Chapter 8

471 11 0
                                    

Chapter 8

"SAAN kayo patutungo ni Sanya, Manang Kateng?" tanong ni Aravana nang makita ang mag-lola na palabas ng tarangkahan ng rest house ni Third.

"Sa merkado kami pupunta, hija."

"Maaari ba akong sumama? Nais kong makita ang sinasabi niyong merkado."
Nagkatinginan ang mag-lola. Parang nagtataka na hindi niya alam ang merkado. Eh, sa hindi niya talaga alam ang lugar na iyon.

"Naku, eh, baka magalit si Señorito Third kapag nakita na wala kayo dito?"

"Hindi naman siguro, isa pa ay sandali lang naman tayo patutungo roon, 'di ba?"

"Sige na, Lola, isama na natin si Ate Aravana." Sulsol ni Sanya sa lola.
Sa huli ay pumayag na rin si Manang Kateng. Sa sobrang saya ay kinuha niya mula sa kamay nito ang hawak na malaking bag.

"Mahal na Prinsesa, bakit mo pa kailangan na sumama sa kanila?" tanong ni Cotton sa kanyang isip.
"Sapagkat nais ko pang makita ang mga lugar na meron dito sa mundo ng mga tao. Hayaan mo na akong sumama sa kanila. Sandali lamang akong mawawala."

"Kung 'yan ang iyong nais. Ngunit dalhan mo ako ng handog pagbalik mo, ha? Isang isda lang ay matutuwa na ako."

Napangiti na lang si Aravana. Alam niya kung ano ang isda dahil iyon ang paboritong kainin ni Cotton. Lalo na ang bangus, pagkatapos nga nitong kainin ang bangus ay matutulog na ito agad.

"Ano'ng ikinangingiti mo, hija?" untag sa kanya ni Manang Kateng.

"Natutuwa lamang ako na pumayag kayo na isama ako."

Napangiti na lang ang matanda at pumara na ng tricycle na maghahatid sa kanila sa tinatawag nitong merkado. Ilang minuto lang ang tinagal ng kanilang biyahe at sa wakas ay nakarating na sila.

Inilibot ni Aravana ang paningin sa buong merkado. Naisip niya na ganito pala rito, maraming tao at marami rin na mga nakahilirang mga tila maliliit na bahay at sa harapan niyon ay may mga samo't saring mga pagkain.

"Ay naku, hija, humawak ka nga lang dito kay Sanya at baka ikaw ay mawala."

Nakangiting sinunod niya ito. Humawak siya sa kamay ng dalagita at sumunod kay Manang Kateng na ngayon ay nakikipag-usap na sa isang lalaki.

"Hindi ba at ito ang bangus?" tanong niya kay Sanya sabay turo sa isang matabang isda na maraming kaliskis.

"Oo, 'yan nga. Bakit?" sagot ni Manang Kateng.

"Maaari mo ba akong ibili ng kahit isa lang? Ihahandog ko lamang kay Cotton, ang aking alagang pusa."

Natawa si Manang Kateng at sa huli ay binilhan siya ng bangus. Matapos na mabili ang lahat ng mga nakalista sa listahan ng matanda ay nag-abang na sila ng tricycle na maghahatid sa kanila pauwi. Pero matagal na silang nandoon ay walang dumadating, kung meron man ay may sakay ang mga iyon. Kaya naman inutusan ni Manang Kateng ang apo para mag-abang ng tricycle sa unahan. Naiwan silang dalawa ng matanda. Mayamaya lang ay may biglang huminto na itim na kotse. Nang magbukas ang pinto ay lumabas doon ang mga malalaking lalaki na may takip ang mukha. Pilit na kinukuha ng mga ito si Aravana na ngayon ay nanlalaban pero mas malakas ang mga ito kaya naman naipasok na siya sa loob. Wala naman nagawa si Manang Kateng kundi ang magsisisigaw na lang.
_____

"WHAT?!" Hindi makapaniwala na sabi ni Third matapos na ikuwento ni Manang Kateng ang naging pangyayari kanina. Sa ngayon ay nasa loob sila ng police station. Dito agad nagpunta sina Manang at Sanya para ipaalam sa mga pulis ang nangyari. Tinawagan na rin siya ng mga ito.

"Attorney Zafra, may kakilala po ba kayo na may galit sa inyo?" tanong ng pulis na nag-iimbestiga sa kaso ng pagkidnap kay Aravana.

"Sa akin, nasisiguro ko na marami pero bakit si Aravana ang kinuha? Isa pa ay wala pang tumatawag sa akin para ipaalam na nasa kanila si Aravana."

Entasia 1: Something MagicalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon