Chapter 10

438 11 0
                                    

Chapter 10

UNTI-UNTING nararamdaman ni Aravana ang malalim at marubrob na halik ni Third sa kanya. Pati ang kamay nito ay naging mapaghanap na rin. Naramdaman niya na hawak nito ang kaliwa niyang dibdib habang pinipisil iyon. Hindi niya alam kung bakit nito iyon ginagawa ngunit masarap sa pakiramdam iyon. Nag-iinit siya at parang gusto niya na ipagpatuloy nito ang ginagawa.
Pero kusa itong tumigil, tinitigan ang mga mata niya saka ngumiti ng matamis sa kanya.

"Masyado na akong nadadala, ni hindi mo man lang ako pinigilan." Nakangiting sabi nito. Napansin niya ang pamumuo ng pawis nito sa noo, parang may pinipigilan ito na hindi niya alam. "Anyway, labas tayo ulit para—" natigil ito sa ibang sasabihin nang ikawit niya ang mga kamay sa leeg nito, ayaw niya itong paalisin.

"Hindi ko alam kung ano ang balak mong gawin ngunit nais ko na maranasan iyon."

"Sigurado ka?"

"Kasing sigurado ng nararamdaman ko para sa 'yo," matamis niyang sagot.
Nakita niya ang pagkislap ng kakaibang tuwa sa mga mata nito.

"Alam mo ba na sobra mo akong pinapasaya ngayon?"

"Batid ko iyon, nararamdaman ko."

Ngumiti ang binata at muli ay hinalikan siya nito. Muli ay tumugon siya. Nang naramdaman niya na unti-unti nitong binubuksan ang butones ng kanyang suot na damit ay hinayaan niya ito. Nagpaubaya rin siya nang sunod nitong ibaba ang suot niyang palda, pati ang panloob niya ay isinunod nito.

Napaungol na lang siya nang maramdaman ang daliri nito sa pagitan ng mga hita niya. Marahang hinahaplos at kinikiliti ang sensitibong balat niya roon.

"Gusto mo ba ito?"

"O-oo," nakapikit niyang sabi at pilit ninanamnam ang sarap na sulot ng daliri nitong sumasamba roon. Nang maging mabilis ang paggalaw doon ay napaungol siya nang malakas at napahingal. Pakiramdam niya ay tumakbo siya nang pagkalayo-layo at hindi sapat ang malamig na hangin na nagmumula sa aircon upang pawiin ang pagod niya.

"Nagustuhan mo ba 'yon?" tanong nito saka ibinangon siya.

"Oo, batid mo ba na ngayon ko lamang naranasan iyon?"

"Maswerte pala ako dahil ako ang unang lalaking nagparanas sa 'yo niyon," hindi maalis ang ngiti sa labi nito. "Marami ka pang mararanasan sa akin, gusto mo na magpatuloy ako?"

Marahang tumango si Aravana. Ngumiti si Third at muli ay hinalikan siya. Naglakbay ang kamay nito sa likod niya at tinanggal sa pagkaka-hook ang suot niyang bra. Nangislap ang mga mata nito nang makita ang malulusog niyang dibdib.

"They are beautiful," hinawakan nito ang isa niyang korona at pinisil iyon. Hindi pa nagkasya at bumaba ang labi nito sa kaliwa niyang dibdib at parang sanggol na sinipsip ang korona niya.

Napaliyad na lang siya at hinaplos ang malambot nitong buhok. Muli ay napahiga siya at heto na naman ang labi ni Third, bumaba sa puson niya hanggang sa makarating sa pagitan ng mga hita niya. Hindi niya alam ngunit mas may dulot na kakaibang kiliti iyon sa pakiramdam niya. Ilang sandali pa nga ay nakarating na naman siya sa langit na hatid ng lalaking ito sa ibabaw niya.

Mayamaya ay tumayo si Third, pinagmasdan siya na para bang siya ang pinakamagandang nilalang na nakita nito. Hinubad na nito ang suot na polo at pantalon. Napatitig na lang siya sa bagay na iyon na ngayon ay matayog na nakasaludo sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang maaaring gawin niyon sa kanya ngunit handa siya. Alam naman niya kasi na hindi gagawa si Third ng bagay na ikakasakit niya.

Nakita ni Third ang kainosentihan at takot sa mga mata niya. Pumaibabaw na ito sa kanya at masuyong hinalikan ang noo pababa sa kanyang ilong at nagtagal sa kanyang labi.

Entasia 1: Something MagicalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon