S12 - #DKBMPagkakapareho

3.1K 119 3
                                    


      Pagpasok ni Vanessa sa opisina ni Althea, naka sandal lang ito sa upuan niya at minamasahe ang sintido gamit ang kanang kamay niya.

      "Gusto mong tumuma?" tanong nito sabay upo sa harap ng office table ni Althea.

      "Kami na ni Sarah, pero komplikado dahil sa kapatid niyang si Rj." deritsang sabi nito kay Vanessa, sobrang close ito kay Althea si Vanessa ang takbuhan niya kapag may problema.

      "Anak ng .." gulat na sabi nito. "Naka move on ka na ba kay Jade kaya jinowa mo si Sarah? Thea naman don't tell me your going to use Sarah to step forward?" Vanessa said.

      "Actually yes, I need her para makawala na ako sa lahat ng sakit. Mahal ko si Sarah at siya ang magiging way para makalimutan ko na si Jade." ang sagot nito na ipinatong ang mga siko sa table habang hinihilot ang magkabila niyang sentido.

      "Eh ano bang status mo kay Sarah? Bakit siya pumayag na maging kayo? Alam ba niyang ginagamit mo lang siya to step forward?" sunod sunod na tanong ni Vanessa kay Althea.

       "Nung nakaraang araw, hinalikan niya ako and she said I love you, nahuli ko siya ang akala niya siguro tulog ako. Then i confront her, kinabukasan dahil naglasing siya nung gabing yon. And she said yes, she loves me more than just a friend. Then I said hayaan niya akong mahalin siya at naging kami." pagsalaysay ni Althea sa mga nangyari.

      "So ibig sabihin wala siyang alam." patango tango ito. "Then, paano naging komplikado?" she added.

      "Ayaw ni Rj sa akin, dahil sigurado siya that I'm going to use her sister to forget Jade. Hindi niya alam na kami ng Ate niya, dahil naki usap si Sarah na ilihim na muna namin." she replied.

       "Tol kahit ako kapag ginawa yon sa kapatid ko gueguerahin ko talaga. Sure ka na ba kasi na si Sarah? Tol baka pinagbibigyan mo lang yung tao, wag mo naman paasahin." she advised her.

      "Vanz si Sarah yung tipong babae na idial partner. Nakita mo naman di ba? And now nakikita na ng mga mata ko ang mga efforts ni Sarah. I still love Jade, but I realized I need to accept and forget those pain for me to start and to love again. Vanz I even forgot how it is to be happy, ngayon nalang ulit ako nakaramdam ng ganito. Yung mahalin ako kahit hindi ko hilingin, she's different. Kaya natatakot ako, kasi gusto niya na agad putulin ang relasyon namin because of Rj." she said at bakas sa mata nito ang takot.

      "Tol baka kasi alam ni Sarah na rebound lang siya at kong tama nga ang nasa isip ko you should make an effort to prove yourself. Gawin mo yung mga bagay na hindi mo nagawa nung time niyo ni Jade. Baka sakali masabi mo kay Rj na mali siya ng iniisip sayo. Kaibiganin mo kasi si Rj pakita mo sa kanya na seryoso ka sa Ate niya." ang payo ni Vanessa kay Althea.

      "So ang ibig mo bang sabihin, magpagod shot muna ako kay Rj?" she asked.

      "Absolutely! Magpapogi points ka muna sa kapatid, at kapag nakuha mo na ang tiwala ni Rj saka kayo lumantad ni Sarah." Vanessa said, napaisip naman si Althea tama nga ang sinabi ng kaibigan.

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon