S19 - #DKBMPagtatapat

2.6K 120 25
                                    


      Dahil hindi na talaga matake pa ng tiyan ko ang lula sa ibang ride, hindi na namin nagawang magtry pa sa iba. Nakakahiya kay Althea kasi sabi ko naman babawi ako sa kanya pero ito pa ang nangyari.

      "Hoy ang tahimik mo dyan?" sita niya, bigla naman akong napatingin sa kanya.

      "Uhmm -- nahihiya lang kasi ako. Ang lakas ng loob kong magsabi na babawi ako pero mahina naman pala sikmura ko." nautal kong sagot sa kanya then napayuko ako sa hiya. Naramdaman kong inangat ng dalawang kamay niya ang mukha ko dahilan para mamula lalo ang mukha ko. We're facing each other pero di ko magawang tumingin sa kanya ng deritso baka kasi bumigay ako.

      "Mukha ba akong aswang Rj? Bakit di ka tumingin ng deritso?" sita niya at nginitian ako, napanguso lang ako sa sinabi niya. "Rj wala kang dapat ikahiya okay? I understand ako nga dapat mahiya sayo kasi ako nangako noon na kapag nagkita tayo dadalhin kita dito, pero ikaw pa 'tong nag aya sa akin." dagdag niya at binitawan ang pagkakahawak sa mukha ko, nakahinga naman ako ng maluwag.

       "Okay lang yon, hindi naman big deal." sagot ko sa kanya at muli kong binaling ang tingin sa mga taong nag eenjoy kasama ang mga mahal nila sa buhay. Kung meron mang tao na hindi nag eenjoy sa lugar na 'to, walang iba kundi ako.

      "Big deal yon para sa akin kasi nangako ako." seryosong ang tono ng boses niya sa kanyang sinabi. "Kapag okay na pakiramdam mo don naman tayo sa Ferris wheel, don't worry hindi nakakalula don." she said and smile at me habang na tayo siya harapan ko.

     
       "Talaga?" hindi ko mapigilan ang saya sa boses ko. Kapag talaga nakikita ko ang mga ngiti niya parang nawawala lang ng sakit na nararamdaman ko.

       "Oo naman kaya kung okay na ang pakiramdam mo tara don dali!" nagulat ako nang kinuha niya ang kamay ko at hinatak ako papunta sa Ferris wheel.

       Hindi ko na nagawang makapag salita nagpatanggay na lang ako sa kanya habang naka kawit ang kamay niya sa braso ko. Bumalik ulit ang sigla sa puso, parang roller coaster ride lang pabago bago, hay. "Rj today is all about her, bakit di mo nalang isipin na di siya girlfriend ng Atn mo kahit ngayon araw lang? Just be free for what you feel for her, saka mo muna isipin na taken siya after this day." i said to myself tingin ko may point naman ang utak ko. "For today your just being her taga hanga, gawin mo lahat ng gusto mong iparamdam sa kanya, ngayong araw lang." patuloy ang side comment ng utak ko.

      Sumakay kaming dalawa sa Ferris wheel, solong solo namin dalawa ang loob kaya ito kinikilig naman ako. I can't wait to see the view from the top para akong bata sa sobrang excitement na nararamdaman ko.

      "Rj." she called kaya tumingin ako sa kanya.

      "Yes?"

      "Can I ask you some questions?" nag gulat ako sa sinabi niya, ano kayang itatanong nito.

      "Sure pero yung kaya ko lang sagutin ah?" I said na may halong kaba at binaling ko ang tingin ko ng simula ng umandar ang ferris wheel.

      "Nagtapat ka sa akin dati di ba, that you love me. I was wondering, kusa mo lang ba yong naramdaman o puso mo ang nagsabi? You know, puso ni Jade yang puso mo ngayon kaya di ko maiwasan mag isip na kaya mo naramdaman yan dahil yon yong nararamdaman ni Jade para sa akin." she asked, tumahimik ako sandali. Why did she wants to know?

       "Well, hindi ko alam kong anong sagot sa tanong mo. Pero para saan pa yung sagot sa tanong mo kung may iba nang laman yan puso mo? What for?" tanong ko sa kanya ano 'to nanadya ba siya? Hindi niya ba alam na mas lalo lang akong masasaktan.

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon