The Return of ABaKaDa (Publis...

By risingservant

6.1M 204K 33.4K

AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'y... More

The Return of ABaKaDa
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Elmo's Note
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100 (part 1)
Chapter 100 (part 2)
Epilogue
Wattys 2016
Announcement
Announcement II
Announcement III
Announcement IV

Chapter 76

40.8K 1.3K 197
By risingservant

Jerwel's POV


Nagising ako na madilim sa loob ng aking kwarto, nakapatay ang ilaw. Ang tanging tumatanglaw sa aking silid ay ang liwanag na mula sa buwan. Hindi ko alam kung anong oras na.


Nang igagalaw ko ang aking mga kamay at paa, tila ba hindi ko ito maikilos mula sa kinalulugdan ng mga ito. Sa aking pagkawag, doon ko napagtantong nakatali sa apat na sulok ng aking kama ang aking mga kamay at paa.


Hindi ko maintindihan kung bakit naging ganito ang aking posisyon. Sa pagkakatanda ko, humingi ako ng gamot sa kasambahay namin tapos nawalan na ako ng malay. Sino ang may kagagawan nito? Ano ang rason niya para ganituhin niya ako?


"Tulong! Tulungan niyo ako! Mommy! Daddy! Angelika! Tulong!" sigaw ko.


Patuloy pa rin ako sa pagkawag at nagbabaka-sakaling lumuwag ang pagkakatali sa akin ngunit sadyang napakahigpit ng mga ito.


Bumukas ang pinto ng aking silid at naaninaw ko ang bulto ng isang tao na nakatayo sa may pintuan habang siya'y nakapameywang.


"Sino ka? Ano ang kailangan mo sa akin?" bungad ko habang nagngangalit ang aking mga ngipin.


Hindi siya nagsalita. Bagkus, binuksan niya ang ilaw at unti-unti kong naaninaw ang kaniyang pigura.


"A-angelika? B-bakit?" medyo utal kong sambit.


Hindi ako makapaniwala na ang isang dekada na naming kasambahay ay gagawin ito sa akin. Pamilya na ang turing namin sa kaniya. Hindi naman siya katandaan. Nasa late 20's na kumbaga.


Tanging nakakalokong ngiti ang tugon niya sa aking katanungan. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin.


"Pasensiya ka na kung ikaw ang napagbuntunan ko ng galit. Kung tutuusin, ang mga magulang mo ang sisihin mo kung bakit ako nagkakaganito!" nanggagalaiti niyang tugon habang nanlilisik kaniyang mga mata sa galit.


Hindi ko siya maintindihan. Bakit siya magagalit sa mga magulang ko? Ano bang kasalanan nito sa kaniya?


"Angelika, huminahon ka. Maaayos naman natin ang problema niyo ng mga magulang ko. Ako na ang kakausapin sa kanila kaya please pakawalan mo na ako."


Mas lalo siyang nagalit dahil sa aking tinuran.


"Huminahon? Huh, hindi na maibabalik pa ang mga oras na nasayang. At hindi na rin maibabalik pa ang buhay na nawala!" giit niya habang piga-piga ang aking panga.


"A-angelika m-masakit!"


Ang sakit ng panggigigil niya sa panga ko. Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin sa mga katagang pinakawalan niya.


Binitawan niya ang pagkakapiga sa panga ko kaya medyo makakapagsalita na ako nang ayos.


"Ano bang problema mo sa mga magulang ko?"


Bago siya magsalita, isang sarkastikong ngiti ang ibinigay niya sa akin.


"Napakalaki ng problema ko sa mga magulang mo! Por que kasambahay niyo lang ako e hindi na nila tatratuhin nang tama. Isa lang naman ang nais ko e... Ang pa-swelduhin nila ako nang maaga para maipagamot ko ang anak kong nag-aagaw buhay sa ospital noong isang linggo..."


Nawala ang galit na bumabalot sa kaniya kanina. Sa kaniyang paglalahad ngayon sa aking harapan, emosyonal na Angelika ang aking nasisilayan. Tahimik lang akong nakikinig sa mga hinaing niya sa magulang ko, at sa pagsusumamo patungkol sa kaniyang anak.


"Ipinaalam ko ang sitwaayon ng anak ko sa kanila. Lahat na ng pagmamakaawa ay ginawa ko ngunit binalewala lang nila iyon! Alam mo ba kung ano ang sagot nila sa akin? Malamang hindi. Heto lang naman ang sagot ng mommy mo..."


"Wala akong pakialam sa anak mong nag-aagaw buhay sa ospital! Kasambahay ka lang rito kaya gawin mo na ang mga trabahong hindi mo pa nagagawa! Sa katapusan pa ang sahod mo kaya matuto kang maghintay!" tugon ng mama mo.


"Nang sambitin niya iyon, talagang nagpanting ang mga tainga ko! Nanggigigil na nga ako sa galit dahil ang baba ng tingin niya sa akin! Wala siyang puso! Walang pakundangan!" aniya.


Naaawa tuloy ako ngayon sa kinahantungan ni Angelika. Mabait naman siya kaso ano talaga si Mommy.


"Kay Daddy? Bakit hindi ka humingin ng tulong sa kaniya?" tanong ko.


"Anong hindi? Lumapit nga kaagad ako sa kaniya matapos akong anuhin ng mommy mo! At heto ang sinabi niya..."


"Angelika, wala akong maitutulong sa iyo. Busy ako sa trabaho at doon ka sa asawa ko magmakaawa," tugon ng daddy mo.


"Sinong hindi maiinis? Simpleng pakiusap lang naman ang nais ko a? At isa pa, tapat naman akong nagtatrabaho sa inyo. Sa loob ng isang dekada, masasabi kong hindi niyo ako itinuring na pamilya. Mababa pa rin ang tingin niyo sa akin. Lalo na ang mommy mo na mapangmata!"


"Tapos ngayon, patay na ang pinakamamahal at nag-iisa kong anak! Kasalanan nila ang lahat ng ito! At dahil buhay ang nawala, buhay din ang kapalit..."


Kinabahan na akong muli dahil nag-iba na naman ang aura niya. Galit na galit siya at puno ng poot ang kaniyang puso.


Unti-unti siyang humakbang papalapit sa akin habang nakangiti ng nakakatakot at may kinakapkap siya sa kaniyang bulsa.


Nanlaki ang mga mata ko nang ilabas niya ang isang blade mula sa kaniyang bulsa.


"Huwag! Huwag mo akong sasaktan! Itigil mo iyan! Please!" pagmamakaawa ko.


"Kung ang mga magulang mo nga e hindi naawa sa akin. Ako pa ba ang maaawa sa iyo?"


Ayoko pang mamatay!


"Mommy! Daddy! Tulungan niyo po ako!" sigaw ko.


"Kahit magsisigaw ka pa nang paulit-ulit, walang makakarinig sa iyo! Haha! Tayo lang ang tao sa bahay niyo at hindi makakauwi ang mga magulang mo dahil busy sila sa pagpapayaman!"


"Magugulat na lang sila bukas pagdating nila rito na matatagpuan nila ang kanilang unico hijo na naliligo sa sarili niyang dugo! Hahaha!" aniya na humahalakhak sa sobrang ligaya.


"Wala kang mapapala kung papatayin mo ako!" matapang kong sambit kahit na lubos pa ring dumadagundong ang puso ko.


"Anong wala? Meron! Kapag namatay ka, makakapaghiganti na ako sa magulang mo! At isa pa, mabibigyan ko na nang hustisya ang anak ko!"


"Hustisya? Maling-mali. Kapag pinatay mo ako, makukulong ka!"


"Hahaha, hindi ako natatakot na makulong! Wala na ang pinakamamahal kong anak kaya balewala na rin ang pagtatrabaho ko!"


"Simulan na natin ang pagpapahirap sa iyo..."


Buong pwersa akong nagkakawag sa aking kinahihigaan para makatakas ngunit bigo ako. Nakaupo na siya ngayon sa may kama ko at itinapat niya sa kanang mata ko ang hawak niyang blade.


"Maglalaro muna tayo para mas masaya. Mas mainam kapag nakita ng mga magulang mo ang bangkay mo na pinahirapan muna bago tuluyang kinitil ang buhay. Magandang ideya 'di ba?"


"Nababaliw ka na, Angelika!" giit ko.


"Siguro? Hahaha!"


Hindi ko alam kung paano ako makakatakas sa kaniya. Isa lang ang idinadalangin ko, ang umuwi ang mga magulang ko para matulungan nila ako.


"Ang kapal ng kilay mo a. Ano kaya kung ahitin natin ito? Baka maging mas bagay sa iyo..."


Umiiling-iling ako dahil kilay ko na nga lang ang asset ko tatanggalin niya pa.


"Huwag!"


"Ahhhh!"


Wala na akong nagawa pa. Unti-unti niyang inahit ang pinakamamahal kong kilay hanggang sa makalbo ito.


"Ang nice! Hahaha!" sambit ni Angelika na tuwang-tuwa pa.


May dinukot siya muli sa kaniyang bulsa at inilabas niya ang isang bilog na salamin at ito'y itinapat sa akin.


"Pagmasdan mo ang iyong sarili... my precious... Hahaha!"


Galit na galit ako dahil sa paglalapastangan niya sa kilay ko. Nakakuyom ang aking mga kamao na tila nanggigigil na nais siyang suntukin.


"Hala, nagliliwanag ang noo mo!"


Napatigil siya sandali sa pagsasaya habang nakatapat pa rin sa akin ang salaming hawak niya. Sa aking noo, matatagpuan mo ang letrang Ya na nagliliwanag dito.


"Ano ang ibig sabihin niyan?" nagugulumihanang tanong ni Angelika.


Naalala ko ang misyon ni Morixette nang dahil sa librong nasa kaniya. Ibig sabihin ba nito, katapusan ko na?


"Nawala ang letrang Ya sa noo mo pero may pangungusap na nagliliwanag muli rito..."


Siya ang magwawakas sa buhay mo.


Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang dahil doon. Pero kung ako nga talaga ang puntirya ng libro ni Morixette, ibig sabihin... papunta siya rito.


Tama! Kaya pala tinawagan niya ako kanina! May tiyansa pa akong mabuhay! Morixette, sana maabutan mo pa akong buhay.


"Paano ba iyan? Ako pala talaga ang kikitil sa buhay mo."


Unti-unti nang nawala ang nagliliwanag sa aking noo kaya ibinalik niya nang muli sa kaniyang bulsa ang hawak niyang salamin.


Dahan-dahan niyang inilapit sa aking mukha ang hawak niyang blade hanggang sa matunton nito ang aking kanang pisngi at marahan niya itong hiniwa.


"Ahhhh!"

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 99.9K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
9.3M 392K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
Pagsamo By Señorita M

Historical Fiction

73.2K 523 4
In the Filipino town of Santa Crusiana, a young man named Leonor marries a woman whose head has been torn off from an old photo. Within the Seguismun...
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...