Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy)...

By YorTzekai

560K 13.7K 1.2K

BOYXBOY YAOI BROMANCE - Si Khalil Pantoja ay isang probinsyano,nakatira sa isang probinsya sa north cebu,ang... More

Pangarap Ko'y Ikaw
01. Khalil > The good gay :)
02. Sad Goodbye >
03. The Housemates >
04. The Boys! One by one >
05. Movie & Jai > First day!
06. Instant Sikat! >
07. Crayon the new guy! And the offer!
08. Desisyon!
09. Bagong bahay! Bagong tukso!
10. First day with Flexter!
11. First time with Cross!
12. Gabi ng Kilig!
13. Paghaharap : Pag amin!
14. Ulan! Halik! Desisyon!
15. Sweet Escape!
16. Cant fight this feeling.
17. Labad sa ulo!
18. Plaza Independencia!
20. Pagbabalik sa maynila!
21. MAGKABILANG MUNDO a collab with ElixirJohn!
22. ANG LALAKI SA DAGAT a collab with @agentbreak
23. Pagtalikod!
24. Cross my heart!
25. Two become One!
26. Ang muling pagkikita!
27. Unexpected event
28. Dilemma : Pagsisisi
29. PRE FINALE: Forgiveness and Letting Go!
30. WAKAS: Pangarap ko'y Ikaw
EPILOGUE

19. Undecided : Unexpected!

14.8K 361 24
By YorTzekai

"Hindi mo alam kung anong inaalok mo Khalil. Gusto ko,kung may mangyayari sa atin,mahal mo na din ako,kasi kung may mangyayari sa atin,wala ng makaka kuha pa sayo sa akin,hinding hindi kita ibibigay at hinding hindi kita papakawalan pa." seryosong sagot ni Cross habang nakatingin sa akin ng diretso,ang mga mata nya ay para akong hinihigop,ang paraan ng pagtitig nya sa akin ay nakaka yanig at nakaka lasing.

Hindi ko alam,pero pakiramdam ko na reject ako at na offend. Pero kasabay nun ay natuwa din. Bakit kaya ganito? Pareho na ang nararamdaman ko sa kanila ni Flexter? Parang ayaw kong dumating ang panahon na kailangan kong pumili,pero alam kong dadating at dadating iyon.

"Natahimik ka na." ang pagpuna nya sa akin at saka ako hinarap sa kanya. "Hindi mo ba ako aalukin ulit? I changed my mind."

"H-ha?" ang gulat kong nasabi. Ngayon naman parang gusto kong umurong. Bakit kasi naisipan kong ialok ang sarili ko? Nagiging unfair ako kay Flexter, pati na din kay Crayon.

Bakit unfair? May relasyon ba kayo ni Flexter? Ni Crayon? Ang sabi ng kabilang bahagi ng isipan ko.

Kaya ng hinila ako palabas ni Cross sa Plaza Independencia ay wala akong nagawa. Hanggang sa naka sakay kami ng taxi at sabihin nya sa driver kung saan kami.

"Sa tapat po ng Tejero Night High School." aniya na ipinagtaka ko kaya tiningnan ko talaga sya. "It was just a joke Khalil,hindi ko sasamantalahin ang pagkakataon,lets just go home."

At muli,para akong nabigo na ewan. Bakit ba ganito? Hinahanap hanap na ba yon ng katawan ko? Kaya hanggang makarating sa bahay ay tahimik ako. Hinalikan ako ni Cross bago pumasok sa kwarto nila. Ako naman ay hindi pa inaantok kaya naupo na lamang ako sa sofa. Ang daming tumatakbo sa isipan ko. Dati naman simple ang buhay ko,walang problema,pero ngayon,ang laki ng pinagbago.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naka upo at tulala hanggang sa mapansin kong bumukas ang kwarto at lumabas si Flexter. Agad syang ngumiti at ayun na naman ang puso ko,nagkaka-kabog na naman ng walang humpay.

"Cant sleep? Ako naalimpungatan lang eh. Kamusta ang paglabas nyo ni Cross?" aniya at tumabi sa akin. Agad ko naman sya naamoy. Bakit ba ang bango din nya?

"Oo eh. Uhm ayon,nag usap lang saglit at umuwi na din agad." ang sagot ko at tiningnan sya na nakatitig pala sa akin.

"M-may pag asa na ba sayo si Cross? Mahal mo na ba sya? Mahal mo pa ba ako?" ang seryoso nyang mga tanong at hinawakan ang mga kamay ko. Hindi agad ako nakasagot dahil parang nablangko ang utak ko at may bumara sa lalamunan ko.

"Mahal kita Flexter,sigurado ako dun. Pero kasi,naguguluhan na ako ngayon,hindi ko na alam." ang pagsasabi ko ng totoo. Nakita ko ang sakit sa mga mata nya at nasasaktan din ako. Sana hindi na ako nagsalita.

"Naguguluhan ka kasi nandyan na din si Cross." sabay turo nya sa puso ko. "Ayos lang,lalaban pa ako,hindi ako susuko maging akin ka lang ng buo. Alam mo ba,wala sa bokubolaryo ko ang pagmamahal? I flirted with so many girls secretly,nakipagsex ako sa kanila,galit din ako sa mga gaya mo dahil sa masamang nangyari sa nakaraan,kaya nga pinatid at sinapak kita dati."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga sinabi nya,inamin na nya dati pa ang pagpatid at pagsapak nya,pero ang aminin nya ang ugat ng lahat,nabigla ako. Madami pa nga talaga akong hindi alam sa kanya.

"I was fourteen ng pagtangkain akong halayin ng limang bakla dati,kaya simula nun,nagalit na ako sa mga bakla,pero ewan,pagkatapos ng unang araw ng pagkikita natin,everything changed kaya gumawa ako ng paraan para mapunta ka sa puder ko just to test my curiosity at kung hanggang saan ako nito dadalhin. But I fell. Nahulog ako sayo ng dahan dahan,hanggang sa hindi ko na kayang hindi ka nakikita. Ni sa panaginip hindi ko naisip na magmamahal ako ng isang lalaki, na gaya mo,isang bakla. Pero look at me now,Im madly and crazy inlove with you Khalil. Kaya hangga't kaya kong lumaban,ilalaban kita,mahal mo ako at mamahalin mo ako lalo

ng buong buo." ang pagsasalaysay nya habang titig na titig sa akin.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nalulunod ako. Nalulunod ako sa pagmamahal nya,nalulunod ako sa pagmamahal ni Cross. Dapat ba akong matuwa o malungkot dahil may mga nahihirapan para makamit lang ang pagmamahal ko? Naguluhan ako lalo.

"Pangarap kita nung pa lang kitang nakita,pangarap ko'y ikaw Flexter,mahal kita at wala talagang duda doon. Pero tama ka,mahal ko na din si Cross." gumuhit na naman ang pait at sakit sa kanyang mga mata. Hinawakan ko ng dalawa kong mga kamay ang napaka gwapo nyang mukha. "Masaya akong malaman na nagawa mong mag open up sa akin,masaya ako na mahal mo din ako,pero bigyan nyo ako ng sapat na panahon."

Huminga sya ng malalim bago nagsalita. "I understand,tulad ng sabi ko,lalaban ako,masarap sa pandinig na pinangarap mo ako,sapat na sa akin iyon,sapat na din sa akin yung may nangyari sa atin."

Napabitiw agad ako sa mukha nya. Alam kong namumula ako,at dahil pina alala nya ay parang gusto ko ulit maulit. Ang wirdo ko na,kanina inalok ko si Cross,ngayon naman si Flexter,parang ang landi ko na.

"Youre blushing. Lalo ako naiinlove sayo." ang naka ngiti nyang sabi bago humagikgik. Nag init ang mukha ko lalo. "Does he know? Alam ba ni Cross na mahal mo sya?"

"H-hindi. Ewan. Magulo talaga eh." ang sagot ko na lamang at kinalma ang sarili ko. Napakagat pa ako sa pang ibabang labi ko.

"Don't do that. Your turning me on,baka may mangyari satin dito sa sofa." ang sabi nya kaya umayos ako sa pagkaka upo. "I have a request Khalil."

"A-ano iyon?" ang kinakabahan at excited kong tanong. Excited? Hindi ko din alam kung bakit.

"Kahit na mahal mo si Cross,please huwag ka munang magpapa galaw sa kanya,ako lang dapat." nakangiti nyang sabi kaya hinampas ko sya ng unan. Na guilty ako eh.

"He!! Ano akala mo sa akin? Uhaw sa ano? Uhm,uhm at saka kung gustuhin ko man wala kang magagawa." sabi ko.

"Hindi sa ganon! Natatakot lang ako,alam kong malapit na eh! At saka please dont say that! Nakaka sakit ka na ah?!"

"He! Matulog ka na nga! Antok lang yan." sabi ko.

"Sige,pero good night kiss muna." naka ngisi nyang sabi at lumapit agad sa akin.

"Ayoko ng--" at agad nya akong hinalikan. Tumugon naman ako. Kaya ng maghiwalay ang mga labi namin ay hinihingal ako at sya naman ay naka ngisi.

"Matulog na tayo." aniya at naglakad na papunta sa kwarto nila. Pero may naalala ako kaya pinigilan ko sya sa paghawak sa kamay nya kaya agad din syang lumingon. "B-bakit? Gusto mo pa?"

"Ambot! May gusto lang akong itanong." ani ko,hindi sya nagsalita kaya nagpatuloy ako. "Yung napanood natin sa Tv,yung interview kay Miss Janna. Pano ka? Nasisira ka dahil sa akin? At kakasuhan ka pa ng mga producers na hindi mo na sinipot."

"They can do whatever they want Khalil. I give up everything,I gave up my career dahil mahal kita. I'll just cross the bridge when I get there. Sa ngayon,ang mahalaga sakin ay kasama kita,mahal kita at ang inaalala ko ay ikaw ang nasisira dahil sa akin. Pero huwag kang mag alala. I can handle them." ang mahaba nyang sagot. Parang hinaplos ang puso ko. "Matulog ka na bago pa ako may magawa,coz you know? Im really having a hard time,Im getting boner here."

Napatingin ako sa gitnang bahagi ng katawan nya. At totoo nga,bukol na bukol na iyon. Nanlaki ang mga mata ko at napalunok,parang nadedemonyo na naman ako. Kaya bago pa ako mawala sa sarili ay pumasok na ako sa kwarto nina Tatay,nadinig ko pa syang tumawa ng mahina sa labas.

Bago pumikit ay tiningnan ko pa ang orasan,12MN na. Kailangan ko na talagang matulog. Agad kong niyakap ang mga kapatid ko at natulog na.

Nagising ako na parang may nadidinig akong ingay. Tiningnan ko ulit ang orasan,pasado alas siete na ng umaga. Nanlambot naman ako,kahapon pa lang kasi ng umaga ay plano ko ng ako mag aasikaso sa mga kapatid ko,at panigurado,nasa eskwelahan na ang mga iyon. Si Cross at Flexter kasi eh,pinuyat ako.

Nagkuskos na ako ng mga mata at nagtanggal ng mga muta saka tumayo at lumabas. Nagulat pa ako na may mga pulis at parang takang taka sina Nanay at Tatay. Nakatayo lang din sina Cross,Flexter at Crayon. Ibinalik ko ang paningin sa mga pulis ng mapansin kong may kasama ang mga ito.

Si Janna at Hugo!

"Anong nangyayari? Bakit may mga pulis?" ang taka kong tanong at lumapit. Lahat sila ay sa akin tumingin.

"May warrant po kami dito na pag hindi sumama si sir Flexter kina Maam Janna at Sir Hugo pabalik ng maynila ay huhulihin ka namin for Kidnapping." sagot ng isang pulis. Literal na napanganga ako at isa isa silang tiningnan. Totoo bang nangyayari to?

"And may I add,baka ituloy ang kaso laban kay Flexter." sabi ni Hugo.

"You see,sinira mo si Flexter. Ikaw ang sumisira sa kanya." taas kilay na sabi ni Janna. Napansin ko ding marami ng tao sa labas na nakiki usyoso.

"Dont say that Janna!" galit na sita ni Flexter dito. "Sasama na ako pabalik sa maynila,just stop doing this! Stop pestering Khalil! At pag sumama ako,tantanan nyo na sya!"

"Mawalang galang na ho Miss Janna,hindi ata maganda ang tabas ng dila mo. Tandaan nyo po nasa pamamahay kita. Pwede din kita kasuhan ng trespassing." pagsingit ni Tatay.

"Thats good Flexter." ani Janna saka bumaling kay Tatay. "You cant do that,may kasama akong mga pulis."

"Maam,tama po sya,kami lang ang may warrant,at kayo ay civilian pa din. Pwede nya po yung gawin,at ngayon pa lang pwede din namin kayong isamang dakpin kung hindi maiaayos ito." sabi ng isang pulis. Napa atras sina Hugo at Janna.

"Nadinig nyo yon? Layas na! Mga eskandalosa!" nanunuyang sabi ni Crayon at pinagtulakan sina Janna at Hugo palabas.

"Mga sir,ayos na ah? Sasama na si Flexter,at kung ano man yang kaso daw na isasampa kay Khalil,huwag nyo ng ituloy." ani Cross sa mga pulis.

"Pasensya na po. Ginagawa lang namin ang trabaho namin. Sige,mauna na kami at pasensya sa abala." ani ng pulis at nagsilabasan na. Tahimik pa din ako at parang hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

"Pasalamat ka bakla!" sigaw ni Janna. "Flexter we'll wait for you at the car!." at umalis na din sila ni Hugo.

"Ngayon, ano itong nangyayari? Bakit umabot tayo sa ganito?" ani Tatay na halatang kinakalma ang sarili habang hinahaplos ni Nanay ang likod nya.

"Pasensya na po sa abala. Pasensya na po talaga. Sasama na po ako sa kanila para hindi na kayo madamay,but that doesnt mean na isinusuko ko na ang anak nyo. Pasensya na po talaga Tito at Tita." ang buong pagpapakumbabang paghingi ng tawad ni Flexter saka ako binalingan ng tingin, nasa kanan ko si Crayon at sa kaliwa naman si Cross.

"Nakikita at ramdam namin na mahal mo talaga ang anak namin. Kahit kina Cross at Crayon nararamdaman at nakikita namin iyon ng Tita nyo. Pero sa totoo lang,ayaw kong nakakaladkad ng ganito ang anak ko." ang sabi ni Tatay.

"At saka sana maayos na ito. Tahimik kami at ayaw naming masangkot sa mga ganyan." dagdag ni Nanay. Naupo sila sa sofa,tumabi ako, at nag si upuan din naman sina Crayon,Flexter at Cross sa mga katabi at katapat na couch.

"Pasensya na po talaga. Aayusin ko po ang lahat at babalikan ko ang anak nyo." ani Flexter. Ewan ko,ngayon lang siguro pumasok sakin ang lahat,naramdaman kong naninikip ang dibdib ko at parang gusto ko ng umiyak.

"F-flexter." ang sabi ko.

"Babalikan kita Khalil,pangako yan." at sa harapan ng lahat,hinalikan at niyakap nya ako at saka kumalas. "Cross,Crayon kayo na bahala sa kanya." aniya at tinungo ang kwarto. Tumango lamang ang dalawa.

Tumayo ako. Parang hindi ko kayang makita syang umalis,parang nararamdaman ko na ang naramdaman nya ng bigla ko syang iwanan. Ang sakit pala.

Bago pumatak ang mga luha ko ay tumakbo na ako palabas ng bahay.

"Khalil!!"

Continue Reading

You'll Also Like

55.8K 2.1K 31
- COMPLETED - Thinking of you is like Spring, you bring Love and Joy to everything. This is my first story in Wattpad and characters are owned by Chi...
303K 12.3K 43
Highest Ranked: #1 boyxboy #2 androgynous #8 bl Ako ay simpleng bakla na laging napapagkamalang babae dahil sa angkin kong kagandahan, ako ay college...
1.6K 80 44
Klent is a cute and simple young man, and a first year student of Sun University. Nathan is a handsome, cold-hearted, and the king of the school. Two...
53.4K 2.3K 16
Kahit Hindi Mo Ako Mahalin A boys' love story. Written by: mikzylove Dahil sa malaking kasalanang nagawa ni Shane kay Ravi ay kinailangan niyang pagb...