S27 - #DKBMPaalam

2.4K 105 18
                                    


      Malungkot ang taon ng birthday ko ngayon, pero ganun talaga hindi ka magiging masaya kapag may masasaktang iba. Masakit ding malaman na bago pa man may mangyari sa amin ni Althea may nangyari na sa kanila ni Ate Sarah. Bakit pa hinayaan ni Althea na mangyari yon kong hindi naman talaga niya mahal si Ate? Ganun pa man, hindi ko magawang magalit kay Althea dahil nung mga panahon na yon wala pang kami. Pero mas matimbang pa rin sa akin ang mararamdaman ng pamilya ko lalo na ni Ate Sarah. Mabuti siya sa akin mga bata palang kami, kaya kailangan kong bitawan si Althea para madugtungan ang buhay ng Ate ko.

       Pinilit kong maging masaya at ipakita kila Ate at Althea na okay ako. Kaya kunwari masaya ako habang kumakain kami, nagkikwentuhan, nanood ng movie. At hanggang sa mapagod na si Ate natapos na ang pagkukunwari ko, dahil ako nalang ulit mag isa dito sa kwarto. Sinamahan siya ngayon si Althea sa kwarto niya, kaya dinadaga ng selos ang dibdib ko. Pero hindi ko na dapat pang maramdaman yon dahil kailangan ko ng ipaubaya si Althea kay Ate Sarah, Althea meant for Ate hindi para sa akin. Sila naman talaga e, umiksina lang naman ako, sa una palang naman ako na yung kontrabida.

       Hindi ko na napansin ang pag akyat ni Althea sa kwarto kaya hindi ko agad napunasan ang mga luha ko, she hug me at my back habang nakahiga ako sa kama.

       "Happy birthday ulit Hart. I love you." she said and kiss my cheek. "Hart? Are you crying?" maybe she noticed dahil basa ang pisngi ko. Kaya humarap ako sa kanya, and her face is being worried. Hindi ako agad makapagsalita kasi hindi ko alam kong paano ko sasabihin sa kanya na kailangan ko na siyang bitawan para kay Ate. "Hart bakit?" pagpukaw niya sa akin at pinahid ang luha ko sa mata.

      Hindi pa ako ready, kaya bumangon ako yinakap ko nalang siya para hindi na siya magtanong. Hindi ko talaga magawang magalit although she's hiding something from me.

      "Is it about your Ate Sarah?" she asked, buti nalang nagtanong siya.

      "Ye---s hart .... I can't lose a sister like her, she's so damn good. She's like a saint sa sobrang bait niya sa amin." i said while hugging her.

       "I feel bad too Hart ... I feel the same way, ayoko din siyang mawala. I was try to convince her pero ayaw niya talaga." sagot niya, kung ganun din ang nararamdaman niya baka sakaling pumayag na siyang bumalik kay Ate. Kumalas ako sa pagkakayaka sa kanya, at pinahid ang mga luha ko.

      "Hart what if  balikan mo nalang si Ate, so that she had reason to continue her life." nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

       "Rhian naman hindi magandang pabor yan.. Alam mong hindi ko yan magagawa. " she shook her head and held my hand.

       "Althea kung yon lang naman ang paraan para madugtungan natin ang buhay ni Ate, why not di ba?" i said and I was trying to convince her para madali nalang para sa amin ang maghiwalay. Kahit sa loob loob ko sinasaksak yung puso ko dahil sa mga lumalabas sa bibig ko.

      "Hindi ko kaya ..." she said at napayuko siya  and I saw a tears fell from her eyes. My heat ached, because I was hurting her, hindi ko kayang makita siyang umiiyak.

      "Althea ... Althea I'm sorry." i said at wala na akong ibang masabi.

      "Ito ba talaga gusto mo? Rj marami na akong plano para sa atin, kaya nga habang maaga pa inuunti unti ko ng ibigay yung mga pangarap na gusto mo. Rj wag mo naman ako isuko ng ganun ganun nalang." she please to me habang hindi niya mapigilan ang pagluha niya.

       "Althea, marami tayong masasaktan kapag pinagpatuloy pa natin 'to ..." i said at hindi ko rin mapigilan ang mga luhang lumalabas sa mata ko dahil pananakit ko sa kanya.

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon