S13 - #DKBMGustoKita

3K 160 14
                                    


      Its been 6 days, anim araw na mula nung umalis ako sa condo at tumira dito sa katabing duplex ni Vanessa. Sobra akong nasaktan sa huling pag uusap namin ni Sarah, naramdaman ko na kung ano yung naramdaman ni Jade dati. Masakit pala, masakit palang hindi ka kayang ipaglaban ng taong mahal mo.

      Simula nung umalis ako, hindi ko na rin nagawang makapag paalam pa kay Rj. Panay na nga raw ang tanong nito kay Vanessa, pero hindi pa rin nito sinasabi kung nasaan ako. Eni email ko nalang kay Karen yung mga dapat gawin ni Rj, maging ito ay nagtatanong rin kung nasaan ako. Panay na nga rin ang text sa akin ni Rj, she always sending me a text...

      "Good morning, take your breakfast don't skip. Ingatan mo lagi ang sarili mo kung nasaan ka man ngayon, sana okay ka lang."

      "Thea eat your lunch okay? In fairness nakakamiss ka din pala. Kapag okay ka na pwede bang tumawag ka?"

      "Pag umuuwi ako ng condo wala akong kaharutan. Miss ko na yung pambubully ko sayo, kailan ka ba magpapakita? Reply ka naman please?"

      Madalas niya akong itext, at ito ang mga text niya sa akin kakabasa ko lang ngayong umaga. I felt like I was losing my mind. Anim na araw na ang lumipas pero nasa isip ko pa rin yung mga sinabi ni Sarah. And I knew I shouldn't think about it. We're done. She ended us. Kaya dapat kalimutan ko na lang kung anong nararamdaman ko para sa kanya.

       Bumangon ako mula sa higaan ko at pumasok sa washroom to fix myself. And after that lumabas ako ng kwarto, to find something to eat. Pagopen ko ng ref isang pirasong peras at fresh milk and cereals. Mapupurga na talaga ako sa kakakain ng cereals, yun nalang lagi ang kinakain ko. Minsan nagpapadeliver nalang ako ng pizza or luriat yun na lunch ko hanggang dinner. I never go out side, madalas lang ako magkulong sa bahay. Sabi nga ni Vaness mukha na raw akong zombie, but I don't mind what she said. All I want is Sarah.

       I was eating cereal and fruits, i think I should go back to work. Hinahanap na rin ako ng mga client namin, kaya after kong kumain papasok na ako.

       Time runs, I was standing in front of the elevator. I was wearing a white long sleeve and red slacks with eye glasses. Halata kasi ang eyebug ko sa mata at ayokong magpahalata sa mga empleyado ko. I was about to enter to the elevator ng magbukas ito, but someone called me at my back.

       "Althea!" unti unti kong nilungon kung sino ang tumawag sa akin, then nakita ko si RJ. Tumatakbo siya palapit sa akin, at sabay kaming pumasok ng elevator kaming dalawa lang.

      Kinalma niya muna ang sarili dahil hingal na hingal ito. I don't know what would I say, I remain silent. But after a minute she break the silence inside the elevator. At isang malutong na palad ang dumapo sa mukha ko.

       "How dare you! Bakit ka umalis ng walang paalam?!" pasigaw niyang tanong sa akin. Natanggal naman ang salamin na tumatakip sa mata ko, at agad ko yun pinulot at sinuot ulit.

      "Masyado ng masikip sa condo, that's why I decided to get another house for myself." I said and trying to act normal. Ayokong malaman niya na ang Ate niya ang dahilan nag paglipat ko.

       "And do you expect me to believe that? Althea pinag alala mo kami ni Ate! Ni hindi mo man lang kami na isipang tawagan o itext para ipaalam sa amin ang kalagayan mo! Ni hindi mo man lang magawang replayan yung mga text ko, and you don't even answer my calls!" she said at bakas sa mukha niya ang inis.

      I took a deep breath para manatiling kalmado. "Rj I'm a big girl now. Hindi na ako bata para intindihin niyo pa, okay naman ako  and now, I was able to work."

      "Althea hindi ako bata na pwede mong papaniwalain sa mga sinasabi mo! Look at your face kitang kita ko that you look pale! At hindi ka aalis ng condo na walang dahilan!" she said dinig ko sa boses niya na parang naiiyak siya. Hindi ako makasagot, narinig ko nalang na sumisinghot siya. "Look, I'm so worried about you. Hindi mo man lang ako hinayaang damayan ka sa kalungkutan mo. Sandali pa lang tayo nagkakakila but I care about you. Kung may problema kayo ng Ate ko sana hindi mo na ako dinamay don. Althea I'm your friend and I'm welling to help you." she added habang umiiyak.

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon