The Return of ABaKaDa (Publis...

Autorstwa risingservant

6.1M 204K 33.4K

AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'y... Więcej

The Return of ABaKaDa
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Elmo's Note
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100 (part 1)
Chapter 100 (part 2)
Wattys 2016
Announcement
Announcement II
Announcement III
Announcement IV

Epilogue

73.8K 1.8K 1K
Autorstwa risingservant

Ipinikit ko muna ang aking mga mata at dinama ang malamig na simoy ng hangin.

Pagmulat ko, iniusal ko na ang seremonyang nakasaad sa libro.

Ere ere mas humenis,

Sheki nomoi garanokit.

Ere nene casa lofis,

Kaide imi wohslit.

Ere ere mas humenis,

Sheki nomoi garanokit.

Ere nene casa lofis,

Kaide imi wohslit.

Ere ere mas humenis,

Sheki nomoi garanokit.

Ere nene casa lofis,

Kaide imi wohslit.

Matapos kong iusal ang mga katagang iyon, biglang nagningning ang libro at naglabas ito ng fireworks.

Isang putok lamang ang ginawa noon ngunit litrato ng mga biktima ng Alphabet ang iminudmod nito sa ere.

Sa bawat litrato ay mayroong pangalan, sa baba ng pangalan ay may nakalakip na letra.

Sampu lamang ang aking pipiliin. Inuna ko na si Ate Roxette.

Itinuon ko ang aking kanang kamay sa kaniyang litrato at ito'y biglang naglaho sa ere.

Iginala ko ang aking paningin at ininspeksyon isa-isa ang litrato.

"Si Ate Joan!" sambit ko sa aking isipan nang makita ang kaniyang litrato.

Itutuon ko na sana ang aking kamay sa kaniyang litrato nang bigla may lumabas na liwanag sa itaas at lumitaw roon ang pigura ni Ate Joan at siya'y umiiling-iling.

Ibig sabihin ba nito, ayaw niya nang mabuhay? Masaya na ba siya sa langit?

Isang ngiti ang itinugon ko sa kaniya nang makuha ko ang nais niyang iparating. Nginitian na rin ako bilang tugon at nawala siyang bigla na parang bula.

Iginala kong muli ang aking mata.

Ginny? Siya 'yung babaeng may hawak na kidney! And, kaibigan siya ni Ate!

Itiuon ko ang aking kanang kamay sa litrato niya at nawala na rin ito sa listahan.

"Walo pa," sambit ko sa aking sarili.

Arianne, kaibigan din siya ni Ate.

Agatha, siya 'yung babaeng putol ang paa.

Mark? Ang gwapo naman nito.

Nikka, 'yung babaeng inaalihan ng linta sa jeep! Nakakaawa siya at mukhang guso niya talagang mabuhay.

Itinuon ko ang aking kamay sa litrato ng apat na napili ko at nawala na sila sa listahan.

"Apat na lang," sambit ko.

Karlo, siya 'yung lalaking nanakot sa akin sa simbahan! Siya 'yung lalaking pugot. Kyot siya kaso mukhang hindi naman na niya deserve mabuhay so no to him.

Nagulat ako ng biglang magkaroon ng ekis ang kaniyang litrato dahil nag-no ako sa kaniya.

Iginala ko ang aking mata at inalisang mabuti ang mga litrato.

Grace, hindi ko matandaan kung kailan siya nagpakita sa akin pero okay siya sa akin.

Hannah, siya rin. Hindi ko maalala pero gusto ko ang mga ngiti niya.

Itinuon ko ang aking kamay sa dalawang litrato at nawala na sila sa listahan.

"Dalawa pa!" turan ko.

Mia? Oh my gosh! Tinakot niya ako sa may kusina! No.

Kian? Siya ang tumakot sa akin sa burol ni Charlie! No.

Jake? Ang lalaking may martilyo sa ulo! Dapat ko ba siyang piliin? Ahm, no muna siguro.

Henry, nagpayo siya sa akin no'n kaso para siyang weird na ewan. Not now.

Joshua, hindi ko matandaan kung may kasalanan siya sa akin or what. Hindi muna siya.

Nagkaroon bigla ng ekis ang kanilang litrato.

Aaron? Yes, siya nga! Siya si Mr. Sweetguy noong napaginipan kong birthday ko! Pinukaw niyaa ng damdamin ko kaya he deserve na mabuhay para mapawi ang kaniyang lungkot na nadarama.

Itinuon ko ang aking kamay sa kaniyang litarato at nawala na siya sa listahan.

Isa na lang!

Adrian, naalala ko, nagpakita siya sa akin sa ospital noon.

Dion, si Mr. Gunman.

Jerome, nagpalakas din siya ng loob ko sa pagkakatanda ko.

Tom, oh my! Binangungot ako nang dahil sa kaniya!

Mae, malaki atraso niya sa akin! Hindi ko siya makakalimutan! Huhu.

Tin, bruhilda 'to! Si Ms. Ratata, gusto pa akong gawing Ms. Cockroach. Hmp!

Xiara, naku masama ang loobko sa kaniya dahil ginulo niya ang date namin ni Charlie noon.

Abi, piniste niya ako sa banyo! Syaks talaga.

Ate Joan, ayaw niya na, e.

Nagkaroon bigla ng ekis ang kanilang litrato dahil no sila para sa akin.

Dalawa na lang ang pagpipilian ko. Ramil or Ethan? Hmm...

Ipinikit ko ang aking mata at itinuon ang aking kamay kay...

Ethan!

Syet lang, nakakapanlaway siya! Ang hot niya sa litrato! Gosh, kanin na lang ang kulang.

Okay rin naman si Ramil dahil crush ko na siya noong minulto niya ako kaso may iba kay Ethan, e.

Lahat ng litratong hindi ko napili ay biglang nagliyab at nasunog.

Inusal kong muli ang mga katagang nasa libro.

Ere ere mas humenis,

Sheki nomoi garanokit.

Ere nene casa lofis,

Kaide imi wohslit.

Ere ere mas humenis,

Sheki nomoi garanokit.

Ere nene casa lofis,

Kaide imi wohslit.

Ere ere mas humenis,

Sheki nomoi garanokit.

Ere nene casa lofis,

Kaide imi wohslit.

Nagliwanag ang kalangitan at naglabas ito nang kakaibang ilaw kaya nasilaw ako't napapikit na lang.

Pagmulat ko ng aking mga mata, lahat ng sampung napili ko ay nakatayo na sa may bandang kanan ko at buhay na buhay sila.

"Ate Roxette!" sigaw ko.

Miss na miss ko na ang Ate ko.

Nawala na ang pagliliwanag ng ABaKaDa at ito'y kusang bumagsak na lamang sa luha matapos buhayin ang mga namayapa.

Dali-dali akong nagtatakbo papalapit sa kaniya at niyakap ko siya nang mahigpit.

"Ate," sambit ko habang humahagulgol ng iyak.

Kahit na hindi ko siya tunay na kapatid, ipinaramdam niya sa aking mahal na mahal niya ako.

"Mukhang nahuli na ako ng dating," sambit ng isang tinig matapos magliwanag ang lupa ng kulay itim at lumabas dito si Helga.

Natameme akong bigla nang maalala ko si Ethel.

Bakas sa mukha ng mga kaklase ni Ate ang takot nang makita si Helga at may hawak itong libro.

"Helga, paano napunta sa iyo iyan?" giit ni Ate Roxette sa tangan-tangan nito.

"Heto ba?" tugon ni Helga at itinaas ang hawak niyang libro.

Nanlaki ang mata ko nang mabasa ko iyon.

Ang Alphabet of Death!

"Well, may sorpresa ako sa inyo," aniya at binuklat ito.

Nanlaki ang mata sa takot at kaba ng kaklase ni Ate nang lumabas ang itim na usok mula sa libro.

Unti-unting nagkakaroon ng pigura ang usok kaya nakaantabay lang kami sa aming kinatatayuan. Bumilis na ang tibok ng puso ko nang maaninaw ko kung sino siya.

"I am free!" sambit nito.

"Sino ka?" sambit ni Ate at ng mga kaklase niya.

"Siya si Death..." tugon ko.

Kusang lumandas ang mga luha sa aking mukha.

"Nasaan si Ethel? Anong ginawa niyo sa kaniya?!" anas ko at naglakad ako pasugod sa kanila ngunit pinigilan ako ni Ate Roxette.

"Maghunos-dili ka, Morixette. Hindi natin sila kaya," pagpigil ni Ate habang nakahawak sa aking balikat.

"Masaya na si Ethel ngayon kasi magkakasama na kaming magkakapatid! Hahaha!" turan ni Helga.

"Anong ibig mong sabihin?" nagugulumihanan kong tanong.

"Hayaan niyong ipakilala ko sa inyo ang aking tatlong maria..." ani Death.

Biglang umihip nang pagkalakas-lakas ang hangin at nagkaroon ng dalawang liwanag sa sahig. Ang isang liwanag ay kulay puti, at ang isa ay kulay pula.

Dahan-dahang lumitaw mula sa nagliliwanag na lupa ang dalawang babae.

"Helga, the black lady. The Maria of Temptation," pagpapakilala ni Death.

Biglang nagliwanag ang mata ni Helga. Ito ay kulay itim.

"Ethel, the white lady. The Maria of Nightmare," sambit ulit ni Death.

Nanlaki ang mata ko dahil naging kaanib na nila si Ethel. Anong ginawa nila rito?

Biglang nagliwanag ang mata ni Ethel. Ito ay kulay puti.

"Wala na tayong magagawa pa, kaanib na nila si Ethel," turan ni Ate.

"At ang huli, Xiara, the red lady. The Maria of Brutality," pahayag ni Death na wari mo'y nakamit na ang tagumpay.

Biglang nagliwanag ang mata ni Xiara. Ito ay kulay pula.

Nagdikit-dikit kaming mga naririto sa park dulot ng takot.

"Heto na ang huling yugto ng inyong mga buhay. Lalaban ka ba? o susuko na?" segunda pa ni Death.

"Ang may matibay na loob lamang ang matitira sa pagkakataong ito sapagkat," pambibitin niya.

"Only strong survive..."

Labis na takot at pangamba ang lumukob sa amin. Paano namin sila tatalunin?

---Wakas---

Salamat sa pagbabasa! Nawa'y nag-enjoy ka. Kita-kits na lang sa Book 3 entitled Might of Alibata. Pumunta ka na lang sa profile ko kung gusto mong basahin. Muli, maraming salamat! God Bless!

Maaari mo akong i-add sa facebook kung trip mo. Search mo lang, Ethan Elmo Santos.

All Rights Reserved.

Copyright © risingservant

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

123K 1.5K 15
The following is a list of gods and other divine and semi-divine figures from Greek mythology.
19.1K 171 6
Every year, Herrington Polytechnic University's Math and Science club organization celebrates Science Month with planned activities. The current orga...
305K 7.9K 14
"Saan napunta ang kanilang mga katawan?"
1.9M 103K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...