The Weird Commoner Is A Secre...

Od MmissLucy

57.8K 2.4K 576

Siya si ZAM YUIN. Isang babae hinahangaan at iniidolo nang karamihan sa kanyang kagandahan at katalinuhan. Hi... Více

THE WEIRD COMMONER IS A SECRET AGENT
Prologue
Author's First Note
TWCIASA #1: New Member
TWCIASA #2 : Planning
TWCIASA #3: School Festival
TWCIASA #4: Identity
TWCIASA #5: Welcome Agent Yuin
TWCIASA #6: Livingston University
TWCIASA #7:Devil Artist
TWCIASA #8: MRank
TWCIASA #9: Kiano's Birthday
TWCIASA #10: Trap
TWCIASA #11: Attention
TWCIASA #12: Power of Livingston
TWCIASA #13: FRank
TWCIASA #14: The Owner
TWCIASA #15: Found her
TWCIASA #16: Partner
TWCIASA #18: Grayson University
TWCIASA #19: Uncle's daughter
TWCIASA #20: She's here
TWCIASA #21: Not feeling well
TWCIASA #22: Final Project
TWCIASA #23: The Truth
TWCIASA #24: Twin
TWCIASA #25: Prepairing
TWCIASA #26: Stoneheart
TWCIASA #27: Traditional Kill
TWCIASA #28: With Him
TWCIASA #29: Pretend
TWCIASA #30: He Knew
TWCIASA #31: To be mine
TWCIASA #32: Pangulasian Island
TWCIASA #33: Rival
TWCIASA #34: Motive
TWCIASA #35: Antagonist
TWCIASA #36: Target
TWCIASA #37: Her Fault
TWCIASA #38: Torture
TWCIASA #39: Mr. Knight in Shining Armor
TWCIASA #40: Use his Love
TWCIASA #41: Birthday Celebrant
TWCIASA #42: The Truth
TWCIASA #43: Blue Slip
TWCIASA #44: How to Survive
TWCIASA #45: He's back
TWCIASA #46: Fake News
TWCIASA #47: Anne
TWCIASA #48: I'm sorry
TWCIASA #49: She's mine
TWCIASA #50: Escape
TWCIASA #51: Kiss and Touch
TWCIASA #52: Freedom
TWCIASA #53: I'm your...
TWCIASA #54: New Life
TWCIASA #55: Hard
TWCIASA #56: Approved
TWCIASA #57: Owned
TWCIASA #58: Justice
TWCIASA #59: Forget
TWCIASA #60: Merging
TWCIASA #61: WHO?

TWCIASA #17: Blue Slip

922 40 4
Od MmissLucy

TWCIASA #17: Blue Slip

Nakita kong papalabas ng Discipline Office si Cj (Ian). Mukhang hindi niya ata ako napansin kasi malayo ako sa kanya.

"Hey!" Nakita ko si Janna papalapit sa akin. Nakaupo lang ako dito sa bench. Vacant ko naman kaya okay lang magpetics dito.

"May transferee na naman pala?" Sabi niya habang inilalagay ang bag niya sa tabi niya. "If I were him, aalis na ako dito habang maaga pa." Sabi niya.

"Bakit hindi ka umalis dito? Alam mong may kakaiba dito sa school, why don't you leave this University?" Nanlilit ang mga mata kong nakatitig sa kanya.

She chuckled. "Batas na iyon sa University. Sa oras na umalis ka..." Hindi na niya dinugtungan ang sinabi niya dahil may tumawag sa kaniya.

"Janna!" Sigaw nung kagrupo niya.

"Ah, sige Andrei. May gagawin pa kasi kami eh. Bye!" Sigaw niya.

Pinanood ko lang siyang lumayo sa akin at pumunta doon sa kasama niya.

Naglakad lakad na lang ako.

Mahigit 1 buwan na pala akong nandito. Marami na akong nalamang impormasyon. Pero kulang pa iyon. Marami pa akong kailangang malaman at maimbestigahan.

"Tss." Nabunggo ako sa isang lalaking matipuno ang pangangatawan. Halos hindi ako makagalaw dahil sa naramdamang aura sa kanya. Ang aurang iyon. Kilalang kilala ko.

'B-bakit siya nandito?'

"Tumingin ka sa dinadaanan mo, pede?" Sabi niya habang pinapagpag ang damit niyang narumihan lang ng konti.

Bumalik lahat ng ala-ala ko sa kanya. After so many years ngayon ko na lang siya nakita. Napapalunok ako. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.

Ang taong naging dahilan kung bakit ako naging ganito. Lahat nakatatak sa akin. Ang paggalaw niya, ang ugaling hindi mo maaalis sa kanya ang pagiging gentlemen at caring, maraming nagbago sa kanya. Nakikita kong naging mature ang itsura niya. At mas lalong naging gwapo sa paningin ko.

'Ilang taon na ang lumipas.'

"Miss, are you okay?" Tapik niya sa balikat ko. Tinig pa lang niya nagpapataas na ng balahibo ko. Ilang years na kong walang balita sa kanya nandito lang naman pala siya sa University na ito. Ang liit nga naman ng mundo.

"D-don't touch me.." Nauutal na sabi ko. Bakit siya nandito...

Napangiwi siya. Para bang nawiwirduhan siya sa mga kilos ko.

"Weird." Anas niya. Sabay alis sa harapan ko.

Mabilis akong naglakad. Lakad lang ako ng lakad. Dito ko pa talaga siya makikita. Bakit siya nandito? Di ba nasa London siya? Pano siya napadpad sa Pilipinas? Bakit dito pa? Kaya pumunta akong Pilipinas para kalimutan lahat ang mga masakit na nangyari.

Nagtago ako sa may pader. Ang lakas ng kalabog ng puso ko.

'No. Zam. Not again! Tapos na! Wala na!'

Bumabalik ang lahat ng ala-ala ko sa kanya. Akala ko nakalimutan ko na talaga siya.

'Yes. Zam nakalimutan mo na siya! At malamang nakalimutan ka na rin niya kaya dapat kalimutan mo na rin siya.'

Para akong tanga dito. Nakahawak ang kanan ko sa dibdib ko ang kaliwa naman ay nasa ulo. Sunod sunod ang tibok ng puso ko. Naghalo halo ang kaba, iritasyon, galit, pagkagulat. Lahat lahat na.

*FLASHBACK*

"HAPPY 3RD ANNIVERSARY Zam!" Sigaw niya. Nandito ako sa may taas ng room namin at nandoon siya sa baba. Hawak hawak niya ang malaking kartolina at nakasulat doon ang sinabi niya. Maraming tao ang nasa baba. Namumuo pa ang luha ko sa mga mata ko dahil sa effort na ginawa niya. I love him so much. Ang first boyfriend ko. Sabi nila puppy love lang daw ang tawag dito sa nararamdaman ko. Pero iba tong nararamdaman ko sa kanya. Parang gusto ko na siyang pakasalan at magsama na kami habang buhay. 2nd year high school pa lang kami. Bumaba ako at sinalubong siya. Maraming kinikilig sa ginagawa niya. Kesyo daw ang swerte ko, sana may tao pang katulad niya.

Sumalubong ang napakagwapo niyang mukha papalapit sa akin. Bawat araw kung nakakapagsalita lang ang isip ko ay palaging puri ang matatanggap niya sa akin.

Mabait na tao siya. Kahit napaka-arogante at mayabang niya ay hindi tumatalab sa akin. Ako daw ang karma niya.

Sinalubong niya ako ng yakap.

"Happy 3rd anniversary, Zam. I love you. Ikaw lang babaeng nagparanas sakin nito. Ipinapangako kong ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay. Hindi mo alam kung gaano kasaya sa araw na ito." Napapaluhang sabi niya. Bumitiw siya sa yakap at hinawakan ang mga kamay ko. Siya lang daw ang pwedeng humawak sa akin. Nakakatuwang isipin na gumagawa siya ng batas na sa amin lang dalawa.

"Thank you very much and I love you so much, Liam." I said.

*END OF FLASHBACK*

Naalala ko pa yung masasayang araw namin. Yung mahal na mahal ko pa siya. Akala ko forever na kami. Akala ko kami lang ang magpapalaganap ng ganyang salita. Akala ko kami na habang buhay. Akala ko lang pala iyon...

*FLASHBACK*

"Hello, Tita?" Tawag ko sa phone ko habang kausap si Tita Lichelle.

"Hello, Zam?" Sabi niya sa kabilang linya.

"I'm just asking lang po if Liam is there? Hindi ko po kasi siya macontact eh. Patay po kasi ang phone niya." Sabi ko. I was worried.

"Sorry, iha. He's not here. He left earlier and he said may pupuntahan daw siya. I didn't even ask him where he was going. I thought he would go to see you.." Napahawak ako sa batok ko. Saan naman kaya siya pumunta?

"Ah ganun po ba? I'll look for him na lang po. Thank you po sa information. Bye po." Sabi ko.

"Sige iha, bye din." Sabay naputol ang tawag. Napakabait talaga ng mommy ni Liam. Yes. Legal kaming dalawa kay Granny at sa parents niya.
Umalis ako ng bahay. Pumunta ako sa kadalasang pinupuntahan niya.

Tinawagan ko ang mga friends niya.

"Hey! Zam! Napatawag ka bigla?" Naririnig ko ang ingay ng tugtugan. Sobrang lakas. Hindi ko siya masyadong marinig. Pilipino rin siya kaya niyang makipag usap sakin ng Tagalog.

"Jins. Are you with Liam? I've been looking for him. Tinatawagan ko siya but he's not answering my call." Sabi ko.

"A-Ah. I don't know where he is. Okay Zam. I have something to do! Bye!" Sabay pinatay niya yung tawag. Parang may mali eh. Nasa bar siya. Kapag maingay at malakas ang tugtugan paniguradong may party. Isa sila sa mga organizer kapag magpapaparty sa mga bar. I trust him. Alam kong hindi niya ako magagawang lokohin dahil mahal na mahal niya ako at mahal na mahal ko siya. Pero hindi ko maiiwasan ang hindi mag-alala sa kanya. Baka napaaway siya or kung ano.

Pumunta ako sa bar sa kadalasang pinupuntahan nila. Flint Bar.

Nagtaxi na lang ako. Maraming taong pumapasok at nagsisilabasan doon. May mga bouncer na nagbabantay sa tabi. Pumasok ako pero hinarangan niya ako.

"Card, Miss?" Sabi niya.

"I'm the girlfriend of your organizer. I don't have a card." Sabi ko.

"What's your name?" Sabi niya.

"Zam Yuin." Sabi ko. Napataas naman siya ng kilay. May binulong yung isang bouncer sa kanya. Napatango naman siya.

"You're not allowed to go, Miss." Sabi niya. Nalaglag ang panga ko. What the? Ako ang girlfriend ng organizer dito tapos hindi ako papapasukin?

"What ?! Didn't you hear that Liam Salvacion is my boyfriend. So let me in." Naiiritang sabi ko sa kanya. Sinubukan ko pumasok ngunit nakaharang ang mga kamay niya.

"Don't be so annoying, Miss. Get out of here." Sabi niya. Biglang nagsisigaw yung foreigns na nakapila sa likod ko. Home town namin ang London.

"What the heck?!"

"I want to come in!"

"Get rid of her!"

Sabi nung mga taong kasunod ko. Wala na akong nagawa kundi sumunod at umalis doon. Bwisit! Gusto kong magsisigaw dito!

"Zam!" Nakita kong papalapit si Justry sa akin.

"Oh, Justry." Sabi ko.

"What are you doing here?" Sabi niya. Hindi matanggal ang mga mata niya sa akin. Pinormahan niya ako dati ngunit hindi ko naman siya gusto kaya magkaibigan na lang kami ngayon.

"Ah. I'm looking for Liam I can't even contact him. Maybe he's here. I tried to get in. But they wouldn't let me in. I'm the girlfriend of the organizer here. Is that hard to understand?" Sabi ko. Hindi ko mapigilang maghimutok sa harap niya sa sobrang inis.

"Haha. Come. I'm the producer. I'll let you in." Sabi niya. Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya. Gosh! He's always my savior.

"Really? Thank you!" Sabi ko.

Nakasunod lang ako sa kanya. Pinapasok siya ngunit bumagsak ang tingin ng bouncer sa akin.

"Miss, I said get out of here you're not allowed to--" Pinutol ni Justry ang pagsasalita niya.

"She's with me." Cold na sabi ni Justry doon sa bouncer. Pinapasok na ako ng bouncer. Muntik na akong magtatalon sa tuwa.

Sobrang daming tao dito, sobrang ingay. Grabe. Trouble Bar nga ito. Hindi ko alam kung bakit iyon ang itinawag nila.

"You're going to escape, huh?!" Nagulat ako sa nasa bandang gitna. Nagsasapakan sila.

"Coward!" 

Hinila lang ako ni Justry.

"Just ignore it." Nangingiting sabi niya habang nakatingin sa mukha ko. Napatango na lang ako. "You're so beautiful Zam. As ever." Sabi niya. Napangiti lang ako. At bahagyang tumungo.

"Thank you, I'll find Liam!" Sabi ko.

"I'm going with you." Sabi niya. Nakahawak siya sa braso ko. Tinignan ko iyon.

"No, its okay. Thank you." Sabi ko sabay hila ng braso ko. Hindi naman na siya namilit pa. Hinanap ko si Liam pero hindi ko siya makita.

"Jins!" Sigaw ko. Nakita ko siyang sumasayaw sa dance floor. Pero parang hindi niya ako naririnig. "Jins!" Sigaw ko ulit. Napalingon na siya sa akin at nanlalaki ang mga mata niya. Napatingin siya doon sa kasayawan niya mukhang may binulong dito at umalis na siya bigla.

'Weird.'

Hinanap ko na si Liam. Palinga linga ako. May mga nakikita akong nakaupo sa couch at nag-iinuman. Hindi rin pala maaalis ang PDA dito. May nakita ako naghahalikan. Hindi ko lang makita yung mukha nila dahil sa sobrang pagkasubsob sa isa't isa. Medyo familiar yung buhok ng lalaki sa akin.

"LIAM! ZAM IS HERE!" Nagulat ako sa sigaw. Papalapit si Jins sa kanya. Napalingon naman ako tinawag niya.

'Akala ko ba wala si Liam dito?'

Nagulat ako. Siya pala yung lalaki kanina na nakikipaghalikan ng wagas doon sa babae. Omygod. Kitang kita ko kung pano maghiwalay ang mga labi nila sa isa't isa. Para akong binubuhusan ng malamig na tubig.

"What? Di ba sabi ko wag mo siyang papapasukin Jins!" Sigaw niya. Kitang kita ko ang lahat.

"Hey babe." Malambing na sabi nung babae sa kanya. At sinunggaban siya ng halik. Nagtagal ang halik nilang iyon at saka natigil lang maya maya.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makaalis ng kinatatayuan ko. Bakit ganito? Kumakalabog ng mabilis ang puso ko na para bang gusto ng lumabas nito. Lumabas ang mga luhang kanina pa gustong lumabas. Gusto ko ng paliwanag. Hindi totoo ang lahat ng ito. Mahal na mahal niya ako kaya hindi niya ito magagawa.

"Zam!" Nagulat ako sa tawag ni Jins sa akin. Hindi ko na kinaya. Bumuhos ng bumuhos ang luha ko. This is not happening! Wake me up please!

Tumalikod na ako at nakayuko habang lumuluha. Parang nawala na sa akin ang lahat. Wasak na wasak ang puso ko. Sobrang sakit.

Nabubunggo na ako ng mga tao dito.

"Hey Miss. Can I dance you?" Sabi nung lalaki sa akin. Hindi ko na siya pinansin at nagdire-diretso ako papalabas ng bar. May narinig akong nagkaguluhan pa.

Naglakad ako sa may kalsada habang umiiyak.

Biglang may humablot sa kamay ko.

"Zam. Magpapaliwanag ako." Mahinangong sabi niya. Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa kamay ko. Nawalan ako ng lakas para itulak niya. Humagulgol lang ako sa iyak.

"Please Zam, give me a second chance." Napipiyok na sabi ni Liam sa akin.

'Second chance? Binibigay lang iyon sa mga taing karapat dapat.'

Inipon ko ang lakas ko. Gusto ko siya sigawan at sumbatan.

"Zam. I love you! I love yo--" Nakawala ako sa hawak niya at sinampal siya ng sobrang lakas. Nakatagilid lang ang pisngin niya nakikita kong pumapatak ng mga luha niya.

"Akala ko ikaw na. Akala ko lang pala..." Mabagal na sabi ko. Pumapatak pa rin ang mga luha ko. "Ang tanga tanga ko. Niloloko na pala ako hindi ko pa alam." Pinunasan ko ang luha ko. "Mahal na mahal kita. Hindi pa ba sapat yun? Ha? Anong kulang ha? ANONG KULANG?! AM I NOT ENOUGH?!" Sabi ko. Hinampas hampas ko ang dibdib niya at hindi man lang siya kumikibo. Iniharap niya ang mukha niya sa akin bakat na bakat ang kamay kong lumagapak sa mukha niya.

"Mahal na mahal kita Zam--"

"HAYUP ka. Mahal na mahal mo ko pero niloko mo ko. Ang galing mong makipaghalikan ah? Sa harap ko pa talaga. Tatlong taon, Liam." Sarkastiko kong sabi sa kanya. "Akala ko iba ka sa lahat. Tangina. Akala lang pala. May plano na tayo di ba?" Sabi ko. Halos hindi siya makaimik.

Papatalikod na ako ng bigla niya akong hinila paharap sa kanya at niyakap. Ramdam ko ang malakas na kalabog ng puso niya. Hindi ako yumayakap pabalik.

'Mahal na mahal kita Liam. Sabi mo ako lang. Ano bang naging pagkukulang ko?'

Kumalas ako sa yakap niya sa akin ngunit masyado siyang malakas para pakawan ako.

"Pakawalan mo ko, Liam!" Sigaw ko.

"No! Hindi ko kaya Zam! Mahal na mahal kita! Give me a second chance. Please. Nagmamakaawa ako sayo. Gagawin ko lahat lahat!" Naririnig ko ang bawat paghikbi niya. Umiiyak siya. Pinilit kong tanggalin ang mga malalaking braso niyang nakayakap sa akin ng mahigpit. Napadpad iyon sa akin mga binti na parang nakaluhod na siya.

"Bitawan mo ko!" Sigaw ko.

Tinutulak ko siya.

"Zam. No!" Sigaw niya.

"Ayoko na. Masyado ng masakit Liam. Please.. let me go." Nanghihina ko.

"Let her go. Liam." Narinig kong nagsalita sa likod niya. Nakita ko si Justry sa may likod niya. Hindi niya pa rin ako mabitawan. .

Nagpupumiglas na ako ayaw niya pa rin akong pakawalan. Masyado na kaming magkadikit.

Hinawakan na siya ni Justry at pilit na inilalayo ako sa kanya. Buti na lang nakawala ako sa kanya. Nasa likod ako ni Justry ngayon. Nagulat na lang ako ng bigla siyang sinapak ni Liam. Nanlaki ang mata ko. Nagsasapakan sila ngayon. Shit.

"Tangina mo! Wag kang mangialam!"

"Tumigil kayong dalawa!" Sigaw ko ngunit hindi pa rin sila nakikinig.

Umalis na ako doon at pumara ng taxi. Iniwan ko sila doon. Lagi akong nagmumukmok sa kwarto. Hindi na ako nakakakain ng maayos, nakakatulog sa kakaisip sa kanya. Sariwang sariwa pa ang lahat. Ilang taon ko siyang hindi makalimutan. At sa ilang taong iyon nagbago ko.

*END OF FLASHBACK*

Naalala ko na naman.

'Tandaan mo Zam. Hindi na ikaw ang dating Zam Yuin na nakilala niya.'

"Hoy! Anong ginagawa mo diyan?" Napatalon ako sa gulat.

"Kailangang manggulat? Tss." Sabi ko.

Pumasok na ako sa klase ko. Natapos naman iyon kaagad. Nagquiz lang kami.

Nakita kong naglalakad si Jawrence sa hallway namin. Nagsisitabihan yung mga estudyante. Nasa tapat pa ako ng pinto namin yung iba namang estudyante ay gustong tumambay sa room namin. Sobrang cold niya sa lahat. Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Nakatingin lang ako sa kanya. Nagkasalubong kami ng tingin at siya na ang umiwas. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan namin.
"Oo nga eh. Sipsip kasi kaya--Oooppss!" Bigla niya akong natulak. Saktong pagtapak ni Jawrence sa harap ko kaya napasubsob ako sa kanya ng malakas. Bigla siyang na-out balance. Kaya pareho kaming bumagsak. Nakapatong ako sa kanya at nanlalaki ang mga mata ko. Nagkasalubong ang mga kilay niya sa akin. Hindi ko napigilang titigan ang mukha niya. Etong lalaking ito ay matatawag ko ng Diyos. Nakapatong ang dalawang kamay ko sa sahig ramdam ko ang sakit nun. Sa sobrang lakas ba naman ng impact ng pagkatulak sa akin eh. Nakadikit ang katawan ko sa katawan niya.

"Gosh. Look what have you done Pia!" Sabi nung isang babae.

Tumayo na ako bigla. Dinampot ko yung mga notebook kong naglaglagan. Nakita ko siyang tumayo na at nagpagpag na ng damit niya. Tahimik niya lang iyong ginagawa.

Nakita ko ang mga kamay kong namumula na parang kamatis. Sobrang sakit. Dinampot ko yung libro pero nabitawan ko.

"Ah!" Sabi ko. Napahawak pa ako sa kamay ko at pinisil pisil iyon. Ang sakit. Nararamdaman ko yung kirot.

Nagulat ako ng bigla niya damputin ang libro ko at ang mga notebook at bag kong nakakalat. Hinila niya ako bigla. Nakarating kami sa clinic. Pumasok kami doon.

"May injured siya sa kamay. Aksidente niya akong nabunggo kaya ganyan." Walang emosyon na sabi niya. Pansin ko dun sa nurse parang nagulat pa siya. At hindi makapaniwalang nandito siya.

"S-Sige. Ako na ang bahala." Sabi niya.

Umalis na agad si Jawrence. Hindi man lang ako nakapagpasalamat.

"Pangalawa ka na sa dinala niya dito." Sabi niya sa akin.

"Pangalawa?" Tanong ko.

"Oo. Yung isang transfree din dati ang una niyang dinala dito dahil napagtripan ata siya ng mga estudyante dito." Sabi niya.

Kinuha niya ang kamay ko at pinaikot niya ang bandage sa kamay ko.

"Sino po yung isang transferee?" Tanong ko.

"Sa pagkakatanda ko, Arianna ata ang pangalan niya..."

***

Matapos niya sabihin iyon. Natulala na lang ako at malalim na nag-isip. Hindi ko pa rin maintindihan lahat.
Pinagsalikop ko ang mga kamay ko at idinikit ito sa aking mga labi. Pinaglaruan ko ito at saka dumapa.

*TOK* *TOK*

Napabangon ako sa kama kahit tamad na tamad akong buksan ang pinto. Kahit pagbubukas ng pinto ay lumulutang pa rin iyon sa isip ko. Hindi ko man lang nasilip kung sino yung kumatok.

"Hello!"

"Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko sa kanya.

"Hindi mo muna ba ako papapasukin sa unit mo?" Tanong niya.

"Hindi na kailangan." Masungit kong sabi.

"Tsk. Nandiyan lang ang unit ko malapit sa unit mo! Doon sa may unahan katabi nitong unit na to. Ewan ko ba kung bakit ayaw pagamitin itong unit na katabi mo. Wala namang gumagamit eh." Sabi niya.

'Unit kasi iyan ni Kiano Livingston.'

Bakit kaya hindi nila ito pinapagamit? Umalis na naman siya eh.

"Paano mo nalaman kung nasan ang unit ko?" Suring tanong ko sa kanya ngunit hindi mawawala ang pagmamaldita sa boses ko.

"Nagtanong." Simpleng sagot niya na may pagmamalaki pa sa mukha niya.

"Hindi ba sinabi ko sayong hindi tayo dito magkakilala? Ano na lang ang sasabihin nila? Tss. Sakit ka talaga sa ulo." Mariin na sabi ko sa kanya. At tinignan ko ang pasa sa pisngi niya. "Unang araw mo pa lang. May suntok ka na agad." Nakangising sabi ko.

"Pinagbigyan ko lang naman. Siya na nga itong nakabunggo siya pa yung may ganang isisi sa iba ang kasalanan niya." Naiiratang paliwanag niya.

"Isa siyang Livingston, Cj. Kung pwede umiwas ka sa gulo? Umiwas ka. Wag mong pairalin yang kayabangan mo. Hindi mo sila kilala. First day na first day mo wanted ka na agad sa listahan nila." Napapailing na sabi ko.

"Tss. Hindi ako natatakot sa kanila. Kahit pagtulung-tulungan pa nila ako, hindi nila ako kaya." Mayabang na sabi niya.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ano ba talagang pinunta mo dito? Para magyabang sa akin?" Sinarado ko ang pinto ngunit nakaipit yung paa niya.

May inilabas siyang asul na papel at iniharang iyon sa pintuan. Binuksan ko ang pintuan.

"Hindi iyon ang ipinunta ko dito, likas na talaga sa akin iyon. Itatanong ko lang sana kung ano ito?" Tanong niya na para bang wala pang alam.

"Saan mo nakuha yan?" Tanong ko. Nakaramdam ako ng kaba.

"Sa locker ko." Sagot niya. Mukhang wala kang makikitang takot sa mukha niya. Paeasy easy lang.

Kinuha ko ang asul na papel sa kanya at binuksan iyon. Hindi ako pwedeng magkamali.

Blue slip..

Your life is in danger..

Nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Ang kilabot na nararamdaman ko sa aking tiyan. Hindi dapat ito ang mangyari sa kanya. Kailangan ko na talagang bantayan ang kilos ng isang ito. Napatingin ako sa kanya.

"Nilalagay mo sa kapahamakan ang sarili mo." Sabi ko sabay balibag sa mukha niya ng slip na yun. Sinipa ko ang paa niya para tanggalin ang harang niyang paa sa pintuan ng unit ko. Sinarado ko ang pintuan. Sinilip ko siya ngunit nakatigin lang siya doon sa slip. Parang wala lang sa kanya iyon.

'Katangahan.'

Maling mali ang ginawa nilang paraan. Hindi dapat siya involved sa misyon ko. Mas marami akong alam sa kanya.

Malamang Agent siya eh. Marami na siyang experience.

Maaga akong nagising. Kokonti pa lang ang tao sa University at sa tingin ko tulog pa ang iba.

Naglakad lakad ako. Sobrang tahimik dito kapag wala pang masyadong tao. Pero kapag rumami na sobrang inga--

"Ah! Tama n-Ah! Ugh!Ayoko-Shit!.."

'Ano yun?'

Nagmadali akong pumunta sa likod ng building na malapit sa akin. Naglinga-linga ako kung saan ang ingay na iyon.

*BOOOOGGSSHH*

Nakita ko ang isang lalaking nakahiga ng duguan. Umuubo siya ng dugo. Gumagapang siya para takasan ang mga taong bumubugbog sa kanya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakayuko ito habang hawak ang braso niyang duguan.

Nakatago ako sa pader at pinapanood kung paano pinapahirapan ang lalaking iyon. Nakakaawa siya. Sobra. Ganito ba kalupit dito?

"Tatakas ka?!" Sabay sipa ng lalaki doon sa tagiliran ng lalaki. Sobrang dami nila. May hawak ang iba ng mga kahoy at kung ano ano pang nakakasakit na bagay.

Nakita ko yung grupo.

'THE VILLAINE ang grupong ito.'

"MALAKAS KA LANG KAPAG MAY KASAMA! GAGO!" Sabay hampas ng kahoy sa katawan nito.

"Ah!!" Narinig ko ang umalingawngaw niyang boses.

"Tangina mo! Yung shota ko nahumaling sayo! Halata namang mas may itsura ako, kumpara sayo!" Hampas ulit. Halos gumulong gulong yung lalaki sa sobrang sakit ng ginagawa sa kanya.

"Pre, patayin na natin yan." Sabi nung katabi niya.

"Hindi muna. Gusto ko muna siyang matuto. Kung kanino ang akin, akin lang dapat." Sabi niya at ngumisi. Hinigpitan niya ang hawak niya sa kahoy. Nakikita ko ang demonyo niya mukha dito.

"Hawakan niyo." Sabi niyo.

Sumunod yung dalawa sa kanya at binuhat yung lalaki. Nakatalikod siya at nakaharap naman yung bumubugbog sa kanya. Halos pilit na itinatayo siya. Halos namimilipit siya sa sakit.

Naikuyom ko ang mga kamao ko. Nakapitan na siya nung dalawa. Hawak hawak ang kanyang dalawang braso. Halos hindi na siya makatayo. Nakita ko ang pagpatak ng kanyang mga dugo sa sahig.

Inilapag niya ang kahoy na hawak niya at nakangising tumititig siya soon sa lalaki.

"Babasagin ko yang mukha mo para wala kang naaahas." Sabi niya dito. Kitang kita ko kung paano niya ito sinuntok ng malakas. Napatakip ako bibig. Omygod. Sinunod sunod lang ang pagsapak sa mukha niya. Bawat pagsuntok ay may tumatalsik na dugo. Hindi na siya makatayo ng maayos tanging mga brasong nakakapit sa kanya ang sumusuporta sa kanya.

'Hindi na sila naawa. Mga hayop.'

"Siguro naman magtatanda ka na. Iwanan niyo na yan!" Sabi nito. Nakadapa lang yung nabugbog mukhang hindi na siya gumagalaw. Umalis na yung grupong iyon.

Luminga-linga pa ako. Agad akong lumapit sa kanya ng dahan dahan. Nagkalat ang mga dugo niya. Nanginginig ako dahil sa mga dugo niya. Nakakadiri. Pero mas nangingibabaw ang awa ko sa kanya.

Tinignan ko ang buong katawan niya. Hindi man lang ito gumagalaw. May nakita akong silya na ibinalibag nung lalaki kanina kinuha ko iyo atsaka lumapit sa kanya. Wala akong balak na hatawin siya. Idinikit ko iyon gilid niya at inangat. Masyado siyang mabigat. Pinilit kong itaas iyon halos muntik na akong masubsob sa kanya buti na lang na-balance ko. Tumayo ako sa pagkakaupo at tinignan ang bugbog niya mukha. Halos black eye ang mga mata niya. Puro pasa, mga sugat na malalalim na namamaga mukha niya. Nagdudugo ang ulo at braso niya. Ngayon ko lang narealized kung sino ang lalaking ito. Matapos tignan ang kabuuan niya. Bigla akong lumapit sa kanya.

"L-Liam.."

Nataranta ako. Pinagdikit ko ang hintuturo't hinlalaki ko. At inilagay iyon sa ibaba ng tenga niya. Pinakiramdaman ko ang pulso niya. Pumipintig pa. God! Thanks buhay pa siya. Hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya. Umalis ako at hinanap si Cj. Nakita ko siyang nag-uunat pa. Naglalakad siya habang pinagtitinginan siya ng mga estudyante. Napadako ang tingin niya sa akin. Naggesture ako sa kanya na lumapit. Nagtago muna ako sa pader at lumingon lingon muna siya bago pumunta sa kinaroroonan ko.

"Bakit?"

Hinila ko na agad siya wala ng oras para magpaliwanag pa. Agad na nalaki ang mga mata siya at tumingin sa akin. Tinignan niya ang lalaki.

"Shit! Sinong may gawa nito? Ikaw Zam?" Di makapaniwalang tanong niya. "Sinasabi ko na nga ba eh. Hinding hindi na talaga ako lalapit sa-" Binatukan ko siya agad.

"Buhatin mo na siya! Ang dami mo pang sinasabi!" Sigaw ko.

May ginawa siyang procedure kung paano niya ito bubuhatin. Naamaze na lang ako sa kanya.

Nakalagay na si Liam sa balikat niya. Kayang kaya niya. Mabalikat siya kaya kayang kaya niya buhatin ito. Idinala namin siya sa clinic.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ng Nurse. Inexamine niya si Liam.

"Si Andrei po ang may gawa--" Pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Binugbog po siya." Mariin kong sabi sa kanya.

"Sige, ako na ang bahala." Sabi niya.

Hindi naman maniniwala yung nurse sa kanya eh. Kababae kong tao kaya ko bang bugbugin ang isang ito? Sa bagay, kaya ko naman talaga.

Umalis na kami at ginamot na siya.

"Binugbog siya?" Tanong ni Cj.

"Hindi. Minake-upan lang siya." Pagbabara ko. Napangiwi naman siya.

"Aba't nagtatanong ng maayos eh! Sagutin mo ng matino!" Naiinis na sabi niya.

Inirapan ko siya at umalis na. Hinabol naman niya ako.

"At san ka pupunta?"

"Wala ka ng pakialam doon." Sabi ko. May klase pa kasi ako dahil dito hindi ako nakapasok sa first class ko.

Habang ginagawa ko ang misyon ko. Syempre kailangan kong panatilihin na mataas ang grades ko dahil si Andrei Marie Amphere ay ganon.

Nandito ako sa Class A Building. Tahimik ang lugar na ito. Parang walang gulo ang magaganap. Siguro dahil sa takot lang nila. Nadadaanan ko ang mga Rooms. Panigurado late na ako dahil nandon na ang mga Professor sa kani-kanilang room. Napapadako ang ibang estudyante sa labas ng bintana nila na kung saan nandoon ako. Tapos babalik ulit ang tingin doon sa Professor nila.

5th floor ako. Sumakay na ako ng elavator at pinindot ang 5th. Papasara na iyon ngunit may humarang na isang kamay. Napatingin pa ako sa kanya. Pinindot ko ulit para bumukas iyon. Tapos sinarado ko na ng makapasok siya. Kaming dalawa lang ang nandito. Hindi siya pumindot kung saan ang tungo niya. Siguro sa 5th din. Hindi ko pa siya nakikita dahil nakahoodie rin siya. Katulad ko. Pero kitang kita ko sa reflect niya sa elevator ang laki ng katawan niya. Para akong may kasamang multo dito. Pinapataas niya ang balahibo ko. Nakasandal lang siya tapos nakayuko. Bumukas ang 5th Floor. Nauna siya lumabas. Lumabas na rin ako. Halos nakasunod lang ako sa kanya.

Bawat nadadaanan naming Room ay lahat ng estudyante ay nakatingin sa amin. Nakakunot pa ang noo ng iba. Hindi ko alam kung saan sila nakatingin sa akin ba o sa kanya. Yung iba, halos pagalitan ng professor nila dahil sa pagtingin nila sa amin. Room 128 ang papasukan ko. Huminto siya doon sa mismong Room ko. Binuksan niya. Pagsilip ko nagtuturo na yung Prof namin. Natigil lang siya ng dumating kami. Napasulyap din siya sa akin.

"Why are you late?" Sabi nung Professor.

Pumasok na lang bigla yung lalaki at hindi na kinausap yung Professor namin. Nagdire-diretso lang siya sa upuan niya.

"And you Miss?" Mataray na sabi niya sa akin.

"Sorry. Miss." Sabi ko.

"Go to your seat." Sabi niya.

Pumasok naman ako. Nagulat ako dahil lahat ng mga babae ay nakatingin sa akin ng masama at pinagbubulungan ako.

'Ano na naman ang ginawa kong kasalanan?'

Dumiretso ako sa dulong upuan. Nandoon din yung lalaki wala na kasing ibang seat eh. Kaya umupo na lang ako doon.

"We will having a test today, get your yellow pad." Naglabas agad sila ng mga yellow pad nila.

Engineering ang course na ito. Hindi ko alam kung bakit may subject ako nito. Fine Arts naman ang kinuha ko.

Sinusulat niya sa white board ang mga given na sasagutan namin. Trigo na ang pinag-aaralan namin kumbaga wala pa sa hinliliit ng basic ang itinuturo samin ngayon. Mahahabang ang mga computation. At dudugo talaga ang utak mo.

Mahigit 20 items ang sasagutan dito. Pakikinig at pag-iintindi lang talaga ang kailangang mangibabaw sayo. Parang pang4rth year College na ang itinuturo sa amin. Sobrang hirap talaga.

"I have to go. We have a meeting today. Exchange your paper with your seatmates when I come back." Masyadong maganda ang pagkaka-accent ng mga salita niya.

Lumabas na siya.

"Hoy! Pakopya!" Nagkaingay ingay na sa loob ng room. Di ba kapag class A ka kailangang matalino ka? Bakit kailangan pa nilang magkopyahan? I realized na hindi porket nasa mataas kang section kailangan matalino ka na. Yung iba kasi kumukopya lang para mapabilang dito.

Nagsimula na ako magsagot nakikita ko ang mga lalaking nagsisitayuan para makakalap lang ng mga sagot.

Hindi naman sa sobrang talino ko. At nasasagot ko ang lahat ng ito. Matyaga lang talaga ako.

Number 14 na ako. Hindi sumasakit ang ulo ko pagdating sa mga ganto sumasakit ang mga kamay ko dahil sa ngalay sa pagsusulat. Nakita ko ang katabi ko na kasabay ko kanina sa elavator. Sobrang nakafocus siya sa pagsasagot niya. Number 16 na siya eh. At ang bilis niyang magsagot parang easy lang sa kanya iyon.

"Yow! Rence! Pakopya naman diyan." Sabi nung isang lalaki sa kanya.

"Pagkatapos." Cold na sagot niya.

"Yes! Makakaperfect na naman ako." Sigaw nun.

Nasa 19 na ako. Malapit na akong matapos.

"Oh." Binigay niya ang papel niya doon sa lalaki. Parang okay lang sa kanya ang magpakopya. Ibinaba niya ang hoodie niya at nakita ko kung sino ang taong iyon.

'Jawrence Livingston.'

Nanlaki pa ang mata ko. Hindi ko man lang napansin na siya iyon. Halos kasabay ko siya kanina sa elevator. Kaya naman pala tingin sila ng tingin samin. At pinagbubulungan ako ng iba ng dahil sa kanya.

Binalik ko ang tingin ko sa papel. Nagsimula na ulit magsagot. Tapos na.

Marami na ring nakatapos. Nakita kong pinag-aagawan pa ang papel niya. Halos dinudumog lang nila ito. Okay lang talaga sa kanya. Halos nakapokerface lang siya. At walang pakialam.

Napatingin naman siya sa akin. Nakahoodie ako kaya hindi niya ako nakikita. Nasa gilid lang ang mata ko. Nagulat ako ng bigla niyang hablutin ang papel ko sa desk ko.

"Eto pa." Sigaw niya. Maraming nagsilapitan sa kanya. Kinuha nila ang papel ko.

"That's mine! Freak." Sigaw ko. Napatayo pa ako.

Nagtinginan pa sila sa akin. Nakita ko ang matatalim nila titig sa akin. Parang papatayin nila ako. Nakalimutan ko mukhang teritoryo ata ni Jawrence Livingston ang building na ito. Gagawin nila ang gusto nila. At sinabihan ko pang 'Freak' ang leader ng The Gang. Wrong move Zam.

Napaupo na lang ako. Tumingin ako ng masama doon sa Livingston na iyon.

'Mga salot kayo sa buhay ko. '

Nakangisi lang siya sa akin. Noong una kong nakita ang mukha niya seryoso at napakamisteryoso. Parang ngayon kaya niya mag-iba iba ng mood. Kakaiba siya. Parang sa mga ngisi at titug niya ngayon ay parang may gagawing masama.

"Don't be so selfish, Miss." Cold na sabi niya.

'Eh, hindi naman kasi sa iyo yun.'

Hindi ko na lang siya pinansin. Hindi ako nagpapakaselfish sa mga sagot. Hindi lang talaga ako nangungumbinsi ng mga taong tamad mag-aral.

Natapos na yung iba. Nakabalik na ang papel ko sa akin. Buti na lang hindi masyadong nagusot.

Bumalik na yung Professor.

"Exchange your paper." Sabi nung professor.

'Kanino naman ako makikipagpalit?'

May papel na nakalahad sa gilid ko sumulyap ako doon.

'Nakikipagpalit siya sa akin?'

Napabuntong hininga ako. Kinuha ko ang papel niya kinuha naman niya ang akin.

Livingston, Prince Jawrence R.

Maganda siyang magsulat, parang babae at malinis. Kaso makikita mo na medyo lukot dahil pinag-agawan kanina.

Nakita ko ang computation niya. Halos walang bura bura ito. Nang matapos na ang checking. He's perfect. Matalino rin pala ang isang ito.

Binalik niya na ang papel ko. Perfect rin ako. Hindi ko naman siya nakitang kumopya sa akin. Siguro matalino lang talaga siya.

"Yes! Perfect! Salamat sa dalawang papel na naligaw dito." Bulong nung isa.

"Past your paper." Sabi ni Miss.

Pinasa ko na ang papel ko. Sinabi ang mga score namin. Halos 56 out of 60 ang mga nakaperfect. 4 lang ang hindi nakaperfect pero yung 4 na iyon hindi nalalayo sa perfect score mamin. Isa, dalawa ang mga mali nila.

"I'm expecting na makakaperfect rin yung apat next test. Better luck next time. Passing score 20/20. Class dismiss." Sabi nito.

Nagulat na lang ako. Passing score 20? Halos perfect na iyon. Grabe. Mas naniniwala pa ako yung 4 na iyon ay hindi komokopya. Naniniwala akong mas matalino pa sila kaysa sa iba.

"God job." Nakangising sabi sa akin ni Jawrence.

"Job? Trabahong magpakalat ng sagot?" Inirapan ko siya saka lumabas.

'Ano ka ngayon Jawrence? Nakatikim ka ng pagmamaldita ko.'

Naglakad na akong palabas ng building may shortcut dito papunta sa next class ko.

Hindi ko talaga makalimutan ang ginawa ng Livingston na iyon. Sobrang kapal ng mukha niyang ibigay ang papel ko sa iba. Hindi namam sa kanya yun.

"Ay!-Shit!" Nagulat na lang ako ng biglang may humablot sa braso ko.

Seryosong pinagmamasdan niya ako. Mas matangkad siya sa akin sobra. 6 ft ata ang height niya. Tama lang ang pangangatawan niya.

"Is there any problem?" Cold na sabi niya. "Sa papel mo ba na ibinagay ko sa kanila? Big problem, huh?" Sarkastikong sabi niya.

"My paper is not yours." Seryosong sabi ko. "May next class pa ako. And excuse me, i don't know you." Sabi ko. Akmang aalis ako bigla niya ulit akong hinila at ikinulong sa braso niya. Anong gagawin niya sa akin? Kinakabahan ako baka patayin ako nito.

'Bakit niya ba ako kinakausap?'

"Transferee ka nga." Cold na sabi niya. Nagbago na naman siya ng mood. "Let me introduce myself. I'm Prince Jawrence Livingston." Malinaw na pagkakasabi niya. "You said I'm a freak, right?"

Tinitigan ko siya sa mata sa mata. Masyadong misteryoso ang mga mata niya. Parang laging may nakatago.

"So?" Sabi ko.

Nagtiim ang panga at pilit na ngumisi. May kinukuha siya sa bag niya.

May binigay siya sakin na papel. Teka--

"Blue slip... Mananatili ka dito...










pero hinding hindi ka na makakaalis." Nakangising sabi niya. "You will stay here until the end. At ipapakilala ko sayo ang tunay na kapangyarihan ng isang Livingston. Hindi magandang ugali ang sumagot sagot sa nakakataas. Sa oras na balakin mong umalis sa University namin. I don't hesitate to give you a red slip." Nagbabantang sabi niya at saka umalis.

Napako ako sa kinatatayuan ko. Halos manghina ang tuhod ko sa mga salita niya. Alam kong hindi dapat ako maapektuhan sa sinasabi niya pero hindi ko maiwasan.

'Your life is in danger.'

Dalawa na kaming nabigyan ng blue slip.

~To be continued...

DON'T FORGET TO FOLLOW, VOTE AND COMMENT. SUPPORT MY STORY! THANKS A LOTTT!

-J e y v i d i v i

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

7.2K 440 26
Veranell Laxinne is a well-known heiress of the Laxinne family. Her father, a military general, and her mother, a famous lawyer, have provided her wi...
46.4K 1.3K 40
As a assassin , Charlotte Vinci is best at kill . Shes a college student , currently studying in Medical field. And in her free time , shes studying...
218K 255 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞
Hush Od allnightone

Nezařaditelné

6.7K 3 60
Compilation Each of the stories are not mine, credit to the owners.