S10 - #DKBMGalit

3.1K 130 1
                                    


"Seriously? Dito tayo mamimili?" Rj asked ng makita niyang sa Divisoria siya dinala ni Althea at hindi sa Mall.

"Oo dito mismo, marami kang mabibili dito kesa sa Mall tayo pumunta." nakangiting sagot nito kay Rj. Nag ayos pa man din siya dahil para sa kanya this is a date kasama si Althea.

"Oh my god Althea wag dito." she said at nakakunot ang noo.

"Rj wag kang maarti, trust me magaganda mga damit dito. Yung mga tinitinda sa Sm dito rin galing yon, mura pa." pagmamalaki nito na agad tinanggal ang seat belt niya at bababa na ng sasakyan. "Rj tara na!" she added dahil hindi pa rin bumababa si Rj.

"Oh my G this is ridiculous! Akala ko naman sa Mall kami pupunta, then dito lang pala sa Divisoria?! I can't even! Kung di lang talaga kita crush Althea, hindi talaga ako papayag na dito mo ako idate. Char ko lang ang date but for me it's a date kasi magkasama kaming dalawa." thought Rj and she was considering in her own mind. "Ito na bababa na." she said at tinanggal ang seat belth at bumaba na ng sasakyan.

"Ngayon ka lang ba nakapunta dito?" tanong ni Althea.

"Yes, first time ko sa ganitong lugar. Ang init ah?" maarting sabi nito.

"Wag ka ng mag inarte, hindi ka pilipino kapag hindi mo na try mamili dito. Kaya welcome to Divisoria!" Althea cheerfully said.

"Naku kung di lang kita crush." bulong nito sabay ngiti.

"May sinasabi ka Rj?" tanong nito nang mapansing bumubulong ito.

"I said let's go, ang init dito sa labas kaya tara na mamili na tayo." pag aya nito at nag iinarte pa.

"But before we go ..." hinawakan nito ang kamay ni Rj. "Hold my hand okay? Mahirap na baka mawala ka, wag na wag mo kong bibitawan." said Althea na nagpakilig kay Rj.

"OMG! Kinikilig ako! 'Hold my hand, wag na wag mo kong bibitawan.' My gosh! That line drives me crazy Althea!" she speak in her mind, kaya humawak siya sa kamay ni Althea. "Okay, hindi ako bibitiw." she said at pigil na pigil ang kilig.

"So tara." ang sabi ni Althea na agad naglakad sa pamimilihan nila ni Rj. Tuwang tuwa naman si Rj na hawak hawak niya ngayon ang kamay ni Althe habaang naglalakad sila.

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon