Invisible (On editing process)

Bởi aira_irish

27.1K 221 62

Matalik na magkaibigan si Zie at Rj simula sa pagkabata pero dahil sa mapaglarong manipula ng tadhana. May ma... Xem Thêm

Invisible (Prologue) Edited
Chapter 1 (edited)
Chapter 2 (edited)
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Irish 1 on 1 (Meet Some of the Invisible Cast)
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 61 (End) ;)

Chapter 60

541 10 4
Bởi aira_irish

Irish's Notes: Yes! Isang update na lang at matatapos na ang kwento ni Zie at Rj... Salamat sa mga readers na matiyagang naghihintay sa aking update kahit na kung minsan ay medyo matagal.

Sana huwag kayong magsawang sa pagsubaybay sa kwentong ito... Salamat sa JamZie at Cuddlers na naging inspirasyon ko sa pagsulat ng kwento to dahil hindi ko to magagawa kung wala kayo. ;)

Maraming Salamat!!! <3 Enjoy reading!

PS: Idedicate ko ang chapter na to kay vaness143 kasi binabasa ko ang article niyang EXCELLENCE. Maganda ang article nadidiscover ang mga may talent talaga in writing... ^__^ iyong tipong pwede na i publish ang mga gawa nila... Thanks!!!

Chapter 61

Nakahinga ng maluwag si Tricia nang makaalis siya ng wedding booth at kasa-kasama pa rin niya si Ivan na tila wala siyang pakialam sa nangyari kanina. Hindi mawala sa  kay Tricia ang sobrang pagkainis. Tahimik lang sila naglalakad at wala sa kanila ang nag-salita. Hindi makatiis si Tricia kaya binasag niya ang katahimikan sa paligid nila.

“Bakit hindi man lang nag-umangal sa wedding booth in-charge kanina? Alam mo namang marami pa akong gagawin sa photo exhibit ko. Ilang oras na lang natitira sa akin ngayon.” Pagalit na sabi ni Tricia sa kay Ivan.

Hindi nag-abalang sumagot si Ivan at patuloy pa rin silang naglalakad. Ayaw patulan ni Ivan ang pagmamaktol ni Tricia. Iniiwisan na mag-away ulit sila kahit ang totoo ay gustong-gusto niyang patulan na ito.

Mas lalo nainis si Tricia kay Ivan dahil sa hindi nito pamamansin sa kanya. Wala ba talaga siyang pakialam? Nawawalan na siya ng pasensiya dito. Ang hirap kasing basahin kung ano ang iniisip ni Ivan.

“Nakakaasar ka alam mo yun! Makikipagkita pa tayo sana kay James. Ano na lang iisipin ni James dahil hindi tayo sumipot?”

“Tricia, stop it! Will you?” nag-titimpi si Ivan dahil naiinis na rin siya. Huminga siya ng malalim at nagsalita ulit.

“Don’t be so over reacting! It’s just a fake wedding. Bakit ba naman kasi pinapalaki mo ang isyu? Kung iniisip iyong kay James ako na bahala magpaliwanag dahil sa pag-iinarte mo nagmukha tayong katatawanan sa mata ng iba. I’ve never been humiliated all my life, thanks to you!” Singhal ni Ivan kay Tricia.

Natigilan si Tricia sa pag-singhal ni Ivan sa kanya kahit kailan kasi hindi pa siya nakaranas na  sigaw-sigawan. Inaamin niya nasaktan siya.

“OA na kung OA.  I’m sorry kung naging katatawanan ka sa mata ng ibang tao. Hindi ko naman ginusto na ipahiya sa harap ng ibang tao. Patawad ng dahil sa akin ay naranasan mo ang mapahiya. Wala ka kasing alam. Sarili mo lang iniisip mo.” Nagagalit na tugon ni Tricia.

Hindi namalayan ni Tricia na umiiyak na pala siya. Bakit ba kasi sa harap pa ni Ivan siya umiiyak?  Naiinis siya sa kanyang sarili wala pa may nakakita sa kanya na umiiyak kahit si Fretzie na malapit niyang kaibigan ni minsan ay hindi pa siya nakita nitong umiyak.

Nagulat si Tricia sa sunod na ginawa ni Ivan. Niyakap siya ng mahigpit ni Ivan pagkatapos ay pinunasan ang luha sa kanyang mga mata.

“I’m sorry. Hindi ko sinasadya ang sigawan ka.” Sinserong sambit ni Ivan. Hindi niya inaasahan ang ginawa ni Ivan. Nakatingin siya dito at nakaramdam pang-iinit ng magkabilang pisngi niya kaya napayuko siya. Nahihiya siya na mapansin ni Ivan ang pamumula ng pisngi niya

Nakokonsensiya si Ivan nang makita niyang umiyak si Tricia. Hindi niya alam ang gagawin kaya niyakap niya.

“Tricia, meron ka bang bad memory sa wedding booth?” tanong ni Ivan sa kay Tricia. Nabigla si Ivan sa reaksyon ni Tricia. Kitang kita ang lungkot sa mga mata nito.

Hindi naman inaasahan ni Ivan na sasagutin ni Tricia ang katanungan niya.

“One year ago, nagkagusto ako sa isang guy kaso taga kabilang school lang siya. Tapos hindi ko inaasahan na may gusto din siya sa akin kaya niligawan niya ako. Nang magkaroon ng school fair sa paaralan niya inimbita niya ako, pumayag naman ako. Balak ko sana siyang sagutin ng araw na iyon. It turns out to be my nightmare.” Pinipigilan ni Tricia ang maiyak habang kinukwento niya kay Ivan ang nangyari.

“Pagkatapos anong nangyari?”

“Niyaya niya ako sa wedding booth siyempre kinikilig ako nang niyaya ako.  Sino ba ang hindi kikiligin? Parang dineklara niya kung gaano niya ako ka gusto ngunit kabaligtaran pala ng lahat. Noong oras na mag-papalitan kami ng vows doon niya sinabi ang lahat na wala siyang gusto sa akin at pinaglalaruan niya lang ako. Pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay nanliit ako sa sarili ko. Sobrang nasaktan ako sa ginawa niya. 1 week nga ako nagkulong sa kwarto ng mangyari iyon. Natuunan din nawala din si Mama sa bahay kaya wala akong mapagsabihan ni si Fretzie hindi alam ang tungkol dito.” Paliwanag niya kay Ivan.

Naiintindihan na ni Ivan ang lahat. Minsan na niya kasing nakikita na sa tuwing may nagtatangkang mga schoolmate niya na lumalapit sa kay Tricia na may dala na bulaklak o chocolates ay lumalayo na ito agad. Takot si Tricia na lolokohin lang siya ng mga magtatangkang manliligaw sa kanya.

“Tricia, I’m sorry. Kaya pala na ayaw mo ng wedding booth.” Sambit ni Ivan sa kay Tricia.

“Ivan, ano ka ba? Ayos lang iyon.” Nakangiting tugon ni Tricia.

“Don’t worry, Trish. You’ll find a guy who’ll cherish you and love you.”

“Ivan, I don’t know if I ever meet the guy that you’re talking about.” Napatawang sabi ni Tricia ngunit nakita ni Ivan na may bahid ng lungkot sa kanyang mga mata.

“Ang mabuti pa bumalik na tayo sa exhibit mo. May gagawin pa tayong surprise kay James at Fretzie.” Wika ni Ivan.

“Mabuti pa nga.” Sang-ayun na sagot ni Tricia at naglakad pabalik sa photo exhibit niya.

Nakatingin lang si Fretzie kay James. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Ito na ang hinihintay niyang pagkakataon na magkaayos sila. Sa pagkakataong ito, puso naman niya ang dapat niyang pakinggan. Huminga siya ng malalim at pilit kinalma ang sarili, ang lakas-lakas kasi ng kabog sa dibdib niya.

Tinititigan siya ni James na tila hinihintay ang sasabihin niya. “James, i believe you and i think, we should give it a try.” nakangiting sabi ni Fretzie kay James.

Sa sobrang tuwa ni James ay binuhat niya si Fretzie at inikot niya sa ere habang si Fretzie panay tawa nito. Hindi mawala ang ngiti sa kanilang mga labi.

“Charming Zie, I love you and I’ll never get tired saying those words to you over and over again.” Nakangiting sabi ni James at biglang hinalikan sa pisngi si Fretzie.

“James, anong ibig sabihin ng halik na iyon?” kunyaring nagtataray si Fretzie.

Napakamot si James sa kanyang ulo at sumagot. “I can’t simply get enough of you.” pasimpleng wika ni James at kumindat kay Fretzie.

“Huwag ka ngang magpa cute!” natatawang wika ni Fretzie sa kanya. Napahiyaw na lang si James sa sakit nang kinurot ni Fretzie ang magkabilang pisngi niya.

“Bakit mo ako kinurot sa pisngi? Ang sakit-sakit ng pagkakurot mo.”

“Tulad din ng rason mo, I can’t simply get enough of you.” nakangiting sabi ni Fretzie naramdaman ni James ang pamumula ng kanyang pisngi. Hindi dahil sa pagkakurot ng kanyang pisngi nito kundi sa sinabi ni Fretzie.

“Uy, si James. Kinikilig ng dahil sa akin.” tila nagbibirong sabi ni Fretzie. Mas lalong namula si James.

“Charming Zie, kinurot mo ang pisngi ko. Natural na namumula ang magkabilang pisngi ko.” Depensa ni James sa kanyang sarili.

Nagulat na lang si James sa biglang paghalik ni Fretzie sa kanya sa pisngi niya at tumakbo ito papalayo sa kanya.

“James, bayad na ako sa atraso ko.” Nakangising sambit ni Fretzie habang nagtatakbo palayo kay James.

Hinabol ni James si Fretzie parang sila mga bata na naghahabulan sa isa’t-isa. Nang mahuli ni James si Fretzie ay kinulong niya ito sa mga bisig niya.

“Hindi ko hahayaang mawala ka pa sa akin. Mahal na mahal kita. Pinapangako ko hinding-hindi na kita bibitawan.” Bulong ni James kay Fretzie.

Napangiti si Fretzie kay James. “Dapat lang mahihirapan ka ng makahanap ng kagaya ko.”  Pagmamayabang na sabi ni Fretzie at tumawa ito.

“Alam ko.”  Lubos ang kaligayahan ni James dahil okay na sila ni Fretzie. Sana magpatuloy na kung anong meron sila.

Lihim nasayahan ang dalawang nakatingin sa kay James at Fretzie mula sa malayo. Mukhang naging matagumpay ang pag-seset-up sa dalawa.

“Masaya ako na makitang masaya si Fretzie at James.” Nakangiting sabi ni Jj kay Ann habang nakaakbay ito kay Ann.

“Di ba sabi ko sayo effective ang plano ko, tignan mo iyong dalawa. Nakakakilig silang tignan kahit sa malayo.” kinikilig na sambit ni Ann kay Jj.

“Tama ka.” Nakangiting tugon ni Jj kay Ann.

“Teka lang, mukhang may tumatawag sa cellphone ko.” Sabi ni Ann sabay dukot ng cellphone niya sa kanyang bulsa.

“Hello Ann, saan ka ngayon?” sabi ng nasa kabilang linya.

“Oh Ivan, bakit napatawag ka? Nandito ako ngayon sa may gazebo banda kasama si Jj. May problema ba?” tugon niya kay Ivan.

“Kailangan namin ni Tricia ng tulong mo para sa surprise ni James at Fretzie. Nandito kami ngayon sa photo exhibit.”

“Sige pupunta na kami ni Jj diyan. Magkita-kita tayo maya-maya. Bye!” pagkatapos ng tawag ay ibinalik ni Ann iyong cellphone sa bulsa niya.

“Kailangan na nating umalis, Jj.” Wika ni Ann kay Jj.

“Bakit? May nangyari bang hindi maganda?” nag-aalalang tanong ni Jj.

“Wala naman. Tutulungan natin sina Ivan at Tricia sa suprise ni James at Fretzie.” Paliwanag ni Ann.

“Ano pa hinihintay natin? Tayo na.” aya ni Jj kay Ann agad silang umalis at iniwan ang love birds mula sa malayo.

Handa na ang preparation nila para sa surprisa ni James at Fretzie. Hindi na nila kailangan pag batiin ang dalawa dahil ginawan na ni Ann ng paraan.

Kinukwento ni Ann sa kay Tricia at Ivan ang nangyari sa may gazebo. Kinikilig si Tricia habang nakikinig kay Ann tapos si Ivan naman ay napangiti. Lumabas lang ng saglit si Jj para bumili ng makakain nila. Nag-simula ng pumasok ang mga estudyante sa photo exhibit ni Tricia.

Manghang-mangha sila sa mga kuhang shots ni Tricia. May isang estudyante na interesadong bilhin iyong isang larawan na kuha ni Tricia ngunit tumanggi ito dahil isa iyon sa priceless shot niya kaya ayaw niyang ipagbili to.

Silang tatlo ay nawili sa kakakwento. Panay tukso ni Ann sa kay Tricia at Ivan dahil nakita niya ang dalawa sa wedding booth kanina ngunit pilit nina Ivan at Tricia iniiba ang usapan.

“Ikwento niyo sa akin kung anong nangyari sa wedding booth kanina?” paulit-ulit na tanong ni Ann sa kanilang dalawa.

“Ann, kung ano nakita mo kanina iyon na iyon.” Natatawang sagot ni Ivan kay Ann habang tumayo si Tricia ay para asikasuhin ang mga pumapasok sa photo exhibit niya.

“Kj mo naman!” napasimangot si Ann at tumawa lang si Ivan sa reaksyon nito.

“So, ano ayos na ba iyong pagkain para sa candlelit dinner ni Fretzie at James?” pag-iiba ni Ivan ng usapan.

“Oo, natawagan ko na ang restaurant. Ang awkward naman kasi kung dito natin gawin kaya naghanap na lang ako ng ibang lugar. I’m sure magugustuhan nilang dalawa ang lugar.” Nakangiting sagot ni Ann.

“May ideya ka ba kung saan sina Fretzie at James?” usisa ni Ivan.

“Wala akong ideya. Nasa gazebo sila banda nang umalis kami ni Jj.”

“Ganun ba. Tatawagan ko na lang si James na pumunta dito.”

“Hindi na kailangan dahil nandito na kami.” Nakangising pahayag ni James habang kasama niya si Fretzie.

Nabigla si Ivan at Ann nang makita sila. “Ivan, salamat sa ginawa niyo ni Tricia kung hindi dahil sa inyo, hindi kami magkakaayos.” Masayang wika ni James kay Ivan.

“James, maling tao pinapasalamatan mo. Ang katabi ko ang pasalamatan mo.” Natatawang tugon ni Ivan.

Napakunot ang noo ni James sa sinabi ni Ivan tila naguguluhan siya.

“Makikipag-usap kami ni Tricia sayo kaya lang nahatak kami ng taga wedding booth kaya hindi kami nakaalis. Si Ann ang dapat mong pasalamatan. Siya nag-isip ng paraan para pagbatiin kayo ni Fretzie.” Paliwanag ni Ivan kay James. Maliwanag na sa kanya ang lahat.

“James, nagustuhan mo ba ang surprisa ko?” nakangiting sambit ni Ann.

Napatango lang si James at ngumiti hindi kasi sa sapat ang salita para ipahiwatig kung gaano siya kasaya ngayon.

“Hindi pa nagtatapos ang surprise namin sa inyong dalawa.” Papalapit na wika ni Tricia sa kanya.

“Di ba, Ivan?” dagdag na sabi ni Tricia.

“Tama si Tricia.” Tipid na sagot ni Ivan at nakatingin kay Tricia.

Pinapasok si Fretzie at James sa isang silid. Medyo madilim kaya binuksan nila ang ilaw doon napansin nila ang mga larawan naka sabit sa dingding. Lumapit si Fretzie at pinagmamasdan ang mga larawan habang si James ay pumunta sa may mesa sa dulo ng silid.

Nagulat siya nang makita niya ang larawan na kuha siguro ni Tricia noong sa bahay sila nito. Hindi niya inaasahan na nakuhanan sila ng larawan ni James habang na nakatulog sila sa may verandah.

Meron ding ibang kuha si Tricia na pawang stolen shots nila ni James at isa sa mga naka agaw pansin sa kanya iyong nasa backstage sila na nahahalikan na sana siya ni James ngunit naudlot dahil umeksena si Tricia.

“Trish, puro kalokohan ang nasa isip.” Sabi ni Fretzie sa kanyang sarili.

Napangiti si James nang makita niya kung ano ang mga nakalagaw sa mesa. Mga larawan nila ni Zie noong mga bata pa sila at iba nilang gamit. Kinuha ni James ang isang larawan kung saan nakasakay silang dalawa iisang kabayo sa carousel. Kitang kita sa mga mukha nila kung gaano sila kasaya.

Gumaan ang pakiramdam ni James sa lahat ng hindi kanais-nais na nangyari sa kanya ay nalampasan niya ang kanyang problema at nasa maayos na ang lahat.

“Anong meron diyan?” masiglang wika ni Fretzie sa kanya.

“Tignan mo to.” Tinuro ni James ang mga larawan nila noong mga bata pa sila at mga gamit na kanilang pagmamay-ari.

“Bakit nandito to?” nagtatakang wika ni Fretzie at hinawakan ang lumang notebook na lagi nilang sinusulatan nila ni James noong mga bata pa sila.

“baka kinuha ni Jj sa kwarto ko iyan.” Tugon ni James sa kay Fretzie.

“Nabasa mo ba ang lahat ng laman ng nasa notebook?” tanong ni Fretzie sa kanya.

“Oo nabasa ko. Matagal ng pinapatago iyan sa akin ni Kuya Jj kaya lang hindi ko lang binabasa. Who would thought na lahat ng pinagsusulat natin magkakatotoo?”

“Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang sambit ni Fretzie sa kanila.

“Nasa kabila ng lahat, nandito pa rin tayo kahit na parang pinaglaruan tayo ng pagkakataon at pilit nating ilayo ang sarili sa isa’t-isa kusa tayo bumabalik sa isa’t-isa.” Makahulugang pahayag ni James sa kay Fretzie.

Napangiti si Fretzie sa sinabi ni James. Tama nga ito. Maraming nangyari sa kanila pinilit niyang kalimutan kung ano ang nararamdaman niya at tinaboy si James. May parte ng kanyang sarili na pilit na nag-uudyok sa kanya na bumalik. Pwede niya sigurong sabihin na para talaga sila sa isa’t-isa.

Pinaglayo sila ng pagkakataon ngunit ang tadhana din mismo ang kusang nagbigay ng landas para mapalapit sila ulit.

Walang katapusan na suprisa ang binigay sa kanilang dalawa ni James nina Ann, Jj, Ivan at Tricia. Ang akala nilang dalawa tapos na pero meron pa pala. Pinaayusan silang dalawa ni James sa parlor ng Tita ni Tricia.

Pagkatapos ay dinala sila isang fine dining restaurant. Hindi niya inaasahan na matutupad ang isa sa mga pangarap niya ang makapag date sa isang fine dining restaurant at si James pa ang ka date niya. Ngayon pa lang hinihiling niya na sana hindi na matapos ang oras. Sobrang kasayahan ang nadarama niya ngayon.

Ang gwapo at ang kisig ni James sa suot nitong black suit courtesy of Ivan. Tapos siya naman ay nakasuot ng purple tube dress at naka nude color na high heel shoes. Para silang dadalo ng prom sa ayos nila. Todo naman si Tricia sa kakakuha ng larawan nilang dalawa.

Inihatid lang silang ng apat sa restaurant at agad naman silang umalis. Pumasok na sila ni James sa restaurant habang magkahawak kamay silang dalawa. Inalayan silang ng waiter sa kanilang table.

Doon sila banda nakaupo malapit sa may pool side. Tama nga si Ann magugustuhan talaga nila ang restaurant. Nakapa romantic ng ambiance para talaga sa mga couples ang lugar karamihan sa mga guest ay pawang magkasintahan.

Masaya sila ni James na nagkukwentuhan habang kumakain. Hindi mawala ang tingin ni James sa kanya kaya medyo naiilang na siya.

“James, hindi ka ba nagugutom? Hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo.” puna ni Fretzie sa kay James.

Ngumiti si James at nagsalita. “Sapat na sa akin ang makita kitang kasama ko. Busog na busog na ako.”

“Sus, gutom lang iyan, James. Ikain mo na yan. Ang cheesy mo!” natatawang sabi ni Fretzie.

Nang makatapos silang kumain ay may tumutugtog ng violin sa likuran nila. Inaya ni James si Fretzie.

“James, hindi ako sumasayaw.” Nailing niyang sagot.

“Akong bahala sayo.” Nakangiting sabi ni James. Tumayo na si James kinauupuan niya at inilahad ang kamay niya kay Fretzie.

Hinawakan ni Fretzie ang kamay ni James at tumayo. Isinayaw siya ni James sinunod niya lang ang sabi nito. Habang sumasayaw sila parang pakiramdam niya sila lang ang taong naroroon. Nagkakaroon sila ng sarili nilang mundo.

“Fretzie, meron akong itatanong sayo?” sambit ni James.

“Ano ba iyong itatanong mo sa akin?” nakangiting sagot nito.

“Gusto kong gawin sa ayos ang lahat. Pwede ba kitang ligawan?” nakatingin si James kay Fretzie. Nabigla si Fretzie sa tanong ni James.

Tinititigan siya ni James na tila hinihintay ang kasagutan niya. “kailangan ba ng permiso? Pwede ka namang manligaw kahit hindi nagpapaalam?” nanunuksong wika ni Fretzie.

Sumeryoso ang mukha ni Fretzie at tinititigan niya si James sa mata. “Oo, pumapayag ako.”

Hindi napigilan ni James ang kanyang sarili nayakapin ng mahigpit si Fretzie sa sobrang kagalakan. Saksi ang lahat ng tao naroroon sa restaurant kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa.

Pagkalipas ng dalawang buwan ay sinagot na ni Fretzie si James. Labis na kasayahan ang nadarama ni James ng araw na iyon. Sinagot siya ni Fretzie sa may amusement park ang lugar kung saan na nagbigay ng masasayang alaala at hindi makakalimutang pangyayari sa kanilang dalawa.

Susunduin ni James  si Fretzie sa kanyang bahay nagkataon kasi na walang pasok noong araw na iyon at para celebrate nila ang kanilang 2nd monthsary. Pagbaba niya sa kanyang kotse niya ay tanaw na tanaw niya si Fretzie na naghihintay sa  may gate. Kinuha niya ang dala niyang bulaklak at lumapit kay Fretzie

“Charming Zie, happy 2nd monthsary.” Bati niya kay Fretzie at hinalikan sa pisngi nito.

“Happy 2nd monthsary, Rj.” Nakangiting tugon niya dito.

“Para nga pala sayo.” Sabay bigay ni James kay Fretzie ang dala-dala niyang bulaklak.

“Salamat, Rj. Ang ganda naman ng mga bulaklak.” Puri ni Fretzie sa mga bulaklak.

“Mabuti naman at nagustuhan mo.”

“Rj, pumasok ka muna sa loob. Magbibihis lang ako.” Sambit ni Fretzie sa kanya.

papasok na sila sa bahay nang  mag-ring iyong cellphone ni James. “Charming Zie, sasagutin ko muna to. Mauna ka na sa loob.” Tumango lang si Fretzie at pumasok na sa loob.

Sinagot ni James ang tawag at pinakinggan niya ang sinasabi ng tumatawag sa kanya. Biglang nawala ang ngiti sa labi ni James. Kung saan na maayos na ang lahat ay may panibagong problema na naman na dumating.

Anong gagawin niya ngayon?

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

5.5K 62 18
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
36.6K 1.3K 98
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...