The Return of ABaKaDa (Publis...

By risingservant

6.1M 204K 33.4K

AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'y... More

The Return of ABaKaDa
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Elmo's Note
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100 (part 1)
Chapter 100 (part 2)
Epilogue
Wattys 2016
Announcement
Announcement II
Announcement III
Announcement IV

Chapter 94

34.3K 1.2K 56
By risingservant

"Ej... 'di ba patay ka na?" sambit ko.


Hindi ako makapaniwala na magpupunta siya rito sa bahay namin. Anong kailangan niya? Isa pa, patay na siya! Paano siya nakapunta rito?


Napaurong ako bigla nang ihakbang niya ang kaniyang kanang paa papasok sa loob ng aming bahay.


Mabagal siyang maglakad...


Para siyang...


Oh my gee, para siyang zombie!


Nanginginig ang tuhod ko dahil hindi ko alam kung paano siya pipigilin.


Nandito na siya ngayon sa loob ng aming bahay. Mabagal lang siya maglakad.


"Ej, tumigil ka na!" sigaw ko.


Akala ko, titingin siya sa akin pero hindi niya ako pinansin. Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.


Hindi ko alam kung ano ang pakay niya sa bahay namin. Pinagmasdan ko lang siya kung saan siya pupunta hanggang sa lumiko siya at...


Hala, si Lola!


Nagpapanic ako sa aking kinatatayuan dahil nasa panganib ngayon ang buhay ng lola ko.


Nang may maisip akong paraan, dali-dali akong tumungo sa may kusina at kumuha ng isang pinggan, tatlong kutsara at isang tinidor. Kumuha na rin ako ng kutsilyo pang-back up.


Medyo malayo pa naman si Ej sa kwarto ni Lola kaya bumalik kaagad ako sa sala para harapin ito. Mukha siyang unconscious at hindi wild kagaya ng ibang zombie kaya hindi ako natatakot sa kaniya.


Para bang may kumokontrol lang sa katawan niya kahit wala na itong kaluluwa.


"Ej!" sigaw ko para makuha niya ang atensiyon ko.


Huminto siya sa kaniyang kinalulugdan at tumingin sa akin.


Ayos, maisasagawa ko na ang aking plano.


Inihagis ko ang hawak kong pinggan sa harapan niya at nabasag ito tapos inihagis ko ang tatlong kutsara sa mukha niya.


"A-rghh!" anas nito na parang nairita.


Nagsimula siyang maglakad at dinaanan lang ang mga bubog sa sahig na wari mong 'di man lang siya nasaktan. Oo nga pala, manhid na siya at walang pakiramdam.


Dali-dali akong sumugod sa kaniya hawak ang tinidor. Balak ko itong itarak sa kaniyang ulo.


"Ah!" sigaw ko habang sumusugod papalapit sa kaniya.


Nakatayo lang siya at hinihintay ang aking paglapit.


Nang makalapit ako, itatarak ko na sana ang tinidor sa kaniyang ulo kaso napigilan niya ang kamay ko.


Isang pagak na ngiti lamang ang itinugon niya sa akin saka biglang sumuka ng dugo sa mukha ko.


"Ah!" sigaw ko habang nakapikit ang aking mga mata. Hindi ko muna ininda ang nakakasulasok na dugo sa mukha ko. Bagkus, ginawa ko ang plan B.


Sa kaliwa kong kamay, hawak ko ang kutsilyo at ito'y winasiwas sa kaniya. Sigurado akong natamaan ko siya kaso nang imulat ko ang isa kong mata, sa braso ko lang siya natamaan.


Isang nakakakilabot na ngiti ang ibinigay niya sa akin kaya napatigagal ako sa aking kinatatayuan.


Sinampal niya ako nang malakas na nagpamanhid sa aking kanang pisngi at napasubasob ako sa may sahig. Nabitawan ko ang hawak kong kutsilyo at ito'y tumilapon sa malayo.


Nakarinig naman ako ng pagbukas ng pinto at biglang namang nagsalita ang taong lumabas mula roon.


"Morixette, anong ingay ba iy--"


Hindi na natapos pa ni Jaycee ang kaniyang sasabihin nang makita ang aking kalagayan at si Ej na kakila-kilabot ang itsura na nandito sa loob ng bahay.


Nabitwan bigla ni Jaycee ang hawak niyang cellphone at wari mo'y natuod sa kaniyang kinatatayuan habang may suot pang headset sa kaniyang ulo.


"Jaycee, takbo!" sigaw ko.


Kaagad akong tumayo sa kinalugmukan ko at nagtatakbo patungo kay Jaycee. Mabilis kaming tumakbo papasok sa loob ng kaniyang kwarto.


Hingal na hingal kaming pareho na para bang nakipagkarerahan kami sa aso. Nanlalagkit ako dahil sa dugong nakakapit sa aking katawan.


"Morixette, sino ba iyon?" bungad niya habang nagpupunas ng tumatagaktak niyang pawis.


"Kaklase ko, pero patay na siya e! Balak niya yatang patayin tayo..." tugon ko.


"Sino ka? Tulong! Ahhh!"


Nagkatinginan kaming pareho ni Jaycee nang marinig namin ang boses na iyon.


"Si Lola!"


Lola Alette's POV


Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ako. Kaagad ko namang kinuha ang aking antipara sa aking gilid at isinuot sa aking mata.


Dahan-dahan akong tumayo para silipin kung ano bang nangyayari roon.


Hindi pa ako nakakarating sa pintuan nang bigla itong bumukas.


Nasindak ako at nanlaki ang aking mga mata nang bumungad sa akin ang isang binatang nakasuot ng itim na blusa.


"Sino ka? Anong ginagawa mo rito?" sambit ko habang unti-unting napapaurong.


Napahawak ako sa aking dibdib dahil bumibilis ang tibok ng aking puso.


"Layuan mo ako! Huwag kang lalapit sa akin!" anas ko nang ihakbang nito ang kaniyang kanang paa papasok sa loob ng aking silid.


"Ahh!" sigaw ko nang bigla siyang naglakad na parang robot habang nanlilisik ang kaniyang mata na nakatuon sa akin.


Nanginginig ako sa takot maging ang aking mga tuhod.


Ano ang kailangan niya sa akin?

Continue Reading

You'll Also Like

Pagsamo By Señorita M

Historical Fiction

73.2K 523 4
In the Filipino town of Santa Crusiana, a young man named Leonor marries a woman whose head has been torn off from an old photo. Within the Seguismun...
383K 1.7K 1
Ang University na ito ang namamahala upang tulungan ang napiling humanimal na protektahan ang mundo laban sa gustong sumakop nito. Humanimal, half hu...
14K 421 19
Book 3 | IKWKM Trilogy "Sa larong ito, buhay mo at ng iyong asawa't mga anak ang nakataya. Kailangan mong malagpasan ang isang linggong pagsubok na s...
WISH GRANTED By ♪

Mystery / Thriller

30.5K 2.2K 105
Enigma I ❝ they say that not all wishes come true... they are wrong. because with only some clicks, your desires will be granted with this app. but o...