FIELD TRIP

By cupcakegalaxyy

177K 3.7K 370

Field Trip ⓒ cupcakegalaxyy All Rights Reserved 2014 More

Field Trip
Chapter 1 - The Beginning
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Note -
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
A/N
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Please read.
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 - Field trip
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
ATTENTION!
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37 - She
ATTENTION
Chapter 38 - Revelation

Chapter 3

7.1K 161 20
By cupcakegalaxyy



Chapter 3




Gayle's POV




"Francis, ikaw ba yun?" Anong you're next? s-sino yun? "Ha? napapano ka Gayle? Eh hindi nga ko nagsasalita?" Shit.




"Walanya ka Francis ha 'wag mo kong pagtitripan" Sabi ko.



"Grabe ka! bakit kita pagtitripan? Galing ka na nga ng clinic e pagti-tripan pa kita?" Bigla na lang akong napaisip. Kung ganoon, ano yung narinig ko? Bigla na lamang akong tinaasan ng balahibo.



"Are you sure? I heard someone saying 'you're next' a-and then I saw this below my necklace " Kinuha ko yung letter. Nakita kong parang nagalit siya nang mabasa niya ang letter. "Baka mga nantitrip lang."



"Eh sino namang mantitrip sa akin? Ako lang naman ang tumatambay dyan sa puno e pati ang barkada." Sabi ko. Tsaka alam kong bawal dito sa school ang pambubully. Paano niya rin nalaman na akin 'yung necklace? "Baka yung mga bata na gala ng gala dito?"



Wait. B-bata? Bigla na lamang akong may naalala. "No. Do you still remember my dream?" Nanginginig na ko sa takot. Bigla niya akong dinaluhan. Hindi. Bumalik ulit sa akin lahat. H-Hindi 'yun totoo.




"Gayle kung sino man yun, hindi-hinding ka niya magagalaw. Dadaan muna siya sakin. Hindi kita pababayaan, I will always be here." Yung mga salita niya... At ang kanyang mga ngiting sobrang amo. Iyon lamang ang makita ko ay gagaan na ang aking pakiramdam.




Hindi ko naman itatanggi na mahal ko si Francis. Three years niya na akong nililigawan. Hindi ko man maiparamdam lagi sa kanya pero totoo itong nararamdaman ko sa kanya.




"Francis?" Pagtawag ko sa kanya.




"Bakit?" Tugon nito.




"I love you" Sabi ko ng medyo mahina.




"Ano Gayle? sorry hindi  ko marinig" Mabuti na lamang at hindi niya narinig. "Wala." Sabi ko atsaka ngumiti. "Ano nga kasi? Gwapo ako? Oo alam ko na 'yun" Hinagod niya pa ang kanyang buhok paitaas at saka ako kinindatan. Ang hangin ah? Napainling na lamang ako. "Shunga ang sabi ko, 'I love you'. " Tuloy tuloy na sabi ko.




Teka? sinabi ko bang I love you? Napahawak ako sa aking bibig. Kulang na lamang ay sampalin ko ang sarili ko. Bakit ko sinabi 'yun? Nadulas ako. Natahimik kami bigla. Nabalot ng kaba ang aking dibdib.



"Ibig sabihin, tayo na?" Sabi niya na may mapaglarong ngisi. "Ayoko nga" Sabi ko sa kanya and i find it cute kasi biglang siyang sumimangot. Three years siyang nagtiyaga na hintayin ako. Napatunayan ko na rin na deserving siya. Ngayon mahal ko siya at handa na ko. "Just joking. Yes. boyfriend na kita." Di parin siya kumikibo. Hindi ko alam kung narinig niya ba talaga o hindi.



"Oh anong problema mo?" tanong ko.



"Ikaw. Akala ko kasi sasagutin mo na ko" timang ba 'to? "Hindi mo ba ko narinig?" Naguguluhang tanong ko. "Hinsi kasi" Nagpipigil talaga ko ng tawa. Napahawak ako sa aking bibig upang pigilan ang aking pagtawa.  Hindi niya ata narinig.



"Huh? You misuderstand everything." sabi ko.



"Kasi ang tagal tagal ko ng nanliliga---" Natigilan ito. "Tama ba yun? Girlfriend na kita?" Nagulat niyang tanong. Hindi ko na napigilan at tumawa na ako ng malakas.



"Paulit-ulit? Gusto mo bawiin k--"



"Gayle, di mo alam kung gano ko kasaya. Mahal na mahal kita. Thank you." Niyakap niya ko. Binuhat pa ko at pinaikot-ikot.



"Mahal na mahal din kita" Sabi ko. Habang malakas pa ring tumatawa.



Abot tenga talaga ang ngiti niya. "World! Meet my girlfriend! " Sigaw niya.



Kami na. Medyo natatawa pa ko kasi ang slow niya kanina. Nagdeath-glare naman siya pero kinurot ko nalang yung pisngi niya.



Pero hindi parin mawala sa isip ko yung sulat, siguro nga nantitrip lang yun.



Papunta kami sa barkada at biglang nanlaki yung mata nila. Bakit anong meron?



"Bakit?" Tanong ko.



Tapos itinuro nila ang kamay namin ni Francis. Sobrang higpit ang pagkakahawak ng kamay niya sa aking mga kamay at sobrang lapad ang kanyang ngisi.



"Ah eto ba?" Sabi ni Francis at itinaas ang aming kamay. Bigla niyang hinalikan ang kamay ko. Lalong nagulat ang tropa. "Kami na eh" sabay ngiti muli ng sobrang tamis.




"Yun oh!" Sigaw nila at naghiyawan pa. Eto talaga si Francis eh sinabi agad sa kanila. Proud boyfriend?




"Congrats sa inyo"



"Stay strong" Bati nila.



"Tara na't 4:25 pm na. Rereview pa tayo oy." Sabi ko at ayun sumakay na kami sa kotse. Magkatabi kami ngayon ni Francis. Hawak niya pa rin ang aking kamay. Yung hawak niya parang ayaw na ko bitawan. Lihim akong napangiti.



Napatingin na lang ako bigla sa bintana. Sa malayo may nakita akong bata. Tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan. Shit. Siya 'yun. Yung bata sa panaginip ko. Yung batang lalaki. May hawak itong papel. Na may nakasulat.




"You're Next"

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 106K 44
[REVISED] They thought it was over, little do they know, it was only the beginning.
117K 9K 14
Bembiehyehohyehohyehohyeh~ WALANG SAYSAY ITO, KUNG AKO SA'YO HUWAG MO NALANG BASAHIN.
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
302 58 22
A fanfic of Anda Anunta and Lookkaew Kamollak