Entasia 1: Something Magical

By MsSummerWriter

24K 526 29

Entasia Trilogy 1 Fantasy/Romance Sabi nila, be careful what you wish for kasi hindi naman natin alam baka ma... More

Something Magical
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Epilogue

Chapter 12

401 11 0
By MsSummerWriter

Chapter 12

"TOTOO ba ang iyong mga sinambit? Nandito na talaga si Prinsesa Aravana?" Nangingislap ang mga mata na muling tanong ni Prinsipe Anikko kay Apric na siyang nagdala ng magandang balita tungkol sa pagbabalik ni Aravana.

"Siyang tunay, Mahal na Prinsipe. Nakita sila ng ating mga kawal na lumabas sa isang puno."

"Sila? May ibang kasama ang prinsesa?"

"Oo, Mahal na Prinsipe. Ayon sa ating mga kawal, ang kasama ng prinsesa ay isang hayop na hindi mawari ang katawagan at isang mortal. May kakaibang kasuotan sila nang dumating dito sa Entasia."

Napangisi ang prinsipe saka tumayo mula sa pagkakaupo sa trono. "Nanggaling si Prinsesa Aravana sa mundo ng mga tao. Kung nalaman ko lang agad na roon siya nagtatago ay sana nagtungo na ako roon. Mas maaga ko sanang nakuha ang prinsesa ngunit nandito na siya at abot na ng aking mga kamay."

"Nalalapit na ang muling pagkabuhay ng dragon, Mahal na Prinsipe."

"Hindi na ako makapaghintay na maging makapangyarihan upang masakop ang buong Entasia. Kaya ihanda ang ating magigiting na mga kawal. Ngayon din ay magtutungo tayo sa kinaroroonan ni Prinsesa Aravana. Oras na upang siya ay ating kunin."

"Masusunod, Mahal na Hari."
Sa narinig na tinawag sa kanya ni Apric ay napangisi si Prinsipe Anikko. Mayamaya ay biglang naging halaklak iyon, palakas nang palakas hanggang sa sakupin na ng boses nito ang punong bulwagan ng Larisia.
_____

BIGLANG napabalikwas ng bangon si Aravana dahil sa isang masamang panaginip. Si Prinsipe Anikko raw ay biglang dumating habang kayakap niya si Third. Sinaksak nito sa likod ang binata. Namutla ang maganda niyang mukha nang makita itong unti-unting bumabagsak sa kanyang harapan, binubulwakan ng masaganang dugo ang bibig nito.

Sinubukan niya itong iligtas ngunit hinila na siya ni Prinsipe Anikko at isinakay sa kabayo upang dalhin sa Kaharian ng Larisia. Doon daw gaganapin ang ritwal upang makuha ang kanyang dugo.

Sa kanyang panaginip pa ay nakita niya ang sarili na itinali sa isang kahoy na hugis krus, nandoon si Prinsipe Anikko at unti-unting hinihiwa ang kanyang balat, mula sa sugat niya na may tumutulong dugo ay sinasalo naman iyon ng baso na gawa sa ginto. Nang maubos ang dugo niya ay doon na siya namatay. Bigla siyang pinanlamigan ng katawan. Ayaw niyang may magbuwis ng buhay. Ayaw niyang may mawala na mahal niya sa buhay. Tama na ang sakit noong nawala ang kanyang amang hari.

"Aravana? Bakit bigla kang bumangon?" Napatingin siya kay Third. Katabi niya ito sa kama at kakatapos lang nilang angkinin ang isa't isa.

"Masama ang aking panaginip. Namatay raw ako dahil nagtagumpay si Prinsipe Anikko upang ialay ang aking dugo sa dragon. At ikaw, sinaksak ka niya at namatay ka rin. Nakita ko rin ang buong Entasia na bumagsak sa kamay ni Anikko. Napakadilim at puno ng takot ang aming lahi."

"Panaginip lang 'yon, Aravana. Kabaligtaran ng mangyayari sa totoong buhay ang panaginip mo. Kung doon ay namatay tayo at nagtagumpay ang gagong prinsipe na 'yon, puwes sa magiging laban namin ay hindi ko hahayaan na makuha ka niya."

Napayuko si Aravana. "Hindi ko lang maiwasan ang matakot. Siguradong alam na ng prinsipe na nagbalik na ako sa Entasia kaya anumang sandali ay darating siya upang magsimula ng digmaan. Kung maaari ko lamang pigilan ang nagbabadyang laban ay gagawin ko ngunit hindi ko kaya. Ayoko na pati itong bayan ng Azaria ay bumagsak tulad ng aming kaharian."

Napabuntong-hininga si Third. Kinabig siya nito at niyakap. "Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa 'yo o sa pinakamamahal mong mundo. Nangako ako sa 'yo, 'di ba? Palagi kitang poprotektahan, aalagaan, lagi lang akong nasa tabi mo."

"Maraming salamat, Third. Ikaw lang ang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin. Kaya sana ay maging matagumpay ang darating na laban natin."
_____

ILANG araw ang lumipas at sa wakas ay dumating na ang takdang oras. Nang dahil sa kapangyarihan ng bolang krystal na gamit ng mga mangkukulam ay nalaman nila ang nalalapit na pagsugod ni Prinsipe Anikko. Mabilis na silang naghanda. Ang mga kawal ng Larisia na natagpuan nilang nagtatago sa kakahuyan ay inaya nilang sumama sa kanila upang makipaglaban at ipagtanggol ang prinsesa.

Matagal na palang naghihintay ang mga natirang kawal ng Kaharian ng Larisia sa kanyang pagbabalik. At ngayon ay handang-handa na ang mga ito. Hindi lang kasi paghihintay ang ginawa ng mga ito. Nagsanay at gumawa rin ng mga armas ang mga ito para sa araw na ito.

Sa tulong ng pinunong kawal ng mga Larisian na si Ertano ay pinamunuan nito ang limang pangkat para salubungin ang mga kalaban sa tarangkahan ng Azaria.

Si Third naman ay handang-handa na rin, nakasanib na sa katawan nito ang kaluluwa ng magiting na mandirigma na si Percival. Akmang tatayo na ito nang pigilan ni Aravana.

"Mag-ingat ka, pakiusap. Bumalik ka sa akin nang ligtas, mahal ko."

Ngumiti ang binata at hinaplos ang pisngi niya. "Oo, babalik ako. Nangako ako sa 'yo, 'di ba?"

Napatango si Aravana bilang sagot. "Alam ko ngunit—" hindi na natuloy ng dalaga ang ibang sasabihin nang bigla ay hapitin siya ng binata at halikan sa kanyang mga labi. Mabilis siyang tumugon dito.

"Babalik ako, pangako."

Ngumiti na lang siya at pinagmasdan ang papalayong binata habang sakay ng kabayo.

Ibalik niyo nang ligtas ang aking mahal...

Nang humiling siya sa pilik-mata na nakuha ni Third sa kanyang pisngi ay ito ang hiniling niya. Gusto lang niya na bumalik nang ligtas si Third. Sana lang ay matupad ang kanyang hiling dahil kung mawawala si Third, hindi niya alam kung kaya pa niyang mabuhay.

"Mahal na Prinsesa..."

Napalingon si Aravana sa nagsalita. Si Cotton. Napangiti siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay na makita ito sa ganitong anyo. Isang dating pusa at ngayon ay nakakapaglakad na gamit ang dalawang paa.

"Kailangan na nating magpunta sa Adhador," tukoy nito sa silid kung saan nagtitipon ang mga Entasiano upang magdasal sa kanilang Bathala.

"Magiging maayos lang kaya sila? Natatakot ako sa kalalabasan ng ating pakikipaglaban," hindi niya mapigilan ang pagpiyok ng boses at ang pagragasa ng kanyang mga luha.

"Mahal na Prinsesa," nakangiting lumapit sa kanya si Cotton at hinawakan ang kanyang mga kamay. "Magiging maayos lamang ang lahat. Sa tulong ng ating dasal kay Bathalang Sarajevo ay naniniwala akong babalutan sila nito ng kapangyarihan na galing sa kabutihan. Manalig tayo sa kanya," pagpapagaan nito ng loob sa kanya.

Mabilis naman na napanatag ang loob ni Aravana at nagtungo na sa Adhador para sumama na magdasal.
_____

"IKAW ba ang mortal na kasama ni Prinsesa Aravana nang bumalik siya rito sa Entasia? At ikaw na mortal ang lalaban sa akin sa digmaan na ito?" Nang-aasar na sabi ng lalaking nakasakay sa isang puting kabayo. Sa hula ni Third ay ito si Prinsipe Anikko. Nakasuot ito ng isang kulay puting armour at may head dress na parang sa isang sungay ng toro. May hitsura ito at aaminin ni Third na may maamong mukha ito, parang hindi gagawa ng masama pero mali siya. His look can be deceiving. "Tila ay gusto kong maghinagpis sa prinsesa. Minamaliit niya ang aking kakayahan."

"Oo, ako nga ang makalalaban mo," sagot niya pero tinawanan lang siya nito. Hindi naman niya maiwasan ang maasar dahil sa pakiramdam na minamaliit siya nito.

"Huwag ka magpadala sa kanyang pang-aasar," bulong ng boses ni Percival. "Nararamdaman ko na hindi niya batid na nasa loob ng katawan mo ang aking kaluluwa, hayaan mo lang siyang tumawa sapagkat nasisiguro ko na nasa atin ang huling halakhak."

Tumango na lang si Third bilang sagot. Tama ito. Hindi madadala sa pagkaasar niya ang laban na ito. Kailangan niya na maging alisto. Kaya naman kinuha na niya ang kanyang espada na nakasukbit sa baywang at itinutok iyon sa prinsipe.

"Hindi ko hahayaan na makuha mo si Aravana. Hindi ko hahayaan na masaktan siya. Ipaglalaban ko siya laban sa 'yo, hanggang kamatayan."

Tila naman nag-iba ang timpla ng mukha ni Prinsipe Anikko, nagdilim ang mukha nito. Marahas nitong pinalo ang kabayo gamit ang patpat kaya naman sumugod na rin ito sa kanya. Inihanda na niya ang kanyang sarili, nakasakay rin siya sa itim na kabayo at ngayon ay pasugod na habang nakaumang ang espada niya rito.

Nang magpang-abot ay isang nakakangilong tunog ng pinagkiskis na espada ang narinig nila. Walang gustong magpatalo. Kahit na nakalusot ang talim ng espada ng prinsipe sa kanyang braso ay hindi niya ininda iyon at nagpatuloy lang. Hanggang sa nakaganti siya dahil tumama ang dulo ng espada niya sa tyan nito dahilan para mahulog ito mula sa kabayo habang hawak ang tyan na binubulwakan ng sariwang dugo.

Bumaba siya mula sa kanyang kabayo at itinuro sa mukha nito ang talim ng kanyang espada. Handa ang kanyang isip na patayin ang lalaking ito para hindi na nito guluhin si Aravana pero tinatalo siya ng kanyang konsensya. Alam niya pa rin na mali ang pumatay kaya inalis niya ang espada rito at tumalikod na.

"Hayaan mo na si Aravana na mabuhay. Huwag mo siyang kunin para buhayin ang dragon na isinumpa ng ninuno niya."

Napangisi ang prinsipe. "Hindi maaari ang nais mo. Kailangan ko ang dugo ng prinsesa sapagkat nangako ako sa aking ama na bubuhayin ko siya kapag nakawala na sa sumpa ang dragon."

Nakakunot-noo na binalingan niya ito.

"Sinakripisyo ko ang buhay ng aking ama upang matawag ko ang isang kaluluwa na siyang nagsagawa noon ng pagsumpa sa dragon. Doon ay nalaman ko na tanging ang dugo ni Prinsesa Aravana ang lunas upang maalis ang sumpa sa dragon."

"Pinatay mo ang sarili mong ama para sa pansarili mong hangarin?"

Muli ay napangisi ang prinsipe. "Masama bang hangarin na mapasaakin ang buong Entasia?"
Nilimi ni Third ang mga sinabi ni Anikko. Hindi niya maiwasan ang magalit nang todo rito. Damn! Sinakripisyo nito ang buhay ng sariling ama! Sino ang anak na makakayang gawin iyon?

"Hindi siya nararapat na mabuhay, mortal! Ihanda mo na ang iyong espada at sugurin ang kanyang puso!"
Tama si Percival. Hindi na dapat mabuhay ang prinsipe na ito. Hindi na ito maaari na bigyan ng second chance dahil sa kasamaan nito. Kaya naman nilabas niya ang kanyang espada at akmang itatarak sa puso nito ang dulo pero naunahan siya nito.

Kinuha ni Anikko ang espada na nasa tabi lang at itinarak iyon sa puso niya. Nakita ni Third ang pag-agos ng dugo mula sa talim niyon. Nakita rin niya ang pagngisi ni Anikko tanda na panalo na ito sa laban nila.

Shit! Hindi ako puwedeng mamatay sa ganitong paraan!

Kaya naman kahit halos ay mawawalan na siya ng ulirat ay ginamit niya ang natitirang lakas. Mahigpit ang hawak niya sa espada at itinarak iyon sa puso ng kalaban. Bago magdilim ang kanyang paningin ay nakita niya ang unti-unting paglaho ni Prinsipe Anikko.

Continue Reading

You'll Also Like

19.4K 317 43
Mahirap kalimutan ang Nakaraan lalo na kung mismong tadhana ang gumagawa ng paraan para muli itong mabalikan. Masakit kay Kris na makaharap muli ang...
1.4M 95.1K 89
There's a secret in his every bite. *Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
66K 1K 13
CLARK, a man with everything higit sa lahat babaero. But he want to be father, ang kaso lahat ng babaeng nasisipingan hindi siya makabuo. Ano pa ba a...
160K 4.5K 21
Dahil labag sa kalooban ni HIROMI na magpakasal sa taong pinagkasundo sa kaniya ng ama, kaya't napilitang lumayo ang dalaga at iwan lahat ng meron si...