S24 - #DKBMPangako

2.8K 113 12
                                    


       Nung araw na umalis ako ng Pilipinas para magtrabaho sa Canada. Madalas nang maging laman ng isip ko kung paano ako nagpaalam kay Rj. Halos sa bawat umagang dumating, haplos niya ang boses niya ang madalas kong hanapin. Sometimes I watched her video, kuha yun ni Vanessa nung mga panahong comma ako. I don't know how to pay for those tears na iniyak niya nung mga panahong parang ayoko ng lumaban.

      Rj doesn't know about this, send lang yon sa akin ni Vaness para malaman ko kung ano ang pinakawalan ko. Yes, way ko talaga ang pagpunta sa Canada para takasan ang nararamdaman ko pero hindi ko rin kinaya. Habang tumagtagal mas lalo ko lang siyang hinahanap hanap kaya sumabog din ako, mahal ko na nga talaga siya. Naramdaman ko yun isang araw bago ako mag isang buwan sa Canada, tinapos ko na muna ang kontrata ko bago ako umalis.

      Pagbalik ko ng Pilipinas gustong gusto ko na agad puntahan si Rj at sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Pero sabi ni Nanay magkaroon muna raw ako ng Assets, Liabilities and also a Capital para sa taong aayain kong maging girlfriend. Kasi kung sigurado na raw talaga ako don sa babaeng mamahalin ko dapat may pangarap na ako para saming dalawa.

     Kaya naman bumili ako ng lupa sa Tagaytay, at yon sana ang ipapakita ko kay Rj but supposed to be nagbago ang plano nung magkasama na kami. Sinadya ko na talagang maligaw kami para masulo siya, hindi ko kasi mabasa ang nasa isip niya habang nasa elevator kami. Sa ikinikilos kasi niya parang galit siya, hindi siya umiimik, magtanong naman isang tanong lang tapos wala na. Nahihiya din naman akong magtanong sa kanya baka kasi mairita lang siya sa akin. Naisip ko baka galit siya sa akin kaya ganun ang pakikitungo niya.

      Pero mali pala ako nung nagcheck in kami sa isang Inn sa Quezon Province. She's told me na walang nagbago sa pagmamahal niya, kaya pinaliwanag ko yung side ko sa kanya. Ang buong akala ko sampal ang aabutin ko sa kanya pero gulat na gulat ako nang bigla niya akong halikan. Dahil sa pagkabigla hindi ko alam kong tutugon ba ako o hindi, kaya inurong ko nalang ang ulo ko sa pagkakahalik niya. Nung mga oras na yon mas lalong lumakas ang loob ko na may pag asa kaming dalawa. That's why I asked her to be my girlfriend, nung sumagot siya ng Yes gustong lumundag ng puso ko coz finally our feeling is mutual and that was the beginning of AltheRhian.

      Kilig na kilig ako nung mga oras na buhat buhat ko siya. Kahit mabigat siya okay lang, at least na iparamdam ko sa kanya that she's a princess to me. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko, I know that hindi pa yun ang tamang panahon to claim her pero hindi ko na napigilan e, I was burning up that time so I make love with her. Tuwang tuwa ako dahil ako ang naka una, mahal niya nga akong talaga dahil ibinigay niya ang sarili niya sa akin.

       Sobrang nagulat ako sa tawagan namin, kapareho kasi yon ng tawagan namin ni Jade. But I didn't bother myself to it, kasi kung yon talaga ang gusto niya wala na akong magagawa don. I should be happy calling her Hart,  my hart.

       Hindi pa man siya handang magout sa parents niya sa ngayon, I am willing to wait until she's ready. I really love her kaya kahit gaano pa katagal handa akong maghintay. I assure her na wala na siyang dapat problemahin pa kay Sarah, dahil siya lang ang mamahalin ko at hindi ko na mapipilit ang puso ko na magmahal ng iba.

       Dahil sobrang traffic pauwi sa kanila, wala akong ginawa kundi hawakan ang kamay niya at kantahan siya para di siya maboring. Gusto kong ilabas ang lahat ng landi ko sa katawan. I really missed her so much, kulang na nga lang lagyan ko ng pandikit ang kamay namin para hindi na kami magkahiwalay. After long drive, nakarating na rin kami ng Ortigas.

      "Thank you for everything we catch up, sobrang saya ko Hart." she said ng maipark ko na sa may entrance ang sasakyan. Malungkot kasi tapos na ang moment namin, gustuhin ko man na makatabi siya matulog pero hindi pa pwede.

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon