Epilogue

151 7 0
                                    

Epilogue

One year later...

MATAPOS na muling bumalik ni Aravana sa mundo ng mga tao ay hindi na talaga hinayaan ni Third na makawala pa siya. Kinabukasan niyon ay pinaayos na ng binata ang lahat ng dokumento para sa identity niya.

Ipina-rehistro ni Third ang maiden name niya bilang si Aravana Sandoval, kailangan kasi nila ng mga papeles para magawa nilang maikasal kahit sa huwes lang. After three months ng paghihintay ng lahat ng mga documents na kailangan ay nagpunta na sila sa City Hall ng Bicol para doon ay ikasal. Pagkatapos ay sa simbahan naman.

At heto sila ngayon, kasal na at masayang nagsasama sa probinsya ng Bicol kasama ang anak nilang lalaki na si Darius. Mag-iisang taon na ito sa susunod na buwan. Nasasabik na siyang ipagdiwang ang kaarawan nito.

Napangiti siya nang pagmasdan ang anak na nasa gitna nila ni Third at mahimbing ang tulog. Hinaplos niya ang buhok nito. Sobrang saya niya nang iluwal niya ang kanyang anak, walang salita ang masasabi niya para ilarawan ang kanyang naramdaman. Basta, napaiyak na lang siya.

Ilang sandali pa ay tumingin si Aravana kay Third na nakasandal ang ulo sa head rest ng kama. Malalim ang paghinga nito at parang malaki ang iniisip. Mukha man itong seryoso ngayon ay hindi maitatanggi na mas lalo itong gumuwapo.

Napakagat-labi siya nang maalala ang nangyari sa kanila kanina, doon sa loob ng banyo kung saan sila sabay na naligo bago matulog. Inangkin nito ang katawan niya at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maipaliwanag ang kiliti na hatid ng bawat pag-indayog nito sa kanyang ibabaw.

"O, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong niya sa kanyang asawa matapos niyang bumangon, sumandal din siya sa head rest at inunat ang kamay para paglaruan ang buhok nito.

"Eh, ikaw, bakit hindi pa? Hindi ka ba napagod sa nangyari sa atin kanina?" may kapilyuhang tanong nito.

Mabilis na namula ang pisngi niya. "N-napagod pero gusto ko kasi na pagmasdan ka, kayo ng anak natin. Look, he's so cute, ang himbing ng tulog niya."

Marunong na rin siyang magsalita ng english. Paunti-unti pa nga lang, ilang sentences at phrases pa lang ang natutunan niya. Personal siyang tinuturuan ni Third kaya naman madali siyang natututo. Si Aravana mismo ang humiling na turuan siya ng binata para magawa rin niyang makibagay sa ibang tao. Marunong na rin siyang gumamit ng cell phone at computer. Si Third ang nagpursige na turuan siya ng mga techonology na iyon. Kaya naman kada minuto ay tawag ito nang tawag at palagi silang tsini-check sa pamamagitan ng video call sa messenger.

"Yeah, ang himbing nga ng tulog niya." Napangiti ang kanyang asawa saka hinaplos ang pisngi ng kanilang anak. "Alam mo ba kung bakit hindi ako natutulog? Natatakot ako na baka mawala kayo ng anak natin. Ayokong maging kampante. Kahit na ba sabihin na isang taon na tayo at may anak na ay ayokong masyadong magpakasaya kasi pakiramdam ko may mangyayari na hindi maganda. Alam ko na para akong baliw pero natakot na kasi akong maramdaman ulit ang sakit at lungkot noong kinailangan mong ibalik ako rito sa mundo ng mga tao. Halos ay mamatay ako kaya heto, naniniguro lang ako. Kung puwede nga lang na itali ko kayong mag-ina ko sa akin ay gagawin ko mabantayan ko lang kayo magdamag."

"Third," hindi napigilan ni Aravana ang halikan ito nang magaan sa mga labi. "Isang taon na tayo, ano ka ba? Nangako ako, 'di ba? Hindi na ako aalis. Isang buwan na lang at birthday na ni Darius. Sa tingin mo ba ay aalis pa ako? Nakatali na tayo sa isa't isa kaya hindi na ako mawawala sa paningin mo."

Parang hindi pa rin kumbinsido si Third. Bumuntong-hininga ito. "Isa pa sa kinakatakot ko ay baka manatili ka pa rin na bata samantalang ako ay tatanda. Ikaw, isa ka pa rin diwata at ang anak natin ay gano'n din. Damn! Alam mo ba na nakaka-frustrate iyon? Isipin ko pa lang na tatanda ang anyo ko at mapagkakamalan na tatay mo at lolo ni Darius ay naiinis na ako."

Entasia 1: Something MagicalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon