The Return of ABaKaDa (Publis...

By risingservant

6.1M 204K 33.4K

AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'y... More

The Return of ABaKaDa
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Elmo's Note
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100 (part 2)
Epilogue
Wattys 2016
Announcement
Announcement II
Announcement III
Announcement IV

Chapter 100 (part 1)

43.6K 1.3K 481
By risingservant

"Siya ba si Kamatayan?" sambit ko sa aking isipan.


"Morixette, kahit anong mangyari, huwag kang aalis diyan sa likuran ko!" giit ni Ethel.


Napatiim-bagang na lang ako nang makita kong tumatagaktak ang kaniyang pawis. Ito ba'y dulot ng takot at pangamba niya?


"Sige, pero--"


"Wala nang pero-pero! Pagtiwalaan mo lang ako, pwede ba?" aniya.


Napa-isip ako dahil hindi ko siya maintindihan. Para bang ngayon na magaganap ang paghuhukom.


"Bibigyan ko kayo ng limang minuto para makapag-usap. Sulitin niyo na," singit ni Helga na wari mo'y nanunuya pa.


Aaminin ko, natatakot pa rin ako at hindi mawala ang pangamba sa aking dibdib dahil sa inaasal ni Ethel.


Isa pa, nakakatakot tumingin si Death. Titig pa lang niya, parang mahihiwa ka na dahil sa sobrang talim.


Kalmado lamang itong nakatayo sa likuran ni Helga.


Bigla na lamang nagsitindigan ang mga balahibo ko nang ngitian niya ako. Sigurado akong napakabagsik niya.


"Morixette, makinig ka sa akin," pang-aagaw ni Ethel ng atensiyon ko habang hawak niya ako sa magkabilang balikat ko.


Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon ngayon ni Ethel. Para bang nagugulumihanan siya na natataranta na ewan.


"Kahit anong mangyari, siguraduhin mong mabubuhay ka," panimula niya.


"Gagawin ko ang lahat para makalabas ka rito sa silid. Basta tatagan mo lang lagi ang loob mo at huwag na huwag kang susuko."


Napatango na lamang ako sa mga hinahabilin niya sa akin.


"Mamayang alas dose, maaari mo nang mabuhay ang mga namayapa sa dahil Alphabet na libro ng Ate ko."


"Nakapagligtas ka ng limang buhay. Magtiwala ka lang talaga, mabubuhay ka. Ibig sabihin, anim na buhay plus nahulaan mo ang apat sa mensahe ng ABaKaDa kaya sampung tao ang total."


Oo lang ako nang oo sa kaniya. Para bang heto na ang huli naming pag-uusap.


"Sa park, doon mo isagawa ang seremonya. Nasa huling pahina ng ABaKaDa ang mga dapat mong sambitin," dugtong pa niya.


"Isang minuto na lang..." pahayag ni Helga.


"Hindi pa ito ang huling pakikibaka niyo. Kapag nabuhay na ang mga nais mong buhayin, hanapin niyo ang libro ng Alibata."


"Alibata? Bakit? Para saan?" naghuhuramentado kong tanong.


"Sapagkat iyon na lamang ang maaaring makatalo kay Death. Si Life na lang ang pag-asa niyo..."


"Life?"


"Makikilala mo rin siya sa takdang panahon."


"There is a life after death, Morixette," singit ni Death na wari mo'y nangungusap ang kaniyang mga mata para sumama ako sa kaniya.


Nanlaki bigla ang mga mata ko nang mawala ang itim na shadow na bumabalot kay Death. Tumambad sa amin ang kaniyang itsura.


"Syet, ang gwapo niya!" sambit ko.


Hindi ko alam kung bakit bigla iyong lumabas sa bibig ko. Umiral na naman ang landing itinatago ko.


"Morixette, tinutukso ka lamang niya! Huwag kang magpabulag sa tawag ng laman!" giit ni Ethel sabay sampal sa akin.


Para bang nayanig ang diwa ko dahil sa ginawa niya. Kahit tumagos lamang ang kaniyang pagsampal sa aking pisngi, naramdaman ko pa rin iyon mula sa aking kaibuturan.


"Salamat, Ethel!" turan ko sabay pakawala ng isang napakatamis kong ngiti.


Oo, gwapo nga si Death at sadyang kahali-halina ang kaniyang itsura pero hindi ako dapat magpabulag sa panloloko niya. Now I know kung bakit maraming nasasaktan.


"Time's up!" ani Helga.


"Tapusin na natin ang labang 'to," dugtong pa niya.


"Lamad tres ere noque!" sambit ni Ethel habang nakatuon ang kaniyang kanang kamay sa akin.


Nagulat akong bigla nang mabalutan ako ng isang bilog na panangga.


"Laban natin ito, Ate! Hindi ko hahayaang galawin mo si Morixette!" giit ni Ethel at biglang naglabas nang puting liwanag ang kaniyang katawan saka lumutang sa ere.


"Okay, sigurado naman akong hindi mo ako matatalo!" giit ni Helga at naglabas ng itim na liwanag ang kaniyang katawan bago lumutang sa may ere.


Nakatayo lamang si Death na mistulang papanuorin lang ang laban ng magkapatid.


Nabalot ng kakaibang hangin ang loob ng silid. Nananalig akong mananalo si Ethel.


"Ahh!" sigaw nilang dalawa na para bang nag-chacharge ng enerhiya.


Ang mata ni Ethel ay naglabas ng puting liwanag habang itim naman ang kay Helga.


Iniunat ni Ethel ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang gilid habang nakatingala.


Pinagsaklob naman ni Helga ang kaniyang mga palad na wari mo'y nananalangin habang nakayuko. Napansin ko ang pagbuka ng kaniyang bibig kaya hindi maipagkakailang may inuusal siyang dasal.


"Ahh!" anas ni Ethel.


May lumalabas na dugo sa kaniyang ilong habang ang mata niya'y lumuluha ng dugo.


"Ethel!" sigaw ko dahil unti-unting siyang napapababa sa may ere.


"Erei olgania lamoscha!" usal ni Ethel at mistulang winasiwas ng hangin si Helga at siyang ibinato sa may dingding hanggang sa lumagapak siya sa may sahig.


"Gumagaling ka na," turan ni Helga habang dahan-dahang tumatayo. Mararamdaman mo ang kaniyang pagngangalit.


"Kahit kapatid kita, hindi ako papayag na magpagapi sa iyo!" pahayag ni Ethel.


"Thug!" napagawi bigla ang tingin ko kay Death nang kalampagin niya ang sahig gamit ang hawak niyang tungkod.


Nanlaki ang mata ko nang bigla itong magbago ng anyo. Ang mahaba niyang tungkod na may mahabang patalim ay nagkaroon ng bungo.


"Morixette, pagkalabas mo sa silid na 'to, tumakbo ka kaagad!" giit ni Ethel.


Tango lamang ang aking naitugon dulot ng panghihilakbot.


"Ahhh!" pagpalahaw ni Ethel ng sigaw nang tamaan siya bigla ng itim na kuryente mula sa tungkod na may bungo ni Death.


Nanginginig at nangingisay siya sa ere habang tumitirik ang kaniyang mga mata.


"Hahaha!" halakhak ni Helga.


"Ethel!" sigaw ko.


"Ya-yanare si-silido ka-kasne..." utal na sambit ni Ethel bago ako tuluyang mawala sa loob ng silid.


Kamukat-mukat ko, wala na ako sa loob ng pananggang ginawa niya at nandito na ako sa may labas.


"Ethel..." maluha-luha kong sambit bago ako tuluyang nagtatakbo palayo.

Continue Reading

You'll Also Like

34.8K 612 10
A Mind Confusing Story > Must remember the DATE and TIME.
Pagsamo By Señorita M

Historical Fiction

73.2K 523 4
In the Filipino town of Santa Crusiana, a young man named Leonor marries a woman whose head has been torn off from an old photo. Within the Seguismun...
383K 1.7K 1
Ang University na ito ang namamahala upang tulungan ang napiling humanimal na protektahan ang mundo laban sa gustong sumakop nito. Humanimal, half hu...
5.2K 386 14
One prison area with three different levels. Twenty four participating players. A Ten million cash prize at stake when they successfully escape the p...