The Return of ABaKaDa (Publis...

By risingservant

6.1M 204K 33.4K

AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'y... More

The Return of ABaKaDa
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Elmo's Note
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100 (part 1)
Chapter 100 (part 2)
Epilogue
Wattys 2016
Announcement
Announcement II
Announcement III
Announcement IV

Chapter 86

41.6K 1.3K 217
By risingservant

Ngayon na ang huling araw ng burol ni Charlie. Hindi ko alam kung kaya ko bang pumunta sa burol niya dahil kumikirot lang ang puso ko.


Oo, feeling guilty rin ako sapagkat ang dami kong nagawang kasalanan sa kaniya. Pero siya, ako lang ang inisip niya noong mga oras na iyon.


Ang dami kong pagkukulang bilang girlfriend niya. Mas pinairal ko pa ang pride ko kaya lumala pa ang sitwasyon namin.


Siguro, kung hinayaan ko lang siyang magpaliwanag noon, hindi pa siguro siya patay ngayon. Magkasama pa marahil kami at masayaha sa piling ng isa't isa.


Heto na naman ako, drama mode at nagpapalamon na naman sa sakit ng nakaraan. Wala naman na akong magagawa pa kung magsusumamo lang ako rito sa kwarto.


Bakit ba wala akong lakas ng loob na magpakita o dumalaw man lang sa burol niya? Ano bang ikinatatakot ko? Ang sisihin ako ng mga magulang niya?


Oo nga pala, hindi alam ng mga ito na ako ang girlfriend ng kanilang anak. Wala akong dapat ikatakot. Ito na ang time para mamaalam sa kaniya.


Bumangon na ako sa higaan ko at naupo muna sa ibabaw ng aking kama. Napahalukipkip na lamang ako sa gitna ng aking pagninilay-nilay.


"Tibayan mo ang loob mo Morixette! Kaya mo iyan!" giit ko sa aking sarili.


Mayamaya pa'y biglang tmunog ang cellphone ko sa gilid.


'Cause I was born to tell you I love you...


Alarm tone ng cellphone ko lang pala.


Nang marinig ko iyon, hindi ko napigilan ang mga luha sa aking mata na hindi tumulo.


Naalala ko na naman si Charlie. Siya kasi ang nagpalit ng alarm tone ko para raw sa tuwing gigising ako sa umaga, siya agad ang unang maiisip ko.


Napayakap na lamang akong bigla sa aking unan dahil nakakaramdam na naman ako ng sakit. Hikbi lang ang ginagawa ko dahil hindi ko kayang ihagulgol ang sakit sapagkat maririnig ako ng mga kasamahan ko rito sa bahay.


"Okay lang iyan, iiyak mo lang ang sakit. Darating talaga 'yung time na masasaktan tayo pero hindi tayo dapat magpalamon dito," turan ng isang tinig.


Dahil nakasubsob ang mukha ko sa unan, sinipat ko kung saan nanggaling ang tinig na iyon.


Pagdako ng aking paningin sa may tokador, isang babae ang nakatayo roon. Duguan siya at mayroon hawak na kidney. Malamlam ang kaniyang pagtingin pero nababalot ito ng pag-iimbot.


Para siyang pamilyar sa akin. Kaibigan yata siya ni Ate Roxette pero hindi ko maalala ang pangalan niya.


"Oo nga po, sumasakit lalo sa tuwing naiisip ko siya. Kadalasan, sa tuwing ako'y nag-iisa. Nasasariwa ko ang lahat ng aming alaala..." tugon ko.


"Huwag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan. Move forward."


Tanging isang pilit na ngiti lamang ang naisukli ko sa kaniya.


Naglaho siya kaagad. Kasabay nito, nagliwanag na naman ang libro kaya binuklat ko ito.


Maraming tao ang magkukumpulan,

Sa lugar na madalas puntahan.

Ito'y mababalot ng kasiyahan,

Ngunit maaari ring kalungkutan.


Magmadali ka mamaya.

Humayo at pigilan ang pagtudla;

Iligtas mo ang isang tulad niya,

Mag-isip-isip ka na.


Mamaya na isusunod ng ABaKaDa ang biktima? Saan? Anong eksaktong oras? Sino?


Kusa na namang lumipat sa sumunod na pahina ang libro.


Ito nga ba'y isang tinapay?

Maaari rin namang bagay.

O 'di kaya sa tao'y nakahayahay.

Hay buhay...


Ano raw?


---


Hapon na ako tumungo sa bahay nina Charlie pagkatapos ng aming klase. Nakakalungkot lang dahil mag-isa na naman ako. Lagi na lang akong niyayakap ni kalungkutan.


As expected, pagkarating ko roon ay maraming tao. Karamihan ay estudyante na tulad ko. Dahan-dahan akong naglakad papasok sa loob at nagpanggap na ordinaryong ka-eskwela niya lang.


Habang naglalakad ako papalapit, napansin ko ang mommy ni Charlie roon na putlang-putla na, para bang hindi na ito kumakain. Talaga nga namang na-depressed ito dahil wala na siyang anak.


Para namang tinutusok ng karayom ang puso ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Punong-puno nang puting liwanag ang loob ng kanilang malaking bahay. Kahit saan ka lumingon, may makikita kang tao.


Ihahakbang ko na sana ang kanang paa ko papalapit sa kinalulugdan ng bangkay ni Charlie nang isang tinig ang pumukaw ng aking atensiyon.


"Morixette? Is that you?" aniya.


Nabosesan ko siya kaya naman lumingon kaagad ako sa aking likuran.


"Miss Izzy?"


"Yes, ako nga. Anong ginagawa mo rito?" aniya sabay lapit sa akin.


May kasama siyang isa pang babae na maganda rin. Medyo pamilyar sa akin ang mukha nito pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita. Para bang nakausap ko na siya noon hindi ko lang matandaan.


"Ah, kaibigan po ako ni Charlie. Hehe..." tugon ko.


"Oh I see."


"Kayo po? Kaano-ano po kayo ni Charlie?" tanong ko.


Mas kinabahan ako ngayon at para bang nanginginig pa ang mga tuhod ko. Ewan ko ba.


"Kapatid kasi siya ng kaibigan namin. Little brother na rin naman na kasi ang turing namin diyan," paliwanag niya.


Hala, kaibigan pala sila ni Ate Rochaes. Kaya naman pala may pagkasosyal din ang dating nilang dalawa.


"Oo nga pala, this is Carie..." pakilala niya sa kasama niya.


"Hello po," magiliw kong bati.


"Hello rin," bati nito sa akin.


"Sige po, mauna muna po ako sa loob. Medyo nagmamadali po kasi ako e," palusot ko.


"Okay, see you later!"


Naglakad na ako papalapit sa kinalalagyang kahon ni Charlie. Medyo intimidating kasi 'yung dalawang kaibigan ng ate niya kaya layo-layo muna ako.


Napabuntong-hininga na lamang ako nang makalapit ako rito. Sarado ang kabaong sapagkat medyo na-deform ang mukha ni Charlie. Sa ibabaw nito, nakapatong ang kaniyang litrato.


Kitang-kita mo sa larawan kung gaano siya kasaya. Kapag ngumingiti siya ay para bang wala siyang problema. Nakakagaan ng loob ang tamis ng kaniyang ngiti.


Heto na naman ako, nagpapadala na naman sa emosyon ko. Unti-unti na namang namumuo ang luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya.


Sampung minuto ako ako nakatayo sa kinatitirikan niya at nakatitig lamang ako sa kaniyang litrato. Para akong estatwa na natuod doon.


"Miss, okay ka lang ba?" bungad ng isang lalaki sa aking bandang kanan.


Nagulat ako nang makita ko siya dahil malaki ang pagkakahawig nila ni Charlie. Maaaring siya ang ama nito.


"A-ah o-opo. Pasensiya na po..." tugon ko at naglakad na ako palayo. Kasabay nito ang pagtulo na naman ng pasaway kong mga luha kaya minabuti ko na lang na tumungo muna sa may banyo.


Hindi pa ako nakakalapit sa banyo nang bigla na namang magliwanag ang libro.


Binilisan ko ang paglalakad ko habang pinupunasan ang aking luha.


Continue Reading

You'll Also Like

WISH GRANTED By ♪

Mystery / Thriller

30.5K 2.2K 105
Enigma I ❝ they say that not all wishes come true... they are wrong. because with only some clicks, your desires will be granted with this app. but o...
974K 46K 35
Sixteen-year-old Agatha, a famous author and high achiever in school, had everything to live for. That's why when she jumps to her death, her best fr...
Pagsamo By Señorita M

Historical Fiction

73.2K 523 4
In the Filipino town of Santa Crusiana, a young man named Leonor marries a woman whose head has been torn off from an old photo. Within the Seguismun...
19.4K 740 42
Tungkol saan ang story na to? Halata naman sa title di ba? Wag ka nang magtanong. Pero siyempre, joke lang. This story is consist of writing tips tha...