Chapter 1

2.4K 67 2
                                    

A/N: Hello guys! I just want to inform you that Something Magical is now under evaluation under PHR. OMG! Hahaha! Actually, bumalik ito sa akin na major revision. At ngayon, haha! Sana pumasa. Sama niyo naman sa dasal niyo, hehe. Anyway, I will post the chapters here. Kaya i-save niyo na sa library niyo. Please vote and comment. :D

Chapter 1

"SA wakas! Makakaranas na rin ako ng bakasyon!" Masayang sabi ni Third habang gumagalaw-galaw ang ulo. Nakikinig siya ng music mula sa sterio ng kanyang sasakyan. Maganda ang pinapakinggan niya kaya naman umiindak din ang kanyang ulo.

"Oh, thinkin' about all our younger years. There was only you and me. We were young and wild and free. Now nothin' can take you away from me. We've been down that road before but that's over now. You keep me comin' back for more..."

Sinabayan niya ang pagkanta ni Bryan Adams na Heaven habang tumatango-tango pa. Parang sinasabayan ang bawat beat ng kanta.

Papunta siya ngayon sa rest house niya sa Daraga, Albay. Mas pinili niya ang bumiyahe gamit ang kanyang kotse para makita rin niya ang mga magagandang tanawin habang nasa biyahe siya.

Matapos ang limang taon ay ngayon na lang siya ulit nakapagbakasyon kaya masayang-masaya siya ngayon. Kailangang-kailangan niya ito para na rin mawala ang stress niya. Si Third kasi ay isang magaling na abogado, marami na rin siyang naipanalong kaso. Mostly, ang mga hawak niya ay nasa linya ng show business at politics. Kaya nga kilalang-kilala siya ng mga tao bilang celebrity lawyer.

Masaya si Third na kilala siya sa propesyon niya dahil marami ang kumukuha sa kanya. Maraming nagtitiwala at hinahangaan siya nang dahil doon. At syempre, marami rin babae ang gustong mapalapit sa kanya. Meron siyang nakakarelasyon pero hindi naman nagtatagal ang mga iyon. Paano ay masyadong nagiging clingy, ayaw na may iba siyang kausap na babae. Damn! Kung makaasta parang asawa na niya. Ayaw niya sa mga babaeng gano'n. Nahihirapan siyang pakibagayan ang mga katulad nila. Isa pa ay may hinahanap siyang isang katangian ng babae.

Hindi pa niya masyadong maisip kung anong katangian iyon basta wala pa sa mga babaeng nakarelasyon niya ang katangian na iyon. Bigla niyang naisip, baka tumandang binata siya? Natawa siya bigla, thirty-five na kasi siya pero masyado pa rin siyang mapili sa babae.

Well, sana ay makahanap na ako ng babaeng maaari kong makasama habang buhay.

Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang calling alert ng kanyang cell phone. Mabilis niyang kinuha iyon at sinagot. Ang kaibigan niyang si Anton ang tumatawag.

"Mukhang tinotoo mo ang plano na magbibiyahe gamit lang ang kotse mo."

"Of course! Kilala mo ako, kapag sinabi ko ay ginagawa ko. Anyway, why did you call? May emergency ba?"

"Hindi ko alam kung emergency bang matatawag ito pero tumawag sa akin si Irine," tukoy nito sa ex-girlfriend niya na anak ng isang Mayor sa Albay.

"What about her?" Simple niyang tanong.

Hiwalay na sila ni Irine. Paano ay masyado rin nagiging possesive sa kanya. Isa rin itong spoiled brat kaya lahat ng gusto ay dapat na masunod. Naalala nga niya nang humiling ito na ilaglag niya ang kanyang kliyente—na kalaban ng ama nito sa pulitika—ay todo ang pagtanggi niya. Shit! Hindi niya babaliin ang kanyang prinsipyo para lang sa hiling ng kanyang nobya. Nagalit ito sa kanya at tinakot na hihiwalayan siya. Na agad naman niyang ikinatuwa kaya tinanggap niya ang pakikipaghiwalay nito. Pero ngayon ay tumawag ito sa kaibigan niya? Parang may nabubuong hinala sa kanyang isip.

"Hinahanap ka niya sa akin dahil hindi ka raw niya makontak."
Napailing na lang si Third. Sabi na at tama ang hinala niya. Mabuti na lang at nagpalit na siya ng number. "Sinabi mo ba kung nasaan ako?"

Entasia 1: Something MagicalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon