Chapter 44: War
Nate's POV
Natulos ako sa aking kinatatayuan nang makita kong nakabaluktot na nakahiga si Alex sa sahig.
Ano namang nangyari?
Nagpaalam lang siyang aalisin iyong mantsa sa dress niya pero heto siya ngayon at nasa breakdown stage na
naman yata.
Tinakbo ko ang pagitan namin at lumuhod para yakapin siya.
Hindi niya alintana ang higpit ng pagkakayakap ko sa kanya.
Tuloy lang siya sa paghagulgol nang malakas.
"Sir, may problema po ba?" Tanong ng isang staff sa restaurant.
Umiling ako at sinabihan siyang ipadala sa likod ng restaurant ang sasakyan ko.
Agad naman itong tumalima nang maibigay ko sa kanya ang susi ng kotse.
"Alex. Alex." I chanted her name like a litany.
Ano na naman ba ito?
Ano na naman bang nangyari?
Wala pa rin. Humahagulgol pa rin siya at mukhang nahihirapan na siyang huminga.
"Here." Iniabot ko sa kanya ang panyo pero hindi man lang niya ako pinansin.
Ako na mismo ang pumisil sa ilong niya.
"Breathe, Alex. Inhale. Exhale. Take deep breaths." I instructed her.
Tumingin lang siya sa akin.
Hilam na hilam ang mga mata niya sa kakaiyak.
Wala din akong makitang ibang emosyon doon kundi kalungkutan.
Parang bumalik na naman siya sa dati.
"Sir, nasa likod na po iyong kotse." Sabi ng waiter na inutusan ko.
"Alex, let's go. You need to rest."
Hindi siya umimik. Fuck this!
Isinuot ko sa kanya ang coat ko at binuhat palabas.
Tinanguan ko ang waiter at agad naman niyang naintindihan ang gusto kong ipagawa.
Sumunod siya sa amin ni Alex sa labas.
Pagkalapag ko kay Alex sa may passenger seat ay agad kong ikinabit ang seatbelt.
Ini-lock ko din ang pinto baka kung ano pa ang maisipan niyang gawin.
"Here. Thank you for your help." Iniabot ko ang limang libo sa waiter na namilog ang mga mata.
"Sir, masyado po yatang malaki ito." Akmang ibabalik niya ang apat na libo nang pigilan ko siya.
"No. Take it. Inabala kita sa oras ng trabaho mo. And please don't tell anyone that my fiancee broke down." I instructed him.
Tumango na lamang siya at pumasok na ako sa kotse.
"Nate--" Bulong ni Alex.
"Yes?" Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.
"I'm thinking about putting the engagement off." Hindi niya ako matignan sa mata.
She's staring down at her trembling hands.
I touched her hands to help her calm down but she flinched.
"I'm sorry, Nate please understand me." She sobbed again.
God. What's happening to her?
Kanina lang ang saya pa naming nag-uusap. At may dinner date pa kami with her family.
Ano na naman ito?
"Alex, pagod ka lang. Ihahatid na kita sa condo mo. Sleep it off then we'll talk when you're well-rested." I pinched the bridge of my nose.
Umiling siya at hinawakan ang kamay ko.
"Nate, that's not it. Please try to understand me." Humigpit ang pagkakahawak niya.
No. Hindi ito maaari.
"What changed?" Tanong ko na nagpipigil na umiyak.
"This is wrong. This is not yet the right time."
"When will be the right time, Alex?"
"I don't know. Two or three years from now?" Naguguluhan niyang sagot.
Damn it. Hindi naman sa hindi ako handang maghintay.
Nararamdaman ko lang na gusto niya akong maghintay sa wala.
"Tell me, what changed? Who changed your mind?" There. I threw the question.
She bit her trembling lip and tightened her grip on my hand.
"Nate, I-I--" Hindi niya maituloy-tuloy ang sasabihin niya dahil umiyak na naman siya.
"Ang gagong Yoshinori na naman ba, Alex?" Galit kong tanong.
She nodded and bursts into sobs again.
Shit. Fuck.
That Yoshiniri guy keeps on ruining her. He keeps on making Alex a wreck.
"What did he do to you? How?" Tumulo ang luha sa kanang pisngi ko.
"Sinaktan ka ba niya? Siya ba ang kausap mo bago ka nag-breakdown kanina?"
"Ano? Sagutin mo ako!" Sigaw ko sa kanya at napapitlag naman siya.
"Oo! We had a confrontation!" Her eyes glaring at me.
"Hindi lang siya ang nasaktan at nawalan ng anak, Nate! Napaka-selfish ko!" Sigaw niya.
"I monopolized the pain not knowing that we're sharing the same struggles." Hagulgol niya.
"Pareho kaming nawalan ng anak. And I took that opportunity away from him. Ipinagkait ko sa kanya ang makasama ang baby namin dahil
sa katangahan ko. At nang mawala ang anghel namin ay sinarili ko ulit. Hindi ko man lang naisip na naghihintay siya sa pagbabalik namin.
Ang sama-sama ko, Nate! Ang sama kong babae at ina!" She sobbed harder as she keeps on punching her chest.
Damn. Seeing Alex like this tears me apart.
I pulled her in a hug to soothe her. But she pulled out of the embrace and shook her head at me.
I knew it.
No. Hindi kita bibitawan.
"Nate, just let go. You don't deserve a woman like me. You deserve the best. Someone who will love you unconditionally. Someone who is whole." She msiled sadly.
"You're perfect to me. For me. Ikaw lang ang gusto kong makasama habang-buhay, Alex."
"Hindi mo ako naiintindihan, Nate." She sounded so defeated.
Then it clicked.
Mahal niya pa rin si Andrew Yoshinori.
No. I've gone this far. We went this far.
Ngayon pa ba ako susuko?
No way.
With a determined voice, I looked at her and kissed her briefly.
"You're mine, Alex. I will fight for you. Kahit magkamatayan pa kami ni Yoshinori.
Hindi kita basta isusuko na lang sa kanya. You don't deserve a man like that." Pangungumbinsi ko sa kanya.
"Ako lang. Tayo ang nararapat sa isa't-isa."
At pinaharurot ko na ang sasakyan.
Matapos ang ilang minuto ay wala ng imikan sa sasakyan.
Nagmaneho na lang ako papunta sa condo niya.
Paglingon ko ay mahimbing na siyang natutulog.
Pagka-park ng kotse ko ay pinakatitigan ko siya.
Hinaplos ko ang pisngi niyang may natuyong luha.
"You're too beautiful to weep because of a jerk, baby." I whispered and brushed my lips against hers.
"I will launch war, Alex. I won't back down. This is live or die." I vowed.
***
Come Monday, I hurriedly went to Yoshinori's office.
Wala akong pakialam kahit na pareho kaming ma-ospital o mamatay.
Ang alam ko lang ay ipaglaban si Alex sa gagong ito.
Wala na siyang karapatan sa fiancee ko. Matagal na siyang nawalan ng karapatan.
Mula ng malaman kong na-set up si Alex kaya siya nakunan.
I asked a private investigator to check on the medical reports na ibinigay sa akin ng doktor na tumingin kay Alex noon.
May nakita silang traces ng isang drug for abortion.
Alam kong isa siya sa mga may kayang gumawa noon kay Alex.Sigurado akong hindi kailanman maiisipan na
gawin iyon ni Alex.
Kilala ko siya. Kahit ano pa man ang mangyari, hindi niya makakaya na pumatay ng isang walang-malay na sanggol. Kahit na nagdudusa
na siya.
"Sir, may appointment po ba kayo kay Mr. Yoshinori?" Tanong sekretarya ni Andrew sa akin.
"Wala. But I have an important thing to discuss with him."
"But sir, you need to have an appointment. Busy po si Mr. Yoshinori. He's with a client as of now." He informed me.
"Wala akong pakialam kahit na si Obama pa ang kausap niya. This is more important than who is he talking to now." Singhal ko atsaka nagtuloy-tuloy sa opisina niya.
Nagulat ako nang makita kong babae ang kausap niya.
I grinned. Gago talaga. Akala ko ba kliyente?
Babae niya lang pala.
"Yoshinori." I said in a clipped tone.
"Lagdameo?" Napapantastikuhan niyang tanong.
Nanlaki naman ang mga mata ng babaeng nakakapulupot ang kamay sa leeg niya kanina.
Namutla pa ito.
Cheska. Yes, siya nga si Cheska.
"I need to go. See you later, honey." Hahalik sana ito sa pisngi ni Andrew pero naunahan na siya nito.
Isang malutong na sampal ang natanggap ng makapal niyang mukha.
Nakita ko sa cctv doon sa may restaurant na nagtalo sila ni Alex. Muntik na niyang masaktan ang fiancee ko.
Buti ay mabilis ang Alex ko.
"Parang runway ng sampal ang pisngi mo, Miss Cheska." I grinned wickedly at her and she tried to slap me.
Napigilan ko iyon at itinulak siya.
"Don't you dare slap me, especially Alex. Baka hindi ka na makita ng mga magulang mo." I threatened her.
She snickered at me.
"Try me. I can make her life hell again."
Sasampalin ko na sana siya ngunit naunahan na naman ako ni Andrew.
Hinablot nito ang magkabilang braso niya at kinaladkad palabas.
Nagsusumigaw ito. Gumawa pa ng eskandalo.
"Bato ang ipinalit mo sa diyamante? I thought a successful businessman like you would be meticulous." I was referring to Cheska and Alex of course.
"Bakit ka ba nandito? Anong sadya mo?" Pag-iiwas niya sa tanong ko.
Nice one.He knew that it's a rhetorical question.
"To tell you to stay away from my fiancee."
Tumaas ang isang kilay niya.
"I am not doing anything. Hindi ko siya hinahabol, Lagdameo." He said in a bored tone.
"Hindi mo ako maloloko, Yoshinori. She will not act like that kung hindi mo siya nilalandi. Kung
wala kang ginagawa." I snarled at him.
"Believe me, I'm not doing anything. There's nothing up on my sleeve. Wala na akong balak pa na balikan ang fiancee mo."
Pinakatitigan ko siya. Puno ng galit at poot ang kanyang mga mata.
"I'm not dumb, Yoshinori. Alam ko ang mga ganyang galaw."
"Like what you did? You took advantage of Alex when she was so weak and devastated? Ganoon ba ang gusto mong iparating?" Nanunuya niyang tanong.
Pailing-iling pa siya at nasalita ulit.
"I won't stoop that low. To tell you honestly, I don't give a damn kahit sino pa ang pakasalan ni Alex ngayon." He said with finality.
Hindi pa rin ako kumbinsido.
"Kung yun lang naman ang pakay mo dito, makakaalis ka na. The door is right there." Turo niya sa pinto na nasa likuran ko.
"You jerk! Wala kang kaluluwa! Wala kang kwentang tao!" Pinagsusuntok ko siya at tumama ang lahat ng iyon.
Nakita kong dumugo pa ang kanyang ilong.
Pero nakabawi siya at natamaan ako ng dalawang beses.
"Anong problema mo? Iyong-iyo na ang fiancee mo!" Isa pang suntok ang pinakawalan niya at natamaan na naman ako.
"Tangina ka, Yoshinori! Wala kang puso! Ipapakulong kita! Sasampahan kita ng kaso sa pagpatay sa anak ni Alex." Singhal ko at kinwelyuhan siya.
"Isang taon siyang nagdusa sa pagkamatay noong baby niya na inakala niyang kasalanan niya lahat. Ikaw!" Dinuro ko siya.
"Ikaw ang nagplano na painumin siya ng gamot para malaglag iyong bata! Putangina ka!" Hindi ko napigil ang mga luha ko.
Kusa na silang nagsipagbagsakan.
Alex doesn't deserve this guy. No. She deserves someone who loves her unconditionally.
Kahit hindi na ako, basta huwag lang ang halimaw na ito.
"Anong pinagsasabi mong gago ka? Are you out of your mind?!" Nabaliktad ngayon ang sitwasyon.
Siya na ang nakahawak sa kwelyo ko ngayon.
"May ebidensya akong hawak, Yoshinori. At kaya kong patunayan sa kahit saang korte na ikaw ang nagplano sa pagkalaglag ng bata."
Nagtagis ang mga bagang niya at sinuntok ako sa tiyan.
Napaluhod ako at naalala ang mga medical reports na hawak ko.
"Halimaw ka! Ayan! Kopya yan ng medical reports noong nakunan si Alex! May gamot na nilagay sa inumin niya para malaglag ang bata.
Hindi iyon traceable basta-basta. It took weeks for the doctors to confirm that it was the cause of her miscarriage."Salaysay ko.
Kinuha niya ang mga iyon at binasa.
"Hindi kasalanan ni Alex na namatay ang bata. She blamed herself. Akala niya ay dahil hindi niya naalagaan ng mabuti ang sarili
ay iyon ang dahilan para mamatay ang bata."
Napatulala lang si Andrew.
"You killed the baby, Yoshinori. And Alex suffered."
Dinaluhong niya ako ng limang suntok at nag-iiyak.
"Gago! Hindi ko iyon magagawa! Hindi ko kayang patayin ang anak ko! Gago ka ba?" Sigaw niya.
"Isang taon kong hinanap si Alex! Paano ko naman magagawa iyan sa kanya kung binalak ko man iyon?" Singhal niya.
"Hindi ko kayang gawin iyon kay Alex. Lalo na sa baby namin."
Nakita ko ang lungkot at galit sa mga mata niya.
Natakot ako sa aking nakita. He's telling the truth.
So, if it's not him. Sino?
Putangina. Sino?!
"Sino? Sino ang pumatay sa bata?" Kinwelyuhan ko siya pero hindi na siya lumaban pa.
Pinagsusuntok ko pa siya pero hindi na talaga siya pumapalag.
Akma ko siyang tatadyakan ng mahiga siya sa sahig nang biglang sumigaw si Alex.
"Nate, stop! Stop! Please stop!" She hysterically sobbed.
Itinulak niya ako at lumuhod siya sa sahig. Dinaluhan niya ang duguan at tulalang si Andrew.
"Andrew. Andrew, please magsalita ka." Nagpa-panic niyang sabi.
Nilingon niya ako.
"Nate! Ano ba? Bakit ba kayo nag-aaway? Fuck this." Umiyak na naman siya at napapitlag si Andrew.
Iniyakap nito ang mga braso kay Alex at inalo ito.
Upon seeing that, I knew that I'm on the losing end of this war.
A/N: Whew. I dunno how to write a fist fight. So pagpasensiyahan niyo na. What can you say? Sino naman kaya iyong nagpalaglag sa bata?
Sino ang evil spirit na iyon? Gahd, I love Nate. Ayoko siyang maging sad. Any requests sa ending nito? Let me know and I'll think if it's
good and suits the ending I have in mind. Last 4 chapters.
XOXO,
SERENDIPITY214