Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPL...

By AngManunulatMissDee

109K 4.1K 325

Love me even it's complicated... More

S2 - #DKBMTheForgottenPromises
S3 - #DKBMPregyJade
S4 - #DKBMPagluluksa
S5 - #DKBMPagbabago
S6 - #DKBMLuksoNgPuso
S7 - #DKBMParamdam
S8 - #DKBMSimula
S9 - #DKBMPaglihim
S10 - #DKBMGalit
S11 - #DKBMKomplikado
S12 - #DKBMPagkakapareho
S13 - #DKBMGustoKita
S14 - #DKBMMagkaribal
S15 - DKBMPagpaparaya
S16 - #DKBMPaghaharap
S17 - #DKBMSakripisyo
S18 - DKBMHindiNaPwede
S19 - #DKBMPagtatapat
S20 - #DKBMPaghihiwalay
S21 - #DKBMLigaw
S22 - #DKBMPaglilinaw
S23 - #DKBMAlalahanin
S24 - #DKBMPangako
S25 - #DKBMLihim
S26 - #DKBMDesisyon
S27 - #DKBMPaalam
S28 - #DKBMSimulaNgBagongBuhay
S29 - #DKBMTuloyPaRin
S30 - #DKBMPagtataposNgUnangHenerasyon
Epilogue

S1 - #DKBMMulingPagkikita

13.6K 219 5
By AngManunulatMissDee

"Thea! Dyan ka na ba titira sa cr? Ilang oras ka nang naliligo, anong oras na oh!" sigaw ng best friend slash nanay kong si Sarah Asher Tamayo.

"Mommy ito na tapos na po!" sagot ko habang kalalabas ko lang ng bathroom.

"Bakit ba ang tagal mo? Parang hindi ka excited umuwi sa inyo. Ito na yung damit mo plinantsa ko na, dalian mo nga ang kilos, dapat mga 3 pm nasa loob ka na ng airport. Kung ganyan ka kupad gumalaw, sinasabi ko sayo maiiwanan ka ng eruplano." she said at busing busy sa pag aayos ng mga dadalhin ko sa pag uwi ko sa aking tinubuang bayan. Matapos kong suklayin ang buhok ko lumapit ako sa kanya at nagback hug.

"Bakit ba gustong gusto mo na akong umalis baby ko?" opsss baby ko lang lang ang tawagan namin pero hindi kami. We're best friends okay, wag kayong green minded. We're living in the same roof, kasi pareho kaming independent at gusto namin na walang nakiki alam sa amin sa mga bagay na gusto naming gawin. Pareho naming gustong patunayan ang mga sarili namin sa pamilya namin. Sarah is band vocalist at my boyfriend siyang isang hot papa si Gino. Ako naman, walang nagtatagal na lalaki sa akin hahaha isinumpa kasi ako na maging single forever, charot!

Ewan ko ba kung bakit walang nagtatagal sa akin, masyado daw kasi akong malalim at seryoso. Kaya walang nagtatagal kasi boring akong karelasyon, they said.

"Mamimiss kita ikaw pa? Hanggang kailan ka ba sa probinsya niyo?" she asked habang nakahug pa rin ako sa kanya habang linalagay niya ang mga gamit ko sa maleta.

"Two weeks lang, aattend lang naman ako ng wedding ni Soleen saka weeding ng kapatid ko. Mamimiss din kita, mamimiss ko ang best friend slash Nanay ko. Pero pwede habang wala ako wag na wag mong patutulogin dito si Gino. Kapag nalaman ko lang na senex ka niya humanda ka sa akin." banta ko at kiniss siya sa cheek. Kong siya Nanay ako naman over protective na best friend, syempre baby ko 'to eh.

"Ay sus! Hindi gagawin ni Gino yun noh! Teka di ba ikakasal na si Andrew yung bunso niyo, ikaw kailan ka mag aasawa? 27 ka na rin di ba? Wala ka pa bang balak magseryoso sa love life?" she asked napakalas naman ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Iniimagine ko palang na mapapakasal ako para na akong sinakluban ng langit at lupa, I can't even." maarte kong sagot habang nagboblower ng hair.

"Duh! Baka naman kasi baby ko, babae ang gusto mo." sabay sundot sa tagiliran ko.

"Tumigil ka ng Sarah Asher Tamayo, babae ako noh! Hindi ko lang talaga trip magseryoso sa Love Love na yan. At kapag nahuli ko yan si Kupido babaliin ko ang pakpak niya at mga pana para wala na siyang maperwesyo. Ang laki kaya ng naambag kong gastos sa pagpapakasal ni Andrew." depensa ko sa binibintang ni Sarah sa akin. Pagkamalan ba naman akong tibo, duh I can't even.

"Eh babae ka naman talaga baby ko, ang point ko baka si Heart mo iba ang type. Pero kung pusong babae ka talaga at di naniniwala sa love okay. I raise my hands up. Dalian mo na dyan, sarili mo na nga lang ang inaasikaso mo Althea Castro e ang kupad kupad mo pa!" kantiyaw niya sa akin dahil halos siya na ang nag impake ng gamit ko.
Ang swerte ko talaga sa best friend ko, that's why I love her so much. Kung naging lalaki lang ako liligawan ko talaga 'to, coz she's a wife material.

✈✈✈✈

Si Sarah na rin ang naghatid sa akin sa airport, habang nasa daan kami she keep on reminding me parang Nanay ko lang talaga.

At ito kami ngayon halos ayaw niyang maghiwalay, iyak siya ng iyak.

"Baby ko naman tahan na, nakakahiya sa mga tao oh pinagtitinginan na nila tayo." pag awat ko sa kanya sa pag iyak habang mahigpit na nakayakap sa akin.

"Hayaan mo sila wala akong paki alam, sa mamimiss naman kasi talaga kita e. Pagbigyan mo na ko 10 seconds nalang, ipower hug mo din ako yung mahigpit ah!" she said at nakayakap sa akin ng mahigpit. Sobrang lambing talaga nitong bff ko.

"Baby minsan iniisip ko type mo ko, kaya ganito ka nalang ka sweet sa akin. Pero kung naging lalaki ako mamahalin talaga kita." bulong ko sa kanya at bigla niya akong pinalo sa braso.

"Baliw! Sige na umalis ka na nga! Sige na babye na, yung mga bilin ko ah! Don't forget. " she said sabay punas ng mga mata niya, napaka iyakin talaga nito. Parang ayoko tuloy iwanan.

"Opo Nay, and please take care of yourself ha? Two weeks lang ako mawawala kaya pwede behave ka?" bilin ko at binigyan siya ng kiss sa cheeck.

"Yes boss! Oh siya sige na magboarding ka na. I love you baby ko!" she said sabay kiss ng mabilis sa cheeck ko.

"I love you too baby ko!" sabay flying kiss sa kanya at agad na akong umasok sa loob ng departure area.

🌹🌹🌹

I'm Althea Castro isang kilalang Arkitekto, actually I'm the head Architect sa firm na pinag tatrabahuhan ko. Sa loob ng limang taon ngayon lang ako umuwi ng probinsya namin, ang hirap kasi kapag nakasanayan mo na ang manirahan sa isang lugar. Tapos may kasama ka pa sa bahay na all in one, kapatid mo na, Nanay at Tatay mo pa kung umasta.

I am not a Mama's girl and Papa's girl, hindi kasi ako lumaki sa piling ng mga magulang ko. Pinalaki ako ng kapatid ng lola ko, siya nga lang ang naka kumbinsi sa akin na umuwi muna kahit ayaw ko.

Paglapag ng plane sa Naga Airport, ramdam ko na nasa probinsya na ako. Malayo sa kabihasnan, puro punong kahow at kabundukan ang makikita mo. At sinabayan pa ng isang bandang sumalubong, hay naku nakakahiya. Agad akong linapitan ni Inang ang nagpalaki sa akin at sinabitan ako ng sampagita. Mukha ba akong puon? 😐Si Tatay at Nanay naman nakikisayaw sa tugtog ng banda. Parang gusto kong lumubog sa hiya sa ginagawa nila dahil pinagtitinginan kami ng mga tao. 😕

"Welcome home Althea!" sigaw nila nung matapos silang sumayaw. Agad silang nagsitakbuhan sa akin at inupog ako ng halik. Parang baby lang? Kung si Sarah okay lang pero sila parang gusto ko silang ipagtutulak.

"Nay Tay pwede ba, hindi na po ako bata." angal ko.

"Anak pasensya na namiss ka lang namin." sabi ng tatay Fernan ko.

"Tara umuwi na tayo, baka pagod na ang anak natin." wika ni Nanay hay mabuti pa nga.

Habang nasa daan kami papunta sa bahay namin, I received a text and 18 missed call galing kay Baby ko. Grabe siya oh, ang tiaga. When I open her text natawa ako ...

"Baby ko 😢 umuwi ka lang nakuha mo na akong tiisin. Pag uwi mo dito hu u ka sa akin!" {first message}

"I know your tired pahinga ka pag uwi ah? Hmmm text me before you sleep." {second message}

"Baby ko I'm start missing you 😢. Isinuot ko nalang yung hinubad mong damit sa unan, para di kita gaanong mamiss. I love you baby ko." {third message}

Ang sweet talaga ni Baby ko, napasmile ako sa mga text niya mareplyan nga. Ay hindi tatawagan ko nalang.

Dialing Baby ko ...

"Bakit ngayon ka lang tumawag? Kanina pa ako tawag ng tawag sayo ayaw mong sumagot!" inis niyang bungad sa akin hahaha.

"Chill baby ko, we're on our way na pauwi ng house. Ito naman masyado akong namimiss, wag ka nang magaling sorry na." paglalambing ko sa kanya.

"Okay forgiven ka na, ikaw pa matitiis ba kita? Hmmm baby ko pwede umuwi ka na? Namimiss na kita agad eh ..." she said with pacute voice.

"Sarah yung totoo girlfriend lang ang peg? I miss you too. Oh siya sige na malolowbat na phone ko I'll text you when we reached home ah. I love you ..."

"I love you more, mag ingat ka. I'm on my way na rin sa band practice namin, bye baby ko." paalam niya at agad enend ang call.

"May boyfriend ka na anak? Bakit di mo sinama dito para nakilala namin." biglang sabi ng Tatay ko. Mukhang narinig yata ang pag uusap namin ni Sarah.

"Oo nga naman anak bakit di mo sinama para nakilatis namin ng Tatay mo. Kailan niyo planong magpakasal ng boyfriend mo?" dagdag ni Nanay. Kasal? Agad agad? Naku nakaka badtrip talaga kapag naririnig ko ang salitang KASAL.

"Hindi ko po boyfriend yung kausap ko kanina she's my best friend. Yung kinikwento ko po sa inyo, si Sarah. At saka wala po akong boyfriend, wala po akong panahon dyan." naka kunot noo kong paliwanag sa kanila.

"Baka naman anak babae ang type mo, kasi yung guhit ng ngiti mo kanina parang kinikilig ka. Kitang kita kita sa salamin kanina" naka ngiting sabi ng Tatay ko, pati ba naman si Tatay? 😕

"Hoy Fernan babae yang anak mo, nag iisang babae na nga lang natin si Althea ginawa mo pang lalaki. Anak kapag nakahanap ka na ng lalaking matino at may maayos na trabaho sunggaban mo na wag mo nang pakawalan. Parang si Jade yung ka klase mo nung high school, ikakasal na rin sa susunod na linggo. Don sa lalaking mayaman at maraming lupain." pagkikwento ni Nanay. Di ko naman kilala kung sinong Jade ang tinutukoy niya, marami rin kasi akong kilalang Jade.

"Sinong Jade Nay?" tanong ko para makilala ko yung tintukoy niya.

"Si Jade na kapit bahay natin, yung kasama mo sa volleyball nung high school kayo." paglilinaw niya.

"Ah okay, di ko na rin kasi nakakausap yon saka matagal na kaming walang communication." sagot ko.

"Naku excited yon anak nung malaman niyang uuwi ka. Nasa bahay yun ngayon nagluluto sila ng pansit bato yung paborito mo. Kaya pag uwi mo may kunti tayong salo salo." saad ni Tatay. Hindi na ako sumagot sinuot ko nalang ang beats headphones ko at nakinig nalang ako ng music. I feel bored na, i hope ma enjoy ko kahit papaano itong bakasyon ko.

🌷🌷🌷

Pagdating namin sa bahay sinalubong naman ako ng mga kapatid ko pati kapitbahay namin. Akala mo naman may artistang dumating, pero di ko naman maitanggi maganda talaga ako. Panay puri ng mga tao sa akin na mga kapitbahay namin na hindi ko naman kilala.

"Althea ang laki ng pinagbago mo ang ganda mo iha!"

"Oo nga artistahin!"

Natawa na lang ako sa mga tao sa reaksyon nila, kitang kita ko sa mukha nila na ngayon lang sila nakakita ng artistahing face.

"Oh siya mga kapitbahay tutuloy muna kami sa loob at pagod na ang anak namin sa biahe." pag alok ng Tatay ko at tuluyan na kaming pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok namin, ayon at may pacompette pa silang salubong sa akin.

"Welcome Home Althea!" sigaw ng mga kapatid ko, at mga pinsan ko and the girl na ngiting ngiti naman sa akin.

Syempre hindi mawawala ang group hug, dahil namiss ko silang lahat. At the last person hug me is the girl na nakasmile pa rin sa akin nung dumating ako. Weird ah? Ganun ba talaga ako kaganda?

"Tol long time no see ah! Nakakamiss ka din pala, and you changed a lot." she said habang naka hug pa rin sa akin. Wala pa rin akong reaction sa kanya, but our heartbeat as one. Ang weird talaga ...

"Thea di mo man lang ba kakamustahin si Jade? Utolitz mo yan nung high school kayo, di mo ba siya namiss?" my kuya said.

"Oo nga Thea siya nagluto ng mga yan, hindi nga siya nagpatulong. Oh Jade yang utol mo hindi ka yata na miss." kantiyaw ng kapatid kong si Alcris.

Napatingin naman sa akin si Jade nung kumalas siya sa pagkakayakap. "Naku baka pagod lang mga kuya's. Tara tol kain ka na." pag aya niya sa akin, sorry girl ilang taon na rin kasi kaya ang hirap makipag close ulit.

"Jade salamat, pero sa kwarto muna ko mga Kuya's Nay and Tay. I just need a rest." paalam ko sa kanila.

"Oh siya sige anak magpahinga ka na muna." wika ni Nanay.

"Guys just open the pasalubong box okay? May mga pangalan niyo na yan, Sarah prepared it. Sige I'll just go to my room." I said ..

"Samahan na kita, ito ba maleta mo? Tara ako na magpapasok." sabi ni Jade at hinatak na ang maleta ko at sumunod sa akin.

Pagpasok namin sa kwarto ko, napatingin ako kay Jade panay pa rin ang ngiti niya sa akin. Ang weird ah?

"Ang init naman wala bang aircon dito?" sabi ko at agad humiga sa kama.

"Meron sandali bubuksan ko." she said at agad binuksan ang aircon. "Ah tol kamusta? Ang laki na talaga nang pinagbago mo." naka ngiti niyang sabi sa akin at humiga sa tabi ko.

"Buti pa nga ako may pinagbago, e yung kalsada papasuk dito sa Barangay natin wala pa rin pinagbago. 5 years akong nawala ni wala man lang nagbago, pasensya na maarte lang hindi lang ako sanay." maarte kong sagot.

"Ah Tol ..." she said at natawa ako. "Bakit ka natatawa?" tanong niya.

"Wala I think it's not accurate na tawagin mo pa akong Tol, it's been a year Jade." i said ...

"Pasensya na naka sanayan ko na eh." she said na malungkot ang boses. Bigla naman akong nakunsensya.

"Sorry ah if I offended you." sagot ko at humarap sa kanya.

"Okay lang, hmmm tol bakit di ka sumagot sa mga email ko sayo? Pati pm sa facebook unseen pa rin. What happened, but parang suddenly nagbago lahat?" she asked at ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

"Jade it's not so easy to be an architect. Halos dighay na nga lang yung pahinga ko, ngayon lang ako nagkaroon ng break." paliwanag ko sa kanya.

"Kaya naman pala, kawawa ka naman. Pero alam mo tol namiss kita." she said at bigla niya akong yinakap. Nagulat naman ako sa ginawa niya, and I feel her heartbeat sabay ng beat ng puso ko. Ang weird talaga, bakit sabay na sabay ang pintig ng puso namin? After that moment nag paalam na si Jade sa akin, at nagpahinga na rin muna ako.

🌷🌷🌷

"Oh Jade kamusta utol mo tulog na ba?" tanong ni Alcris ng lumabas ng kwarto ni Althea, si Jade.

"Ayon mukhang pagod sa biahe." sagot nito at umupo sa harap ng mesa.

"Mukha nga kasi hindi niya napansin effort mo. Laki ng pinagbago ng kapatid ko noh?" sabi ni Sam na nakatatandang kapatid ni Althea.

"Oo nga kuya sobrang laki ng pinagbago niya. Mas gumanda siya ngayon saka naging mas malalim at seryoso." pag agree nito.

"Hayaan mo na naninibago lang yon." Alcris said. Tumango nalang si Jade at nagpatuloy sa pagkain.

"Oo nga sobrang laki ng pinagbago ni Althea. Hindi na siya yung Althea na nakilala ko, na malambing, sweet at clingy. I miss the old Althea. Bakit ba ganun? Kasabay ng pagbabago ng panahon, sabay din nitong nagbago si Althea." Jade talked to herself.

.
.
.
.
.
To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

453K 9.7K 30
Guns on their heads Each trigger waiting to be pulled Tears on their cheeks Drop them, if only they could Dennise, a rebel girl, was...
89K 2.6K 28
This is a fan fiction of RaStro, #TheRichMansDaughter inspired story. Whatever writen here don't have any personal connection to Glaiza and Rhian. "T...
2.4K 138 16
When the Star met the Moon in the middle of the night. I re-published it but changed NOTHING. excuse grammars or spellings :))