Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy)...

By YorTzekai

561K 13.7K 1.2K

BOYXBOY YAOI BROMANCE - Si Khalil Pantoja ay isang probinsyano,nakatira sa isang probinsya sa north cebu,ang... More

Pangarap Ko'y Ikaw
01. Khalil > The good gay :)
02. Sad Goodbye >
03. The Housemates >
04. The Boys! One by one >
05. Movie & Jai > First day!
06. Instant Sikat! >
07. Crayon the new guy! And the offer!
08. Desisyon!
09. Bagong bahay! Bagong tukso!
10. First day with Flexter!
11. First time with Cross!
12. Gabi ng Kilig!
14. Ulan! Halik! Desisyon!
15. Sweet Escape!
16. Cant fight this feeling.
17. Labad sa ulo!
18. Plaza Independencia!
19. Undecided : Unexpected!
20. Pagbabalik sa maynila!
21. MAGKABILANG MUNDO a collab with ElixirJohn!
22. ANG LALAKI SA DAGAT a collab with @agentbreak
23. Pagtalikod!
24. Cross my heart!
25. Two become One!
26. Ang muling pagkikita!
27. Unexpected event
28. Dilemma : Pagsisisi
29. PRE FINALE: Forgiveness and Letting Go!
30. WAKAS: Pangarap ko'y Ikaw
EPILOGUE

13. Paghaharap : Pag amin!

17.6K 463 63
By YorTzekai

Nandito lang ako sa loob ng kotse ni Flexter. Huwag daw akong lalabas dahil baka pag initan daw ako nina Hugo at Janna. May shooting na naman kasi sila. Natakot nga ako eh,naalala ko nung una,inaway,nilait at minaliit ako ng mga yon. Basta ang sabi ni Flexter,pag nandyan ang dalawa huwag ako magpapakita.

Ayos naman ako dito sa loob ng kotse. Mula dito ay tanaw ko ang mga staff,crew at ibang artista habang may kinukuhaang eksena. Si Flexter at yong isang bago ring artistang lalake na gumaganap na kapatid nya.

Muli kong ibinaling ang pansin ko sa phone ko. Katatapos ko lang makausap ang pamilya ko,tinawagan ko sila kasi nagpadala ako kahapon ng pera. Nakakahiya nga dahil dinagdagan ni Flexter,pa-unang bayad daw. At ngayon nga wala ng magawa. Ka-text ko lang yung lima. Nakakapagod nga silang sagutin isa-isa sa text. Naisip ko tuloy kung nakakapagtrabaho pa ba sila ng maayos?

From: Crayon kulit

San ka?

To : Crayon kulit

Dto sa may shangrila ata? Dto shooting nina Flexter eh,sa labas.

From: Crayon kulit

Okay :-P

Huh? Hirap din spellingin ng makulit na to eh. Wala talaga silang pinagkaiba ni Jai. Yon nga lang,mas malambing si Jai. Tanda ko pa yung dinalhan nya ako ng pagkain,tapos nanood hanggang makatulog ako sa takot. Pag gising ko magkayakap kami. Hiyang hiya ako nun tapos nakita kami ni Cross.

Si Cross.. Ano kayang ibig nyang sabihin dun sa sinabi nya? Sobrang seryoso nya,sala sa init sala sa lamig. Ang hirap nya intindihin,pero aaminin ko,ang saya ko nung nagka ayos na kami. Ganon pala ang totoong Cross. Haaay! Nagtetext nga sya at katext ko din ngayon pero hindi na nya ulit nabanggit yon. Pasagdi-i (Hayaan) na nga lang. Basta masaya ako nung gabing yon,si Flexter kase eh ang sweet.

Si Flexter,hayun! Hindi ako pinatulog nung gabing yon. Dati kalabog sa dibdib lang ang naidudulot nya sa akin pati panginginig ng kalamnan at panlalambot ng tuhod. Ngayon iba na,dun ko lang naranasan yong nag uumapaw na saya at kilig. Hindi ko makalimutan nung niyakap nya ako,ang sarap sa pakiramdam! Tapos nung ginagamot nya mga galos ko,ang lambing nya sobra. Haaay! Pangarap ko talaga sya. Sana magustuhan din nya ako kahit sa tingin ko ay napaka imposible.

Natigil ako sa pagmumuni-muni ng may kumatok sa bintana ng kotse. Paglingon ko,si Janna. Natakot ako,hindi ko alam kung pagbubuksan ko ba sya o hindi. Pero wala syang tigil sa kaka-katok kaya nagpasya akong buksan na at lumabas.

"Sa wakas! Akala ko magkukulong ka dyan eh,ano pakiramdam ng nakakasakay sa kotse?" ang taas kilay nitong sabi kaya napalunok ako ng laway.

"M-maam Janna."

"Eewww! Anong ginawa mo kay Flexter? Bakit sya nagkaganyan? Kinulam mo sya no?"

"Po? Hindi p--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinampal nya ako ng napakalakas. Para akong nabingi,parang nangapal ang kanan kong pisngi. Hindi ako makapaniwala na na sampal ako. Hindi pa ako sinasaktan nina Nanay at Tatay kahit kailan.

"Layuan mo si Flexter! Akin sya! Kilala ko ang mga katulad mo,basurang bading na patay na patay kay Flexter tapos huhuthutan ng pera!" ang galit na galit na sigaw ni Janna na halos magpatalon sa akin.

"Hindi po totoo yan maam" ang naiiyak ko ng sabi.

"O kaya blinackmail mo sya ano? Alam mo bang dahil sayo,hindi sya makapag trabaho ng matino? Iniisip daw nya kung ayos ka lang dito. Pati sa eksena nila kanina pangalan mo ang binanggit nya!" singhal pa uli nya. Napanganga ako at nanlaki ang mga mata ko.

Pangalan ko nabanggit nya? Iniisip nya ako? Totoo kaya yon?

"Layuan mo sya at bumalik ka sa basurahang pinanggalingan mo! Sinisira mo trabaho nya! Sinisira mo relasyon namin!" at bago pa ako makapag reak ay nahablot na nya ang medyo may kahabaan ko ng buhok. Halos matuklap na ang anit ko,sobrang sakit. Hindi ko magawang lumaban dahil hindi ako nakikipag away sa babae,at isa pa,artista sya,sya ang papaniwalaan ng mga tao.

Maya maya pa ay napabitaw sya. May humila sa akin at tinulak sya.

"Anong karapatan mo para saktan ang mahal ko?!" napalingon ako sa humila sa akin. Si Crayon,nagtatagis ang mga bagang at nag aapoy ang mga mata sa galit.

Napatingin ako sa paligid,madami ng nakapansin at nanonood. Hingal na hingal si Janna. Nakita kong nagmamadaling lumapit si Flexter kasama ang ibang artista at mga staff,lumapit din si Hugo na tinitingnan ako ng masama.

Pero teka? Totoo ba narinig kong sinabi ni Crayon? Mahal nya ako?

"Yuck! Nakakadiri! Isa ka pang nauto ng basurang baklang yan!." sigaw ni Janna. Hinapit ako ni Crayon at niyakap. Napaiyak na lang ako sa dibdib nya.

"Wala kang karapatang magsalita ng ganyan sa kanya. Dahil ikaw ang basura,umaalingasaw mula sa bunganga mo!" sagot ni Crayon. Natigilan si Janna.

"Ikaw na naman? How pathetic." ani Hugo.

"Janna? Khalil? Anong nangyayari dito?" agad na sabi ni Flexter ng makalapit. Kita ko sa dulo ng mga mata nya na nakatitig sya sa akin. Ayokong gumalaw,kumikirot ang ulo ko at mahapdi ang mukha ko,baka nakalmot ako ni Janna sa mukha ng hindi ko namamalayan.

"Yan! Yang baklang yan at ang lalaking yan! Bigla akong inaway! Kung anu-ano ang sinabi kaya hindi ko napigilan ang sarili kong saktan sya!" ang biglang humahagulhol na sabi ni Janna. Nagulat ako sa inakto nya at sinabi nya.

"Artista ka nga." ang nang uuyam na sabi ni Crayon at inalalayan ako papunta sa likod nya. Pero nakatingin pa din ako.

"Khalil ano to? Diba sabi ko sayo huwag kang lalabas? Tingnan mo,pinagtitinginan na tayo,pinahiya mo ako." sabi ni Flexter. Sa narinig ko ay kumirot ang dibdib ko at lalong napaiyak. Nilaglag nya ako,hindi nya ako pinagtanggol,kahihiyan ako para sa kanya. Hindi totoo yung pinakita at pinaramdam nya sa akin ng gabing iyon. Ang sakit pala.

"Ayusin nyo yan. Gahol na sa oras Flexter,marami pang eksena na kukunan." sabi nung direktor at umalis. Sumunod sina Hugo at Janna na nginisihan ako. Ngayon lang gumapang ang galit sa akin. Hindi ako marunong magalit pero ngayon lang. Sobra na kasi eh.

"Bumalik ka na sa kotse Khalil." seryosong sabi ni Flexter na hindi talaga pinapansin si Crayon.

"Hindi na sasama sayo si Khalil. Babawiin ko na sya." matigas na sabi ni Crayon. Napasinghap ako. Hindi ko gusto ang pakiramdam na mag aaway sila dahil sa akin.

"What? Are you kidding me? Akin sya,pag aari ko sya." nakangising sabi ni Flexter,kasabay nun ang pagkislapan ng mga camera. Ang dami na palang nanonood talaga at may mga media na.

"Kelan mo pa naging pag aari si Khalil? Hindi mo naman sya pinapahalagahan at inaalila mo lang sya,dahil sa walang kwenta mong rason. Youre such a mess Flexter. Basta,iuuwi ko na samin si Khalil at hindi mo na sya masasaktan pa." mahaba at matapang na sagot ni Crayon,natatakot na ako sa kung anong pwedeng mangyari sa palitan nila ng salita. At alam ko,mamaya lang ay maibabalita na ito sa Tv.

"You cant do that. Sa akin uuwi si Khalil,hindi ko pa tinatapos ang sa amin. Babawiin mo sya? Says who?" ang inis ng sabi ni Flexter,ang gwapo nyang mukha ay mababakasan na ng pagka inis at pagka irita.

"Says us." nagulat kami pare-pareho sa nagsalita. Nagtagis ang mga bagang ni Flexter at naikuyom nya ang kanyang mga kamao.

Nilingon ko kung sinong nagsalita. Si Cross! Kasama si Japhet,Aya at Jai.

Hinila ako ni Crayon palapit sa apat. Mas namuo ang tensyon,parang ako ang hindi makahinga,ni hindi ko magawang ibuka ang bibig ko at magsalita.

"Mula sa araw na to,tapos na ang pagbabayad ni Khalil ng utang sayo. Binabawi ko na sya." ani Cross at nakipagtitigan ng masama kay Flexter.

"Abangan mo na lang sa bank account mo ang kabayaran. Hindi na kami makakapayag pa sa ginagawa mo." ani Aya.

"At pwede ba? Maghanap ka ng ibang paglalaruan! Hindi laruan si Khalil." sabat ni Japhet.

"Huwag kang susunod! Nanggigil na talaga ako sayo nung una palang. Babasagin ko talaga mukha mo!" sigaw ni Jai at hinila na ako papunta sa kotse ni Crayon. Sumunod na din sila. Habang naglalakad ay dinig na dinig ko ang mga pinag uusapan ng tao. Galit sila sa akin.

Hindi ko naman ginusto to. Hindi ko naman sinadya ang lahat ng ito. Hindi ko hiniling ito. Nangarap lang naman ako at ng may pagkakataon ay sinunggaban ko. Pero wala akong ginagawang masama. Nagmahal lang naman ako. Pero sa palagay ko. Sa maling tao. At ngayon,nakaladkad na ang pangalan ko,pinag uusapan na ng buong pilipinas ang nagawa ko. Simple lang naman ang gusto ko at hindi naman sobra-sobra ang ginusto ko. Pero bakit sobrang baba naman ata ng binalik sa akin? Inalipusta,inapi,nilait at sinaktan na nga ako ng pisikal at emosyonal pero ito pa ang natanggap ko.

"KHALIIIILL!!" sigaw iyon ni Flexter. Pinahid ko ang mga luha ko at humarap.

"Huwag kang umalis please? Kailangan kita!" ang sigaw nya ulit. Parang tinutusok ng libu-libong karayom ang puso ko. Pero tama na. Gusto ko ng bumalik sa simpleng buhay.

Umiling lang ako at tinalikuran sya. Nasa kotse na sina Jai,Aya,Crayon at Japhet.

Inakbayan ako ni Cross at hinapit pa palapit sa kanya habang naglalakad papunta sa kotse.

"Hindi kana masasaktan pa. Hindi kita hahayaang masaktan pa." sabi nya bago pumasok sa kotse.

Ng makauwi kami ay tulala na ako. Ang dami ko ng iniisip. Parang puputok na ang utak ko at gusto ko na lang magpahinga. Sobra na ang nangyari ngayong araw.

"Gagamutin na kita. Nga pala,umalis ulit si Cross may pupuntahan daw." ani Crayon at tumabi sa akin dala ang mga panggamot. Napatitig ako sa kanya. Naaalala ko ang sinabi nya kanina. Mahal daw nya ako.

"Tsk tsk! Halimaw yung babaeng iyon. Sinugatan pa mukha ng mahal ko." mahinang sabi ni Crayon habang ginagamot mga galos at kalmot sa mukha ko. Hindi ko alam kung totoo iyon,o biro,hindi ko alam kung sarili nya ba kinakausap nya o sadyang pinaparinig nya sa akin. Pero nararamdaman ko na ngayon na may nararamdaman sya sa akin dahil sa maingat at buong pag aalala nyang pang gagamot.

Kung sana ganito din si Flexter ka deretso magmahal,masaya siguro ako. Tanga lang talaga na nangarap ako at umasa sa mga pinapakita at pinaparamdam nya.

At si Cross. Nakaramdam ako ng pagmamahal sa kanya kanina,iba,parang tulad nung magkasama kami. Hay,eto na naman ako sa mga iniisip ko. Ayoko na. Magmumukha na naman akong tanga. Pero nasan sya? San sya nagpunta?

"Khalil,naayos ko na ang dati mong kwarto. Dun ka na ulit." ang nakangiting sabi ni Japhet pagkababa sa hagdan.

"Tara ng kumain,nakapagluto na ako. Khalil halika na." tawag ni Aya mula sa kusina.

Tatayo na sana kami ng kumakaripas na bumaba sa hagdan si Jaii.

"Tumawag si Ate Emi. Iinterviewhin daw ng magkasunod sina Flexter at Janna tungkol sa nangyari kanina." anito sabay bukas ng Tv at inilipat dun sa istasyong sinasabi.

Lahat kami napatutok ang mukha sa Tv,si Aya ay lumapit na din.

"Janna. Totoo bang ikaw daw ang nanakit don sa PA ni Flexter? Dahil di umano ay pinagseselosan mo ito? Kaya nilait mo din?"

Saglit na tumahimik si Janna. Ngumiti at sumagot.

"Oo tito boy,pinagseselosan ka sya. Hindi sya bagay kay Flexter." sagot nito. Napanganga talaga ako sa napapanood ko. Pinagseselosan nya ako ng walang ebidensya? Tsaka bakla ako,bakit nya ako pagseselosan? Kaya ganun na lang ang ginawa nya?

Halatang nagulat at saglit na nadissapoint ang host sa sagot nito.

"Janna,alam mong sa industriyang ito ay hindi maganda ang ganyan. At sa palagay mo,tama bang pagselosan ang isang binabae?"

"Im just being true with my feelings tito boy. Yun na nga po,binabae sya kaya huwag syang mangarap ng mataas. Im sorry tito boy sa mga nasasabi ko pero sa palagay ko tama ako,sinisira nya kasi si Flexter at ang nagsisimula pa lang naming relasyon. Pag PA dapat,hanggang doon lamang,hindi ko maintindihan kung kinulam nya si Flexter or what." mahabang sabi nito. Naiinis ako! Parang gusto ko dukutin ang mukha nya mula sa Tv.

"Such a good liar and story teller tsk tsk." komento ni Aya.

"Maraming salamat Janna sa iyong panahon,hiling namin na maayos pa ang mga bagay bagay. At sa ating pagbabalik,ekslusibong panayam kay Flexter Tuazon Live! Sa pagbabalik ng.."

"The buzz!" ang naka ngiting sabi ni Janna at nag commercial na. Napa buntong hininga ako.

"Kumain na kaya tayo? Lumalamig na ang kanin! Gutom na si Khalil." ani Crayon.

"Oo nga. Tara na Khalil at kumain muna,diba sabi ko sayo ayokong nagugutom ka." sabi naman ni Jai.

"Mamaya na lang,tapusin ko lang ang pinapanood natin." walang gana kong sabi.

"Sshh! Ayan na." pagsuway ni Japhet at tumutok ulit kami sa Tv.

"Kanina ay nakausap natin si Janna at mabigat at mapait ang mga binitawan nyang salita patungkol sa PA ni Flexter na inaway nya at sinaktdan dahil di umano ay nagseselos sya at ayaw nyang masira ang career ni Flexter at nagsisimula pa lamang na relasyon nila. Flexter,deretsuhang mga tanong. May dapat nga ba pagselosan si Janna sa PA mong binabae? Dinig na dinig ng lahat ang mga sinabi mo kanina sa confrontation nyo ng mga kaibigan nya,may relasyon ba kayo?"

Tumingin si Flexter sa camera,huminga ng malalim at saka nagsalita.

"Opo tito boy,may basehan ang pagseselos ni Janna sa PA kong si Khalil."

Natigilan ang host ng ilang saglit bago nagtanong ulit. Maging ako ay ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako sa sasabihin nya.

"Nakakagulat ang sagot mo,may kinalaman ba ito sa mga makahulugan mong salita sa lugar ng pinangyarihan,Flexter?"

"Opo tito Boy. Mahal ko ang PA ko. Mahal na mahal ko si Khalil Pantoja."

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 42.6K 44
Playboy Series #1: M-PREG Dahil sa sobrang pagmamahal ni Kenjie kay Zedric ay nagawa niyang ibigay ang sarili sa binata. Ngunit sa hindi inaasahang p...
2.9M 107K 57
Samantha Laurent, a homophobic bitch. 33 years old. She owns various business. Malaki ang galit nya sa mga babaeng pumapatol din sa kanyang kapwa. A...
1.9M 58.7K 30
~ COMPLETED ~ Side Story 2 of Sweet Surrender 🦋 Started: October 23, 2021 Ended: March 05, 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
3.4M 60.5K 56
[Received Wattpad's Most-Read Milestone]