Chapter 7

548 12 6
                                    


Chapter 7

NANGINGISLAP ang mga mata ni Third habang nakatitig kay Aravana na ngayon ay nasa loob ng isang kubo, nakaupo ito sa upuan na gawa sa kawayan. May yakap-yakap itong isang pink na teddy bear. May laki ito na 120 centimeter. Hindi maalis ang malaking ngiti nito habang hinahaplos ang balahibo ng teddy bear.

"Nagustuhan mo ba ang sorpresa ko sa 'yo?" tanong niya nang maupo sa tabi nito.

Ito ang ginawa niya noong ilang araw siyang nawala. Kailangan niya kasi na bumawi kay Aravana dahil sa ginawa niyang pagsigaw dito noon. Inupahan niya ang isa sa mga kubo rito sa main falls ng Busay at ipinaayos para maging maganda ito sa paningin ng dalaga. At hindi naman siya nabigo dahil sa nakikita niyang tuwa at saya kay Aravana.

Lihim na lang siyang napangiti. Sa totoo lang ay ito ang pinakasimpleng nagawa niya para sa isang babae. Effortless kumbaga. Kung dati ay dinadala niya ang mga nagiging karelasyon sa isang magarang restaurant o binibigyan ng mamahaling alahas, kay Aravana ay iba. Si Aravana lang ang naiiba sa lahat ng babae na nakilala niya.

Masaya na ito sa isang simpleng bagay. Hindi ito mapaghangad ng materyal na bagay at naa-appreciate nito ang lahat ng ibigay niya. Malaki man o maliit. Kung sa ibang babae niya ginawa ito ay siguradong nasabihan na siyang baduy at walang class.

"Napakaganda ng iyong handog sa akin. Maraming salamat, Third."

"You're welcome. Alam mo masaya ako na nagustuhan mo ito, akala ko kasi ay hindi."

Napangiti ang dalaga. "Ang totoo niyan ay ngayon lang ako nakatanggap ng ganito. Sa aming mundo kasi ay palaging mga materyal na bagay ang ibinibigay sa akin. Magagandang kasuotan, mga alahas at masasarap na pagkain. Ikinatutuwa ko ang mga iyon ngunit alam ko naman na ibinibigay lamang nila sa akin iyon dahil ako ay isang prinsesa. Ngunit itong malambot na bagay na ito..."

"Teddy bear. 'Yan ang tawag dyan."

Napangiti ito. "Ang teddy bear na ito, batid ko na ibinigay mo ito sapagkat nais mo akong mapasaya. Oo at batid ko na ibinigay mo ito upang makabawi dahil sa ginawa mo ngunit pinasaya mo ako. Lubos na natutuwa ang aking puso."

Hindi napigilan ng binata ang mapangiti. "Alam mo, nasasanay na rin ako na marinig mula sa 'yo na may iba kang mundo, na isa kang prinsesa. I think I'm starting to like you. Oh, no. It takes forever to make me realized that I like you, perhaps that's the reason why I want to kiss those lips."

"A-ano ang iyong tinuran?"

Napakurap ang binata. Teka, tama ba ang sinabi niya? Matagal na niya itong gusto kaya gustong-gusto niya itong halikan? Napatitig siya rito. May pagtataka sa mga mata nito. Mabuti na lang at english ang pagkakasabi niya kundi ay nailang na ito sa kanya.

"Wala lang 'yon. Anyway, puwede kang mag-relax dito. Kung gusto mo ay maligo ka sa ilog."

Ang pagtataka sa mga mata nito ay napalitan ng pagkabigla. "M-maligo? Nais mo bang makita ako na walang saplot sa ilog na 'yan?" Nanlalaki ang mga mata na sabi nito.

Natawa nang malakas si Third. "Silly! Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ikaw naman, masyado mong binibigyan ng ibang kahulugan ang sinasabi ko. Anyway, gusto ko talaga na ma-relax ka. Puwede mong ibabad ang mga paa mo d'yan sa ilog. Kaya nga kita dinala rito ay dahil alam ko na matutuwa ka."

Natahimik si Aravana.

"May gusto sana akong itanong, Aravana." Mayamaya ay sabi niya.

"Ano 'yon?"

"May boyfriend ka na ba? I mean, nobyo, karelasyon. So, meron ba?"

Biglang naging uneasy ito. Parang may nabubuong idea sa isip at nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito dahil sa tuwa pero agad din na nawala at napalitan ng pangamba.

Entasia 1: Something MagicalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon