S15 - DKBMPagpaparaya

2.6K 121 5
                                    

"Ding Dong ... Ding Dong ..." tunog ng doorbell na pumukaw kay Althea. Paakyat na sana siya para matulog ngunit mukhang may bisita pa siya.

"It's 11:30 pm at ang lakas ng ulan sa labas, sino naman kaya ang magdodoorbell ng ganitong oras? Hindi rin naman umuwi si Vanessa sa duplex niya. Sino?" tanong niya sa kanyang isip. Kaya agad niyang sinilip sa maliit na butas sa kanyang pinto kung sino ang nasa labas at nagulat siya nang makita nito si Sarah. "Sarah? Bakit nandito siya? At paano niya nalamang dito ako nakatira? Sinabi kaya ni Rj kung nasaan ako? Hindi pwedeng hindi ko siya harapin ngayon, siya na mismo ang nagsadya dito kaya hindi ko na siya pwedeng iwasan pa. Calm down Althea take a deep breath kaya mo yan." she said in her mind.

She took a deep breath at binuksan ang pinto. Agad naman siyang sinalubong ng mahigpit na yakap ni Sarah. She want to hug her back pero tila may pumipigil sa kanya, she's still in pain kaya siguro hindi niya ito mayakap pabalik.

"Althea na miss kita sobra." Sarah said, ramdaman naman ni Althea na bahagyang nabasa ang balikat niya. Sarah is crying.

Bumigat ang dibdib ni Althea sa narinig niya mula kay Sarah, kaya wala siyang nagawa kundi ang yakapin ito pabalik.

"I'm still in pain because of what happened to us. But you make me feel so weak kapag ganyan ka, kaya tahan na." she said and rub her back.

Kumawala si Sarah sa pagkakayakap kay Althea.

"Hindi ka na ba galit sa akin?" she asked sabay singhot ng sipon niya bunga ng pag iyak.

"Wala akong karapatan magalit, nasaktan lang ako but it doesn't mean na dapat akong magalit sayo." she said at agad pinunas ng kanyang daliri ang mga luha ni Sarah. "Ano nga palang ginagawa mo dito? Sinabi ba ni Rj sayo kung nasaan ako?" tanong nito.

"Hindi niya sinabi, pero alam ko na kaninang umaga pa na dito ka nakatira. Nakita namin ni Gino yung kotse mo kaya sinundan ka namin, kaya nalaman ko na dito ka nakatira." paliwanag ni Sarah, nanghina naman ang tuhod ni Althea ng marinig niya ang pangalang Gino.

"Nagkabalikan na pala kayo." she coldly said.

"Hindi, may girlfriend na si Gino. He just offered me na samahan ako sa paghahanap sayo, kaya kami magkasama." ang paliwanag nito at nginitian si Althea. Para namang binunutan ng tinik si Althea dahil mali pala ang nasa isip niya.

"So what brought you here? Hating gabi na ah? May kailangan ka ba?" she asked pero gusto niyang marinig kay Sarah na makipagbalikan ito sa kanya.

"Uhmm I miss you so much, hindi ka kasi sumasagot sa mga tawag ko kaya pumunta na ako dito. And to invite you tomorrow night for dinner may importante akong dapat sabihin sayo." she said, ayaw niyang magtago ng ano mang sekreto kay Althea kaya gusto niyang magkaharap harap sila bukas ng gabi kasama ang Nanay at Tatay ni Jade.

"Uhmm pasensya na, hindi ko rin kasi alam kong anong sasabihin ko. Anyway anong meron bukas? Bakit hindi mo nalang sabihin ngayon?" she curiously asked.

"Hindi pwede ngayon, after nong importanteng announcement na yon saka natin pag usapan ang tungkol sa ating dalawa ...." she said mabilis itong ngumiti kay Althea ngunit agad din niya namang binawi.

"So you mean ..... After nang dinner pwede na ulit tayo?" she asked with a smiled in her face.

"Let's see Althea ...." napatingin ito kay Althea she give her a serious look. "And after the dinner nasa iyo ang sagot if you want me to be part of your life." she added at binaling ang tingin sa iba.

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon