Chapter 5

1.2K 40 3
                                    

Chapter 5

"ANO ba ang ginagawa mo rito?" tanong ni Third kay Irine nang masolo ito.

"Bakit ba 'yan ang tinatanong mo sa 'kin? Hindi ba at dapat na dalhin mo ako sa ospital dahil baka may rabies ang pesteng pusa na 'yon."

"Kasalanan mo kaya ka nakalmot ng pusa ni Aravana. Kung hindi mo siya sinugod para saktan ay hindi ka rin sasaktan ng pusa niya."

"What?!" Hindi makapaniwalang sabi nito. "And how did you know na ako ang nauna? Wala ka rito kaya—"

"Nagsumbong sa akin si Manang Kateng. Ang sabi niya ay pinalo mo ang pusa ni Aravana. Nagkasagutan kayo at paalis na siya nang bigla mo na lang hilain ang buhok niya. Now tell me, sino ang naunang nanakit?"

Biglang nagtaas ng kilay si Irine. "Wala kang ebidensya. Alam ko na isa kang magaling na abogado pero alam mo rin na hindi sapat ang hearsay lang. Malay ba natin kung nagsisinungaling din ang katulong mo? At ang babaeng 'yon, kakasuhan ko siya ng physical injury!"

"Hindi kayang magsinungaling ni Manang at mas lalong hindi palaaway si Aravana. Isa pa, hind mo na kailangan kasuhan si Aravana."

"And why is that?"

"Matatalo ka lang dahil puwede kitang kasuhan ng tresspassing," nakangisi niyang sabi. "You came here uninvited. Bigla ka na lang pumasok at nanakit ng tao sa bahay ko. Alam mo ba ang puwedeng maging kalabasan niyon? Lalabas na magnanakaw ka at ang physical injury na ikakaso mo ay mababasura lang."

"You can't do that!"

"I can. Sabi mo nga ay magaling akong abogado kaya kayang-kaya kong gawin iyon. Wala rin akong pakialam kung anak ka ng Mayor natin. So, ano na ang gusto mong mangyari?"

"Damn you! Magbabayad ang babaeng 'yon! Tandaan mo 'yan!" 'Yon lang at umalis na ito.
_____

"NAPAKASINUNGALING!" Nanggigigil na sabi ni Cotton nang nasa loob na sila ng kuwarto. Nakaupo si Aravana sa kama habang yakap-yakap ang isang unan. "Ano at ganyan ang iyong mukha, Mahal na Prinsesa?"

"Iniisip ko lamang na paano kung paalisin niya tayo rito? Wala akong ibang kilala sa mundong ito. Natatakot na akong makihalubilo sa iba dahil paano kung kagaya ng babaeng mortal ay saktan nila tayo?"

Nakita niyang napakurap si Cotton. Parang ngayon lang naisip ang bagay na iyon. "Kung mangyayari iyon ay aalis tayo. Maghahanap tayo ng ibang tirahan kung saan ay tayong dalawa lamang upang walang makapanakit sa atin. Hindi natin kailangan ng tulong mula sa isang mortal."

Malungkot na napabuntong-hininga si Aravana. Napakadaling sabihin ng mga sinabi ni Cotton ngunit lubhang napakahirap niyon. Hindi nila kabisado ang mundong ito at mahirap nang magtiwala. Isa pa ay makakahanap pa kaya sila ng katulad ni Third na buong puso silang tinanggap sa tahanan nito? Malamang na hindi.

Napayuko na lang siya at anyong maiiyak dahil sa napaka-miserable nilang sitwasyon ngunit mayamaya lang ay biglang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Third na bakas sa mga mata ang pag-aalala sa kanya.

"You look upset, Aravana."

"A-ano ang iyong tinuran?"

Napangiti ang binata saka naupo sa gilid ng kama. "Pasensya ka na pala sa ginawa ni Irine. Hindi ko akalain na pupunta siya rito."

"Tumawag siya sa telepono kahapon at nagtanong kung nandito ka. Sinabi ko ang katotohanan ngunit nagalit siya," sabi niya saka napalabi. "Maaari ko ba malaman kung ano ang iyong kaugnayan sa kanya?"

"Kaya naman pala nagpunta siya rito," naiiling na sabi nito. "Ex-girlfiend ko 'yon," sabi nito saka tumitig sa kanyang mga mata na nagtatanong kung anong ibig sabihin iyon. "Dating kasintahan. Nakuha mo?"

Entasia 1: Something MagicalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon