S18 - DKBMHindiNaPwede

2.7K 124 12
                                    


      "Rhi sama ka sa amin may night out kami." pag aya ni Karen kay Rj.

      "Ah sige kayo nalang, magbabantay ako sa hospital eh." pagtangi ni Rj kay Karen.

      "Oh kala ko ba suko na? Eh bakit concern ka pa rin?" tanong ni Karen.

      "Karen nakalimutan mo yata na ako ang dahilan kung bakit na comma si Althea." sagot ni Rj habang inaayos ang mga nakarolyong plano.

      "Hay naku bakit di mo nalang kasi aminin na mahal mo kaya nagpupush ka pa rin. Ewan ko sayo. Bakit di mo nalang kasi pansinin si Rafael? Nanliligaw yon sayo di ba? Kung ako sayo girl mag entertain ka ng iba para hindi mo maisip si Ms. A." payo ni Karen kay Rj. Pailing iling lang si Rj sa sinabi ni Karen sa kanya.

      Suddenly Rj's phone is ringing. Agad niyang kinuha sa bag ang phone niya at nakita niyang Ate niya ang tumatawag inislide niya ito para sagutin.

      "Hello Ate papunta na ako dyan may tinatapos lang ako." agaran niyang bungad sa kapatid.

      "Rj gising na siya, just be here right now hinahanap ka niya." halata sa boses ni Sarah ang saya, natuwa naman si Rj sa binalita ng Ate niya.

      "Really Ate? Wow that's good to hear! Sige sige papunta na ako dyan." Rj said at agad inend ang call.

      "Gising na si Ms. A?" natutuwang tanong ni Karen.

      "Oo kaya kailangan ko ng umalis. Karen ikaw na maglock okay I really have to go!" nagmamadaling kinuha ni Rj ang bag at agad umalis.

@The Hospital ...

        Tinitiningnan ng Doctor ang kalagayan ni Althea dahil kailangan niyang makasigurado na hindi apektado ibang organ sa katawan ni Althea bunga ng operasyon sa kanyang ulo.

      "Well Ms. Castro your vital signs is probably good, wala namang na apektuhan sa senses mo. Pero kailangan mo pa ring obserbahan bago kita edischarge." ayon sa Doctor ni Althea.

      "Doc maraming maraming salamat po." Sarah said.

      "Walang anuman Ms. Tamayo, but anyway can I take a picture with you? Because I'm your fan pati na rin ang mga anak ko." naka ngiting sabi ng Doctor nagulat naman si Althea sa narinig niya.

      "Uhmm of course Doc selfie po tayo." nakangiting tugon nito kaya agad naman kinuha ng Doctor ang phone niya at nakipaselfie sa Doctor.

       "Thank you Sarah, mauna na ako." nakangiting paalam nito at agad lumabas ng kwarto naiwan naman ang mga nurse at humingi rin ng selifie with Sarah.

      "Ms. Sarah pwede po kami rin? Idol po kasi talaga namin kayo." kinikilig na sabi ng isang Nurse.

      "Ms. Sarah lahat po ng kanta niyo paulit ulit kong pinakikinggan, sobrang galing niyo po." dagdag pa ng isa na hanggang tenga ang ngiti.

      "Okay walang problema tara selfie tayo." tugon ni Sarah sa mga fans niya.

      Hindi alam ni Althea kung maiinis ba siya oh matutuwa dahil mas inuna pa ni Sarah ang pakikipagselfie kesa sa kanya.

      "Baby ..." pagtawag ni Althea, agad naman lumingon si Sarah at nagpaalam muna sa mga fans niya na napakunot noo nang marinig nilang ang pagtawag ni Althea kay Sarah.

      "Ah guys some other time nalang ah? Okay lang?" Sarah said.

      "Ah sige po pasensya na, guys tara labas na tayo." pag aya ng isang Nurse sa mga kasama niya at agad lumabas sa kwarto ni Althea.

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon