S26 - #DKBMDesisyon

2.4K 106 13
                                    


        Kahit maraming gumugulo sa isip ko ngayon hindi ko nagawang iwan si Jasmine. Gusto ko munang ayusin yung tampuhan namin bago ko isipin kung paano aaminin kila Mommy ang tungkol sa amin ni Althea. Hindi ko balak na ipaubaya si Althea, marami pang paraan para maging okay ang lahat.

       Nang makabalik ako sa unit ni Jasmine, gising na siya kaya kinuha ko kay Putchi yung ipapakain sa kanya na lugaw.

      "Kamusta pakiramdam mo?" I asked and she smile at me a little.

      "I'm good, a little." sagot niya at sumandal sa headboard ng kama para maka upo.

      "Ipinagluto ka ni Putchi ng lugaw, kainin mo na 'to para makainom ka ng gamot pagkatapos." i said at umupo sa gilid ng kama niya.

      "I'm sorry about earlier ..." she said tiningnan niya lang ako sandali at agad din binaling ang tingin sa iba. Napalunok ako bago magsalita, it's not easy rejecting the person who has shown nothing but good to me.

      "Jas I didn't expect -----"

      "Kung ano man ang nasabi ko kanina, totoo yon. But I'm not asking you to love me back, I was drunk and full of emotion. At ngayong nasa normal na ang takbo ng isip ko, ako na mismo nagsasabi sayo wag mong intindihin kong ano man ang narinig mo. Basta't alam mo na mahal na mahal kita, kuntinto na ako don." she said at hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin ko. Sa mga sinabi niya parang binunutan ng tinik ang puso ko, kaya linapag ko sa side table ang hawak ko at yinakap siya saka umiyak. Hindi ko na mapigilan kanina pa mabigat yung pakiramdam ko dahil sa problema kaya ibinuhos ko na lahat sa balikat niya.

      "Bakit ba ang bait bait mo Jasmine? Bakit wala ka nang ibang ginawa kundi isipin ang nararamdaman ko? Sana minura mo nalang ako dahil nasasaktan na kita! Jasmine you deserve to be love, but I'm hurting you. I'm sorry if I can't protect you from a bigger heartbreak the way you protect me. I'm sorry for breaking your heart. " I said while hugging her tightly and cry, she just rubbed my back.

      "You know I can't do that... I always love seeing you smile, and it's not fun seeing you cry. Kaya hangga't may magagawa ako to protect you ginagawa ko kasi ganun kita kamahal Rhian. Kaya sana ganun din yung pagmamahal na ibigay ni Althea para sayo. Coz breaking you and destroying you is the most stupid thing to do." she said. Ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso niya pati ang mga salitang binibigkas ng bibig niya I feel it's true.

         Kumawala siya sa pagkakayakap ko at hinawakan niya ang mukha ko.

      "Sa oras na saktan ka niya, hindi ako magdadalawang isip na agawin ka sa kanya. Tandaan mo yan." she pointed. I just nodded.

      Sa mga oras na 'to I found my comfort to Jasmine. Pinalakas niya ako na maging matapang, para magpakatotoo. I can't protect everybody from pain, nasa kanila na if how they will handle it. Basta paninindigan ko ang nararamdaman ko para kay Althea.

      Nagpaalam na ako kay Jasmine dahil alas otso na ng gabi, I told her everything na dinadala ko. Kagaya ng dati she always listen and give me some advice. I am so lucky to have her, kasi lagi siyang handang makinig sa akin. I left her with a smile in her face and assure me na okay lang siya.

      Padating ko naman sa condo naabutan ko sila Mommy at Daddy sa sala sa harap ni Ate. Habang sila Yeng at Althea nakaupo sa may harap ng mesa sa kitchen. Sinulyapan ko lang si Althea at nginitian, at agad lumapit kila Mommy at Daddy.

      "Rj where have you been? Kanina pa kami nandito kung saan saan ka pumupunta." Mom said and being irritated.

      "May inasikaso lang po ako, sorry if I'm late." i said after magbeso sa kanila ni Dad at agad akong tumabi kay Ate. Ate Sarah held my hand at sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Ate is so clingy talaga.

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon