S8 - #DKBMSimula

3.3K 144 8
                                    


      "Tagay pa!" sigaw ni Sarah at itinaas ang bote ng beer.

      "Champ lagot na nalasing na yata si Asher." wika ni Cris na member ng banda ni Sarah.

      "Asher tama na lasing ka na lagot tayo kay Yeng niyan. Tama na baka hindi ka na makauwi, malalagot talaga kami kay PM (Production Manger)." pag awat ni Champ sa co vocalist niya.

      "Hik! Ako bahala kay Yeng tagayan niyo pa ako! Minsan minsan lang naman 'to kaya sulitin na natin!" ang sabi ni Sarah at nalalasing na.

      "Hoy Sarah!" agad inagaw ni Yeng ang bote sa kamay ni Sarah. "Bakit niyo pinayagang uminom 'to? Alam niyo naman na hindi 'to sanay uminom!" pinagalitan ni Yeng ang mga kabanda ni Sarah dahil hinayaan nila itong uminom.

      "PM sabi niya kasi isang shot lang, e inubos niya yung isang bote. Inaawat naman namin pero ayaw talagang magpapigil." paliwanag ni Champ.

      "Yeng tara samahan mo ko inuman tayo!" pag aya ni Sarah na nakadrop na ang ulo sa mesa.

      "Sira! Halika na umuwi na tayo! Champ tulungan mo ko isakay mo na sa kotse ko yan at sumama ka sa akin di ko kayang buhatin yan paakyat sa condo niya. Sarah halika na iuuwi na kita! Kayo di pa tayo tapos! At malalagot kayo sa akin pag hindi 'to nakakanta bukas!" turo ni Yeng sa mga kabanda ni Sarah. Agad naman binuhat ni Champ si Sarah papunta sa parking lot para isakay sa kotse ni Yeng.

                              ✖✖✖✖

       Hindi pa magawang matulog ni Althea dahil gusto niyang makausap si Sarah. Kaya hinintay niya ang pag uwi nito, matapos ang naging usapan nila ni Rj pinatulog niya na ito sa kwarto ni Sarah.

      "Salamat Rhian, kundi dahil sa pangungulit mo hindi pa ako magigising mula sa bangungot ng kahapon. Salamat din dahil nagparamdam ka sa akin Jade, wag kang mag alala hinding hindi ka mawawala sa puso ko. You will always have a special place in my heart at hindi mawawala yon. And for now on tuturuan ko ang sarili ko na magsimula ulit. Kung nakaya kong ng limang taon, muli kong kakayanin ngayon. Dahil alam ko sa pagsisimula kong bumangon muli ay hindi ako nag iisa. May rason kung bakit ako gumigising sa bawat umaga." Althea says in his mind, habang pinagmamasdan ang picture nila ni Sarah sa display table.

      Maya maya pa may bilang kumatok sa pintuan, finally dumating na rin si Sarah na kanina pa niya hinihintay. Kaya agad siyang nagtungo sa pintuan para buksan, inaasahan ni Althea na makikita niya si Sarah ngunit bumungad sa kanya si Yeng at Champ na buhat buhat si Sarah.

       "Buti naman Althea at gising ka pa, Champ ipasok muna sa loob yang lasingerang yan." utos ni Yeng at hindi na pumasok pa sa loob.

       "Champ don mo nalang si Sarah higa  sa couch, tulog na si Rj sa kwarto baka magising pa. Ako nalang bahala sa kanya." ang sabi ni Althea, agad naman sinunod ni Champ ang sinabi nito. "Yeng ano bang nangyari bakit nalasing si Sarah? Alam mo naman na hindi siya sanay di ba?" usisa nito kay Yeng.

       "Aba hindi ko naman kasalanan na uminom siya, ang sabihin mo may pinagdadaanan yang kaibigan mo at ikaw lang ang makapagbibigay ng solusyon sa pinagdadaanan niya. Champ halika na, kaya na ni Althea yan." masungit na sabi nito, alam ni Yeng na si Althea ang dahilan kung bakit uminom si Sarah.

       "Yeng salamat sa paghatid sa kany, Champ salamat." ang sabi ni Althea.

       "Wala yon Thea." sagot ni Champ.

       "Tara na Champ umuwi na tayo." pag aya ni Yeng kay Champ at denidma lang si Althea. Agad sinara ni Althea ang pinto at pinuntahan si Sarah.

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora