Entasia 1: Something Magical

By MsSummerWriter

24K 526 29

Entasia Trilogy 1 Fantasy/Romance Sabi nila, be careful what you wish for kasi hindi naman natin alam baka ma... More

Something Magical
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Epilogue

Chapter 14

522 6 0
By MsSummerWriter

Chapter 14

"PAANO mo magagawang kalimutan ang mortal kung palagi ay pinagmamasdan mo siya sa bolang krystal na 'yan, Mahal na Reyna?"

Nasa harapan ngayon ni Aravana si Cotton bilang ito ay ginawa niyang kanyang kanang kamay habang siya ay namumuno sa Kaharian ng Larisia.

Siya na ngayon ay reyna na namumuno sa Larisia. Si Aravana na ang nagsisilbing ilaw para magkaroon ng liwanang ng pag-asa ang kanyang nasasakupan. Matapos ang naganap na digmaan laban kina Prinsipe Anikko ay tinipon niya ang lahat ng mga Larisian at mangkukulam na tumulong sa kanil ay nagkaisa ang mga Entasiano para mapilit siyang pamunuan ang Larisia. Ayaw niya sana pero naaawa siya sa mga diwata dahil naghahanap ang mga ito nang masasandalan.

Kaya naman pumayag na rin siya. Ngayon ay naging maayos na ulit ang Kaharian ng Larisia. Hindi pa ito ganoon kaunlad tulad ng dating kaharian na pinamumunuan ng kanyang ama ngunit unti-unti silang bumabangon.

Samantala ang mga naiwan naman na mamamayan ng Kaharian ng Alleje ay nandoon pa rin sa lugar nila. Binigay niya ang pamumuno ng kaharian kay Ertano. Isa kasi sa pinagkakatiwalan ng kanyang ama noon si Ertano at ngayon ay napatunayan nito ang sarili matapos na magwagi sa digmaan. Kasalukuyan ay pinapaunlad naman nito ang sariling kaharian. Ang mga mangkukulam naman na dati ay nasa bayan lang ng Azaria ay malaya na rin nakakagalaw sa mundo ng Entasia na walang kahit na anong alalahanin sa buhay ng mga ito.

At si Third? Malungkot na itinabi niya ang bolang krystal. Namatay ito nang araw na masaksak sa puso. May sumpa ang espada na ginamit dito kaya hindi na niya nagamit pa ang kapangyarihan niyang gamutin ito.
Hindi niya kinaya nang makitang wala ng buhay ang binata at naawa naman sa kanya si Cotton. May sinabi ito na maaari pa nilang mabuhay si Third, may magagawa pa ito upang baliktarin ang sumpa na hatid ng espada ni Prinsipe Anikko. Pumayag naman siya basta mabuhay lang si Third ngunit hindi naman niya akalain na kapag nabuhay na ito ay mawawalay na ito sa kanya.

Iyon kasi ang sinabi ni Cotton. Magbabalik sila sa mundo ng mga tao at doon sa mundong hindi sakop ng Entasia ay maaari nilang gawin ang ritwal ng pagbabalik ng kaluluwa nito. Nagawa nang maayos ni Cotton ang ritwal, naibalik nila ang kaluluwa ni Third at nagawa na rin niyang gamutin ang sugat sa puso nito.

Masaya siyang makita na buhay ang binata pero hindi na nila maaari na ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan. May kaharian na siya na dapat unahin, maraming Larisian ang umaasa sa kanya bilang bagong reyna. Ayaw man niya pero isinakripisyo niya ang pagmamahal niya dito. Nang araw na iyon ay ginamit ni Cotton ang kapangyarihan upang palabasin na hindi nangyari ang lahat. Ibinalik niya ang eksena kung saan sila unang nagtagpo ni Third.

"Tinatawag niya ang aking pangalan, Cotton. Hindi niya kaya na wala ako sa kanyang tabi." Garalgal ang boses ni Aravana habang pinupunasan ang luha sa kanyang pisngi.

"Isinuko mo na ang iyong pag-ibig sa mortal. Nandito ka bilang aming reyna sapagkat iyon ang kagustuhan mo."

"Batid mo na hindi ko kagustuhan na maging Reyna ng Larisia. Naawa lamang ako sa nasasakupan ng Larisia ngunit ang puso ko ay wala rito. Nandoon na sa mundo ng mga tao. Na kay Third na ang puso ko at hindi ko alam kung magagawa ko pang bawiin iyon. Pakiramdam ko ay wala akong pinagkaiba sa isang kaluluwa. Heto ako at nakikita niyo ngunit—"

"Mahal na Reyna..." hindi naman maiwasan ni Cotton ang maawa sa kanya. Kitang-kita niya iyon sa mga mata nito.

Napabuntong-hininga na lang siya. Naalala niya bigla ang kwento ng alamat ng bulkang Mayon na ikinuwento sa kanya ni Third. Parehas man na namatay si Daragang Magayon ay Gat Malaya ay magkasama pa rin ang mga ito sa iisang hukay. Naisip niya tuloy na sana ay parehas na lang sila namatay ni Third upang kahit na paano ay magkasama sila. Alam niya na mali na kanyang isipin iyon ngunit ano ang magagawa niya? Nagmamahal siya at kahit na anong paraan para lang makasama niya si Third ay gagawin niya. Kahit na kapalit pa ay buhay nila.

"Kung may paraan lang upang makasama ko siya ay gagawin ko. Wala akong ibang hinahangad ngayon kundi ang makasama siya."

Napayuko na lang siya at niyakap nang mahigpit ang teddy bear na binigay sa kanya ni Third noong nasa mundo pa siya ng mga tao. Nang oras na dinala nila si Third sa mundo nito ay kasabay niyang kinuha ang teddy bear na ito para maging alaala na minsan ay nagmahal siya. Ito lang ang natatanging alaala ni Third kaya kahit na nakaupo siya sa trono ay dala-dala niya ito. Pinagtitinginan nga siya ng kanyang konseho dahil sa teddy bear na ito, kakaiba kasi ito sa kanilang paningin. Lihim na lang siyang natawa.

Ilang sandali pa ay tumayo siya para sana magpunta sa kanyang silid nang bigla ay matumba siya. Mabuti na lamang at nasa tabi niya ang dalawang dama at agad siyang nasalo. Napalapit sa kanya si Cotton at sinipat ang kanyang leeg. Nanlaki na lang ang mga mata nito.

"Iwan niyo muna kami ng reyna," utos ni Cotton sa mga dama at kawal na nasa punong bulwagan ng Larisia. Nang sila na lang dalawa ang naiwan ay pinaupo siya nito sa trono. "Ano ang inyong nararamdaman sa tuwing gigising kayo sa umaga?"

"Bakit mo itinatanong?" Kinakabahan niyang sabi. May pumipitik ng ideya sa kanyang isip ngunit natatakot siya.
"Sagutin niyo na lamang, Mahal na Reyna, pakiusap."

"S-sa tuwing magigising ako ay parang umiikot ang aking paligid, nahihilo ako at nasusuka. M-may pagkain akong nais kainin ngunit hindi ko malaman kung ano ang nais ko."
Tumitig sa kanyang mga mata si Cotton. "Ikaw ay nagdadalang-tao, Mahal na Reyna. Nakipag-isang katawan ka sa mortal."

Napakurap si Aravana sa sinabi ni Cotton. Buntis siya? Nagbunga ang mga sandaling nag-iisang katawan sila ni Third. Gusto niyang matuwa, nahawakan niya bigla ang kanyang impis na puson ngunit ang kislap ng katuwaan na nasa mga mata niya ay biglang naglaho at napalitan ng pangamba.

"H-hindi ba at sinabi mo na ipinagbabawal ito kaya mamamatay ang sanggol sa aking sinapupunan?"

"Ikinalulungkot ko, Mahal na Reyna. Iyon ang batas ng ating mundo."

"Batas ng ating mundo? May kasalanan ba ang sanggol na ito upang siya ay mahatulan ng batas na iyon?"

"Mahal na Reyna!"

"Inuutusan kita na gumawa ng paraan upang mabuhay ang sanggol sa ating mundo."

"Batid mong hindi maaari ang iyong kahilingan."

Biglang tumalim ang kanyang tingin kay Cotton. "At sino ka upang sabihin na hindi maaari ang aking nais? Ako ang reyna! Lahat ng naisin ko ay nararapat lamang na masunod! Anong silbi ng aking mataas na katungkulan kung hindi mo lang din ako susundin? Ano ang silbi ko bilang reyna kung hindi ko mapapangalagaan ang buhay na nabubuo sa aking sinapupunan?"
Napayuko si Cotton. Walang masabi sa kanya.

"At anong silbi ng mga mahikang alam mo kung hindi mo gagamitin ito upang iligtas ang isang sanggol? Hahayaan mo na lamang ba na mamatay ito na wala ka man lang ginagawa."

Tahimik pa rin si Cotton. Ayaw magsalita. At iyon ang ikinakainis ni Aravana. Kaya naman sumabog na siya at hindi na niya mapigilan ang sarili na pagsalitaan ito ng hindi maganda.

"Wala kang silbi!" Bigla ay tumayo siya at sinampal ito. Nakita niyang nangilid ang luha sa mga mata ni Cotton pero nanatili pa rin ito sa kanyang harap. Ayaw pa rin magsalita at sinasalo ang galit niya. "Bakit hindi mo sundin ang aking hiling! Ako ang reyna! Ako ang masusunod! Para ano at ginawa kitang kanang kamay ko kung wala ka naman pa lang silbi sa akin?" Patuloy lang si Aravana sa pagsasalita, hinahayaan lang siya ni Cotton.

Nakuyom na lang niya ang kamao saka padaskol na naupo sa kanyang trono. Pinahinahon muna niya ang kanyang sarili bago muling nagsalita.

"Nakikiusap ako, Cotton, gumawa ka ng paraan. Alam ko na kaya mo, 'di ba?" Hinawakan niya ang kamay nito at doon ay nagsimula na siyang maiyak. Nawala na ang mabalasik niyang mga mata at napalitan iyon ng pagmamakaawa. "Pakiusap, buhayin mo ang aking anak. Gumawa ka ng paraan. Ito na lang ang tanging alaala ng pagmamahalin namin ni Third. Nais ko na mahawakan at mayakap ang aking anak."

"Mahal na Reyna, hindi mo kailangan makiusap ng ganyan sa akin."

"Natatakot ako na mawala ang sanggol na ito. Kapag nangyari iyon ay hindi ko alam kung kakayanin ko pang mabuhay." Naiiyak na yumakap na lang siya kay Cotton.

"Tumahan ka na, Mahal na Reyna." Naramdaman niya na hinaplos nito ang buhok niya.
_____

NAKATITIG lang si Third sa monitor ng kanyang laptop habang panay ang pagba-browse sa google. Sini-search niya kung paano makakapunta sa mundo ng Entasia. Nagse-search din siya ng mga posible witch na nasa mga kabundukan ng malalayong probinsya. Balak niya sana na puntahan isa-isa ang mga ito para humingi ng tulong na makabalik siya sa mundo ni Aravana.

"Hey, tutok ka naman d'yan sa laptop mo," hindi na niya napansin na nakapasok na pala si Antonette, Tony ang tawag niya rito, bagong hired niya na secretary rito sa law firm office niya. Isang buwan pa lang ito sa kanya pero magaan na agad ang loob niya sa babae. Hindi sa aspeto na parang love pero pakiramdam niya ay maaari siyang magtiwala rito. Hindi niya alam kung bakit niya nararamdaman ito sa babae pero mabilis lang niya nakasundo ito.

"Yeah, may kailangan lang talaga ako na hanapin."

"Talaga, Sir? Kaya po pala sa sobrang busy niyo ay nakalimutan niyo na mag-ahit man lang. Look, medyo makapal na po ang balbas niyo."
Natigilan si Third sa pagta-type sa kanyang laptop pagkuway napahawak sa kanyang baba. Oo nga, may kahabaan na rin ang balbas niya na umabot na hanggang sa patilya.

"Hayaan mo na lang ang balbas ko. Wala akong oras para mag-shave dahil sobrang busy ko sa pagre-research." Tama, tatlong buwan na pala ang nakalipas mula nang mawala siya sa mundo ng Entasia pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isip niya ang mga nangyari.

Hindi maalala ng mga nakakakilala kay Aravana ang mga nangyari habang kasama ng mga ito ang dalaga, kahit nga si Irine na nagpunta sa rest house niya noong isang buwan ay wala talagang maalala. Anyway, nagpunta si Irine sa rest house niya para imbitahan siya sa kasal nito sa susunod na buwan. Iyon pala ang dahilan kaya hinihingi nito ang number niya sa kanyang kaibigan. Nakakagulat talaga na parang hindi nito maalala na nagkaroon sila ng relasyon. Pero ayos lang sa kanya iyon dahil mas lalo lang pinatunayan niyon na talagang nag-exist sa buhay niya si Aravana.

At iyon ang mahalaga, naaalala niya ang dalaga, ang halik at yakap nito, ang init ng katawan at ang mga ungol at daing sa tuwing aangkinin niya ito. Ah! Nami-miss na niya si Aravana. Hindi na siya makapaghintay na maramdaman ang mainit nitong katawan na nakayakap sa kanya pati ang malambing na boses nito sa tuwing sinasabi na mahal siya nito.

"Sir, gusto niyo ba na tulungan ko kayo d'yan sa nire-research niyo?" alok nito sa kanya. Tatanggihan niya sana dahil hindi naman ito sakop ng job description ng dalaga at baka tawanan lang siya nito kapag nalaman ang research niya pero naunahan na siya nito. "Tapos ko na po ang mga gawain ko kaya puwede ko na po kayong tulungan."

"Huwag na. Umuwi ka na lang, hindi mo maiintindihan ang nire-research ko."

"Eh, di pag-aaralan ko po."

Napabuntong-hininga si Third. Bakit ba masyadong malakas ang pleasing personality ng babaeng ito?

"Okay. You won," nakataas ang kamay na sabi niya tanda na sumusuko na siya. "I was searching about witchcrafts. 'Yong mga mangkukulam na may alam ng mga ritwal kung paano makakapunta sa ibang mundo," tinitigan niya nang maigi si Tony pero hindi niya mabasa kung ano na ngayon ang iniisip nito. "All right. I know its weird. Wala namang ibang mundo, 'yon ang sinasabi sa akin ng mga tao sa tuwing sinasabi ko na nakarating ako sa mundo sa Entasia. So, that's it, puwede mo akong pagtawanan. Hindi ako magagalit. Tanggap ko kung iniisip mo na baliw ako."

"Naniniwala po ako sa inyo, Sir," seryosong sabi nito.

Napaunat tuloy siya ng upo mula sa kinauupuan niyang swivel chair. Tumitig siya sa mga mata nito at doon ay nakita niya na seryoso ito sa sinabi. "You do?"

Tumango ang dalaga. "May kakilala rin ako na sabi niya ay nakapunta na raw siya ibang mundo. Medyo matagal na iyon at hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanya pero naniniwala ako sa sinabi niya. Kaya, Sir, 'yong pagtulong na dapat ay ginawa ko kanya noon ay sa inyo ko ibibigay. Mapagkakatiwalaan niyo ako sa bagay na ito."

Napatitig si Third dito. May isang bahagi ng isip niya ang nagsasabi na huwag siyang maniwala na tutulungan siya nito pero dahil desperado na siya na makahanap ng isang mangkukulam na makakagawa ng isang ritwal patungo sa Entasia ay papatulan na niya ang tulong nito. Wala namang masama kung maniniwala siya. Isa pa ay hindi niya makakaya mag-isa ang research na ginagawa niya.

"Okay. I trust you on this."

"You can count on me, Sir."

Continue Reading

You'll Also Like

73.1K 2.1K 14
Nagmahal siya ng higit sa kanyang sarili, nagpadala sa matatamis na pangako. Inakala niyang ang lalaking minamahal ay ang itinakda ng tadhana na maka...
120K 2.1K 29
NINE years old si Kathleen ng maattract ito sa kababatang si Kian. Hanggang highschool ay silang dalawa ang laging magkasama at madalas din silang tu...
560K 8.3K 18
"If I kiss you now, baka lalong hindi mo makakalimutan at hanap-hanapin mo pa ito" ROSSANA LUNA. Gagawin ang lahat para sa pamilya. Huwag lamang magu...
32.1K 680 24
NOTE: Story of Gail from RS 4: Faraway. Isang misteryosong itim na libro, isang playboy na tinyente, isang bitter na dentista, isang mahaderang may-a...