S4 - #DKBMPagluluksa

4.1K 146 6
                                    


Busing busy si Sarah pag iimpake ng kanyang gamit, she's going to surprise Althea na susundan niya sa province nito. Wala kasing alam si Althea na ininvite siya ni Drew na kumanta sa kasal nito.

While busy preparing her stuffs, nagring ang phone niya and she knew already kung sino ang tumatawag. Coz she customize her ringtone to her parents, siblings, cousin, friends, to Gino and Althea.

Nang kinuha niya ang phone Mommy niya nga ang tumatawag. And she slide it para sagutin.

"Hi mom." walang emosyon nitong sagot.

"Sarah iha." sagot nito at bakas sa boses nito ang lungkot na mukhang kakagaling lang sa pag iyak.

"Mom what happened? May problema po ba?" nag aalala niyang tanong at itinigil muna ang kanyang ginagawa.

"Ang kapatid mo, she need a heart transplant kailangan niya ng maoperahan sa lalong madaling panahon. Pero wala pa rin kaming mahanap na donor, kaya malabo ng mabuhay pa ang kapatid mo. Anak i know masama ang loob mo sa akin, but please puntahan mo naman siya coz she's looking for you. Rj needs you anak." pagmamakaawa nito. Nang marinig ni Sarah ang balita mula sa Mommy niya, tears start to fall.

Masama man ang loob ni Sarah sa Mommy niya dahil sa pag iwan sa kanila ng Daddy niya noon. Hindi pa rin nito matiis ang kapatid niya sa ina, close sila nung mga bata pa. Pero pinag hiwalay din sila nung bumalik ang Daddy ng kapatid niya at kinuha ito kasama ng Mommy niya. Simula noon, sa phone nalang sila nag uusap ng mommy niya at hindi siya nakikipag kita kahit sa kapatid niya.

"Anak are you still there? Kailan ka pwedeng pumunta dito sa hospital?" tanong ng Mommy niya.

"Maybe this Monday Ma, may pupuntahan kasi ako."

"Mas importante pa sa kapatid mo?! Come on, Sarah your sister is dying hindi mo ba siya pupuntahan?!" inis nito sabi at napagtaasan ng boses ang anak.

"Okay sasaglit ako mamaya before pumunta sa Airport." agad na rin nitong enend ang call, dahil baka kung ano lang ang maisagot niya.

"Mas importante? Bakit? Hindi naman kami importante ni Daddy kaya iniwan mo kami. Mas pinili mong sumama sa lalaki mo, kesa sa amin na tunay mong pamilya." ang sabi niya sa isip niya. Habang hindi niya papigilan ang pag luha ng mata niya.

✖✖✖✖✖

Samantala, sinusulit naman nila Althea at Jade ang dalawang oras nila bilang mag kasintahan. Tuloy na ang plano ni Jade na sumama kay Andy sa Manila, para makalimutan na ng tuluyan si Althea.

"Hart can I asked you? Minahal mo ba ako?" tanong ni Jade habang naka yakap sa likod ni Althea.

"Oo Jade minahal kita, alam mo naman yon di ba?" sagot nito.

"Pero sa ngayon kailangan mong pigilan kasi hindi tama." ang sabi nito. Tahimik lang si Althea, at hindi niya masagot ang sinabi ni Jade. Nararamdaman niyang basa ang balikat niya, alam niyang luha iyon ni Jade.

Then Althea realized how much she loves Jade. Pero bakit niya naman kailangang pigilan ito kung kaya niya namang panindigan ang pagmamahalan nila para sa isa't isa. Kaya humarap siya kay Jade.

"Jade ayoko ng saktan ka. Pero kung gusto mo talagang magsimula tayo ulit, sumama ka sa akin sa Manila. Ayoko ring nahihirapan ka at nasasaktan ng dahil sa akin. Takot lang ako sa parents ko. But I realized its time for me to be happy. Hindi na tayo magpapanggap, handa na akong panindigan ang kung anong meron tayo Jade." ang sabi nito at pinunas ang luha sa mga mata ni Jade.

"Talaga?" tanong ni Jade at napangiti ito mula sa narinig kay Althea.

"Oo hart, handa na akong tuparin lahat ng pinangako ko noon. Hayaan mo kong bumawi sayo." ang sabi nito kay Jade, kaya tuwang tuwa si Jade sa narinig mula kay Althea.

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon