Chased (In Luv Series #1)

By chinieanne

27.3K 1.4K 290

CHASED (BTS JIMIN FANFIC) In Luv Series #1 chinieanne's storyline allrights reserved 2016 "You chose to chase... More

Chased (In Luv Series #1)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanta 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
a/n
Chinieanne's other stories
FALL (New Story Alert)

Kabanata 31

274 19 0
By chinieanne

Kabanata 31

Tteokbokki

"Congratulations, Clara. Welcome to Seoul Art University." Nakangiti akong binati ni Ms. Shin matapos niyang lumabas sa opisina ng presidente. Binalik ko sa kanya ang ngiti. Pero may kung anong bagay ang bumabagabag sa akin.

"Thank you, Ms. Shin." Muli niya akong nginitian bago muling tumalikod pabalik sa kwarto ng presidente. Napabuntong hininga ako. I choosed this. Kailangan kong panindigan.

Umuwi ako sa hotel na tinutuluyan namin nina kuya. Dala ang magandang balita ay nakangiti akong pumasok doon. Nadatnan ko sila na mukhang may seryosong pinag-uusapan.

"Good evening, kuya!" Ngiting-ngiti ako. Hindi pinansin ang nadatnan ko. Inabot ko sa kanya ang mga papel na nagkukumpirma na pasok na ako sa pangarap naming eskwelahan noon.

"What is this?" Kunot noong tanong niya.

"I passed the qualifications and exams at Seoul Art University. Doon na ako mag-aaral." Gulat na gulat niya akong tiningnan. Nagtaka pa ako sa naging reaksyon niya. Muling kumunot ang noo niya at napakamot sa kanyang batok. Nagkatinginan sila ni ate Chi.

"Sigurado ka na ba talaga dito, bunsoy?" Mabilis akong tumango.

"Oo naman. Once in a lifetime opportunity ito, kuya. Mabuti nga at nakilala agad ako ni Miss Shin at mabilis na tinanggap ang application ko." Pumunta ako sa kusina at dumiretso sa harapan ng refrigerator. Kumuha ako ng malamig na inumin.

"Kailan ka nagpasa?" Bakas ang iritasyon sa boses ni kuya. Sinundan niya pala ako. Nilingon ko siya ng nakakunot ang noo matapos ibaba ang basong pinag-inuman ko.

"Bakit parang hindi ka masaya para sa akin, kuya? What's with your expression? Akala ko ba gusto mo akong mag-aral dito?" Hindi ko napigilang ilabas pabalik ang iritasyon ko. Napagod ako sa mga naging lakad ko nitong nakaraang mga araw kaya wala akong panahon na pahabain pa itong pag-uusap namin ni kuya.

"Matutulog na po ako." Tinalikuran ko na siya matapos no'n. Mabilis kong tinungo ang aking kwarto at nilock ang pinto.

Walang makapipigil sa naging desisyon ko.

Nawala ang nag-aagaw kong tulog nang marinig ang pagtunog ng aking cellphone. Nakakunot kong tiningnan ang pamilyar na dulo ng numero. I changed my number. Binura ko na rin ang contacts ko sa lahat ng taong iniwan ko. Pero hindi ko malilimutan ang pamilyar na numerong ito.

I cancelled his call. Binalik ko sa ilalim ng aking unan ang cellphone at pilit na nagpaantok.

Did kuya gave my number to him? Umiling ako. Wala na dapat akong pakialam.

Inayos ko ang aking pagkakahiga matapos kong magpaikot-ikot sa kama upang mahanap ang aking antok. How can I sleep if memories of yesterday and his tears keeps on playing on my head? Tumihaya ako at tinitigan ang kisame.

This is the right thing to do. Ito ang pinili kong solusyon sa lahat ng nangyari. Pero bakit tila naduduwag ako? Bakit parang sumusuko na agad ako sa naging desisyon ko.

"Finished that activity and I'll guide you to your new room." Tumango lang ako kay Ms. Hwang matapos niyang sabihin iyon. Ms. Hwang is my teacher in modelling. Medyo mahirap ang pakikipag-usap sa kanila lalo na't magkakaiba ang mga mother tounge namin. We both know how to communicate in English language but it's not that easy. Hindi lahat ng guro ay kayang makipag-usap sa foreign student na gaya ko.

Matapos ang activity na pinagawa sa akin ni Ms. Hwang ay sumama na ako sa kanya patungo sa bagong kwarto ko.

Since I'm a foreign student, they offered a room for me kasama ang iba pang trainee nila. Ang iba ay foreigner din pero mas madami ang Koreans. This school is build to train aspiring idols and models. May kanya-kanyang building para sa bawat talent na mayroon ka. Mayroong pang-singer, dancer, model or idol-- which is dapat tinataglay mo ang lahat ng talenteng iyon.

"This is going to be your room. For now, this is yours alone." Tumango na lang ako sa sinabi niya. May sinabi pa siya pero hindi ko na naintindihan. Korean kasi. At hindi ako maalam sa pag-intindi ng lenggwahe nila. Hindi ko pa nga kabisado hanggang ngayon ang alphabet nila.

Nasa kwarto na ang gamit ko pagpasok ko pa lang sa loob. Dahil oras naman na ng pahinga ay dumiretso na agad ako sa kama. Dalawa ang kama sa kwartong ito at marahil ay may makakasama ako dito. Iyon siguro ang gustong sabihin ni Ms. Hwang kanina.

Pinili ko ang kama na malayo sa pintuan. Ayokong madaan-daanan ng magiging kasama ko sa kwarto.

Pagkabagsak na pagkabagsak ng aking katawan sa kama ay agad kong naramdaman ang pagod. Not just physically but emotionally. Pagod na pagod na ako.

Isang buwan na rin simula nang pinili kong mag-aral dito. Sumama lang ako kina kuya sa honeymoon nila dito sa Korea matapos ang kasal. Gulong-gulo na kasi ang isip ko no'n. Maraming nangyari matapos ang kasalanan. Nakausap ko si Lhieanne at nalaman ko ang matagal ko nang gustong mabigyang linaw. Ilang araw ko iyong pinag-isipan hanggang sa nangyaring nagdesisyon akong sumama kina kuya.

This is my dream place at alam iyon ni kuya kaya sinama niya ako. Alam niya ring nagkakagulo kaming magkakaibigan at kailangan ko ng escape.

Two weeks lang sana ang magiging stay namin pero palihim ko nang nilakad ang papel ko sa eskwelahang pinapasukan ko. Busy sa sariling gala sina kuya kaya ko nagawa. Matagal ko rin itong pinag-isipan. At ito ang naging desisyon ko.

Pagkatapos malaman ni kuya ang ginawa ko ay nagalit siya sa akin. Hindi niya pinansin. Two days bago ang flight pabalik sa Pinas ay kinausap niya ako. Tinanong kung talaga bang sigurado na ako. I just nod. Hindi na magbabago ang desisyon ko.

Inayos ni kuya ang lahat. Mula sa pagtutuluyan ko hanggang sa lahat ng kailangan ko sa school at pananatili rito. Ngayon ay mag-iisang buwan na akong sinasanay dito.

Araw-araw akong tinatawagan ni mommy. Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na namimiss niya na ako. Iyon ang dahilan kung bakit naduduwag na ako. Kung bakit parang gusto kong tumakbo pabalik sa kanila. Pero naisip kong hindi pwede. May agreement akong pinirmahan. They'll train me until I become a professional model. At hindi ko alam kung hanggang kailan iyon. Kung gaano katagal ang magiging pagsasanay ko. Gayong ngayon pa lang ay nahihirapan na ako dahil ss language barrier. Lutang pa ang isip ko para matuto ng bagong lenggwahe.

Nang maglinggo ay hinayaan ako ng propesor ko na makalabas ng dorm. Una kong pinuntahan ang coffee shop na malapit lang rin sa tinutuluyan ko dahil dalawang buong linggo akong hindi nakatikim ng kape o kahit na anong matamis. They're so strict with my diet. Tea ang madalas nilang ipainom sa akin at hindi ako nakakakain ng kanin. Knowing that I grew up eating rice thrice a day, hindi ako sanay. But eventually, nakasanayan ko na rin.

Limang buwan na rin ang nakalilipas. I'm still surviving.

Nang dumating ako sa coffee shop na gusto ko ay sarado ito. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Where will I eat?

Nang makakita ako ng bata na may kinakaing street foods ay biglang nagningning ang mga mata ko. Oo nga pala. Nakalimutan kong masasarap ang street foods dito.

Matapos kong i-open ang GPS ko at i-search ang lugar na puro street foods ay sinundan ko ito. It's just walking distance. Dalawang streets lang ang nilagpasan ko. And now I'm here! Naaamoy ko na ang heaven.

Una kong nakita ang heotteok or simply pancaked in english. Lumapit ako sa stall ng isang matandang lalaki. I smiled at him. He returned back the smile.

"Heotteok ilinbune eolmaeyo?" Dahan-dahang bigkas ko. I'm still not fluent. Tinatanong ko kung magkano ang isang serving ng pancakes.

"250 won." Nakangiti nitong sabi.

"Jinja?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Masyadong mura iyon para sa isang pancake.

May sinabi pa siya bago iabot ang plato na may pancake. Ngumiti na lang ako bago nag-bow tanda ng respeto. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya pero nagpasalamat pa rin ako.

"Kamsahamnida." Turan ko bago tuluyang umupo sa mahabang upuan sa tapat ng kanyang stall. Takam na takam kong tiningnan iyon.

"I'm starving!" Hindi mapigilang sabi ko. Para akong bata na sarap na sarap sa kinakaing pancake. Nakakamiss kumain ng matamis. Alam kong makasisira sa diet ko ito pero bahala na. Ngayon na lang ulit ako nakakain ng ganito.

Nang maubos ang pancake ay gutom pa ako. I want to try tteokbokki. Muli akong nagpasalamat sa nagtitinda at lumipat sa kabilang stall na mayroong tindang tteokbokki. Agad akong umupo sa mahabang upuan at tinuro na lang ang pagkaing gusto ko. May sinasabi siya pero hindi ko maintindihan. Nagkunot ako ng noo.

"Jeogiyo, ajumma. Yeongeo hal jul aseyo?" I asked the old woman if she's speaking english. I crossed my fingers. Gusto kong may makausap ng matino.

"Ani." Iiling-iling nitong sagot. Ngumiti ako sa kanya. Bigo kong tiningnan ang tteokbokki sa aking harap. Maraming bumibili sa kanya ngunit bihira ang kumain mismo dito sa kanyang stall. Nalungkot ako. Akala ko pa man din makakakain na ako ng marami ngayon.

"I want to eat tteokboki! Bakit kasi ang hirap makipag-usap? Ayoko na..." Binagsak ko ang aking mukha sa mesa. Nakakafrustrate.

"Han tteogbokk-i hasibsio."

"Here. Eat this." Napaangat ako ng tingin nang may naglagay sa aking harapan ng isang serving ng tteokbokki. Nilingon ko ang naglagay noon. Lalaking may mask ang mukha at nakacap. Abala siyang kumain ng hot dog sa stick. Ngiting-ngiti ko siyang hinarap.

"Kamsahamnida!"

Nakita kong nanliit ang mga mata niya.

"Just eat. You're a Filipino?" Nagulat ako.

"Hey! How did you know?"

Nagkibit balikat lang siya.

"A basta. Salamat dito, kuya. You made my day." Kumuha ako ng chopsticks atsaka sinimulang kainin ang rice cake ko.

Hindi niya na ulit ako kinausap. Hinayaan ko na lang. Nang makita kong nagbayad siya ay nagmadali agad ako. Kumuha ako sa aking pitaka ng pera at inabot ito sa tindera. Hinabol ko 'yung lalaki. I just want to thank him again.

"Wait! Lalaking nakacap at mask!" Pilit ko siyang hinabol pero mabilis ang kanyang naging lakad. Lumiko siya sa sunod na street. Walang tao doon.

"Hey! You walk so fast. I just want to say thank you." Hinabol ko ang hininga ko. Nanatili siyang nakatalikod sa akin. Nakita kong hinubad niya ang suot niyang cap. At kasabay ng pagharap niya ang pagtanggal niya naman sa mask.

Nagulat ako sa nakita ko.

Hindi ako pwedeng magkamali. It's him!

Continue Reading

You'll Also Like

400K 29.9K 7
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
5.2M 104K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
24.4M 712K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...