I'M MARRIED TO A STRANGER (UN...

By BRWNSGRMLKT

707K 7.4K 335

Paano na lang kung isang araw ay broken hearted ka pagkatapos ay may lalapit sayong mala-Prince Charming para... More

Foreword
TEASER/PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
IMPORTANT NOTICE

Chapter 12

13.3K 169 1
By BRWNSGRMLKT

Chapter 12
Picture



Arianne Shawna's POV:


Kinabukasan nagyaya lumabas itong si Aivan. Maaga pa lang tinawagan niya na ko agad. Ang luka ayaw talaga palampasin ang happenings kahapon. Badtrip pa din daw siya kay Kurt dahil naudlot ang kwento kagabi. Kaya ayaw niyang isama si Kurt. All girls lang daw dapat, kahit hindi naman talaga siya girl. Hahaha.

Si Jamie naman ayun may work sa coffee shop niya. Hindi siya pwedeng umalis doon ngayon kasi absent yung manager niya.

So tinext ko na lang si Aivan na sa coffee shop na lang kami Jamie magkita. Nagreply naman agad si bakla ng okay. Paano kasi ayako naman mahuli sa balita itong si Janella Marie at baka magtampo naman. Masyado pa naman sensitive yung lukang 'yun.

Agad din ako nagtipa ng message para kay Brett since inupdate niya ko kanina sa whereabouts niya. Ipapaalam ko din ang mga plano ko ngayong araw sakanya. Hihi. May work daw siya buong araw kaya magiging busy siya lalo na may bago siyang album na irerelease. Jusko! Feeling teenager ako dito na ka textmate ang crush niya.

"Coffee date later with my friends." Message ko sakanya.

Wala pang 1 minute sumagot na agad siya.

[Is the guy yesterday included?]

"Hindi siya kasama. Me and my girls only. Tho guy talaga si Aivan pero pusong girl naman siya. Haha." Reply ko naman.

[I see. Take care, love. Text me when you get there.]

Tinago ko ang mukha ko sa unan at saka tumili. OMG! Kinikilig ako.

Nang makalma ko ang sarili ko naligo na ko. Nagbihis na ko agad at nagayos para makapunta na sa coffee shop ni Jamie. Nagtext kasi si Aivan na papunta na daw siya.

Bumaba ako agad at nakita ko naman si Kuya na nasa sitting area namin at busy sa laptop niya.

"Kuya!" I called his attention.

"Oh?" Tipid naman niyang sagot. Ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.

"Magpunta lang ako sa coffee shop ni Jamie, Kuya. Kasama ko si Aivan and Jamie is also there." Pagpapaalam ko.

"Okay, basta uwi ka agad. Magpaalam ka din kay Lolo." Sabi ni Kuya.

"Thanks Kuya! Love you." Sabi ko at bumeso na ko sakanya bago pumunta sa Lolo ko na for sure nagbabasa ngayon ng libro sa may garden.

"Lolo! Busy ka?" Pagpapansin ko at umupo ako sa katabi niyang upuan.

"Anong kailangan mo Arianne." Sabi ni Lolo at sinarado agad ang libro na binabasa niya.

"Si Lolo ang sungit agad. Magpapaalam lang po." I told him all smiles pa ko.

"Aba bago ata iyan. Marunong ka pala magpaalam." Pag aalaska ni Lolo at ngingisi ngisi pa siya. Agad naman ako ngumuso at napairap.

"Si Lolo talaga."

"Saan ba ang lakad mo? Kakaen lang natin ng pananghalian." Sabi ni Lolo at uminom siya ng kape. Ang lakas talaga ni Lolo sa kape.

"Magkakape lang kami ni Jamie at Aivan sa shop ni Jamie." Sabi ko.

"Marami naman tayo kape dito bakit kailangan lumabas ka pa?"

"Ihh Lolo di makakaalis si Jamie ngayon siya nagsupervise ng coffee shop. Payagan mo na ko Lolo, please? Si Kuya pumayag na." Sabi ko. Si Lolo kasi nangiinis pa. Kakastress!

"Sigurado ka ba sila Jamie at Aivan ang kasama mo?" Grabe! Interrogation na ata ito.

"Oo nga po Lo. Hatid mo pa ko kung ayaw mo maniwala." Grabe! Super hirap talaga magpaalam kay Lolo. Ang daming hanash. Huhuhu.

"Sige papayagan na kita. Uwi ka agad at siguraduhin mo totoo yang sinasabi mong makikipagkita ka sa mga kaibigan mo." Sabi niya may warning na sa tono niya.

"Yes, Lolo. Can I go now? Nandoon na po sila?" Sabi ko.

"Sige, magiingat ka." Sabi niya kiniss ko naman sa pisngi si Lolo para magpaalam na at umalis na agad ako baka magbago pa isip niya. Hehe.

Sandali lang ay nakarating na ko sa coffee shop ni Jamie. Kasi 10 minute drive lang to mula sa subdivision namin.

Nasa dulong part ng café sila nakapwesto ng dumating ako.

Maganda yung café ni Jamie. Two storey yung café niya. Dahil book lover siya. May mini library sa second floor. You can read freely dahil may wide range ng selection ng mga books dito iba't ibang genres from classic to latest releases. Di lang yun pwede ka din manghiram at iuwi ang books na gusto mo kaso kailangan may card ka. Sa baba naman meron study/work area where you can held business meetings or magconduct kayo group study or wala big groups lang na gusto magchill and have fun. Meron ding area para sa mga gusto mapagisa or mga nagdedate. Kasi may garden itong café ni Jamie sa roof top favorite spot ko yun dito. Kasi may hammock dun sa taas at ang sarap lang magchill habang kita mo ang buong city lalo na sa gabi.

Nandun sila sa malapit sa may office ni Jamie pumwesto.

"Bakla late ka na naman! Ang tagal mo!" Asar na si Aivan at umiinom na ng iced coffee.

"Sorry, si Lolo kasi ang hirap na naman pagpaalaman." Sabi ko as I take my seat sa tabi ni Jamie.

"Order ka na sissy. It's on me." Sabi ni Jamie at tinawag ang isa sa mga crew niya.

Umorder naman ako ng blueberry cheesecake at Caramel Macchiato.

"So ano na girl magkwento ka na kase baka mabwiset na naman ako sayo sabunutan na kita." Sabi Aivan.

 
"Yieee! Kilig na kilig ako kagabi sa inyo. Kyahhhh! Parang tv lang." Si Jamie.

"in fairness girl, ganda mo talaga. Paano ka pala natangay ng boylet mo kagabi e nagsasayaw tayo sa gitna ng tao?" Si Aivan.

"Ewan ko nga e basta hinaltak na lang ako nun." Sabi ko.

"Kaladkarin ka din e. Haha. Ano feeling? Masarap ba kiss?" Si Aivan.

"Ano ba? Ano ko kiss and tell?" Sabi ko naman. Nakakahiya kaya!

.
"Kiss and tell? Gaga. Hinalikan ka nga sa harap namin e." Si Aivan at binato pa ko ng tissue.

So ayun nga nagkwento na nga ko sakanila. Minus the kissing scenes kasi syempre duh samin na lang yun ni Breet ang awkward kaya ikwento.


"Girl, di ka kaya sinusundan nun?" Sabi ni Aivan.

"Ano yun Aivan? Stalker niya si Brett? Ganun ba yun?" Si Jamie.

Sinenyasan ko naman si Jamie na wag siya maingay kasi napapalakas ang boses niya e. Baka kasi may makarinig sakanya. Hello? Artista kaya si Brett. Napatingin pa ko sa paligid para makita kung may nakakarinig samin buti naman at wala.


"Jamie, hinaan mo lang kaya boses mo? Ingay mo e. Parang gusto mo ibroadcast." Sita ko sakanya at nagpeace sign naman siya.


"E kasi girl, kung saan ka bigla bigla na lang siya sumusulpot. Ano yun coincidence lang?" Sabi ni Aivan.


"Malay mo naman, Aivan. Meant to be talaga sila ni Arisha no kaya lagi sila nagkakatagpo. Hihi. Ayaw mo ba sumaya tong frenny natin? Kontra ka ng kontra." Si Jamie naman shipper namin masyado.


"Ang sinasabi ko lang, Arianne. Nasaktan ka na ng una. Wag ka ng tanga ulit. Maging maingat ka na. Wag ka susugal ng all in tapos alam mo naman sa umpisa talo ka. Wag ka maginvest sa wala. Masaya ako para sayo but with caution." Parang nanay na naman si Madam Aivan.


"OMG! OMG! OMG!" Si Jamie bigla nagtitili. Nagtinginan naman samin yung mga tao kasi naman parang tanga to si Jamie e. Kala mo sinisilaban ang pwet.


"Hoy Janella Marie! Napapano ka? Naluluka ka na? Ang ingay mo! Nageeskandalo ka na! Pinatitinginan na tayo." Sita ni Aivan kay Jaime at hinila pa ni Aivan ng mahina ang buhok nito.

"Pasensya na po kayo. Normal lang po siya. Masyado lang excited. Wag niyo na po kami pansinin." Kausap ko sa mga tao. Mabuti naman at sumunod din sila. Kakahiya kasi minsan to si Jamie.

"Yieeee!" Impit naman na tumili si Jamie. Hawak kasi nito ang cellphone niya at di namin alam ano nagpahyper sa kaibigan namin.

"Jamie kalma ka na!" Sabi ko at inalog alog siya sa balikat.

"How can i calm down?! Tingnan niyo!" Excited na tili ni Jamie.

"Ano ba yan?" Inis na tumayo si Aivan at nagkumpol kaming tatlo para makita ang pinuputok ng butchi ni Jamie.


"May post si Brett Cabral sa IG! Super intriguing and sweet! Kyaaaaaah!" Si Jamie.

At lo and behold! It was a side view photo of a girl sitting on the hood of his car habang nakatingin sa langit with a can of beer in hand at kitang kita sa picture yung sing sing na suot. Tho buti hindi masyadong kita yung mukha. Pero...


"OMG nga! Bakla! Ikaw yan di ba?" Si Aivan naman at nagulat siya.

"Hihi. Di ba? Di ba? Si Arisha yan kagabi. At kamay pa lang alam na alam na." Si Jamie kilig na kilig.


I was flabbergasted. I don't know what to say. Nagwawala na ang mga hayop sa tyan ko at pati puso ko lalabas na sa ribcage. Di ko alam na pinipicture an niya pala ko kagabi. Kyaaaaaah!

"Basahin mo pa ang caption. Mas nakakakilig." Si Jamie ulit.


At ang nakalagay,

"Oh , honey
Just let me adore you
Like it's the only thing I'll ever do"

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 49.2K 40
Heartbreakers Series #2: Leion Eleazar Zendejas Despite being popular because of his academic standing and good looks, Leion Eleazar Zendejas was a s...
1.2M 18.7K 50
Sophia's a hopeless romantic. Ayaw niyang pumasok sa isang relasyon kung hindi naman ito pangmatagalan. At kung papasok man siya sa isang relasyon, d...
6.2M 125K 53
Kailangan niya ako para sumikat... Kailangan ko siya para pang-panakip butas... Gamitan lang ba? Uso sa amin yan! Ako si Kaz Legaspi, ang kilalang ho...
25.7M 471K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...