S14 - #DKBMMagkaribal

2.8K 130 9
                                    


      "Rj?" bungad ni Althea ng magising siya. Nakita niya si Rj sa gilid ng kanyang kama nakahawak sa kamay niya.

      "Hi? Kamusta tulog mo? Okay na ba pakiramdam mo?" sunod sunod niyang tanong. Napatingin naman sa wall clock si Althea, nagulat siyang makita na alas otso na ng gabi. Ganun ba kahaba ang tulog niya alas dos ng hapon hanggang alas otso ng gabi. Napabalikwas siya ng makita ang oras. "Oh bakit?" nagtatakang tanong ni Rj.

      "Ba --- bakit hindi mo ako ginising?" she asked at napahawak sa ulo niya dahil bigla siyang nahilo.

      "Oh dahan dahan kasi, masakit ba ulo mo? I'll give you massages." ang sabi nito at agad umupo sa tabi ni Althea.

      "No, I'm okay. Rj umuwi ka na baka hinahanap ka na ng Ate mo baka mag alala yon." ang sabi ni Althea.

      "I've already text her, tumatawag nga siya actually kanina pero hindi ko sinagot. Ang sabi ko baka hindi ako makauwi, nag aliby nalang ako na kila Karen ako makikitulog kasi birthday niya." she said at habang nagsasalita ay hindi niya maalis ang mga tingin kay Althea.

      "No, umuwi ka na ipapahatid nalang kita kay Vanessa kung naka uwi na siya." wika nito at ayaw niya talagang magstay si Rj sa duplex niya kahit gustong gusto niyang may kasama siya na pwedeng dumamay sa kanya.

      "Bakit ba ayaw mo akong magstay dito? Althea may sakit ka at hindi mo kayang mag isa dito kaya sasamahan kita." she insisted.

      "Rj please just leave me alone." pakiusap nito.

      "No." madiin niyang sagot.

     "Rj pwede ba wag ka ng makulit? Umuwi ka na please." nakakunot noong sabi nito.

      "Althea I've already decided, no I'm not gonna leave you here." pagmamatigas nito. "Nagugutom ka na ba? Anong gusto mong kainin? Ipagreready kita." she asked. Pahawak naman ng mahigpit si Althea sa unan dahil nakukulitan na siya kay Rj.

      "Rj bakit ba ang kulit kulit mo?" inis niyang tanong. "Umuwi ka na kasi iwan mo na ko dito dahil hindi ko kailangan ang pagmamalasakit mo!" bahagyang tumaas ang boses nito.

       "Is it not clear to you? I care about you because I like you or maybe I love you." madiin nitong sinabi ang salitang I LOVE YOU. Nagulat naman si Althea sa sinabi nito.

       "Anong alam mo sa love Rj? You don't even know anything about love! Ni hindi ka pa nga nagkakaboyfriend di ba? And you don't even know everything about me at ilang araw mo palang akong nakakasama, kaya mahirap paniwalaan para sa akin na mahal mo ako! Because it's not true!" pasigaw niyang sabi kay Rj.

      Nanlaki ang mga mata ni Rj dahil sa expressions ng mukha ni Althea. Pero kahit magalit ito wala siyang balak iwan si Althea.

      "Yes your right. I don't even know you at aminado ako na wala akong alam sa pag ibig pero kaya nga ako nandito di ba? Para makilala ka at iparamdam sayo kung anong nararamdaman ko. You don't want to believe me dahil hindi mo ko hinahayaang patunayan sayo na mahal kita." she said at naging mahinahon pa rin ito kahit naiinis na si Althea.

      "Please stop it Rj hindi mo alam kong anong relasyon ang pinapasok mo!" she said at tumayo mula sa kanyang higaan. Tumayo din si Rj at lumapit kay Althea.

      "Oo hindi ko nga alam! But you can't stop me,  you can't stop me for what I truly feel." napapikit si Althea dahil hindi niya mapigilan ang umiyak, she just close her eyes. At lumapit sa kanya si Rj closer to her at hinawakan ang kamay niya. "Althea you can close your eyes to things you don't want to see. Pero Althea please, hindi mo pwedeng isara ang puso mo. You can't close your heart from what it truly feels." Rj said.

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon