Zairus's POV
Natataranta ako dahil hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Paano kung mapagbintangan ako na ako ang pumatay sa asawa ko? Ayokong makulong!
"Gawin mong biktima rin ang iyong sarili," bulong ng isang tinig sa akin.
"Ha? Anong ibig mong sabihin? Paano?" sambit ko at ini-lock ang pinto.
"Madali lang iyan gawan ng paraan, kitilin mo rin ang buhay mo."
"Hindi pa ako nahihibang para patayin ang sarili ko!"
Mayamaya, biglang nagliwanag ang aking noo, nakikita ko ang aking repleksiyon sa may bintana dahil glass ito.
Isang pigura ng letrang Ga ang lumabas mula rito. Anong ibig sabihin nito?
Ilang saglit pa, isang mensahe naman ang lumitaw mula rito.
Nang dahil sa pangamba, ika'y mawawala na.
Sumasakit ang ulo ko nang dahil sa kakaisip. Stress na nga sa trabaho, pati ba naman sa mga bagay na ganito?
Napaluhod na lamang ako sa sahig at hinaplos ang mukha ng asawa ko.
"Patay na siya, patay na ang anak mo. Kitilin mo na rin ang buhay mo para magkasama-sama na kayo..." bulong mula ng isang tinig sa aking tainga.
"Huwag! Huwag kang makinig sa kaniya! Kasalanan ang pagpapatiwakal!" bulong naman ng isa pang tinig.
"At isa pa, may isa ka pang anak, si Morixette!" dugtong pa nito.
"Hindi mo totoong anak si Morixette 'di ba? Hayaan mo na iyon, kaya na niya sarili niya."
"Argh!" napasabunot na lamang ako sa aking ulo.
Ayoko pang mamatay pero anong saysay naman ng aking buhay kung patay na ang mga taong mahal ko?
"May gamot diyan sa may divider, inumin mo!" turan ng isang tinig.
"Mamamatay ka! Huwag!" ani naman ng isa.
Naguguluhan na ako! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko!
Napalingon akong bigla sa aking kanang bahagi nang marinig kong bumukas ang divider at lumutang ang gamot na ngayo'y papalapit sa akin.
"Wakasan mo na ang buhay mo! Wala kang silbing ama! Hindi mo nailigtas ang buhay ng anak mo, maging ang asawa mo!" sambit ng isang tinig sa kanan kong tainga.
"Wala kang kasalanan sa mga nangyari! Huwag mo siyang pakinggan!" turan naman ng isang tinig sa aking kaliwang tainga.
Pakiramdam ko tuloy, ang laki ng kasalanan ko sapagkat hindi ko naprotektahan ang mga taong mahal ko.
Walang ano-ano'y bigla kong hinablot ang gamot na nakalutang sa aking harapan ang nilaklak ang napakaraming tableta na nandoroon.
"Makakasama ko rin kayo, hintayin niyo ako..." at tumirik na nga ang aking mga mata at bumula ang aking bibig hanggang sa lagutan na ako ng hininga.
---
Morixette's POV
Paano? Kaya ba nanlamig sila sa akin dahil ampon ako?
Nagulat akong bigla nang yakapin ako ng aking lola.
"Hindi man kita tunay na apo, nagpapasalamat pa rin ako sa iyo."
"Sorry kung madalas kitang masaktan."
"Pero kahit na ganoon ang trato ko sa iyo, naging maayos pa rin ang pakikitungo mo sa akin. Mabuti kang bata."
"Maganda ang pagpapalaking ginawa sa iyo ng mga magulang mo."
"Kahit hindi man sila ang tunay mong magulang, nawa'y huwag kang magtanim ng pag-iimbot diyan sa puso mo."
"Good night, apo..." sambit ni lola sabay halik sa aking ulo bago lumabas ng aking silid.
First time kong nadama na apo talaga ang turing niya sa akin kahit na sampid lang ako sa pamilyang ito. Hindi ko na naman napigilan ang mga nagbabadyang luha na rumagasa.
"Hindi pa tapos ang iyong pakikibaka, may kakaharapin ka pa," bungad ng isang tinig.
Hinanap ko kung saan iyon nanggaling ngunit masuka-suka ako nang makita ko siya. Wakwak ang kaniyang tiyan at labas ang kaniyang bituka. At parang may ice pi--
Hindi ko natapos ang aking sinasaisip nang biglang may magsalita na naman.
"Don't lose hope. Kung nawawalan ka man ng pag-asa, humanap ka!" giit nito.
Isang lalaking nasa kanang parte ng kama ko, at ito naman ngayon ay nasa kaliwang parte. May nakatarak na martilyo sa kaniyang ulo.
May nais kaya silang ipahiwatig?
"Morixette, may magandang balita akong hatid sa iyo," singit naman ni Ethel at biglang nawala ang dalawang kaluluwa sa tagiliran ko.
"Talaga?" matamlay kong tugon.
"Oo, basta kailangan mong hulaan ang apat na mensaheng nais iwan ng ABaKaDa. Nandoon din ang clue para sa mga sunod na biktima."
"Maraming salamat!"
"At isa pa, maaari kang makabuhay ng apat na patay kapag tama ang hula mo. Good 'di ba?"
"Salamat, Ethel."
Ano-ano na nga ba ang mga letrang nailantad na?
Ba...
Ha...
La...
Ka...
Na...
Nga...
Sa...
Ta...
Ya...
A...
Wa...
Pa...
Ra...
Da...
U...
Ma...
Ga...
Ano-ano ang nais nitong iparating? Hmm...
---
Elmo's Note:
Three Chapters left!
Ikaw? Kailan ka huling nagpasalamat o nagsabi ng "I Love You!" sa mga magulang mo? Hangga't maaga pa, iparamdam mong mahal mo sila. Baka magsisi ka kapag minsan umuwi ka at wala na sila.
Na-tats ako sa POV ni Marilette kaya ko ito napabulaan. Wala magulang ang kayang tiisin ang kaniyang anak. Mas nasasaktan sila kapag nakikita nilang nasasaktan tayo.
Ngayon, yakapin mo ang mga magulang mo at iparamdam mo sa kanila kung gaano mo sila kamahal.
Add niyo ko sa facebook kung trip niyong maging updated at kung nais niyo akong makausap o kung may problema ka man, pwede kitang matulungan hangga't kaya ko.
FB: Ethan Elmo Santos, search niyo lang.
Thanks for reading! God Bless!