S5 - #DKBMPagbabago

4K 148 4
                                    


"Good morning Mom, good morning Dad." bati ni Rhian sa mommy at daddy niya.

"Tumakas ka naman kagabi Rj. Di ba alam mo naman na may dinner tayo with Sebastian Family? Bakit di ka naman uumuwi?" inis na sabi ng Daddy niya.

"Roddy nasa harapan tayo ng pagkain, pwede bang mamaya mo na pagalitan ang anak mo." pag awat ni Alou sa asawa niya.

"Pwede ba Alou wag mong kunsintihin yang anak mo! She has to be responsible enough, dapat ngayon palang matuto na siyang makipag socialize sa ng lalaking mapapangasawa niya! Kaya Rhian hindi ka aalis ng bahay, dahil mamaya tuloy na ang pamamanhikan ng pamilya Sebastian. You are going to marry Aldrake!" maawtoridad ng sabi ng Daddy Roddy niya. Nagulat naman si Rhian sa narinig niya, at binitawan ang kutsara't tinidor na hawak niya.

"What? Dad, Aldrake is not my type! At hindi ko siya mahal! Bakit ba kayo ang nagdedesisyon para sa akin? Buhay ko 'to kaya wag niyo naman akong pangunahan! Lalo na't tungkol yan sa taong makakasama ko habang buhay! Mom please hindi na tama itong ginagawa ni Dad, this is too much! " napataas ang boses ni Rj nang sagutin niya ang Daddy niya.

Simula kasi ng maoperahan siya, madalas daddy niya na ang nagdedesisyon para sa kanya. Yung mga bagay na gusto niyang gawin hindi niya nagagawa dahil kailangan munang siyang magpaalam sa Dad niya bago gawin ito.

Kaya madalas tumakas si Rj dahil sobrang nasasakal na siya sa ginagawa ng Daddy niya. And this time this is too much, dahil gusto nitong ipakasal siya sa lalaking hindi niya naman mahal. Kaya naman nasagot niya na ang Daddy niya dahil hindi na ito tama. This is so freaking out about marrying a guy na hindi niya mahal, at matatali ka dito ng habang buhay.

"Walang magagawa ang Mommy mo Rhian, nakapag desisyon na ako and that's final!" ang sagot ng Daddy nito.

"This is ridiculous Dad! Kung ganito lang pala ang magiging buhay ko after operation, sana pala pinatay niyo nalang ako!" napatayo si Rhian mula sa kanya pagkakaupo at galit na galit.

"Rhian wag mo kong pagtataasan ng boses! Anak lang kita, kaya matuto kang sumunod sa mga bagay na gusto ko dahil yon ang makakabuti para sayo!" sagot ng Daddy niya sa kanya.

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon