagvavibrate niya dahil nakiliti siya.

      "Rhian naman baka mabitawan kita!" angal niya, ngayon ko lang napagtanto bakit ko siya kinagat sa leeg? My goodness Rhian, manners!

      "I'm sorry."

      "You notice the weirdest things, Rhian." she said then we stopped in front of the pool. Binaba niya ako sa isa sa mga lounge chairs.

      "Hindi ba tayo babalik sa room?" i asked.

      "Sabi mo nakakatakot don kaya hindi na kita binalik. Saka hindi pa naman tayo kumakain ng dinner kaya dito nalang tayo." she said.

      "Pero hindi ka pa nakakaligo oh?" i replied kasi di pa siya nakakapagshower baka magkasakit siya. Hindi niya pinansin ang sinabi ko, kinuha niya ang yelo na nakabalot sa tila at dahan dahan niyang dinampi sa ankle ko. She looked serious habang ginagawa niya yon, I was drowning in the sight of her caring for me.

      "Bakit ganyan ka makatingin?" she asked nahuli niya na pala akong nakatingin sa kanya. Rhian I think this is the perfect time to ask her about what she said before. Patuloy pa rin ang pagdampi niya ng yelo sa ankle ko.

      "Coz finally I got your attention." i said at napakunot noo siya.

      "What do you mean?" tanong niya habang ang mata niya ay naka focus sa ginagawa niya.

     "Dati kasi gustong gusto ko na pansinin mo ko, yung ako yung humahawak sa kamay mo, yumayakap sayo, nag aalaga sayo, nagpapangiti sayo at humahalik sa labi mo. Ang weird ng gusto ko nung mga panahon na kayo ng Ate ko, sobra yung pagpipigil ko sa sarili ko kaya deep inside parang dinudurog ang puso ko." my eyes starts watering, pero kailangan kong pigilin para masabi ko lahat ng gusto kong sabihin. Kasi pag umiyak ako wala na di na ako makakapagsalita. "Althea gusto kong malaman mo na walang nagbago sa nararamdaman ko para sayo. Kaya gusto kong malinawan yung tanong na bumabagabag sa isip ko, simula ng umalis ka nung gabing hinalikan mo ko. I want to know the answer Althea." i added. Napahinto siya sa pagdami ng yelo sa ankle ko at naramdaman ko ang kanyang buntong hininga.

      "Patawad ...." she said and sighed.

      "For what?"

      "For being coward ..." hindi ko siya maintindihan but I let her finish at what she wants to say. "Alam mo ba nung araw na sabihin mong mahal mo ko, naguluhan na ako nun sa nararamdaman ko para sa Ate mo. Kasi yung pagmamahal mo, naramdaman ko yon nung mga panahon comma ako at hinahanap hanap ko yon noon." I was being surprised pero hindi pa ako dapat matuwa dahil hindi pa naman siya tapos.

       "Naririnig kita, nararamdaman ko ang bawat pagdampi ng kamay mo sa kamay ko, at sa mukha ko. Nararamdaman ko ang bawat halik mo sa noo ko. But i don't know how to respond back to you, para malaman mo na nararamdaman ko yon. Nung magising ako, your Ate was there kitang kita ko sa mga mata niya ang pananabik at pangungulila sa akin. I feel the same way dahil namiss ko din siya, oo naging kami at minahal ko naman talaga ang Ate mo. Pero di ko maiwasan hanapin sa kanya yung mga bagay na naramdaman ko nung panahon wala akong malay. Hanggang sa dumating yung problema sa pamilya mo, sobrang naapektuhan ang Ate Sarah mo. Kaya ginagawa ko ang lahat para ayusin ang problema niyo para hindi siya maapektuhan. Kasi nakita ko na importante sa kanya ang pamilya niya at pati na rin ikaw. Hanggang sa dumating yung issue about sa amin, don ko nasigurado na hindi ko kayang mahalin ang Ate mo higit pa sa kaya niyang ibigay. Ayokong masira siya dahil sa akin, mahal ko siya at hindi niya deserve masira sa lahat ng tao. She's welling to fight for me but I can't do the same, nung makita mo na hinalikan ko siya that was a goodbye kiss. I want her to move on, I don't want her to be stuck with me kaya ako nagdisesyong lumayo. And the night that I lefted you a kiss, don ko lang nalaman na mahal na pala kita." ibig pumalakpak ng tenga ko sa narinig ko at tumulo ang luha ko.

      "Pero bakit umalis ka pa rin kung alam mong mahal mo na ako?" i asked her ano ba ang dahilan niya.

      "I don't want to be unfair Rhi, baka pagsinabi kong mahal kita baka isipin mo na I loved you because of Jade's heart. At ganun din sa Ate mo, ayokong madaliin ang lahat kahit gustong gusto kong sabihin sayo na mahal kita. She needs to heal and I want you to prioritize your family, bago ako pumasok sa buhay mo. I want you to be ready for this game you about to enter, gaya ng sabi ko kung papasok ka sa ganitong relasyon dapat buo ang loob mo at handa kang tanggapin ang sasabihin ng ibang tao against the relationship you about to enter. At kaya mong harapin ang pamilya mo kapag nalaman nila na pumatol ka sa isang lesbian." she explained ngayon malinaw na sa akin ang dahilan kung bakit siya umalis.

      "Althea, I ----."

      "Now I said it, at iniexpect ko na magagalit ka kasi baka inisip mo na paasa ako. Pero maiintindihan ko kung -----"

       I stopped her from talking and then sealed her lips with mine.

       "No more explanation." I said and then leaned in. We already wasted so much time.



A/N : Finally naliwanagan na si Rhian .. Share your thoughts about this scene guys don't forget to leave your comment. Thank you for reading.

Continue Reading

You'll Also Like

755K 37.5K 22
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
568K 20.7K 30
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
88.9K 2.6K 28
This is a fan fiction of RaStro, #TheRichMansDaughter inspired story. Whatever writen here don't have any personal connection to Glaiza and Rhian. "T...
21.1K 914 46
© 2019 [Completed] MikChel AU • (づ。◕‿‿◕。)づ • Where Rachel Daquis is an angel in disguise as a doctor and Mika Reyes is her impatient (yet adorable...