[HOLD] Enchanted: The Accurse...

Von tala_hiraya

778K 24.1K 2.6K

ENCHANTED: The Accursed Daughter By: EmpressWinteroo #Wattys2016 Trailblazer Winner Simula noong bata pa ay n... Mehr

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43 pt. 1
Chapter 43 pt. 2
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46 pt. 1
Chapter 46 pt. 2
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52 pt. 1
Chapter 52 pt. 2
Chapter 53

Chapter 42

12K 352 57
Von tala_hiraya

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 42

I R I N E

IBINABA ako ni Red mula sa pagkakabuhat. Doon ko nakita ang kinatatayuan naming lugar ngayon.

Korteng bilog na espasyo ang kinalalagyan ng isang gate na pinagbagsakan ko. Gawa sa iba't-ibang uri ng bato ang mga pader na sinasabitan ng mga sulong may liyab na ng apoy.

"Saan mo nakuha 'to?" Hinawakan ni Red ang braso kong may mga kalmot ng Aperanto.

Inalis ko ang kamay niya at itinago ang sugat sa loob ng damit ko. "Kalmot lang naman mula sa Aperanto."

"Aperanto? Aperanto ang nakalaban niyo?"

Nabigla ako sa pagbabago ng ekspresyon ni Red.

"Oo, may problema ba?"

Napasabunot siya sa buhok. "May lason ang mga kuko ng Aperanto. At kapag nasugatan ka nila, magpapasa at mananakit ang iba't-ibang parte ng katawan mo."

Nagtaka ako. "Wala naman akong naramdaman na sakit sa katawan at wala rin akong mga pasa."

Tumingin ng diretsa sa 'kin si Red bago siya umiling. Kinuha niya ang braso ko at pinunit niyang bigla ang long sleeve na suot ko bago ibinalot sa 'king mga sugat.

"Sa susunod mag-iingat ka. Halika na."

Nagsimula siyang maglakad matapos niyang balutan ng tela ang sugat ko. Sumunod lamang ako sa kanya.

"Mukhang kailangan nating mamili ng daan," usal ko.

Dalawang mala-kweba kasi ang nasa tapat namin ngayon. Sa gawing kaliwa namin ay isang madilim na kweba at sa kabilang kweba naman ay may ilaw na nagmumula sa loob.

"Sa maliwanag na kweba tayo." Hinila ko si Red pero bigla niya akong hinila pabalik. "May problema ba?"

"Sa tingin mo bakit dalawa ang daan?"

Kumunot ang noo ko. "Malamang para lituhin tayo."

"Tama. Para nga lituhin tayo." Tinuro niya ang madilim na kweba. "Dito tayo."

"Sandali lang!" Hinila ko siya pabalik. "Sigurado ka?"

Tiningnan niya muna ako nang ilang segundo bago umalis sa tabi ko para lumapit sa maliwanag na kweba. Hindi ko makita kung anong nasa loob nito dahil tanging nakakasilaw lang na liwanag ang lumalabas.

Biglang ginising ni Red ang spirit niya dahilan kung bakit lumabas ang usok sa kanyang mga kamay. Pinitik niya ang mga daliri niya kaya biglang isang malaking bolang apoy ang nalikha na ngayo'y lumulutang sa ibabaw ng palad ni Red.

Tumingin siya sa 'kin. "Siguraduhin mo lang na kaya mong makadaan dito."

Bumwelo muna siya bago malakas na ibinato ang bolang apoy sa kweba.

Pinagmasdan ko lamang siya. Bumulusok ang bolang apoy papunta sa loob. Hindi nagtagal, isang malakas na tunog ang narinig ko na parang pinagbanggaan ng bolang apoy.

Napaatras ako nang yumanig ang lugar kung saan kami nakatayo ngayon nang dahil sa malakas na tunog. Parang isang ungol.

Isang malakas at malalim na ungol ang dumagundong sa buong lugar na kinalalagyan namin.

"Dito pa ba tayo?" Tanong ni Red na kalmado at nakapamulsa pa.

Magsasalita na sana ako pero bigla kong nahagip ang isang berde at magaspang balat mula sa dambuhalang namumulang matang sumilip sa kweba.

Nalaglag ang mga panga ko at nanlaki ang aking mga mata. Halimaw. Isang halimaw!

"Red takbo!" Aligagang sigaw ko. Hindi siya gumalaw, tumawa pa siya dahil sa reaksyon ko. "Sabing takbo!"

Isang kamay ng halimaw ang lumabas mula sa kwebang nasa likod ni Red at pinakita nito ang matutulis niyang kuko.

"Halika na!" Mabilis akong tumakbo at hinila siya bago pa man makalapit ang kuko ng halimaw.

Isang malakas na galit na ungol na naman ang dumagundong sa buong lugar. Pero hindi na ako nagdalawang isip na pumasok sa kwebang madilim.

Unti-unting bumalot sa mga katawan namin ang dilim hanggang sa wala na akong makita.

Tanging ang mabibigat na yapak nalang namin ang naririnig ko habang tumatakbo sa kawalan. Ah hindi. Pati pala ang tawa ni Red habang hinihila ko siya.

Hindi ko na inalintana ang takot ko sa dilim. Hindi ko na naisip ang pwede naming mapuntahan isang hallway na halos wala na akong makitang bagay.

Nang dahil 'yon sa halimaw.

Pinakiramdaman ko ang paligid habang tumatakbo kami. Wala akong naririnig na yapak ng mabibigat na paa. Wala na ring ungol.

Wala na kaya siya?

"Sandali lang." Isang bisig ang bumalot sa bewang ko dahilan para mapahinto ako sa pagtakbo.

Hinihingal akong tumigil at hinayaan ko ang likod kong sumandal sa dibdib ni Red.

"Wala na ba siya?" Hindi na rin ako diretsong magsalita dahil sa paghingal.

"Kanina pa."

Napalingon ako sa kanya. Sakto namang pinitik niya ang kanyang mga daliri kaya may lumabas na liyab ng apoy sa kanang palad niya.

Nailawan na ang lugar namin. Nakita ko na rin sa wakas ang amused na mukha ni Red habang nakatingin sa 'kin.

"Akala ko ba gusto mong dumaan tayo sa maliwanag?" Tanong niya.

Hindi ako makasagot. "Malay ko ba."

"Gusto mong bumalik tayo–"

"Hindi pwede!"

Tumawa siya. Mapang-asar na pula.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin na magtiwala ka sa 'kin?" Tanong niya.

Napalunok ako. 

"Oo na." Lumihis ako ng tingin at tinanggal ang braso niyang nakayakap parin sa bewang ko.

Mabilis akong naglakad palayo.

"Irine–"

"Aray!" Nabunggo ang noo ko sa isang matigas na bagay dahilan upang umatras ako habang hinihimas ang noo ko. Isang malaking pader ang nakaharang sa daanan namin.

Lumapit si Red sa pader at inilawan ang kabuuan nito. Doon ako namangha sa mga iba't-ibang gems ang nakabaon sa bato ng mga pader. Dahil sa apoy mula kay Red, kumikinang ang mga kulay ng mga gems. Nagrereflect ang mga ito at nagbibibay ng makukulay na ilaw.

Naalala kong bigla ang birthstones na pinag-usapan namin ni Sam noon. Diamond ang birthstone ko dahil sa month of April ako pinanganak. April ang birthmonth ko dahil 'yon ang sabi ni Sister Martha.

"Isang pinto," bulong ni Red. "Kailangan nating makapasok."

"Pero paano?"

Lumapit si Red sa gitnang gem at itinulak ito hanggang sa bumaon. Napaatras kaming dalawa nang gumalaw ang pinto at nagsimulang umilaw ang mga gems hanggang sa nasilaw ako sa sobrang kinang.

Unti-unti ring nawala ang kinang ng mga gems hanggang sa dumilim muli ang paligid. Hindi pa natatapos dahil ang taas na parte ng pader ay nagsimula muling umilaw.

Napansin ko ang mga namumuong salita sa pader na binubuo ng liwanag.

"Isa ba 'tong puzzle?" Tanong ko. Hindi sumagot si Red habang nakatingin sa taas.

Pinagmasdan ko nalang muli ang liwanag hanggang sa nabuo ang buong sentense sa taas. Binasa ko ito.

"Three questions, three answers. Push the correct gems to reveal the next route."

Muling umilaw ang mga salita. Nagsimulang manlabo ang sentence na parang napapalitan muli ng ibang mga letra. Ilang saglit pa, ibang sentence na ang nabuo.

"You have three gems, one red, one blue, and one green. You must choose the right one given the following clue: 'red under blue, yellow." Basa ko.

Isang riddle!

Tumingin muna ako kay Red. Seryoso siyang nakatingin sa bawat gems na parang may hinahanap.

Kaya kinuha ko na ang pagkakataon para makapag-isip. Choose between three gems: red, blue, or green. Napansin kong tumingkad ang kulay ng tatlong gems sa baba ng sentence.

Nakalinya ang tatlong kulay na parang doon kami mamimili.

Clue?

'Red under blue, yellow'

Ano raw? Pula sa ilalim ng asul ay dilaw? Kumunot ang noo ko. Parang isang sequence o anumang palette ang tinutukoy niya.

ROYGBIV

Napatingin muli ako sa mga choices nang maisip ko ang rainbow na may sequence of colors.

Ang sabi sa clue:

'Red under blue, yellow'

Red
Orange
Yellow
Green
Blue
Indigo
Violet

Red under blue. Ngunit hindi naman nasa ibaba ng blue ang red? Unless…

Baliktarin ang sequence para nasa ibaba ang red?

Violet
Indigo
Blue
Green
Yellow
Orange
Red

Ang tanging kulay na nasa ilalim ng blue maliban sa yellow at red ay orange at green. Tiningnan kong muli ang choices.

Red, Blue, Green

Kung tama ang hinala ko, dapat green ang sagot.

"Green?" Usal ko.

Tumingin ako kay Red. Mukhang hinihintay niya lang akong sumagot pindutin ang mga gems kaya binalik ko ang tingin sa mga choices.

Bigla akong naexcite na pindutin ang green. Hindi ko na hinintay si Red na sumang-ayon sa 'kin at itinapat na ang kamay ko sa green gem mula sa tatlong choices.

Ibabaon ko na sana ang gem nang makita ko ang kamay ni Red na pumigil sa kamay ko.

Umiling siya at binaba ang kamay ko. "Red ang tamang sagot."

"Ha? Paano?" Bago pa man ako makipagdiskusyon ay mabilis niyang pinindot ang red gem mula sa choices.

Naalarma ako. "Red?!"

Titingnan ko na sana siya ng masama pero nagulat ako nang lumiwanag muli ang mga salita sa taas. Napalitan ito ng salitang 'Corrigerre'.

Tama.

Doon ako napatingin nang hindi makapaniwala kay Red.

"Nasa clue na ang sagot, Irine." Usal niya.

"Nasa clue nga! Hindi ba ROYGBIV ang tinutukoy ng clue? Kapag sa rainbow at binaligtad natin ang mga kulay, nasa baba nga ng blue at yellow ang–"

"Basahin mo ang clue base sa unang mga letra," sabat niya sa 'kin.

Napatingin ako sa clue. 'Red Under Blue, Yellow'

"Ruby," sagot ko. "Isang klase ng gem."

"Anong kulay ng ruby?"

Nagform ng hugis 'o' ang bibig ko habang nakatingin sa kanya. Red. Red ang kulay ng ruby. Shocks. Nag-overthink pa ako.

Natawa siya ng bahagya at umiling. "Lumalayo kasi ang isip mo kahit nandiyan na sa harap mo ang sagot."

Napasimangot ako.

Itinuon ko nalang ulit ang atensyon ko sa questions. Napansin kong iba na muli ang mga salita.

'Lions prefer Rubies and Peridot.
Centaurs prefer Topaz and Turquoise.
Bulls prefer Diamonds and Emeralds.
Crabs prefer Pearls and Rubies.
Scorpions prefer Opal and Topaz.
Dragons, however, have no preference from any of the gems, and enjoy them all equally.

But which of the pairs of gems would Fish prefer?'

Nahilo yata ako sa tanong.

Umilaw ang isang pair ng gems at nawala naman ang kinang ng tatlong choices mula sa first question.

Mula sa panibagong pares ng gems, ang isa ay kulay asul na kasing tingkad ng kulay ng mata ko. Ang nasa tabing gem naman ay iba't-ibang kulay pero namayani ang batik-batik na kulay orange.

Sumunod na lumitaw ang mga salita sa baba ng first pair of gems. Sapphire, Opal.

Sumunod na umilaw ang sumunod na pair sa baba, kulay violet at red–Amethyst, Bloodstone.

Ang pangatlong pair ay red ulit pero mas matingkad sa nauna at green–Garnet, Peridot.

Ang huling pair ay yellow-orange at white na parang isang perlas–Topaz, Pearl.

Napahawak ako sa ulo ko. Nahilo ako sa mga panibagong salitang lumabas sa pader. Lalong humirap ang trick ng tanong. Paano 'to?

Napansin ko ang mga hayop sa riddle–lions, centaurs, bulls, crabs, scorpions, dragons, at fish. Anong connect nila sa gems?

Maliban nalang kung may simbolo ang bawat isang hayop. Pinagmasdan ko ang mga bawat uri ng hayop. Symbol? Sa tingin ko grupo ang mga hayop na related sa isa't-isa. Ano naman kaya?

Napakagat ako sa 'king daliri habang nag-iisip. Ang problema, hindi ako mahilig sa symbols kaya hindi ako pamilyar sa mga bagay na pwedeng konektado sa mga hayop. Ang mga mahilig lang naman na kilala ko sa ibang dimension ay si Miguel na sobrang dedicated sa paniniwala nilang mga Chinese. Ultimo mga bracelets niya ay hayop.

"Ah!" Napapitik ako sa hangin. "Hindi kaya–"

Inisa-isa ko ang mga hayop kasabay ng pag-alala sa signs na alam ko.

Lions–Leo.
Centaurs–Saggitarius.
Bulls–Capricorn? Ah hindi. Goat yata ang isang 'yon. Taurus? 'Yon lang ang hinala ko. Baka Taurus.
Crabs–Cancer. Alam ko 'to.
Scorpions–Scorpio malamang.
Dragons–

Wala namang dragon sa zodiac ah!

Ang hinala ko ay zodiac signs ito. Ang fish ay para sa Pisces. Naalala ko si Sam dahil 'yon ang zodiac sign niya, symbol para sa birthmonth niyang February.

Napahinto muli ako. Unti-unti kong narealize ang question hanggang sa malaman ko kung ano ang koneksyon ng mga gems sa mga hayop.

Alam ko na. Dahil kay Sam nalaman ko ang sagot. Nang dahil sa mga ala-ala ko sa kanya, nalaman ko ang maaaring tamang gems na connected sa fish.

"Red, may sagot ka na ba–bakit ka nakatingin sa 'kin?" Pinanliitan ko siya ng mga mata. Naabutan ko kasing sa 'kin siya nakatingin at hindi sa pinto.

"May sagot ka na?" Tanong niya.

"Oo pero hindi ako sigurado dahil sa dragon na nakasulat. Baka mali hinala ko."

"Ano sagot mo?"

"Ano muna sagot mo? H'wag mong sabihing kanina mo pa nalaman ang sagot?"

Nagkibit balikat siya. "Hinihintay lang kita."

Aba! Kita mo nga naman. Edi siya na.

"Sabay tayong sabihin ang sagot. One, two, three–Amethyst at Bloodstone."

"Amethyst at Bloodstone."

Pareho nga kami ng sagot!

Dahil pareho kami, tumakbo kaagad ako sa pinto at mabilis na itinulak ang second pair ng gems. Hindi nagtagal ay napalitan muli ang mga salita sa taas ng,

'Corrigerre.'

Related ang zodiac signs sa birthstones na symbols sa bawat buwan. Example, 'Lions prefer rubies and peridots'. Ang lion na simbolo ng zodiac na Leo ay nakatapat sa buwan ng July.

Leo si Sister Martha, July and birthmonth niya, at ang alam kong birthstone niya na sinabi ni Sam noon ay Ruby. Hindi ako sigurado sa Peridot dahil hindi ko alam ang eksaktong sakop na buwan ng Leo. Baka hanggang August ang sakop nito.

At ang fish ay para sa Pisces na zodiac sign ni Sam. February ang birthday niya at ang birthstone niya ay Amethyst.

Kaya Amethyst at Bloodstone ang sagot.

"Pero paano ang dragons?" Tanong ko.

Tumingin muli sa 'kin si Red. "Base sa constellations, ang Dragon ay para sa buong taon kaya sakop niya ang lahat ng buwan."

Oh. Kaya pala sabing walang preference ang dragon dahil buong taon ang simbolo niya.

Sandali nga, paanong nalaman ni Red ang tungkol sa zodiac signs? May mga Chinese din kayang napadpad dito?

Napailing ako. 'Di bale nalang.

"Last question na," bulong ko.

Napalitan muli ang 'Corrigerre' ng mga bagong salita. Binasa ko ulit ang lumabas na sentence.

"Set of questions of the last challenge. Push the correct precious stones."

Set of questions? Ibig sabihin maraming question ang sasagutan namin?

Unti-unting lumiwanag ang sentence hanggang sa lumabo ang mga letra at napalitan ng bago.

'If you like pretty gems that sparkle and shine,
I invite you to dig in my virtual mine.'

Lumiwanag ang lahat ng natitirang gems maliban sa mga naitulak na namin ni Red. Sumunod na lumabo muli ang mga letra sa taas ng gems at napalitan.

'My first is purple, fit for a king.'

Naghintay ako ng susunod na sentence, pero walang lumabas. Ang nakakagulat numero ang lumitaw sa baba ng sentence.

'10'

"'Yan na ang unang tanong?" tanong ko.

Nagbago ang numero.

'9'

"May countdown!" Aligaga akong tumingin kay Red.

'8'

'7'

Kalmado siyang pumunta sa pader at itinulak ang purple gem na may nakasulat na Amethyst sa baba nito.

'Corrigerre'

"Mukhang simple lang ang set of questions."Lumapit ako sa tabi niya.

"Siguro. Pero mukhang may timer."

Lumayo kami ng bahagya nang magbago muli ang question at binasa ito.

'My second is green, where Dorothy did her thing.'

'10'

Ako na ang nagtulak sa green gem, isang Emerald, hanggang sa bumaon sa pader na bato.

'Corrigerre'

"Easy peasy!" Sigaw ko.

Tumingin ako kay Red pero parang hindi siya natutuwa sa nangyayari. Kaagad nawala ang ngiti ko, mukhang ako lang yata ang nag-eenjoy.

Binalik kong muli ang tingin sa pader.

'My third is red, July's birthstone as well'

Tinulak ko ang isa pang Ruby na nakadikit sa pader. Hindi na nga lumilipat ang numero pababa.

'Corrigerre.'

'My fourth is seen in strings and is found inside a shell.'

Shell? Napaisip ako. Mukhang isang pearl.

Lumapit ako sa isang Pearl na nasa pinakagilid ng batong pinto. Itinulak ko ito at sumunod na lumabas ang 'Corrigerre.'

'My fifth is hard, pure Carbon and expensive to buy.'

Napatagilid ang ulo ko. Ano raw?

'10'

"May problema ba?" Tanong ni Red.

'9'

Lumingon ako sa kanya at napakamot ng ulo. "Hindi ko alam kung ano ang pure carbon sa gems."

'8'

"Ako na." Lumapit si Red at siya ang nagtulak sa isang transparent gem.

Isang diamond.

'Corrigerre.'

Woops. Diamond pala.

'My sixth is Crocidolite, striped like the big-cat's eye.'

'10'

Crocidolite?!

'9'

"Wala akong ideya, Red."

'8'

"Basahin mo lahat ng gems. Malalaman mo ang sagot," usal niya.

'7'

Basahin lahat ng gems? Sinunod ko nalang si Red at nagbasa ng bawat gems na nakikita ko.

'6'

Lapiz lazuli, Jasper, Turquiose, Quartz.

'5'

Aqua Marine, Beryl, Amber, Lace Agate.

'4'

Sugilite, Moss Agate, Malachite, Carnelian.

'3'

Painite, Tiger's eye, Alexand– Napatigil ako at binalikan ang Tiger's eye.

'2'

Big-cat's eye? Ito ba?

"Irine," sambit ni Red.

Mabilis kong itinulak ang Tiger's eye na gem.

'Corrigerre.'

Nakahinga ako nang maluwag. 'Yon pala ang tinutukoy ng question! Shocks. Muntik na ako roon.

'Seventh is two words, a man-made fake of April's stone.'

Two words and fake April's stone.

'10'

Ang April's stone ay Diamond. May fake diamond ba dito?

'9'

Mabilis kong hinanap ang words na fake diamond.

'8'

Tumingin ako sa gilid na parteng hindi ko pa nababasa.

'7'

Halos nahihilo na ako sa sobrang bilis kong magbasa.

'6'

Pero wala!

Napansin ko si Red na gumalaw sa pinakagitna at may itinulak sa pinakataas na bahagi ng pinto.

'Corrigere'

"Anong itinulak mo?" Tanong ko sa kanya.

"Cubic Zirconia. Isang fake diamond."

Napakamot ako ng ulo. "Hindi ko kabisado ang mga gems at properties nila. Ikaw nalang ang sumagot kasi baka magkamali pa ako."

Kinuha niya ang kamay ko at inilapit niya ako ng bahagya sa pader. "Ikaw ang magtulak ng stones sa sasabihin ko."

Muli na namang nag-iba ang sentence na nasa taas. Hanggang ilang questions ba 'to?

'Eight is very dark and found at Lightning Ridge alone.'

'10'

"Itulak mo 'yung–"

Itinuro ko ang pinakadark sa lahat ng gems. "Ang Black Opal, tama?"

'9'

Napangiti si Red. "Tama."

"Kita mo nga naman." Natatawa akong pumunta sa Black Opal.

'8'

Itinulak ko ang gem hanggang sa bumaon sa pinto. Ang ikinagulat ko, biglang nag-ilaw ang Black Opal kasabay ang lahat ng gems na ibinaon namin kanina. Ang bawat kulay ay nagrereflect at kumakalat ang ilaw sa buong paligid namin.

Bumalik ako sa dati kong pwesto. "Mali ba tayo?"

"Mukhang wala nang mga tanong."

"Tapos na?"

"Hindi pa."

Tama si Red dahil muli na namang naglabas ng puting ilaw ang parteng pinaglalabasan ng mga questions. Unti-unti itong nagbabago hanggang sa makabuo ulit ng bagong sentence.

'Now take from each gem, one letter in its turn.

And you will find the stuff for which even the gods yearn.'

Last challenge.

Magsasalita pa sana ako pero biglang umuga ang kinatatayuan naming lupa. Napahawak ako sa braso ni Red. Narinig ko na ang nagkikiskisang bato na para bang kaunting galaw nalang ay gigiba na ang kinatatayuan naming lugar.

"Kailangan na nating magmadali," usal ni Red.

"Pero paano?! Now take from each gem, one letter in its turn? Tinutukoy niya ba ang lahat ng gems sa last set of questions?"

Napasigaw ako nang isang malaking tipak ng bato ang muntikan nang bumagsak sa 'kin. Naramdaman kong hinila ni Red ang beywang ko hanggang sa mapasandal ako sa dibdib niya.

Pumunta kami sa gilid kung saan mahina ang pag-uga ng kweba.

"Tingnan mo ang eight gems," utos niya. Napatingin ako sa mga gems. "Amethyst, Emerald, Ruby, Pearl, Diamond, Tiger's Eye, Cubic Zirconia, Black Opal."

Takte. Naalala niya pa ang pagkakasunud-sunod ng gems na naibaon namin.

"At ang sabi take one letter in its turn. Kukunin natin ang first letter sa first gem, second letter sa second gem, and so on. Hindi ba?"

Tumango siya. "A, M, B, R, O, S, I, A."

"Ambrosia," sambit ko.

Napasigaw muli ako. Mas lumalakas na ang pag-uga ng kweba at dumadami na ang bumabagsak na tipak ng mga bato.

"Pagkain ng greek gods," usal niya.

Magtatanong na sana ako pero isang malakas na ungol ang narinig ko at nagpalakas ng pagyanig ng lupa. Napalingon kami ni Red sa likod at doon namin nakita ang kamukha ng halimaw na nakita ko kanina sa kabilang kweba.

Masyadong malaki ang halimaw.

Nakatingin ang namumula niyang mga mata sa 'min. Nakita ko na rin ang kanyang magaspang at berdeng balat dahil sa ilaw na nagmumula sa mga gems.

Matulis ang hugis ng mukha niya at nakikita sa kanyang bibig ang matutulis na ngipin. Mayroon siyang katawang dragon na may mahabang mga buntot, malalakas na apat na mga paa, at matutulis na mga kuko.

Napalunok ako at nanginig nang mapagmasdan ko kung papaano siyang makatingin sa 'min na parang gutom na gutom.

"Red," sambit ko.

Iniatras ako ni Red hanggang sa mapunta ako sa likod niya.

"Ang ambrosia," bulong niya. "Nakasabit sa leeg niya."

Sumilip ako kaagad mula sa likod niya para makita ang tinutukoy ni Red. Isang maliit na bote ang nakasabit sa leeg ng halimaw na sa tingin ko ay may laman na gintong likido. Kumikinang ito sa kulay na ginto kaya kitang-kita sa buong lugar.

"Dito ka lang." Hinatak ni Red ang sword niya at itinutok sa halimaw.

"Galingan mo, Red," usal ko. "Mag-iingat ka."

Lumingon siya ng bahagya sa 'kin at ngumisi. "Bantayan mo ang oras."

Oras?

Tiningnan niya ang pinto kaya napalingon din ako. Nakita ko nga ang isang timer na pumapatak na pababa.

Ang ikinagulat ko…

Two minutes and forty five seconds nalang ang natitira!

Napahawak ako sa pader nang yumanig muli ang lupa. Naalarma na si Red at ginising na ang spirit niya.

Umatras ako hanggang sa makita ko ang ginagawa niya. Inililipat ni Red ang kapangyarihan ng spirit sa sword niya. Gumalaw ang dark orange na usok mula sa braso niya paikot papunta sa blade ng kanyang sword.

Gagamitin niya na ang delikadong technique!

Humarang siya kaya ang likod niya nalang ang nakikita ko imbes na ang halimaw. Napalunok ako.

Makikita ko na siyang lumaban. Tumingin ako sa timer.

2:30

Makakaya niya ba?

Lumingon muli ako kay Red, nagulat ako ng isang malaking tipak ng bato ang nagbabadyang mahulog sa ulunan niya.

"Red, ilag!" Sigaw ko.

Mabilis siyang gumalaw at hinati ang bato sa isang iglap lang. Pagkatapos ay bigla siyang tumakbo papunta sa halimaw.

Isang ungol na naman ang inilabas nito at naalarma kay Red. Iginalaw ng halimaw ang malalaki niyang paa at balak na itama ang mga kuko nito kay Red.

Pero laking gulat ko na sa sobrang bilis ni Red ay nakailag siya sa paa at iwinasiwas ang sword niya hanggang sa mahati ang paa ng halimaw sa dalawa.

Bumulwak ang kulay berdeng likido sa lugar kasabay ng pag-ungol muli ng halimaw. Nag-amok siya at sumugod, gamit ang buntot niya ay bumulusok ito sa direksyon ni Red.

Umilag muli si Red at ang buntot naman nito ang pinutol niya. Mabilis siyang tumakbo papunta sa isa pang paa ng halimaw habang umuungol ito sa sakit.

Nagulat ako nang isang malaking liyab ng apoy ang bumalot sa buntot ng halimaw na gumagapang papunta na sa kanyang katawan.

Iwinasiwas na naman ni Red ang sword niya sa paa ng halimaw hanggang sa bumulwak na naman ang berdeng likido dahil sa pagputol dito.

Nawalan ng balanse ang halimaw kasabay ng apoy na halos bumalot na sa kanyang katawan. Nakahilata na ang halimaw at hinihingal na sa lupa.

Lumapit si Red sa ulo nito at pinutol ang taling nakasabit hanggang sa makuha niya ang maliit na bote.

Napanganga akong napatingin sa oras na nasa pinto.

1:31

Halos isang minuto lang ay natapos niya ang kalaban niya.

"Tara na."

Nagising ako sa katotohanan. Nasa tabi ko na si Red na kasalukuyang ibinabalik ang sword niya sa lalagyan niyang nasa beywang.

"Tama. Tara na," sagot ko habang namamangha parin sa nangyayari. Nakatitig lamang ako sa kanya habang pumupunta siya sa pinto. Inilagay niya ang maliit na bote sa shallow spot na nasa baba lang ng timer.

Naglabas ng ilaw ang bote. Yumanig ang pinto hanggang sa unti-unti itong gumalaw pataas hanggang sa may nakita na akong uwang sa baba.

Bumubukas na ang pinto. Tumigil na ang pagyanig ng kweba at tanging nagkikiskisang mga bato nalang naririnig ko dahil sa pagbukas ng batong pinto.

Nakita ko na ang kabilang lugar. Bumabalot na rin ng mabagal ang ilaw sa 'min na nagmumula sa kabilang side. Hanggang sa makita na namin ng kabuuan ang lugar.

Malakas na tunog ang namayani nang tuluyan nang bumukas ang pintuan. Isa na namang hallway ang bumungad sa 'min pero ang kinaibahan, may mga sulo na sa gilid kaya naiilawan ang buong daanan.

Napansin ko rin ang dalawang daan na papunta sa magkabilang direksyon sa dulo.

"Halika na," usal ko.

Mabilis kaming naglakad papunta sa dulo pero ang ikinagulat ko, isang malakas na ungol na naman ang narinig ko.

Napahinto kaming dalawa ni Red hanggang sa nakita namin ang natalo niyang halimaw na ngayo'y buo na muli ang mga parte ng katawan niya.

Wala na rin ang liyab ng apoy sa kanyang katawan.

Naglalakad na papunta sa 'min ang halimaw na parang galit na galit sa ginawa namin sa kanya. Sa bawat paglakad ng halimaw, ay sinasabayan din namin ng paghakbang ng aming mga paa.

"Red, lalabanan mo pa ba?" Tanong ko.

Bumilis kami sa paglakad dahil halos tumatakbo na ang halimaw.

"Wala na tayong oras. Tingnan mo." Tinuro niya ang harapan namin at may biglang lumitaw nga na timer sa pader na nasa dulo.

15 seconds.

Naalarma ako. Akala ko huminto na ang timer!

Yumanig muli ang kinaapakan namin dahil sa tumakbo na ang halimaw.

Malapit na siya.

"Takbo." Mabilis kaming tumakbo ni Red papunta sa dulo.

"Saan tayo liliko?!" Tanong ko.

10 seconds.

"Sa kaliwa."

"Pero hindi maganda ang kutob ko diyan! Sa kanan nalang!"

Isang malakas na ungol muli ang narinig ko. Biglang nanghina ang tuhod ko at napatid ako kaya napahinto si Red para tulungan akong makatayo.

Ngunit mabilis akong nakabalik sa pace ng pagtakbo.

5 seconds.

"Sa kaliwa tayo," sabi niya.

"Sa kanan!"

"Irine, sa kaliwa–"

"Oo na!" Liliko na sana kami sa kaliwa pero isang berdeng likido ang bumulusok sa pagitan namin.

Humiwalay ako sa kanya.

2 seconds.

"Red!"

"Sa kanan ka!"

Mabilis akong lumiko sa kanan. Pero bigla akong napatumba ng mas yumanig pa ang lupa na kinatatakbuhan ko. Napansin ko ring hindi diretso ang daan at inclined pababa.

Lumingon ako sa likod at nakita ko ang mga tipak na batong dumagan na sa katawan ng halimaw. Patay na siya?

Nakita ko si Red sa awang na nakatayo sa kabilang daan.

"Red!" Sumigaw ako at tumayo. Yumanig na naman ang lupa at malalaking tipak na ng bato ang pumasok sa daang pinasok ko at nagpagulong papunta sa 'king direksyon.

Napatakbo ako dahil sa adrenaline rush. Hindi ko na pinansin ang pababang daan at halos mapatid na ako.

Nagkaroon ako ng pag-asa nang makakita ako ng ilaw mula sa dulo. Makakalabas na ako.

Mas binilisan ko pa ang takbo hanggang sa marating ko ang dulo at makalabas sa malakwebang daan. Nilingon ko ang likod ko pero sa kasamaang palad, sa isang matigas na bagay naman ako bumunggo sa harap.

"Aray!" Dumaing ako. Hinawakan ko ang aking noo at hinimas ito sa sobrang sakit.

"Irine?" Tawag ng isang pamilyar na boses.

Minulat ko ang aking mga mata at napansin ko ang pares ng kamay na nakaalalay sa 'kin. Nakita ko kung sino ang nakabungguan ko.

"Tristan!" Hindi ako makapaniwala.

Tumawa siya. "Mukhang dito rin kayo nakadaan."

Hindi ko sinasadyang ihakbang ang paa ko patagilid.

Napasigaw ako. Hinawakan ako ni Tristan para hindi mahulog sa isang bangin.

Masikip lang na daan ang kinatatayuan namin ngayon at kaunting hakbang lang ay maaari kaming mahulog.

"H'wag kang masyadong gumalaw, delikado tayo," sabi ni Tristan.

Napalingon ako sa likod. Ang mga batong mula sa kweba ay mabilis na nahulog sa bangin kaya hindi na umaabot sa 'min ni Tristan.

"Stager Tristan!" Sigaw ng isa pang boses.

Lumingon ako sa gilid at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Red sa kabilang dulo kasama ang isang babae.

Isang pabilog lang naman na bangin ang pumapagitan sa 'min ngayon.

"Ayos ka lang, Stacey?!" Sigaw ni Tristan pabalik.

"Opo Stager!"

Napalunok ako. Hindi ko sinasadyang mapalingon muli sa malalim na bangin na katabi lang namin ngayon. Sinilip ko ito at tinitiyak kong walang hanggan ang lalim nito.

"Alam mo bang sa anumang oras ngayon, pwede kong kunin ang badge mo?" sabi ni Tristan.

Napatingin ako sa kanya at tinakpan ang aking badge.

"Subukan mo lang!" Banta ko.

Tumawa siya pero napatigil nang tinawag muli siya ng Tyro niya. Napalingon kami kila Red at halos lumuwa ang mga mata ko nang nakapulupot na ang braso ni Red sa leeg ng Tyro na parang bihag niyo ito.

"Aba! Walang ganyanan, Red!" Sigaw ni Tristan pabalik.

Hindi nagtagal ay hinablot din ni Tristan ang braso ko at ipinunta sa harap niya. Ipinulupot niya rin ang braso niya sa 'king leeg.

Dumaing ako. Medyo humigpit ang pagkakasakal niya. "Tristan!"

Hindi sumagot si Tristan. Nakatitig lang siya sa anumang gagawin ni Red sa Tyro niya. Ganoon din si Red, parang minamanmanan ang mga susunod na mangyayari.

Ano bang plano nila?!

Ilang minuto rin ang walang nagsalita. Lumakas ang tibok ng dibdib ko nang nagsimula silang ngumisi na parang may masamang binabalak.

"Tristan, anong pinaplano niyo?" Tanong ko.

"Mukhang palitan ng Tyro 'to, Irine," sagot niya.

"At paano?"

"Wala nang ibang daan kundi–"

"Sa bangin?!" Nagpumiglas ako pero lalo niyang hinigpitan ang pagkakasakal. "H'wag mong sabihing may tali dito para makapunta sa kabilang dulo?"

"Hindi." Napalingon ako sa kanya. Ngumisi siya kaya ako nangamba. Para bang may binabalak talaga siyang masama.

Pinagmasdan ko lang siyang magsalita ulit. "Ihuhulog namin kayo."

"Ano?!" Kaagad akong napalingon kay Red para siguraduhing mali ang iniisip ko. Pero pati siya seryosong nakatingin lang sa 'min.

"Ayos na ang lahat!" Sigaw ni Tristan. Naalarma ang buong katawan ko nang naramdaman ko ang kamay niyang nasa likod ko. Para bang itutulak nga ako ni Tristan.

Napansin ko ring pareho kami ng reaksyon ng Tyro na kasama ni Red. Si Stacey.

Nababaliw na sila. Ano 'to, isang barter?!

Naramdaman ko ang paghinga ni Tristan sa 'king tenga. "Goodluck, Irine."

Hinawakan ni Tristan ang magkabilang balikat ko.

"Tristan, hwag–" Tuluyan niya akong itinulak. Nadulas ang paa ko sa dulo ng daan hanggang sa nawalan na ako ng balanse. "AHHH!"

Tumama ang hangin sa 'king balat habang nahuhulog sa kawalan ng bangin. Sobrang lakas na ng pagtibok ng puso ko. Hindi ko makita ang dulo ng bangin!

Winagwag ko ang paa't kamay ko at nagbabakasakaling may mahawakan ako. Pero mukhang napalakas ang tulak ni Tristan kaya hindi ko mahawakan ang gilid ng bangin.

Hindi maaari 'to!

Biglang pumasok sa isip ko ang spirit. Yelo. Pwede akong gumawa ng yelo.

Bago ko pa man gisingin ang spirit ay nakaramdam ako ng isang malakas na paghablot sa beywang ko. Napaubo ako nang dahil sa impact nito.

Nang dahil sa pagkakagulat ay matagal ko pang narealize na tumigil na pala ako sa pagkakahulog at may braso nang nakayakap sa 'kin. Kaya tumingala ako upang makita ko siya.

Si Red.

"Humawak ka," sabi niya.

Nakahawak si Red sa railing ng isang raised flatform sa gilid ng bangin. Dumulas ang pagkakahawak niya sa 'kin kaya ako na ang kumapit sa mga leeg niya.

"Red," sambit ko. "Kaya mo pa ba?"

Nanginginig na ang kamay niyang nakahawak sa railing. Nakita ko rin ang may pulang likido na tumutulo mula sa palad niyang nakahawak hanggang sa mga braso niya.

Napapikit ako nang mariin nang makakita muli ng dugo. Huminga muna ako nang malalim bago imulat ang nga mata ko.

"Bitawan mo na ako–"

"Hindi pwede," sabat niya. Tumingin siya sa 'kin. "Humawak ka lang. Susubukan kitang itaas."

Nakita ko kung papaano nanginig ang kamay niyang nakahawak sa railing at pinilit akong itaas. Dahil sa pwersa, mas madami na ang dugo na umagos mula sa kanya.

Nabalutan ako ng pag-aalala. Hindi ko kayang makitang nahihirapan na naman siya. Parang ako ang nakakaramdam ng sakit na dinaramdam niya ngayon para lang iligtas ako.

Hindi maaari 'to.

Mabilis kong inilibot ang tingin sa paligid. Nakita ko kaagad ang isa pang platform na nasa baba ko.

"Red, subukan mo akong igalaw na parang duyan," usal ko.

Kumunot ang noo niya. "Anong binabalak mo?"

"Basta! Gawin mo nalang."

Tumitig lang sa 'kin si Red. Ilang saglit pa ay tinulungan niya akong mag-sway habang nakahawak sa kanya.

Gumalaw ako ng paabante at paatras na parang duyan. Nang lumakas ang paggalaw ko hanggang sa nakabuwelo ako at bumitaw sa kanya para tumalon papunta sa isang platform.

Dumaing ako nang tumama ang nanghihina kong paa sa bakal na platform at napaluhod sa pagkabigla ng talon ko.

Naramdaman ko ang sakit ng tuhod ko dahil sa pwersa. Nanginig ang tuhod ko nang sinubukan kong tumayo. Ginamit ko ang railing malapit sa 'kin kaya't nakatayo ako at humarap kay Red na nakabitin pa sa itaas na platform.

"Red! Dito!" Sigaw ko. Pinagmasdan niya ako.

Dalawang kamay na ang nakahawak sa railing at ginawa rin ang pag-sway ng katawan sa ere. Ilang saglit pa ay nakahanap rin siya ng bwelo at mabilis na bumitaw papunta sa direksyon ko.

Umatras ako. Umuga ang platform kasabay ng pagtama ng paa niya sa bakal. Mabilis niyang itinungkod ang kanyang mga kamay sa tuhod at hiningal.

"Ayos ka lang?" Itinaas ko ang nakayuko niyang ulo para makita ko siya. Pinagpapawisan na siya at halatang hindi naging kalmado noong niligtas niya ako. Pinunasan ko ang pawis niya gamit ang palad ko.

Pati ang buhok niya ay nabasa na dahil sa pawis.

Huminga siya ng malalim at tumayo na ng matuwid. Napansin kong tiim ang bagang niya nang tumango bilang sagot.

"Ikaw ayos ka lang?" Tanong niya.

"Oo naman." Lumayo ako bago ngumiti. "NAHIHIBANG NA BA KAYO?"

Pinalo ko ang braso niya kaya siya napaatras. Halatang nagulat sa inasal ko.

"Itataya niyo talaga ang buhay namin sa tinatawag niyong 'palitan ng Tyro'?" Patuloy ko.

"Ikaw na nga ang niligtas–"

"Wala kang ililigtas kung wala kayong tinulak!" Marahas kong pinunit ang isa pang long sleeve ko.

Kinuha ko ang kamay niyang nasugatan at binalutan ang nagdudugo niyang palad. Leche. Bakit kasi bawal gumamit ng spells? Edi sana kanina pa naghilom ang mga sugat namin.

Pinaikot ko ang tela sa palad niya at itinali nang nasigurado kong nabalutan na ng buo ang sugat.

Binitawan ko ang kamay niya at huminga ng malalim. Ngayon lang lumabas ang sobrang kaba ko dahil muntikan na naman akong mamatay.

Ngayon ko lang din napagtanto na kahit anong gawin ko, si Red parin ang hinahanap ko tuwing nasa panganib ang buhay ko.

Lumapit ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Napansin kong napatigil siya sa ginawa ko. Hinayaan kong isinandal ang ulo ko sa dibdib niya at pumikit para pakalmahin ang sarili ko.

"Salamat," usal ko. "Salamat ulit, Red."

Naramdaman kong gumalaw ang mga kamay niya hanggang sa niyakap niya rin akong ng tuluyan. Nilapit niya pa ng bahagya ang katawan ko at hinigpitan ang yakap.

"Akala ko hindi kita maaabutan." Humigpit ang hawak niya sa likod ko. "Pero ligtas ka parin, Irine."

Pero hindi pwedeng palaging ganito. Dahil paniguradong hindi sa lahat ng oras ay nandiyan siya para iligtas ako. Kumuyom ang mga kamay ko habang nakayakap sa kanya.

Ilang segundo kaming nanatili sa posisyon namin hanggang sa isang boses ang gumambala.

"Hoy! Mauuna na kami!" Sigaw ni Tristan.

Nagising ako sa katotohanan. Oo nga pala! Kumalas ako sa yakap at hinanap kung nasaan sila. Nakatingin si Tristan at Stacey sa 'min habang nakatayo sa isang platform sa kabilang dulo–mas mataas sa platform na kinatatayuan namin.

"Bye!" Kumaway silang dalawa at pumasok sa isang pinto na nasa likod nila.

Natunganga ako nang tumahimik ang paligid. Kami nalang ulit ni Red ang nandito.

Awkward.

Tumikhim ako. Lumayo ako sa kanya nang hindi tumitingin at tiningnan kung may pinto rin dito.

Meron nga.

Tumawa si Red. "Naiilang ka na ba? Ikaw ang unang yumakap at hindi ako, ngayon ikaw naman ang naiilang–"

"Hindi ako naiilang!" Depensa ko at humarap sa kanya na nakangisi na.

Umiling siya habang nakangiti. "Halika na."

Hinawakan niya ang balikat ko at hinarap sa pinto na nandito sa flatform. Sa tingin ko namumula na talaga ako ngayon.

Huminga ako ng malalim at kumalma. Focus, Irine. Focus.

Ako na ang tumulak sa bakal na pinto para buksan ito. Sumilip ako muna sa uwang ng pinto bago tuluyang binuksan hanggang sa makapasok kaming dalawa.

Sinara ni Red ang pinto. Isang maluwang at walang laman na kwarto ang bumungad sa 'min. Pero may nakaagaw ng atensyon ko.

Isang pamilyar na presensya ng tao ang nakatayo sa dulo. Nakatalikod siya sa 'min pero alam ko kung sino siya. Kabisado ko ang bawat features niya.

Lumakas muli ang tibok ng puso ko sa kaba. Siya ba 'yan? Hindi ba ako nananaginip? Nandito siya sa harap ko ngayon?

Unti-unting nanginig ang mga kamay ko kasabay ng paglingon niya sa 'min. Nakita kong muli ang mukha niya, ang ngiti niya habang nakatingin sa 'kin.

Bumalik ang ala-ala ko kasama siya.

"Hi," bati niya. Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko habang nakatingin sa kanyang dati ko pang hinahanap.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

Nakatingin siya sa 'kin na parang walang nangyari. Nakangiti siya na parang hindi niya ako iniwan.

"Sam?" usal ko sa pangalan niya. "Ikaw ba talaga 'yan?"

Ngumiti muli siya kasabay ng pagngiti ng mga mata niya. Nandito siya. Sa wakas nakita ko ulit siya. Si Sam. Si Samantha.

~*~

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

241K 8.6K 113
HOURGLASS SERIES #2 Ang akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in th...
10.3M 474K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
4.4M 111K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
11.1M 500K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...