S6 - #DKBMLuksoNgPuso

3.8K 145 1
                                    


     "Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday happy birthday! Happy birthday to you!" (Althea singing) "Baby ko happy birthday! Pasensya ka na i know kaninang umaga nagtatampo ka. Akala mo siguro nakalimutan ko noh?(natatawang sabi nito sa video) Pwede ba naman yon? Alam mo naman na mahilig lang akong mang asar pero baby ko sobrang thankful ako kasi ikaw yung unang tao na naka close ko dito sa manila. Buti nalang matino ka noh? Kasi kung hindi baka hindi ko mararating yung kung anong meron ako ngayon. I owe you a lot baby ko, salamat sa pag aalaga, pagiging nanay at kapatid, pagiging all around kasambahay.(Althea giggle) Alam ko hindi sapat ang salitang salamat, kaya promise ko sayo lagi akong nasa tabi mo sa kahit na anong event sa buhay mo. I wish God bless you always, at sana bigyan ka niya ng marami pang birthdays. And I also wish na sana matupad na ang pangarap mo na maging singer somebody. At kapag nangyari yon I will be you number 0 fan, kasi Zero ang unang number bago ang 1. I promise I  will always be there for you,  just call my name and I'll be there coz superman got nothing on me I'm only one call away. (natawa pa si Althea sa kacornyhan niya) Sorry napahaba na yata yung message ko para bang hindi tayo magkikita mamaya. (natawa ito) I love you baby ko! See you later!" (at nagflying kiss ito bago inend ang video greetings).

      Napaluha si Sarah while watching the video, first video greetings yon ni Althea sa kanya.

      "Simula nung nabago ka Althea paulit ulit ko nalang pinanonood ang mga video mo. Dito ko nalang kasi nakikita yung mga ngiting abot tenga mo, yung mga pangungulit mo. I miss you so much." ang said to herself. Hanggang sa tiningnan niya na yung mga pictures nila ni Althea sa phone niya.
     

      "Hoy Sarah matunaw naman yan!" puna ni Yeng sa kaibigan na kanina pa nakatitig sa picture na nasa phone nito. Picture nila ni Althea nong mga panahon okay pa si Althea.

      "Namimiss ko lang siya." ang sagot nito and she take a deep breath.

      "Kasama mo naman siya lagi ah? Bakit namimiss mo pa rin siya? Ang weird Ateng ah!" ang sabi ni Yeng sa kanya and Yeng rolled her eyes.

      "Isang taon na kasi, yung Altheang kasama ko sa condo e hindi na yung Altheang nakilala ko dati. Kaya hindi naman siguro masama na mamiss ko yung dating Althea na tinititigan ko dito sa picture." depensa niya at muling binaling ang tingin sa phone niya.

      "Teh ang weird mo rin ah? Si Gino ba hindi mo namimiss? Bakit yung best friend mo sobra mong intindihin e samantalang si Gino na dating love of my life mo, I never heard.  Ash umamin ka nga may gusto ka ba dyan kay Thea?" pabulong na tanong ni Yeng.

      "Yeng tumigil ka nga! Ang dumi ng utak mo ah, syempre paminsan minsan namimiss ko rin si Gino. First boyfriend ko yon kaya, hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. Kaso nga lang natatakot akong mawala si Althea, kaya lahat ginagawa ko para maramdaman niyang hindi siya nag iisa." ang sagot nito kay Yeng.

      "Eh nararamdaman kaya ni Althea? Naku Sareng ah, umiikot na yang mundo dyan kay Althea. Mamaya nyan lahat ng ginagawa mo balewala lang sa kanya, ikaw din ang masasaktan. Kaya kung ako sayo intindihin mo rin ang sarili mo, ayusin mo yung problema niyo ni Gino kasi alam mo sayang din non. Hayaan mo na lang si Althea, people change kaya wag ka ng umasa na babalik pa yan sa dati." ang payo ni Yeng sa kaibigan. Deadma nalang kay Sarah ang pinagsasabi ng kaibigan niya, determinado pa rin siyang alagaan at iparamdam kay Althea na hindi ito nag iisa.

       "Yeng hindi ganun kadali yon, si Althea nalang ang pamilyang meron ako ayokong mapawala pa siya sa akin. Kaya kahit anong mangyari gagawin ko pa rin ang papel ko bilang best friend slash Nanay ni Althea. At kung mahal ako ni Gino siguro naman maiintindihan niya ako." paliwanag ni Sarah kay Yeng.

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon