S21 - #DKBMLigaw

2.9K 129 8
                                    


      Sobrang daming tanong sa isip ko, at gulong gulo ito dahil sa mga sinabi ni Althea. "I just wanted to leave you a kiss that you would remember. At kapag sigurado na ako, babalik ako. But for now, this is goodbye and a new start for all of us."  ano ba ang ibig niyang sabihin sa mga salitang yon? Why she wants me to remember that kiss? At yung kapag sigurado na ako babalik ako? Come on! Hindi talaga siya maalis sa utak ko, ano ba kasi ibig sabihin non?

      Ate texted me na hindi siya uuwi ngayong gabi, tinanong ko siya kung alam niya na aalis si Althea she said 'yes' pero bakit siya pumayag? Issue was resolved, kaya bakit kailangan pang umalis ni Althea? Kung naka uwi lang sana ako kagabi sana alam ko yung mga plano nila, sana alam ko kung anong sagot sa mga tanong na bumabagabag sa isip ko. I sighed deeply, at nahiga sa kama ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at sinalat ang labi ko, I still feel her lips on mine. Di ko na napigilan ang mga luha ko na unti unti nanamang nagbabadya sa pag tulo.

       "Rhian wag mo na siya iyakan, unahin mo muna ang pamilya mo bago siya, love takes time kung para sayo para sayo talaga yan." i said to myself para matigil na ako sa kaka emote ko.

       Habang malayo ang tinatakbo ng isip ko, isang katok ang pumukaw sa diwa ko. Bumangon ako at tiningnan ang reflection ko sa salamin, inayos ko ang mukha ko at napabuntong hininga. Dali dali akong nagtungo sa may pinto at pinagbuksan ang tao sa labas.

      "Hi." bungad ni Jasmine at nginitian niya ako.

      "Hello? Halika pasok ka." i said at binuksan ang pinto para makapasok siya.

      "Alone?" tanong niya nang makaupo siya.

      "Yes, do you want something to eat?" casual kong tanong sa kanya.

       "No, ikaw do need someone to talk?" she asked habang kumukuha ako ng chips at can juices, lumapit ako sa kanya saka ito binuksan at linagay sa center table.

       I took a deep breath bago ako nagsalita. "Yeah, buti nga't dumating ka. Kasi mukhang mababaliw na ako sa kakaisip." i said.

       "Si Althea ba?" she asked nagulat ako sa tinanong niya.

       "How did you know? Alam mo, malapit ko na talagang makumbinsi ang sarili ko na may kapangyarihang magbasa ng utak ng isang tao." bahagya akong natawa sa sinabi ko sa kanya at ganun din naman siya.

       "You mention her name last night bago mo ako hinalikan." dyos ko naman nasabi ko pa talaga yon? I'm so stupid, napakamot ako sa ulo ko dahil sa sinabi niya. "It's okay Rhi there's no issue about it, so tama nga ako siya ang tumatakbo sa isip mo?" tumingin ako sa kanya at tumango. "You can tell me,  I'm ready to listen." she added at hinawakan niya ang likod ng palad ko.

      "Jas alam mo hiyang hiya na talaga ako sayo. Kakakilala lang natin pero parang kilang kilala mo na ako. Have we meet before?" i asked her at tinapunan ko siya ng curios look.

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon