S30 - #DKBMPagtataposNgUnangHenerasyon

3.2K 124 21
                                    


       "You're so beautiful Anak." Nanay said in awe as they all looked at me. She was crying as she looked at me, pinipigilan ko ang maiyak kasi baka masira yung make up ko.

       "Mali si Nanay e, dapat Nay 'Anak ang gwapo mo!' dapat ganun." Kuya Alcris said. Baliw talaga tong lalaking 'to. Hinampas naman siya ni Kuya Sam.

       "Gago ka Alcris! Hindi purket babae ang pakakasalan ni Althea e gwapo na. Sadyang magagandang lahi lang talaga tayo."
pagmamayabang ni Kuya. Napakamot lang ako ng kilay ko kasi nakakahiya sa make up artist ko.

      "Ang gagwapo niyo rin mga kuya sa sout niyo. Nay ang ganda niyo rin po. Si Tatay nga po pala nasaan?" i asked kasi si Tatay lang ang wala dito.

      "He's with Cyndjie, mamimiss yun ni Tatay kasi sa Japan na kayo after your wedding kaya sinusulit niya na." Kuya Sam replied.

       "Oh siya sige na Alcris, Samuel puntahan niyo ang Tatay niyo at pasukin niyo dito sabihin mo na hinahanap siya ni Althea. " utos ni Nanay sa dalawa.

       "Hindi na kailangan nandito na ako." sagot ni Tatay na kakapasok lang ng kwarto karga si Cyndjie. Napangiti ako ng makita ko ang Tatay ko at ang anak ko, mamimiss ko silang lahat when we move in Japan.

       "Oh ako na muna kay Cyndjie magusap na muna kayong mag ama." sabi ni Nanay sabay kuha kay Cydjie. "Samuel, Alcris tara na sa labas." inaya niya ang mga kapatid ko at agad silang lumabas ng kwarto kasama ang make up artist ko. Naupo si Tatay sa likuran ko habang nakaupo ako sa swivel chair.

       "Tatay ikakasal na po ako." I said and smile a little. He's smile back at me.

       "Alam ko ... pero masaya ka ba anak?" he asked I just nodded. "Hindi yan ang nakikita ko sa mata mo." he added.

       "Tay naman ..." i said. "Bakit niyo naman po nasabi yan?" tinanong ko na para hindi na ako maguluhan sa sinasabi niya.

      "May kulang kasi anak, parang hindi mo gusto yung nangyayari sa buhay mo. Kaya kung hindi ka sigurado sa nararamdaman mo, sabihin mo sa akin para wala kang dalahin bago mo pakasalan si Sarah." he said at tinapik ang balikat ko.

      "Tay nandito na po ako e, kailangan ko ng pangatawan 'to. Mahal ko po si Sarah kaya kahit may kulang dito sa puso ko, wala po akong balak itigil ang kasal." i said and took a deep breath. Agad kong pinahid na tissue ang mga luhang nang gigilid sa mga mata ko.

      "Anak marriage is never an easy thing. Lifelong commitment yon, at darating ang araw na magkakaproblema kayo ni Sarah. Kilala naman kita, alam kong sa bawat problema may solusyon ka. Kaya kung ano man yang kulang na nakikita ko sayo, sigurado ako pagkatapos ng kasal mo mabubuo ka ulit. Proud si Tatay sayo anak, kung magkaproblema ka wag kang magdadalawang isip na lapitan ako. Dahil handa akong damayan ka, ikaw lang ang nag iisang prinsesa ni Tatay Althea." he said and cry. Ngayon ko lang nakitang umiyak si Tatay ng ganun, ramdam niya na may kulang sa akin at si Rj yon. Pero magsisimula na ako ng bagong buhay, buhay na itinadhana sa akin. Tumayo ako at yinakap si Tatay, nag papasalamat ako sa Dyos at may magulang ako na gaya nila..

      Pagkatapos naming magusap ni Tatay lumabas na kami ng kwarto at sa labas hinihintay na ako ng mga kapatid ko at ni Nanay na kanina pa na umiiyak.

      "Tol ayaw mo bang maging runaway bride? Mag isip ka pa may oras pa para tumakbo." Kuya Alcris asked hinampas naman siya ni Nanay.

      "Alcris puro ka kalukuhan! Alam mong hindi biro ang ginastos ni Althea sa kasal na 'to. Kaya kung wala kang sasabihing matino manahimik ka!" Nanay said and being annoyed to Kuya, natawa lang ako.

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon