NOTE : This is a collaboration with one of the finest pinoy boyxboy author here in wattpad @ElixirJohn to his story "MAGKABILANG MUNDO." Magaganda po ang mga gawa nya so you should read them,hindi kayo magsisisi. Maraming salamat po! =)
-----
Gabi na ng makarating kami ni Crayon sa Manila. Sabi nya mag check in muna kami sa hotel at bukas na lang umuwi,pumayag naman ako kahit excited na akong makauwi.
"Pwede mo ba akong samahan Khalil? May pupuntahan lang tayo saglit." ani Crayon ng kumakain na kami sa restaurant ng hotel, 8PM pa lang naman kaya pwede pa naman siguro.
"Sige ba. San ba?"
"Dyan lang sa malapit,Im meeting an old friend,may race daw ang bestfriend nya." naka ngiti nyang sagot. Tumango lang ako at ipinagpatuloy namin ang pagkain. Madami akong nakain,busog na busog ako na ikinatawa naman ni Crayon.
Matapos kumain ay gumayak na kami. Pakiramdam ko nga ay ngayon ko lang makikilala ng lubusan si Crayon. Nag taxi lang kami papunta dun sa sinasabi nya,wala akong ideya pero sige lang,si Crayon naman ang kasama ko kaya ligtas ako.
"Were here." aniya ng maka baba kami sa taxi. Lumingon lingon ako sa paligid,wala akong ibang makita kundi mga tao na abala sa pagtingin sa mga kotse nila at isang kalsada na parang wala ng dumadaang kahit isang sasakyan.
"Anong lugar ito Crayon?" ang tanong ko ng ibalik ko ang tingin sa kanya.
"Dito ko daw sya i-meet eh. Race track ito,dito ginaganap ang drag racing." aniya na naka pamulsa at ginagala din ang paningin para hanapin yung sinasabi nyang kaibigan.
"Drag racing?"
"Yup,pagkakarera ng mga kotse na may pustahan,malaking amount ng pera." sagot nya at napaisip ako. Napaka delikado ng ganitong hilig tapos ang laki pa pala ng mga pusta. Bakit nauso ang ganito? Para ng naka apak ang isang paa mo nito sa hukay eh. "Oh! There they are! Tara!" aniya at hinila ako.
Malayo pa lang kami ay natanaw ko na ang dalawang lalaki na nag uusap sa harap ng isang kotse,kakarera din ata ang isa sa kanila,ng malapit na kami ay nilingon kami ng mga ito. Nabigla ako dahil ang gwapo nila pareho,lalo na yung isa na parang may ibang lahi pa ata.
"Uy! Crayon buti nakarating ka! I thought magpapaka bulok ka na sa cebu at magtatanim na lang ng kamote!" bati nung isa,maaliwalas ang mukha nya,parang si Crayon,pala ngiti.
"Ulul! Pasalamat ka at pinagbigyan kita kahit may jetlag pa kami." ani Crayon at nagyakap sila at nagtapikan ng balikat,ano nga bang tawag dun? "Kamusta na Onyx?" dagdag ni Crayon.
"Ito,mas gwapo pa din kesa sayo!" nakangising sabi nito at tiningnan ako,bigla akong kinabahan,baka malait ako nito. "Who's that? Para syang bak--"
"Yes he's a gay. Pero maganda diba? He's my close friend,Khalil Pantoja. Khalil sya si Onyx,my college colegue." ani Crayon at napanganga yung Onyx.
"M-magandang gabi." nahihiya kong sabi at napatingin din dun sa isang lalaki,yung parang may ibang lahi.
"Magandang gabi din,sorry sa bibig ko,sometimes nagsasalita ito ng hindi nag iisip." sabi nung Onyx at ngumiti. "By the way,ito nga pala si Hugo Sebastian,my buddy,my bestfriend! Sya ang lalaban ng karera."
"Onyx!" ang agad na reak nung lalaki.
"Ay! Sorry, just call him 'H'". Close friends lang nya tumatawag sa kanya nun." nakangisi nitong sabi. "Seb,este H,sila sina Crayon at Khalil."
"Nice meeting the two of you." sabi nung H matapos naming makipag kamay.
Nagkwentuhan ang tatlong lalaki habang hinihintay ang oras daw ng karera nung H. Nakikinig lang naman ako,palihim ko ding pinagmamasdan ito. Gwapo,mukhang mayaman talaga,at pusta ko,habulin ito ng babae,may kasintahan kaya sya? Malamang meron. Sa pagtingin ko sa kanya ay bigla syang napatingin sakin at nagsalubong ang mga kilay,agad naman akong nag iwas ng tingin.
"Why are you looking at me? May problema ba Khalil?" sabi sa akin ni H. Bigla akong kinabahan,napatingin ako kina Onyx at Crayon na abala sa kwentuhan.
"H-ha? Ahm,ah,eh.. Wala! Pasensya na,ngayon lang kasi ako nakakita ng gaya mo mong ganito pala ang hilig." ang kinakabahan kong sagot. Kayasa! Kung bakit naman kasi nagkalat ang mga gwapong lalaki eh.
"Ganon ba? Do you think its dangerous? Teka,youre a gay right? Hindi ako malapit sa mga gay,pero masasabi kong okay ka naman pala,youre a beautiful gay." anito.
"Ha? Nako! Hindi naman po! Uhm,tungkol sa tanong mo,oo sa tingin ko delikado yan,hindi lang pala sa tingin,totoong delikado,walang magandang maidudulot,naka lubog na sa hukay ang isang paa mo dahil dito." ang sabi ko naman,tapos nilingon ko ulit sina Crayon at Onyx na halos katabi lang naman namin,kinindatan ako ni Crayon,baliw talaga.
"Your honest. The truth is,nangako na ako sa kuya ko,kay kuya Santi na ititigil ko na ito,this is the last,actually nandito din si kuya." anito. Hindi na ako nakasagot. Wala na akong masabi eh.
"Seb! Onyx! Ano? Okay na ba? Magsisimula na?" sabi ng isang boses na ikinalingon namin.
"Kuya Hector! San ka galing? Sakto lang,malapit na mag start." sagot ni Onyx.
"Dyan lang." maikling sagot nito at tiningnan ako. Gwapo sya,may hawig kay H,mukhang istrikto. Tapos kay kay Crayon naman tumingin.
"Kuya Santi,mga kaibigan sila ni Onyx, si Crayon,at ito si Khalil." sabi ni H. "Dude Crayon,Khalil sya ang kuya Hector ko."
Naguluhan ako. Magkapatid nga sila,parehong may dalawang pangalan. Nakipag kamay kami dito. Tahimik lang sya hanggang sa magsimula ang karera. Nakakatakot panoorin,natatakot ako para kay H. Kung kaya ko lang hilingin sa gobyerno na ipagbawal ang ganitong karera ay ginawa ko na. Bago mag alas onse ng gabi ay naka balik na kami ni Crayon sa hotel.
Kinabukasan,maaga pa lang ay bumyahe na kami papuntang pasig. Mas nadagdagan ang excitement ko, makikita at makakasama ko na ulit sina Aya,Japhet,Jai lalo na si Cross,tapos pwede ko na din puntahan sa kanila si Flexter. Gusto kong magsimula ng bago,hanggang sa maka siguro ako sa nararamdaman ko para kina Cross at Flexter.
"Welcome back Khalil! Na miss ka namin!!" ang agad na salubong nila sa akin,niyakap ko sila isa isa ng mahigpit.
"Ganon? Sya lang na miss nyo? Mga walangya,dapat pala hindi ko na iniuwi dito si Khalil!" ang pagsingit ni Crayon. Nagtawanan kami dahil dun.
"Hindi bagay sayo tol! Halika nga dito!" nakangising sabi ni Japhet at hinila si Crayon,pinagtulungan nila ito ni Jai na kutusan,naglandian silang tatlo,ako naman ay masaya silang pinanood.
"Tama na yan mga bata. Tara na at kumain,tamang tama at paniguradong gutom na ang dalawang yan." ang pag aya ni Aya kaya pumasok na kami sa loob. Masaya naming pinagsaluhan ang tanghalian,na miss ko sila,palitan kami ng kwento nung mga panahong wala kami dito. Pero syempre,may hinahanap ako,hindi lang ako nagpahalata. Kanina ko pa sya hindi nakikita. Nasaan kaya sya?
"Teka,nasaan nga pala ang gagong si Cross?" ang biglang tanong ni Crayon kaya natigil ako sa pagkain,inabangan ang isasagot nila.
"Pumunta dito nung isang araw,kinuha mga gamit nya,dun na ata sya sa kanila,kailangan sya ng pamilya nya eh,bakit? Hindi ba nya sinabi?" ang sagot ni Jai. Hindi ko alam pero parang may bumara sa lalamunan ko at nagsimulang mamumuo ang mga luha ko.
"Anong ibig nyong sabihin?" nabasag na ang boses ko sa tanong kong iyon.
"Are you okay Khalil?"
"Ang pagkaka alam ko,dito daw sya ulit pagkatapos nyang puntahan ang pamilya nya,pero bakit kinuha na nya mga gamit nya?" ani Crayon. Tumulo na ang luha ko. Nagsinungaling sa akin si Cross! Hindi totoo ang sinabi nya. Sinadya nyang lumayo! Akala ko ba hindi sya susuko? Akala ko ba ilalaban nya ako?
"Excuse me. Busog na ako." tumayo na ako at umalis. Dumiretso ako sa kwarto at nagmukmok.
Hindi ako tunay na mahal ni Cross,hindi nya pinanindigan ang sinabi nya,hindi nya ako totoong inilaban.
Iniyakan ko ang pagkabigo ko kay Cross hanggang sa makatulog ako.
Nang magising ako ay agad din akong bumaba. Nag iinuman sila sa sala. Nagpaalam ako na magpapahangin lang. Pero ang totoo ay pupuntahan ko si Flexter. Kung isinuko ako ni Cross,alam kong hindi ako magagawang isuko ni Flexter.
Maaaring ang selfish ko na dahil gusto kong sa akin silang dalawa,maging ako man ay naguguluhan na sa sarili ko. Pero ano bang magagawa ko? Nagmamahal lang ako,ang pagkakamali ko ay dalawang lalaki ang minahal ko.
Pagka baba ko sa taxi sa mismong harapan ng mansyon ni Flexter ay nakaramdam na ako ng kaba. Sana nandito sya.
Lumapit na ako at agad akong nakita ng guard. Nginitian ko ito.
"Nandyan ba si Flexter?" ang agad kong tanong.
"Uy Khalil! Ikaw pala yan!" anito at lumabas. "Wala si Sir eh,magkasama sila ngayon ni Miss Janna,may taping ata. At saka ano.. Uhm.." at napakamot pa ito sa ulo.
"Saka ano?" ang kinakabahan kong tanong.
"Pinagbawal na nilang papasukin ka dito. Tatanggalin daw kami sa trabaho pag hindi kami sumunod." ang nahihiya nitong sagot.
Pakiramdam ko ay gumuho ang aking mundo. Ipinagbawal nila? Ibig sabihin pati si Flexter?
Literal akong nanlambot. Agad akong naalalayan ni Manong guard. Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko at nagkapira piraso ang mga pangarap ko. Ang dalawang lalaking mahal ako ay sabay akong tinalikuran,sinasabing mahal ako pero ngayon,bakit ganito? Totoo ba ang mga sinabi nila?
Nang mahimasmasan ako ay agad na akong nagpasalamat at umalis. Ngayon ay sinisisi ko ang sarili ko. Kung hindi ako naging selfish,kung hindi ako naging ganid sa pagmamahal nilang dalawa ay hindi ako aabot sa ganito. Tama si Janna,masyadong mataas ang lipad ko,sa sobrang taas ay bumulusok ako pababa,at sobrang sakit ng natamo ko.
Masyado kasi akong paasa eh. Masyado ko siguro na enjoy na dalawa silang hawak ko,dahil akala ko ay mahal ako. Ganito pala yon kasakit. Kung sana,sa una palang ay inayos ko na,wala sanang ganito. Masyado ko siguro silang nasaktan,at maaaring napagod na sila sa kakahintay sa akin kaya sumuko na sila.
Nabubuwisit ako sa sarili ko. Hindi ko na tuloy alam ngayon kung paano ulit ako magsisimula,kung paano ko matatanggal itong sakit na nararamdaman ko. Kaya eto ako ngayon,sakay ng taxi pag uwi at walang tigil sa pag iyak,sinisisi ko ang sarili ko,napaka laki kong gago.
Pagdating sa bahay ay pinilit kong maging okay. Hindi ako dapat magpahalata na halos patay na ako sa kaloob looban. Naabutan ko pa silang nasa sala pa din at umiinom habang nanonood ng TV.
"Khalil,dito ka,join us!" pag aya ni Aya. Agad akong lumapit at umupo. May commercial sa tv na sadyang umagaw ng atensyon ko.
"Pinoy Big Brother is now open for audition. Sa mga gustong sumali ay pumunta lamang sa blah blah blah blah..." ang sabi sa Tv.
Medyo napangiti ako sa ideyang pumasok sa aking isipan.