FIELD TRIP

Da cupcakegalaxyy

177K 3.7K 370

Field Trip ⓒ cupcakegalaxyy All Rights Reserved 2014 Altro

Field Trip
Chapter 1 - The Beginning
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Note -
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
A/N
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Please read.
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 - Field trip
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
ATTENTION!
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37 - She
ATTENTION
Chapter 38 - Revelation

Chapter 34

1.5K 37 5
Da cupcakegalaxyy




Chapter 34



Prince's POV




Oh, God.




Ano nangyari sa kanila?





"Wala pa rin po bang balita?" Tanong ni mama sa mga pulis.





Kasama ko ngayon si mama at si Angeli. Mahigit tatlong na oras na kaming nandito sa presinto pero wala pa ring balita. Diyos ko, ano na nangyari sa kapatid ko?





"Pasensya na po pero kasalukuyan pa rin namin silang hinahanap. Wala pa pong nababanggit ang aming rescue team. Pasensya na po pero kailangan pa rin po nating maghintay." Sabi ng isang pulis. Nung marinig iyon ni mama at ni Angeli, napaiyak silang dalawa.





Para kaming pinagbagsakan ng langit at lupa. Bakit? Bakit kailangang mangyari sa kanila ito?





Ano bang pwede kong gawin?





Napatingin ako kina mama.





May bigla akong naisip.





"Ma, sumama kayo sa akin" Sabi ko.




"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Angeli. Inayos ko yung gamit ko.




"Kung wala pa rin silang balita, tayo ang susunod doon" Sabi ko. Napatahimik silang dalawa. Inisip nila yung sinabi ko.




Tumango naman si mama. At biglang tumayo sa kinauupuan niya. Ganon rin si Angeli.




"Tara na" Sabi ko.





Ate, hintayin mo kami.





Francis' POV





"Malapit na ba tayo?" Tanong ko kay Belle.





Medyo malayo na yung nilakad namin. Nakakaramdam na rin ako ng pagod pero sa tuwing maaalala ko si Gayle, parang nagkakaroon ako ng lakas. Kailangan ko makita ang barkada. Kailangan ko siya makita.




"Malapit na." Sabi nito sa akin.




Sinundan namin yung riles hanggang sa matanaw ko na yung bus. Napatakbo ako bigla.




"Francis!" Pag tawag ni Belle pero hindi ko ito nilingon.




Ginapang ng kaba ang aking dibdib. Bawat pagtibok nito ay palakas ng palakas. Pagkalapit na pagkalapit ko ay masangsang na amoy agad ang sumalubong sa akin. Tinaasan ako ng balahibo sa nakita ko. Napahawak ako bigla sa aking bibig. Bakit? Bakit ba nangyari sa amin to?





Parang napako sa lupa ang mga paa ko. Hindi ko ito maigalaw. Bigla na lamang nangilid yung luha sa aking mga mata.





"Francis naman! Bakit mo ba ko iniwan agad paano kung napano k--" Napatigil siya sa pagsasalita nung makita niya na umiiyak ako.




"Francis" Nilakasan ko ang loob ko at lumakad papunta doon sa bus. Naiwan si Belle dun na nakatayo lang. Pinapanood ang bawat galaw ko. Iniwas ko ang tingin ko nung makita ko ang nasa loob ng bus. Maraming bangkay. Pinigilan ko na masuka. Inisip ko na lang si Gayle.




Hinanap ko sila sa mga patong patong na bangkay.




"Gayle!" Sigaw ko.




"Gayle?! Na saan ka?" Sigaw ko muli.




Kahit sukang suka na ko sa nakikita ko ay pinilit ko pa rin silang hanapin.




"Gayle?"




"Gayle kung nandito ka please sumagot ka." Sigaw ko.




Hinanap ko siya sa mga bangkay na nandoon pero wala maging ang barkada ay hindi ko makita.




"Na saan na kayo?" Sigaw ko muli. At gaya ng nangyari, walang sumagot.




Napahilamos ako sa aking mukha.




"Tang*na" I cursed. Napaluha pa ako lalo. 




Lumapit sa akin si Belle.





Wala sila dito.





Where the hell are they?




"Francis, hindi ka kase nakikinig e . Imbis na nakalayo na tayo dito. Yung napagusapan natin. Sinabi ko na sayo. Wala sila dito. Habang maaga pa, umalis na tayo. Halika na." Sabi ni Belle sa akin.




"Belle, nung nakita mo ako dito? Hindi mo ba sila napansin man lang?" Tanong ko sa kanya.





Sobrang nafu-frustrate na ko.





"H-Hindi. Wala sila dito. Nakita lang kitang nakahiga dyan sa sahig." Sabi niya.





Imposible. Bakit naman sila mawawala? Kahit sabihin ko na kung namatay man sila, sana nandito sila.





Tumahimik bigla.





"Baka iniwan ka na nila, Francis" Sabi ni Belle.




Napatingin ako sa kanya.





"Hindi nila gagawin iyon" Sabi ko. Napaupo ako.





"Pero naiwan ka rito. Wala ni isa sa kanila ang nandito hindi ba? Ako lang ang kasama mo. Hindi pa ba sapat iyon para malaman mo na iniwan ka na nila?" Sabi niya. Napantig yung tenga ko sa sinabi niya.




"Bakit ba ipinagpipilitan mo na iniwan nila ko ha?" Sabi ko. Napatigil siya sa sinabi ko. Nakita ko rin na parang iiyak na siya.




Doon ko narealize na parang sumobra na ko. Naging selfish ako.




"Belle." Pagtawag ko sa kanya. Bigla na siyang napaluha.





"Look, I'm sorry" Sabi ko. Bigla niya akong nilapitan ang hinagkan ako.





"Kung iniwan ka nila, ako nandito pa." Sabi niya. Ayoko mang tanggapin pero parang unti unti kong naiisip na baka nga iniwan na nila ko. Naiisip ko yung mga ginawa ko kay Gayle. Baka nga ito na yung karma ko. Baka nga iniwan na nila ako.





Humarap siya sa akin at tinignan ako sa mata. "Umalis na tayo dito, Francis" Sabi niya.





Wala sa sarili akong tumango sa sinabi niya. Tinulungan niya akong makatayo. "Tara na, Francis" Sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula na siyang maglakad. Hinayaan ko na lang ang sarili ko na magpadala sa kanya.





"Francis!" Bigla akong napalingon nung may ibang boses na tumawag sa akin at ganun rin si Belle.






Nagulat ako nung makita ko siya.






"Huwag kang sumama sa bruhang iyan!" Sigaw ni Princess.


Continua a leggere

Ti piacerà anche

1.9M 103K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
2.4M 87.9K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
331K 21.7K 63
An Epistolary Horror ✉ | When her best friend starts seeing an old lady outside her window every two in the morning, Marla takes it upon herself to s...
66.5K 5.3K 52
Isang sikat na horror and suspense writer si Junica. Pero mula nang mangyari ang isang aksidente ay nahirapan na siyang bumalik sa pagsusulat. Wala...