Chapter 11

374 7 0
                                    

Chapter 11

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Third sa nasaksihan na kapangyarihan ni Aravana. Damn! Totoo nga ang sinasabi nito na nanggaling ito sa ibang mundo! Napapikit siya nang mariin at nahilot ang sintido. Noon pa man ay sinasabi na nito iyon, hindi niya lang pinaniniwalaan. Pina-background check niya ito at walang nakuhang kahit na anong impormasyon tungkol dito pati ang type ng dugo nito ay hindi maipaliwanag ng doktor pero hindi pa rin siya naniwala.

Lihim na lang siyang napabuntong-hininga. Kaya pala ganoon na lang mag-alala si Aravana nang sabihin niya na magpapakasal sila, na kailangan nito ng papeles at nakikita rin niya ang takot nito dahil sa isipin na magbubuntis ito. Damn! Siguradong hindi totoo nang sabihin nitong natatakot itong manganak. May kinakatakutan itong iba. Naisip niya na kung taga-ibang mundo ito ay magkaiba ang lahi nila kaya maaari na magkaroon ng komplikasyon sa kanilang baby.

Hindi nagsisisi si Third na minahal niya si Aravana, totoo lahat ng naramdaman niya, ang mga sinabi niya rito ay galing mismo sa puso niya pero ang isipin na baka mawala sa kanya si Aravana ay para nang sasabog ang puso niya. Itong mga nalaman niya, nakakabigla pero hindi iyon magiging dahilan para layuan niya ito. Kahit ano pa ito ay mamahalin niya ito.

Sa ngayon ay kakatapos lang niyang kausapin sina Manang Kateng at Sanya. Sinabi niya rito na ilihim ang natuklasan nilang kapangyarihan ni Aravana, walang dapat na makaalam nito. Pumayag naman ang mga ito at nangako na hindi ipagkakalat ang lihim. Mabait daw kasi si Aravana sa kanila at malaki rin ang utang na loob nang gamutin ng dalaga kaya hindi nila ito ipapahamak.

Tumayo na siya mula sa kinauupuan at nagpunta sa kuwarto ni Aravana. Naabutan niya ito na inilalagay sa isang malaking bag ang mga damit nito.

"Saan ka pupunta?" tawag niya dito.
Bumaling ang tingin ni Aravana sa kanya at gulat na nagbubukas-sara ang bibig na parang may gusto itong sabihin pero walang lumalabas na boses sa labi nito.

"Kailangan na namin lumayo sa lugar na ito."

Napakurap si Third. Hindi naman si Aravana ang sumagot. Inilibot niya ang tingin at nakita niya ang alagang pusa ng dalaga na nasa isang upuan at nakatitig sa kanya, gumagalaw pa ang buntot.

"Oo, ako 'yong nagsalita."

"Shit!" Goodness! Nagsasalitang pusa? Hindi niya mapigilan ang matakot. Kaya pala ganoon na lang kung tumitig ito sa kanya at ayaw magpahawak ay dahil may isip talaga ito. Sa hula niya ay nagpapanggap lang itong pusa.

"Hoy! Huwag mo akong mamura-mura, ha? Naiintindihan kita." Lumapit ito sa kanya. "Kailangan na namin umalis sa lugar na ito dahil nakita niyo na ang kapangyarihan ni—"

"Hindi niyo kailangan umalis." Putol niya sa ibang sasabihin ni Cotton at kay Aravana siya nakatingin habang sinasabi ang salitang iyon.

"Third, kailangan namin umalis. Ipinakita ko sa inyo ang kapangyarihan ko, alam kong natakot ko kayo kaya—"

"Who said? Hindi ako natakot sa nakita kong kapangyarihan mo. Nabigla, oo, pero natakot?" Umiling siya pagkuway nilapitan ito at tumabi sa kinauupuan nito sa gilid ng kama. "Nakausap ko na rin ang mag-lola. Nangako sila na hindi ipagkakalat ang kapangyarihan ni Aravana kaya walang dahilan para umalis ka, kayo ng alaga mong pusa. Isa pa ay bakit ako matatakot sa kapangyarihan mo na siyang tumulong kay Manang na pagalingin siya? Hindi naman 'yan black magic para katakutan ko, 'di ba?"

Napatango ang dalaga bilang sagot. "O-oo, hindi masama ang kapangyarihan na taglay ko ngunit umalis ka kanina saka—"

"I'm sorry kung iba ang naging dating sa 'yo nang pag-alis ko kanina. Gusto ko lang kasi mag-isip. See, nabigla ako sa nakita ko. Kahit sino ay iyon ang unang mararamdaman pero wala na iyon. Kaya please, huwag ka nang umalis, dito ka lang sa tabi ko. Hindi ko kakayanin kung mawawala ka."

Entasia 1: Something MagicalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon