The Return of ABaKaDa (Publis...

By risingservant

6.1M 204K 33.4K

AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'y... More

The Return of ABaKaDa
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Elmo's Note
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 100 (part 1)
Chapter 100 (part 2)
Epilogue
Wattys 2016
Announcement
Announcement II
Announcement III
Announcement IV

Chapter 99

42.1K 1.3K 494
By risingservant

Nandito ako ngayon sa labas ng ospital. Sa loob ng aking bag, dala ko ang libro dahil iyon ang iminungkahi kanina ni Ethel. Gustong sumama ni Lola pero pinaiwan ko na siya sa bahay sapagkat mapanganib ang tatahakin kong landas.


Tumungo ako sa loob at pumunta sa may tanungan ng room ng mga pasyente.


"Miss, saan ang room ni Mr. Jaycee Arada?" sambit ko.


Nakayuko ang nars at wari mo'y nagsusulat kaya hindi ko kaagad nakita ang kaniyang mukha.


"Morixette, ikaw ba iyan?" anito nang itungo niya ang kaniyang mukha sa akin.


"Carie?"


"Ako nga, nice to see you again!" masigla nitong bati.


Nakalimutan kong nars nga pala siya.


"Oo nga e, kumusta ka na?" segunda ko.


"Heto, maganda pa rin..."


Nagngisihan kaming dalawa dahil sa tinuran niya.


"Medyo malungkot lang kasi patay na ang bff kong sina Rochaes at Izzy."


"Sorry, kasala---"


"Huwag kang mag-sorry sa akin. Hindi mo naman ginustong mamatay si Izzy that time."


Sa totoo lang, guilty ako. Ako ang rason kung bakit namatay ang kaniyang mga kaibigan.


"Nga pala, nasa Room 696 'yung hinahanap mo. Puntahan mo na lang sa sixth floor," aniya.


"Salamat!"


Hindi ako nagsayang ng oras at sumakay kaagad ako ng elevator para makarating sa silid ng pinsan ko.


Pagkarating ko sa tapat ng kaniyang silid, kumatok kaagad ako.


"Pasok!" aniya.


Pagkapihit ko ng seradura ng pinto, prenteng-prenteng nakaupo sa kaniyang higaan ang pinsan ko habang lumalapang ng mansanas.


"Basta pagkain talaga, hindi ka nagpapahuli!" bungad ko.


"Ako pa ba?" tugon nito.


Isinarado ko kaagad ang pinto nang makapasok ako sa loob. Pinagmasdan ko ang loob ng kaniyang silid.


Medyo malaki, kasing laki ng silid-aralan. Kulay asul ang pintura ng dingding. Malamig dahil naka-aircon. Bukod pa roon, may malaking ceiling fan pa. May dalawang sofa sa gilid. Para Don na 'di magiba lang ang pinsan kong 'to.


"Soundproof pa ang room, saan ka pa?" singit niya sa gitna ng aking pag-iinspeksiyon sa silid.


Inismiran ko na lamang siya bilang tugon.


Mayroon siyang parang benda sa leeg dahil nga doon siya napuruhan ni Ej. Mayroon ding parang dextrose na nakasaksak sa kaniya pero dugo naman ang ipinapasok noon sa loob ng kaniyang katawan.


"Kumusta na ba? Malakas na ba?" segunda ko matapos makaupo sa may sofa.


"Malakas na malakas na!" hirit niya habang ipinapakita ang kaniyang muscles na wari mo'y malakas na nga siya.


"Oo nga pala, may sasabihin ako sa 'yo."


"Sandali, bago mo sabihin ang nais mong sabihin, hayaan mo munang sabihin ko ay nais kong sabihin," aniya habang nakahalukipkip pa.


"Sige, ikaw na ang mauna."


"Nagliliwanag ang noo mo. May pigurang I akong nakikita rito," turan niya.


Nanlaki ang mata ko. Ngayon na ba talaga ang oras?


Medyo natuod ako sa aking kinauupuan kaya hindi kaagad ako nakatugon. Napanganga na lamang ako at nanlaki ang aking mga mata nang mapansin kong nagliliwanag din ang kaniyang noo.


"Jaycee, ikaw rin. May pigurang O akong nakikita sa iyong noo."


"Anong ibig sabihin nito?" nagugulumihanan niyang tanong.


Akmang ipapaliwanag ko na sana ang nangyayari nang bigla bumukas ang pinto.


"Check up time!" masiglang bungad ni Carie.


Napatigagal siyang bigla sa kaniyang kinatatayuan doon sa may pintuan nang makita niya ang pagliliwanag ng noo namin.


"What's the meaning of that?" aniya habang nakaturo sa noo namin.


Tumayo ako sa aking kinauupuan at hinila siya papasok sa loob at ni-lock ko ang pinto.


"Miss Nars, nagliliwanag din ang noo mo," litaniya Jaycee.


Nang tingnan ko ang noo niya, oo nga. Letrang E ang nasa noo niya. Ibig sabihin, kaming tatlo ang huling biktima ng ABaKaDa.


"Hindi pwede 'to, 'di ako freak!" paghuhuramentado ni Carie.


"Maghunos-dili ka nga, Carie. Mas matanda ka sa amin kaya dapat ikaw ang pinaka kalmado," pahayag ko.


"Kumusta na kayo?" sambit ng isang tinig.


Nanlaki ang mata ko dahil kilala ko ang tinig na iyon.


"Sino iyon?" tarantang tanong ni Carie.


"Oo nga, nakakakilabot ang boses niya," dugtong pa ni Jaycee.


"Kahit anong mangyari, hindi tayo dapat maghiwa-hiwalay!" giit ko.


"Hahaha!" nakarinig kami ng ibayong halakhak. Nakakatulilig ang tinig na iyon.


"Don't tell me na may multo rito sa silid," nanginginig na sambit ni Carie.


Ilang sandali pa, nakaramdam kami ng kakaibang hangin na dumadampi sa aming balat. Hangin na nagpapatindig ng aming balahibo.


"Totoo nga! Tumingin kayo sa taas!" turo ni Jaycee sa babaeng nakaitim na nakalutang sa ere.


"Mommy!" sambit ni Carie at nanguluntay bigla sa may sahig habang takip-takip ang kaniyang tainga dulot ng takot.


"Helga, kung anuman ang pakay mo sa amin, hindi ka magtatagumpay!" giit ko.


"Multo ka lang! Tao kami! Hindi ka dapat katakutan!" giit naman ni Jaycee.


Napaurong akong bigla at napasiksik sa may dingding dahil lumalakas ang itim na aura ni Helga.


"Hindi ko na kayang tumagal pa rito! Tatawag na ako ng tulong!" sambit ni Carie at tumayo sa pagkakaupo niya sa sahig para tunguhin ang phone sa loob ng silid.


"Meka pona garum!" sambit ni Helga at biglang lumutang sa ere ang telepono sa loob ng silid at inihagis niya ito sa may pader at ito'y nawasak.


Napatigagal si Carie sa kaniyang kinatatayuan habang kami naman ni Jaycee ay napanganga na lamang.


"Hindi natin siya kaya..." malumanay kong sambit. Para bang nawawalan na ako ng pagasang mabubuhay pa kami matapos ang tagpong ito.


"Meka pona garum!" sambit muli ni Helga habang nakatuon ang kaniyang kamay sa may ceiling fan.


"Huwag kang lilingon, Carie! Dumapa ka!" sigaw ko.


Ngunit hindi niya ako sinunod. Bagkus, lumingon siya. Bakas sa kaniyang mata ang rumaragasang luha ng panunuligsa.


"Ahhh!" anas ni Carie matapos maputol ang kaniyang ulo gamit ang ceiling fan na ibinato sa kaniya ni Helga.


Napakagat-labi na lamang ako dahil sa sinapit niya. Nagkalat ang kaniyang dugo sa sahig.


"Alphabeto: E

Kamatayang ipinataw: Elesi," sambit ni Helga.


"One down, two to go."


"Morixette, paano natin siya matatalo? Anong gagawin natin?" naghuhuramentadong tanong ni Jaycee. Maski siya, hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin.


Ano nga ba ang dapat naming gawin? Kailangan kong maka-isip ng paraan.


"Meka pona garum!" sambit ni Helga.


"Morixette, tulungan mo ako! Ahh!" pahayag ni Jaycee habang lumulutang sa ere.


"Ako na lang, Helga! Huwag ang pinsan ko!" anas ko.


"Ota wasayha ere!" giit pa nito.


"Ahh! Kina-ka-pos a-ako ng hi-ninga..." dugtong pa ni Jaycee.


"Hahaha!" paghalakhak ni Helga.


"Alphabeto: O

Kamatayang ipinataw: Oxygen," sambit ni Helga.


Matapos niyang sabihin ang katagang iyon, bumagsak sa may kama at bumulagta ang katawan ng pinsan kong wala nang hininga.


"Jaycee!" sigaw ko.


Naiyak na lamang ako dahil sa kawalan ng pag-asa.


"Paano ba iyan? Ikaw na lang ang natitira. Makakalaban ka ba?" aniya habang dahan-dahang bumababa sa sahig.


"Goyami atakis bomaru!" pahayag ni Helga.


Ipinikit ko na lamang ang aking mata.


"Shiden shi minso!" giit ng isa pang tinig.


Napamulat akong bigla ng aking mata nang marinig ko ang boses ni Ethel. Laking gulat ko dahil gumawa siya ng shield.


"Ethel, salamat!" sambit ko.


"'Di ba sinabi ko na sa 'yo, nandito lang ako sa tabi mo," aniya sabay ngiti sa akin.


"Kumusta ka na mahal kong kapatid?" panunuya ni Helga.


"Kahit kailan, hindi magpapagapi ang liwanag sa dilim!" giit ni Ethel.


"Pwes, ano kaya ang magiging reaksiyon mo kapag nakita mo ito?" pambubuska ni Helga.


Biglang may lumitaw na itim na shadow sa tabi ni Helga at may hawak itong mahabang stick at may malaking patalim.


Napatigagal si Ethel sa kaniyang kinatatayuan at tila ba naumid pa dahil sa kaniyang nakita.


Mayamaya, biglang naging kulay pula ang mata ng may hawak na mahabang stick at todo-todo sa pagtindig ang balahibo ko sa katawan.


"S-ino k-ka?" utal kong tanong.


"I am Death," anito

Continue Reading

You'll Also Like

14K 421 19
Book 3 | IKWKM Trilogy "Sa larong ito, buhay mo at ng iyong asawa't mga anak ang nakataya. Kailangan mong malagpasan ang isang linggong pagsubok na s...
Runaway By Reynald

Mystery / Thriller

64.4K 2.5K 13
Maayos na pagkakaibigan, masayang samahan. Ganyan ang turingan nila sa isa't isa. "J-Jessica napatay natin si Mica" Isang pangyayari ang gugulo sa mg...
Pagsamo By Señorita M

Historical Fiction

73.2K 523 4
In the Filipino town of Santa Crusiana, a young man named Leonor marries a woman whose head has been torn off from an old photo. Within the Seguismun...
WISH GRANTED By ♪

Mystery / Thriller

30.5K 2.2K 105
Enigma I ❝ they say that not all wishes come true... they are wrong. because with only some clicks, your desires will be granted with this app. but o...