The Return of ABaKaDa (Publis...

By risingservant

6.1M 204K 33.4K

AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'y... More

The Return of ABaKaDa
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Elmo's Note
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100 (part 1)
Chapter 100 (part 2)
Epilogue
Wattys 2016
Announcement
Announcement II
Announcement III
Announcement IV

Chapter 80

40.8K 1.4K 37
By risingservant

Nagulat ako sa sampal ni Divine. Hindi ko inaasahan na gano'n ang ibubungad niya sa akin. Isa lang ang ibig sabihin nito, galit pa rin siya sa akin. Hindi ko talaga maiwasang mag-isip kung ano ba ang nagawa ko sa kaniya at gayon na lang kung magalit siya sa akin.


Nakatulala lang ako sa kaniya na walang ekspresiyon. Habang nakatitig sa kaniyang mga mata, batid ko ang lungkot na nagkukubli mula rito. Malalim ang sugat na mukhang matagal hilumin.


"Anong ginagawa mo rito?" pagbasag niya sa katahimikang bumabalot sa pagitan namin.


Hanggang ngayon, pilit pa rin niyang ipinapakita sa akin na matatag siya, matatag ang kalooban niya kahit na hindi niya na kaya.


"Patawarin mo na ako sa kung anuman ang nagawa kong kasalanan sa iyo," ani ko.


Akmang hahawakan ko siya sa kaniyang braso nang bigla niyang tampalin ang kamay ko.


"Umalis ka na habang nakakapagtimpi pa ako. Hindi kita kailangan dito," giit niya at biglang nahiga sa kaniyang kinalulugdan at nagtalukbong ng kumot.


"Huwag ka nang magpanggap na malakas ka, na kaya mong suungin ang problema mo nang mag-isa. Alam kong hirap na hirap ka na, bakit ba hindi mo hayaang tulungan kitang pasanin ang problema mo?" litaniya ko.


"Kaibigan mo ako, alam kong maselan ang kondisyon mo. Maski sino namang tao na nasa kalagayan mo ngayon ay panghihinaan ng loob. Ano pang silbi ng pagkakaibigan kung hindi naman tayo magtutulungan. Sa huli, tayo-tayo lang din ang magkakaunawaan," dugtong ko pa.


Hindi ko alam kung saan ko hininugot ang lakas ng loob na iyon para masabi ang mga katagang iyon sa kaniya. Napabungtong-hininga ako matapos no'n.


Kaagad niyang tinanggal ang kumot na nakatalukbong sa kaniya at bumungad sa akin ang totoong Divine. Rumaragasa na ang mga luha sa kaniyang mukha. Sumabog na ang nagsusumidhi niyang damdamin na kanina niya pa pinipigilang ilabas.


"Kaibigan? Nagpapatawa ka ba?" aniya na lumaslas sa aking kalooban.


Nang sabihin niya iyon, para bang sumikip bigla ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang nais niyang ipahiwatig. Isa lang ang sigurado ako, nasasaktan ako.


"O? Napatigagal kang bigla? Nagulat ka ba?" aniya.


May diin sa bawat salitang pinapakawalan niya. Pakiramdam ko tuloy, ang dami kong kasalanan sa kaniya.


"Bakit ba ganiyan ang trato mo sa akin? Para bang napaka walang kwenta kong kaibigan. Ano bang kasalanan ko sa iyo?"


Isang pagak na ngiti ang itinugon niya sa akin.


"Ang totoong kaibigan, laging nandiyan kapag kailangan mo siya. Hindi lang sa tuwing may kasiyahan kung hindi pati na rin sa oras ng kapighatian," pahayag niya.


"Sa panahong kailangan kita, nasaan ka ba? Wala 'di ba? Kasi, busy ka sa pakikipaglandian diyan sa Jerico na iyan," dugtong pa niya.


"Alam mo namang hindi ako ganiyan, hayaan mo namang magpaliwanag ako..." singit ko.


"Tumigil ka! Huwag ka munang magsalita! Hayaan mo munang ilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko sa iyo!" sigaw niya kaya itinikom ko muna ang aking bibig.


Nasasaktan ako kasi humahagulgol siya sa pag-iyak ngayon. Masakit para sa akin na makita mo ang kaibigan mong umiiyak sa sobrang kapighatian pero wala kang magawa kung hindi pagmasdan siya at panuorin na lamang ang pagsusumamo niya.


"Ikaw lang ang babaeng ka-close ko. Halos lahat-lahat nga ay alam mo sa akin. Pero ako? Limitado lang ang alam ko patungkol sa iyo."


"Sinasabi ko ito sa iyo dahil tinuring na kitang bestfriend. Lahat ng sikreto ko, alam mo. Open book ang buhay ko sa iyo."


"Alam mo ba kung ano ang ikinapuputok ng butsi ko? Malamang hindi. 'Yong feeling na mayroon kang itinuturing na bestfriend pero 'yong taong iyon ay hindi ka naman bestfriend. Masakit din pala."


Para akong pinaulanan ng mga sibat dahil sa mga sinasabi niya. Masakit nga.


"Okay lang, tanggap ko naman na hindi mo ako bestfriend. Pero kasi iba itong problema ko ngayon. Alam kong parang OA ko na pero ito talaga ang hinanakit ko sa iyo e."


"Ikaw lang ang masasandalan ko sa tuwing may problema ako. Alam mo naman 'yong dalawa na walang alam sa mga ganitong kakumplikadong bagay lalo pa't masyado emosyonal tayong mga babae."


"Napapagaan mo ang mga dinadala ko sa pamamagitan ng mga payo mo. Pero wala e. Hindi naman habang buhay ay aasa ako sa iyo."


"Morixette, may sakit ako! Hindi na ako tatagal pa sa mundong ito!"


Bakas sa kaniyang mukha ang sakit na kaniyang tinatamasa. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. Para bang may pumipigil sa sistema ko.


Napahagulgol siyang bigla sa pag-iyak.


"Sabi ng doctor, stage 4 na raw ang kanser ko. Tumor. Kahit anong oras, maaari na akong mawala sa mundong ito..."


Sa minutong ito, bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob na yakapin siya. Hindi naman pumalag ang kaibigan ko at tuluyan na siyang umiyak sa aking bisig.


"Iiyak mo lang iyan. Ilabas mo ang sakit."


"Marami akong kasalanan at pagkukulang sa iyo bilang iyong kaibigan. Hayaan mo, babawi ako."


Hindi ako sanay sa ganitong tagpo. Hindi ko alam kung ano ang ipapayo ko sa mga taong bilang na lang ang itatagal sa mundo. Tanging dasal at pananalig na lamang ang maaari kong maitulong sa ngayon.


Medyo matagal din ang iyakan porsiyon naming dalawa. Nakakahawa ang iyak ng isang kaibigan kapag alam mong matindi ang kaniyang pinagdaraanan.


Makalipas ang kalahating oras, nag-ayos na kami ng aming sarili.


"Salamat," bungad ni Divine.


"Walang anuman," tugon ko at nagyakapin ulit kaming dalawa.


Maayos nang muli ang aming samahan. Kung totoo talaga kayong magkaibigan, mabilis lang din kayong magkakapatawaran. Sabi nga nila,'Laughter is the best medicine.' Pero para sa akin,'Forgiveness is the best medicine.'


Ilang saglit pa, bigla namang nagliwanag ang libro sa loob ng aking bag.

Continue Reading

You'll Also Like

100K 4K 36
[MR. COLD VS. MR. PERFECT's BOOK 2] Expect more twists and turns. Kilig and heartbreaks. Will it be a happy ending this time? And with whom? Let's fi...
305K 7.9K 14
"Saan napunta ang kanilang mga katawan?"
1.9M 103K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
11.6M 324K 43
Special Section book 2. Hindi mo siya mahahanap. Hindi mo siya matatakbuhan. Available in Bookstores, Convenience Stores, newsstands and online natio...