S3 - #DKBMPregyJade

4.7K 164 7
                                    


      Masakit para kay Jade na napakadali lang para kay Althea na kalimutan ang pagmamahalan nila. Kaya hindi alam ni Jade kung papaano niya tatanggapin ang paglimot ni Althea sa kanya.

      "Jade tahan na kanina ka pa umiiyak e, mas mabuti pa magmove on ka na rin gaya ng ginawa ni Althea sayo." payo ni Andy sa matalik niyang kaibigan.

       "Andy hindi ko alam kong paano, kasi sa loob ng limang taon I still love Althea hindi nagbago yon." sagot nito at hindi pa rin matigil sa pag iyak.

      "So ano ganyan ka nalang? Iiyakan mo nalang yung taong wala namang pakialam sa nararamdaman mo? Jade wag ka ngang magpakatanga kay Althea, kalimutan mo na siya." Andy says.

      "How can I forget the person who was complete me? And bring out the best on me? Ang hirap hirap Andy at sa ----." naputol ang sasabihin ni Jade nang makaramdam siya ng pagduwal. Kaya agad itong tumakbo papunta ng banyo at sumuka.

      "Jade? Jade okay ka lang?" tanong ni Andy na sinundan si Jade sa banyo. Matapos nitong magsuka napatanong siya kay Andy.

      "Andy anong date ngayon? Hindi pa kasi ako dinadatnan."

      "October 10, bakit?" saglit itong napaisip. "Oh my god Jade! Hindi naman kaya may nabuo?" gulat nitong tanong kay Jade.

      "No Andy hindi pwede kundi patay ako sa magulang ko nito. Umatras na si Jayson sa kasal namin, hindi pwedeng mabuo yung pagkakamaling ginawa ni Jayson." alalang sabi ni Jade sa kaibigan.

      "Jade dapat kasi isinumbong mo, yung pagtotook advantage sayo nung kupal na yon! Paano yan pag na buntis ka anong gagawin mo?" tanong ni Andy.

      "Andy hindi pa naman tayo sigurado e, let's make sure muna. Kasi kung totoong buntis ako ikakahiya ako nila Tatay. Kilala mo ang pamilya ko Andy, hindi nila matatanggap tong batang pinagbubuntis ko." sagot ni Jade.

      "Okay bibili muna ako ng pregnancy test para masigurado natin kung buntis ka nga o hindi." saad ni Andy.

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon