Meron na 'kong naisip sa gagawin namin'g booth. I hope na magiging exciting para sa kanila.
" Heaven anak, lumabas ka na ng kwarto mo. Nandito si Hell hinahanap ka. " Sigaw ni Mommy mula sa labas.
Hindi na ako sumagot at lumabas na lang ako. Kung tutuusin hindi na namin kailangan pa na mag-usap eh. Mukhang hindi naman siya interesado sa booth.
" Hi Langit."
" Hi Langit. " pangga-gaya ko. "Hi mo mukha mo!"
" Ang aga-aga nakabusangot 'yang mukha mo. "
" Malamang, ang aga-aga nandito ka!"
" Tss! So about sa booth may naisip ka na ba?" Tanong niya, oo naman ako pa.
" Yeah, for sure ikaw wala kasi wala ka 'non. "
Wala naman talaga s'yang isip eh, maliban na lang kung paano niya pag-isipan yung mga pang-iinis niya sa'kin.
" Bakit ikaw nagba-bra pero wala ka rin'g ano."
Aba't! 'Yan ang hirap eh, ang hilig nilang mamersonal.
" Oh ba't ikaw nagbi-brief ano trip mo lang?"
Natawa ako sa expression ng mukha n'ya, pfff... bigla kasi s'yang namula.
" Tara na nga!"
" Hahaha! Pikon."
Nakangiti akong sumakay ng kotse dahil feeling ko nanalo ako sa kan'ya. Akala niya ha. Maliit man yung hinaharap ko, maliit naman yung baba n'ya.
Maliit nga ba?
Oo, kunwari maliit. Ayoko naman kasi na sabihing malaki 'yon. Baka lumaki yung ulo. I mean, lumaki yung ulo niya. Tss! Basta lalaki yung ulo niya.
Ang saya talagang mag-drive. Buti nalang nautakan ko si Manong. Sabi ko kasi sunduin niya si Daddy sa office tapos yung kotse ni kuya yung gagamitin hihi.
Tumingin ako sa side-mirror at kita ko nga yung kotse ni Hell na kulay dark-red. Mukhang bagong car wash ah.
Iniliko ko yung kotse dahil may putik. Knowing Hell, masyado siyang mabilis mag-paandar ng sasakyan.
Inihinto ko ang kotse at muli siyang sinilip sa side-mirror. Napangisi ako nang lumabas siya at panay mura ang nasasambit n'ya.
Pa'no ba naman kasi, tumalsik sa kotse niya yung tubig na may halong putik at sigurado ako na bagong linis yung kotse niya.
Hihi! Isang puntos ulit para sa'kin.
------
" Horror booth talaga yung naisip ko. Ewan ko lang kay Hell kung ano yung naisip n'ya. "
Nandito kami ng mga kaibigan ko sa classroom. Nakapaikot yung upuan namin para makapag-usap ng maayos. Binigyan kasi kami ni Ma'am ng time niya para pag-usapan yung preparation namin para sa gaganapin na booth.
Mabuti na nga lang at umalis na yung Audrey Kim na 'yon dito sa upuan ko. Lumipat kasi siya sa inupuan ko kahapon katabi ni Hell.
Speaking of Hell. Bakit gan'on? Hindi siya mukhang badtrip ngayon. Gusto ko kasing mabwisit yung araw niya.
" Hoy Heaven, ano agree ka ba?" Tanong ni Mae.
" Saan?"
Saglit lang naman lumipad yung isip ko eh. Malay ko bang nagsasalita pala sila.
" Sa Wedding booth, nabalitaan ko kasi na may nauna na sa Horror booth eh. "
Wedding booth? Ang baduy naman. Hindi ako makakasali.
" Hindi naman tayo mage-enjoy doon eh. "
" Ikaw lang 'no. Ikakasal kaya kami ni Skie. "
Nakakasuka naman 'tong si Janelle. Si Skie talaga? Pwede naman'g si Hell para mas nakakadiri talaga.
" Tapos kami naman ni Demo hihi."
" Asa kayong dalawa! Si Demo ayaw sa madaldal at maligalig, Si Skie ayaw sa inosente. Doon palang wala na kayo eh. "
Natawa 'ko nang bigla silang sumimangot. I am not guilty of what i've said. Sadyang masakit lang talaga yung katotohanan.
" O ba't natahimik ka Mae?" Natatawa kong tanong.
" Kasi ayaw ni Demo sa madaldal kaya shut-up nalang ako. "
" Okay lang. "
Napatingin kami ni Mae kay Janelle. Nakangiti lang siya at inayos ang suot niyang salamin.
" I don't want to change my self. Mas okay lang na ako lang yung nagmamahal. "
Ipapa-salvage ko na talaga yung kuya ko, para hindi na siya masaktan.
" A-aray... aray!"
Napatingin kaming tatlo kay Hell dahil sa pag-daing niya. Pinipisil kasi ni Audrey yung pisngi niya.
" Ang gwapo mo talaga hihi..."
" Alam ko 'yon. Lumayo ka nga sakin!"
" Ih... gusto ko, katabi lang kita."
Hindi lang pala mang-aagaw talagang may lahi rin palang linta. Oa kasi kung maka-kapit sa braso ni Hell. Kailangan nakadikit talaga yung mukha niya? Tss!
" Bagay pala sila 'no?"
"Mukhang may love-team na tayo rito sa room ah."
Love-team si Hell at Audrey? Nagpapatawa ba sila? Eh ayaw ngang dumikit ni Hell kay Audrey eh.
"Tangina Audrey lumayo ka!" Sigaw ni Hell.
Nakakairita na ha! Hindi yung pagdikit ni Audrey sa kanya kun'di yung pagsigaw-sigaw niya. Hindi ba nila alam nakakaistorbo sila?!
" Guys narinig niyo nag-I love you siya. Kaya from now on sakin na 'tong lalaking 'to. Diba Babe?"
Yak! Edi sa kanya na. Inaangkin ba? Inaangkin ba?! Jusko. Mga tao nowadays.
" May Chemistry sila 'no?"
Napa-irap ako dahil sa sinabi ni Mae.
" 'Diba binigyan tayo ni Ma'am ng oras para pag-usapan yung booth? Kaya hayaan na natin sila."
Nakakainis kasi eh. Paano siya magugustuhan ni Demo kung napakadaldal niya.
" Hihi... Ishi-ship ko talaga sila. "
" Pwede ba bumalik nalang tayo sa topic naten?"
Kung pwede lang naman! Baka makasabunot ako nang di-oras nito eh.
" Okay. "
Umayos sila nang upo bago humarap sa'kin nang maayos. Pero bago 'yon napatingin muna 'ko sa pwesto nila Hell.
Nakakainis naman. Bakit kapag ako yung kumukurot sa kan'ya natutuwa pa s'ya samantalang kapag si Audrey halos umusok na yung ilong niya. Hays, dapat ako lang yung nakakagawa 'non eh.
Nang tumunog na ang bell, hudyat na lilisan na ang aming guro. Charot lang! Syempre kailangan na niyang mag-paalam dahil nangangailangan din kami ng oras para kumain.
" Ano ba 'yan!"
Kalabit pa ang saya e 'no. Inismiran ko lang si Hell at nagtuloy-tuloy na lang sa paglakad kasama nina Janelle at Mae.
" Funny?"
Nakakainis kasi, kalabit ng kalabit. Nakakairita kaya tss!
" Ang cute mo talaga. " sambit niya at kinurot ako sa pisngi.
Nahinto siya sa pag-pisil sa pisngi ko nang biglang may humila sa kan'ya. Sino paba? Si stealer lang naman yung kilala kong ganyan eh.
"Ano na naman bang kailangan mo?"
tanga, obvious naman na atention-seeker 'yan.
" Samahan mo 'ko sa cafeteria, I'm hungry na eh. "
" I'm hungry na eh. " mahinang pangga-gaya ko na narinig naman ng mga kaibigan ko kaya pasimple rin silang natawa.
" May sinasabi ka?" Tanong sa'kin ni Audrey.
Agad din akong umiling, "Wala, wala talaga promise. " sambit ko at ngumiti nang sarcastic.
"Alis na kami ng Babe ko ah, Bye."
Hindi pa 'ko nakakasagot, nahatak na niya kaagad si Hell palayo. Nakita ko rin ang pag-lingon ni Hell sa'min.
Kita ko pa ang pagka-irita niya habang pilit na inaalis ang lintang nakakapit sa kaniya. Ops-- I mean si Audrey na nakakapit sa kaniya.
Eh? May upcoming sick yata ako. Bakit ba ako naiinis sa Audrey na 'yon? Tiyaka dapat nagcecelebrate ako kasi nakikita kong nabu-bwisit yung araw ni Hell eh.